Kabanata 91

38 4 0
                                    

KABANATA 91.. 

         YUMUKO si Ersyia nang makita niya ang seryuso na mukha ni Nichollo sapalagay niya nakaharap siya ngayon sa Princepe Nikullas . Walang bakas na emosyon at kalmado ang mukha habang matiim na tumingin sa kaniya.  Iniiwasan niya ito, lahat naman ang ginawa ni Nichollo sa kaniya pero wala siyang tiwala sa nakikita niya at pinaparamdam niya . Alam niyang si Vir—..

Agad na sinapo niya ang dibdib niya ng bigla itong kumislop ng mabilis sa simpleng pag-hawak nito sa braso niya . Kinakapos siya ng hininga, tila ayaw gumalaw ang katawan niya .

" Kausapin mona ako, ers . Ano ba ang ginawa ko ? tungkol naman ba ito kay vir—"

Napaatras siya ditong sinapo ang dibdib niya .

Nagmamakaawa ang mukha ni Nichollo sa kaniya " w--ala, walang kang g--inawa " nauutal na ani niya . Pinikit niya ang mata niya at gusto kastiguhin ang sarili niya .

Narinig niya ang pag-buntong hininga ni Nichollo, tila ang bigat nun . Nasosobrahan na ba ang ginawa niya dito ? hirap na hirap ang bawat tingin nito sa kaniya .

" Hindi na kita maintindihan eh, bigla-bigla mo nalang ako tinatalikuran at hindi pinapansin . Ano sapalagay mo sa akin, ers ? kakausapin mo lang ako kung kailan gusto mo tapos wala na, dinadaanan mo lang ako, tinatalikuran at tinataboy.  Kakausapin mo si hiriku kung lalapitan kita, nagtutulogan ka kapag pumunta ako sa silid mo . May ginawa ba ako para gawin mo sa akin to ? dahil sa totoo lang ers nagmumukha na akong tanga para makuha ang atensyon mo . " malungkot at mahina ang bawat salita ni nichollo . Bigla siya nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa niya dito .

Gusto lang naman niya lumayo saglit. Mali ba iyon ? ..

Tumalikod si Nichollo sa kaniya at doon niya naramdaman ang pag-sikip ng dibdib niya.  Ano ba ang ginagawa ko ? gusto ko lumayo pero bakit nasasaktan ako ?

" Kung handa kana kausapin ako nasa silid lang ako . Kung ayaw mo . Sige, naintindihan kita pero sana hindi mo ako hinayaan ers . Baka sakali mapigilan ko pa ang naramdaman ko " pagkatapos sabihin iyon ay walang lingon na umalis na ito .

Naka-tingin lang si Ersyia sa papalayong Nichollo . An—ong ? anong ibig niyang sabihin ? Puno ng pagtataka ang isip ni Ersyia sa huling sinabi ni Nichollo, mas lalo siyang naguguluhan . Nakakasakit na ba ako ? katulad ng ginawa ko sa ama ko ?

Napabalik sa katinuan ang isip niya ng may tumapik sa balikat niya . Namilog ang mata niya ng makita si Ate Argara .

" At—"

Matiim na tumingin ito sa kaniya " hindi maganda kapag nagalit si Nikullas, ers at alam kung ganun rin si nichollo . Wag mo siyang bigyan ng paraan na ilabas iyon, ers . " mahina na sambit ni ate Argara .

Yumuko si Ersyia dito .

" Pasensi—"

" Wag mo siyang saktan, mahal ko ang anak ko ers.  Nakita ko ang tamlay sa mukha nito sa ginawa mo, hindi na siya sumasabay sa inyo " dugtong nito nang putulin niya ang sasabihin nito .

Ngumiti sa kaniya si Ate Argara " Babalik na si Louis kasama si luxe " tinakpan ni ate argara ang bibig niya .

" Shh, sekreto lang natin "

Tumango si Ersyia dito .

" Umalis nga pala si Nichollo at hindi ko alam saan siya pumunta "

Saan iyon pumunta ? sa loob ni ersyia may lumukob na kaba at takot doon . Paano kung makita siya ni brakon at ng mga nykirian ? delikado ang buhay niya, bakit ba iyon umalis ? dahil ba iyon sa kaniya ?

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant