- septième -

1K 36 3
                                    

septième (we met again) -

"Uy, kaibigan! Papasok ka rin pala." narinig kong tinawag ako ni Paris mula sa likuran ko. Kakapasok ko lang mula sa gate ng Bradford.

Nilingon ko siya. "Hi. Oo, friday kasi ngayon at may klase ako. Ikaw ba? Or should I say estudyante ka pala?"

Tumawa lang siya ng tumawa sa sinabi ko. Ako naman ay binibigyan siya ng weird na tingin.

"O-Okay ka lang, Paris?"

"Sorry ha, nakakatawa kasi 'yung tanong mo." tumigil siya sa pagtawa at umayos ng tayo, nakapamulsa naman siya ngayon. "Oo, dyan lang 'yung building ko sa kabila." tapos tinuro niya 'yung Maryknoll Building.

"T-teka, Law School 'yun ha. Are you taking up Bachelor of Laws?" gulat na tanong ko sa kanya.

Parang nahihiya pa siyang tumango. "Yep. Fourth year."

Ako naman 'yung gulat na gulat sa sinagot nya sa akin. "Hindi nga? Law student ka, Paris?" parang elib na elib naman ako sa kanya. E hindi naman kasi halatang nag-aaral siya ng Law sa itsura niya e.

"Oo nga, kaibigan. Mahirap talaga paniwalaan kasi parang gagago-gago lang ako."

"T-talaga? Naku, nasa final year ka na pala e. Galingan mo ha, para maging lawyer ka."

Nag-Mr Pogi sign siya tapos ngumisi. "Oo naman, ako pa ba? O sige na kaibigan, dito na muna ako. Kita na lang mamaya kung magkakasalubong tayo."

Umiba na siya ng way sa akin samantalang ako naman ay tinanguan lang siya. "Sige, bye."

Tinignan ko lang siya habang naglalakad papunta sa Maryknoll Building. Ay grabe, hindi ako makapaniwalang Law student ang isang 'yun. Kung sabagay, pwede rin naman. Maganda ang mga arguments niya nung kasagutan niya 'yung kawayan espasols noong nakaraan. Sorry, ang sama ko ha pero 'yung itsura niya kasi parang hindi pang-lawyer. Mukha talaga siyang happy-go-lucky.

Nagtungo na ako sa classroom, tahimik lang akong nagbabasa ng future lessons namin kasi baka matawag ako para mag-recite tapos baka wala pa akong maisagot, magmukha pa akong katawa-tawa.

Napansin ko na lang na nagsitahimik ang mga kaklase ko, siguro dumating na 'yung prof namin. Pagtingin ko sa platform, na-weirduhan ako sa nakita ko. Parang kilala ko siya.

"Good afternoon, everyone. My name's Lysander Ortega. I'm going to be your Masters professor for Pre-MBA Course, Managerial Statistics."

Shit! Siya nga, 'yung crush ko nung high school! Taga-swimming team lang siya dati na sobrang sikat sa school namin pero ngayon, professor na siya? Seryoso?!

Tinitignan ko siyang mabuti. Nakikita naman niya ako sa peripheral vision niya pero parang hindi niya naman ako nakikilala o napapansin. Well, invinsible naman kasi talaga ako kahit noong High School.

Kung titignan ko si Lyle ngayon, mas gumwapo siya kahit noong seven years ago pa. Mas lumaki ang katawan niya at tumangkad din siya. Seriously? Nag-professor talaga siya?

Mukhang okay namang magturo si Lyle dahil madali ko namang maintindihan 'yung tinuturo niya at para lang siyang nagkukwento unlike 'yung ibang Masters professor namin na nakakaantok mag-discuss at parang nagpi-preach lang.

Natutuwa ako sa kanya kasi ang successful na niya at professional unlike before na parang happy-go-lucky lang siya at athlete sa swimming team. Sana maging katulad din niya ako - confident at matapang sa buhay.

x - - - - - - - - - - x

Mag-isa akong kumakain sa cafeteria. Nakakapagtaka lang kasi hindi ko nakikita si Paris. Sabi niya kasi sa akin madalas siyang pagala-gala dito sa Graduate School at Law School 'pag wala silang klase.

"Hello."

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko sa bumati sa akin at umupo sa tapat ko. Si Lyle!

"Hi po, Mr Ortega." bati ko tapos yumuko ako pagkatapos. Ano'ng ginagawa niya dito?

Tumawa siya ng bahagya. "You looks familiar. Schoolmate ba kita sa Asters Middle School?"

Nakakagulat kasi parang namumukhaan niya ako. Seryoso? Sa invincible kong ito natatandaan niya ako?

Tumango ako. "Opo taga-Arts Special Class ako, sir."

"'Wag mo na ako po-in. Sabi na e. Classmate mo kasi 'yung kapatid ko sa Asters. Pamilyar ka nga sa akin. Good to know you're taking MBA." sabi niya sa akin habang nakangiti. Diyos ko, ano ba 'tong nararamdaman ko. Parang 'yung pagka-crush ko sa kanya seven years ago bumabalik. Ang tayog niya kasi e.

Nginitian ko siya pero alam kong ang awkward ng pagkakangiti ko. "Hmm, kailangan kasi Mr Ortega. Ayun."

"Call me Lyle kung wala tayo sa classroom. And besides no need to feel awkward. Hindi naman ako nangangagat." natawa siya.

Nakitawa na rin ako. Kahit papaano ay nawala ang pagkailang ko sa kanya kasi nahihiya talaga ako. Tignan niyo, naalala niyang classmate ko 'yung kapatid niya nung Middle School kasi nagpapagawa sa akin ng assignment 'yun sa Math at Science. Doon talaga ako nagmamarka sa mga tao, kung hindi ako 'yung tampulan ng asaran, ako 'yung tagagawa ng projects at assignments nila.

"O-okay lang bang tawagin kitang Lyle?"

"Oo naman. Basta ba mag-aaral kang mabuti sa klase ko at ipapasa mo e."

Yumuko ako. "Syempre naman. Kailangan ko yatang pumasa sa MBA kahit medyo nangangapa ako. Ay teka, gusto mo ba nito?" in-offer ko sa kanya 'yung kinakain kong yakisoba.

W-in-ave yung kamay niya. "No thanks. Busog ako, papunta na rin naman ako sa next class ko e." tumayo siya sa kinauupuan niya sa tapat ko.

Nginitian ko siya tapos kinwayan ko. Haay, mabait nga talaga si Lyle. Kahit lumipas ang mga taon, approachable pa rin siya. Parang ang sarap sa pakiramdam na naalala niya ako kahit sa mukha lang pagkatapos ng pitong taon.

x - - - - - - - - - - x

Nagda-drive ako pauwi sa amin mabuti at hindi masyadong traffic. Naka-stop ngayon ang traffic lights. Pakiramdam ko sumakit ng todo 'yung dibdib ko sa nakita ko.  Tumatawid sa pedestrian lane sina Cedric at Andie, masayang naglalakad, naka-holding hands pa.

Nanginginig ang buong kalamnan ko. Parang binubulungan ako ng demonyo na sagasaan sila para makaganti pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong maging mamatay-tao.Hindi nila ako napansin, huh. Nakakainis! Ang kapal talaga ng mukha nilang matapos ng lahat, sila pa din? Nakakasar ang tadhana minsan! Pinamumukha pa akong tanga.

Nang mag-go sign na, pinaharurot ko ang kotse ko. Hindi ako lumiko sa village namin, sa halip ay dire-direcho lang ako at mabilis na nagpatakbo. Hanggang ngayon kasi ay sobrang sakit pa. Halo-halo ang emosyon ko - galit, selos, sakit, lahat na!

Sa gitna ng pagharurot ko sa pagmamaneho, may bigla na lang nag-cut na Mercedes Benz sa tapat ko at tumigil. Damn! Hindi ba marunong mag-menor ang taong 'to? Ni hindi ko nga siya in-overtake-an!

Feeling ko nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko kung sino... si Paris?

"Ano bang problema mo ha?" nabulyawan ko tuloy siya dahil sa galit ko sa nakita ko kanina.

"Oh relax lang kaibigan! Baka mahuli ka ng MMDA sa overspeeding mo at baka maaksidente ka pa." cool na sabi niya sa akin na para bang wala lang sa kanya na binulyawan ko siya.

Hindi ko siya pinansin, maglakad na lang ako pabalik sa kotse ko pero pinigilan niya ako sa braso. Pinipilit kong bawiin pero hindi siya bumibitaw sa akin.

"Ano ba? Pabayaan mo na lang ako, wala kang alam sa nangyayari." kalmado kong sinabi iyon pero sa loob ay naiinis na ako.

"Ano'ng wala? Nakita ko rin 'yung nakita mo. Magkasunod tayo sa kalsada. So therefore, I know what's happening." tapos ngumisi siya.

Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil sa frustration. "Gusto kong mapag-isa, Paris."

"Alright, I'll let you. Basta pag-isipan mong mabuti 'yung sinabi ko kung ayaw mong magmukhang kawawa." tapos umalis na siya at sumakay sa kotse niya.

Tama siya, ayoko na maging mukhang kawawa at katawa-tawa sa paningin nila.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon