Si Annabelle ay isa lamang ordinaryong 8 years old na bata. Maganda, matalino, tahimik, mapagmahal, mabait, masunurin at higit sa lahat ay mapagkakatiwalaan. Kahit na tahimik siya ay marami siyang kalaro at kaibigan. Marami ang nagmamahal sa kanya ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang misteryosong multo na si Eula. Naging magulo ang lahat. Nasira ang buhay niya at ang mga mahal niya sa buhay ay nagkawatak-watak na. Pakiramdam niya ay kinalimutan na siya ng lahat at si Eula lang ang nandiyan para sa kanya. Dahil sa hindi maintindihang pangyayari ay ibinuhos niya sa pagsusulat ang lahat. Gumawa siya ng diary entry at isinalaysay niya ang mga nangyayari sa kanya. Bawat detalye ng buhay niya ay kanyang isiniwalat. Ipinaliwanag niya ang kanyang buhay sa pamamagitan ng notebook, lapis at madamdaming mga salita.
54 parts