DECEMBER 08, 2008

49 10 0
                                    

DECEMBER 08, 2008

Dear Diary,

Tulog pa rin ang pamilya ko nang magising ako. Nakita ko sila sa may kalsada at nakapikit. Pumunta ako ng school tapos nung tanghalian ay ayaw nang gumising ng teacher ko. Pumunta rin ako ng ice cream shop para sana bumili ng strawberry ice cream gamit ang pera ng pamilya ko pero ang pintuan ay nababalot ng pulang kulay at ang iba ay tumutulo pa. Ang pangit ng amoy niya kaya hindi nalang ako pumasok sa loob.

Umuwi nalang ako na nalulungkot. Nakita ko ang aso ko na nakabitin sa ilalim ng punong mangga. Tumutulo ang pulang likido sa kanyang leeg. Pumasok ako sa loob tapos may nabasa ako sa salamin. Sabi ng sulat ay tulungan mo ako at may isa namang nakasulat doon na nagbalik na ako. May narinig akong mga bulungan sa dingding tapos may narinig rin akong mga sigaw sa basement. Sana bukas ay magiging okay na ang lahat.

Nagmamahal,
Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon