DECEMBER 12, 2008

49 9 0
                                    

DECEMBER 12, 2008

Dear Diary,

Ngayon ay tinanggal na nila ang ibinalot nila sa paa ko. Wala na rin ang sakit at okay na ako. Nawawala ang isang sapatos ko. Nang makarating sa school ay nakita ko ito sa loob ng cr. Sa tingin ko ay si Eula ang naglagay ng isang sapatos ko doon. Hindi ko siya nakikita ngayon hanggang sa nakita ko siyang nakikipaglaro kay Nicole Jane Abalde. Nalungkot ako dahil nakikipaglaro siya sa ibang bata pero masaya na rin ako dahil may bago na siyang kaibigan at hindi na niya ako gagambalain pa.

Nang umalis na si Eula sa harap ni Nicole Jane ay binalaan ko siya. Sabi ko sa kanya na huwag niyang sasabihin sa kahit na sino ang tungkol kay Eula. Tinanong niya ako at sinabi ko na kapag gagawin mo iyon ay mamamatay ang pamilya mo. Umiyak siya.

Nagmamahal,
Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleWhere stories live. Discover now