JANUARY 01, 2009

34 7 0
                                    

JANUARY 01, 2009

Dear Diary,

Ngayon ay bagong taon. Hindi ko na namalayan ang panahon. Halos hindi ko na ramdam na parte pa ako ng mundo. Nawala na yata ang kasiyahan ko bilang bata. Miss ko na ang dating panahon na walang gulo. Miss ko na sina Inay at Itay, ang mga kaibigan ko at ang mga mababait kong guro.

Nagising ako ng maaga ngayon at wala pa ang sikat ng araw. Naisip ko kaagad si Teacher Sweetzel kaya naghintay ako sa kanya. Bumukas ang pinto at pumasok si Teacher Sweetzel. Binati niya ako ng magandang umaga at manigong bagong taon. Inihanda niya ang mga pagkaing dala sa isang table. Tumatawa at pumapalakpak si Eula tapos sabi niya ay ngayon na. Nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko ba o hindi dahil sobrang bait niya sa akin. Sinakal ako ni Eula at hirap akong huminga.

Sumigaw ako tapos sinaksak ko si Teacher Sweetzel ng kutsilyo na kanina pa nasa likuran ko. Duguan ang likod ni Teacher Sweetzel. Umiiyak ako habang tinataga siya. Umiiyak rin ako dahil kay Eula. Tumakbo ako palayo nang napuno na ng pulang likido ang paligid. Tumakbo ako sa lumang kalsada at may narinig naman akong batang tumatawa pero ngayon ay mag-isa nalang siya. Sabi sa akin ni Eula ay magpahinga na raw muna ako.

Nagmamahal,
Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleWhere stories live. Discover now