JUNE 13, 2008

72 16 2
                                    

JUNE 13, 2008

Dear Diary,

May sasabihin ako, sinabi sa akin ni Eula na may bago daw akong damit na nasa ilalim ng lawa. Sabi niya ay kailangan ko raw na tumalon para makuha iyon tapos magiging katulad na raw niya ako. Muntikan ko nang ginawa kung hindi lang ako pinigilan ni Itay. Sinigawan niya ako nang sinigawan at galit na galit siya. Sabi pa niya ay walang kwenta si Eula at hindi raw siya totoo. Umiyak ako at pati na rin si Eula.

Nagpaliwanag ako sa kanya pero sinigawan niya lang ako tapos pinagbuhatan pa ng kamay pero okay lang naman ako dahil nandito naman si Eula para sa akin. Tumakbo kami palayo sa bahay hanggang sa kalsada. Umiiyak na naman si Eula dahil nawawala daw ang kanyang panyo. Nakiusap siya na kunin ko raw iyon para sa kanya pero sinabi ko sa kanya na delikado ang kalsada para sa amin at sinabi ko rin na bibilhan ko nalang siya ng bagong panyo na maganda at mabango. Ngumiti siya at ngumiti rin ako sa kanya.

Naglakad na kami pauwi at hindi kami nag-uusap. Nang makarating sa bahay ay wala si Itay. Hinanap ko siya pero hindi ko siya mahanap hanggang sa nakita namin siya ni Eula sa lawa. Ang sabi sa akin ni Eula ay natutulog lang daw siya at naniwala ako sa kanya.

Nagmamahal,
Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon