DECEMBER 13, 2008

44 9 0
                                    

DECEMBER 13, 2008

Dear Diary,

Wala si Nicole Jane ngayong araw. Ang sabi ng teacher ko ay hindi na raw siya babalik sa school. Alam ko naman na si Eula ang may gawa nun. Kinaskas ni Eula ang desk ko tapos nung umalis na siya ay binasa ko ang kinaskas niya. Sabi niya ay huwag ko raw ipikit ang mga mata ko dahil nakatira siya sa kadiliman. Sinubukan ko talagang huwag pumikit at kumurap pero sobrang hirap naman gawin. Habang nagsusulat ako ay sinubukan kong huwag pumikit. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko ito buong gabi.

Nagmamahal,
Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleWhere stories live. Discover now