DECEMBER 29, 2008

40 8 0
                                    

DECEMBER 29, 2008

Dear Diary,

Hindi ako nagsulat kahapon. Napagod ako tapos iyak lang ako nang iyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Basta tumutulo nalang ang luha ko. Ngayon ay naisipan ko nang umalis na sa kakahuyan. Naglakad lang ako. Gutom at pagod na ako pero okay lang ako. Natatakot akong magpahinga. Baka kunin ako ni Eula. Habang naglalakad ako ay may nakita akong lumang antique shop sa daan. May lalaki akong nakita na may nililinisang picture frame.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa taong ito. Galit ako sa kanya. Tinitigan ko siya at may nakita ako sa harap niya. Isang batang lalaki na tumatawa. May katabi siyang iba pang bata. Nagtatawanan silang lahat. May narinig naman akong ugong ng papalapit na sasakyan. Bigla akong nabahala kasi papunta ang sasakyan sa kanyang maliit na shop pero hindi man lang nabahala ang lalaki.

Alam kong papatayin ko ang lalaking ito. Sabi kasi sa akin ni Eula ay kailangan ko raw siya patayin. Sabi niya sa akin ay siya daw ang rason pero hindi ko alam kung ano iyon. Hindi niya kasi sinabi sa akin. Sabi ko sa sarili ko ay bukas ko nalang siya papatayin. Pumunta ako sa may puno ng avocado at umakyat. Kumain ako ng dalawang bunga tapos nawala na ang gutom ko.

Nagmamahal,
Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleWhere stories live. Discover now