Love Yourself Series #1: COMPLETED! ✔ [Also Available at Booklat] "The day that i want to run to that place, where my heart is taking me to." Unang beses palang narinig ni Jun Kaizen ang isang nakakahumaling na tugtugin at tinig nang babae isang araw sa paaralan nila ay nahumaling na kaagad siya dito. Nais niyang makita at makilala ang babaeng nasa likod nang napakagandang boses, kung kaya iniwanan niya ito ng liham para makipagkita ito sa kaniya. Sa araw na itinakda niya para magkita sila, nangyari naman ang hindi inaasahang aksidente. Ang babaeng iyon ay si Rosé Juran. Siya ang kablockmate ni Jun na noo'y may lihim din palang pagtingin sa binata. Sa araw na naaksidente si Jun ay si Rosé ang sumagip sa dito. Nais man niyang manatili sa piling ni Jun ng mga oras na iyon ay hindi naman maari dahil aalis siya sa Australia para ipursue ang pagpasok sa Music and Arts na matagal na niyang pinapangarap. Kung kaya hinabilin niya si Jun sa ate niyang si Ayu. Sa pangyayaring iyon sino kaya ang babaeng pipiliin nang puso ni Jun? Si Ayu na noo'y nasa piling niya dahil sa kahilingan ni Rosé or si Rosé na matagal na siyang gusto at siyang nagmamay-ari din ng boses na hinahangaan niya? Who will be the girl he needs? All Rights Reserved 2017 June 4,2017 - August 5, 2018
22 parts