Ms. Rulebreaker Meets the Bad...

By Kuriyamachii

9.7K 329 19

Ang pagkikita ng landas ng isang Rulebreaker at ng isang Bad boy. How far will they go? " I love you, baby." ... More

Author's note
:1// Noli & El Fili
:2// Unexpected Help
:3// Let's play.
:4// Karma (Short Update)
:5// Ikaw?!
:6// Bully
:7// Camera Lights.. ACTION!
:8// SBF & I
:9// With Him
:10// Clueless
:11// Pesteng Destiny
:12// This Crap
:13// Strike 3
:14// In the Rain
:15// Sky and Friends
:16// Ericha
:17// HBDSGL
:18// Ericha & Waren
:19//Aleksi
:20// Cute ba 'ko?
:21// Berirong
:22// Confused
:23// Cryptic
:24// Indenial
:25// Boom Peyns
:26// So Close Yet So Far
:27// Gehenna
:28// Kunyari lang
:29// Fall Apart
:31// Arrhythmia
:32// Bright Side
:33// Wasted
:34// Unexpected You
:35// Moment Of Truth
:36// Option, Choice & Pain
:37// One Last Time
:38// Date, Poise and Action
:39// Sides ni Cyxa
:40// Maliit na LQ
:41// Ways of Love
:42// Forgiveness & Exemption
:43// In Between
:44// Kadramahan
:45// With A Smile
:46// Her Bad Boy
:47// One and Only
:48// Kabaliwan101
49:// Guessing Game
:50// Palarong Pang-inlove

:30// Kamusta heart mo?

153 5 0
By Kuriyamachii

Waaaaaah! Naka-arrange marriage na siya! Okay na sana kaso hindi talaga eh. Hindi naman kasi ako yung babaeng naka-arrange sa kanya. Sadlayf.

Nagpaikot ikot lang ako sa kama habang nagpapagulong gulong ako sa kama habang nakabalot ng kumot. Nag-isip lang ako sa ganong posisyon nang biglang may kumatok sa pinto. Napatigil naman ako sandali sa ginagawa ko.

" Bukas yan!" sigaw at nagpagulong gulong uli sa kama. Hindi ako tumingin dun sa taong pumasok at pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko.

" Tapos na yung project mo." anas ni kuya Benj pero hindi ko siya tinignan at nagpatuloy pa rin sa pag gulong.

" Lagay mo lang jan kuya.. Gugulong gulong lang ako dito pag may kailangan ka." wala sa sariling sagot ko at narinig kong tumawa si kuya.

" Ang laki ng problema na'tin, kapatid ah?" pabirong anas ni kuya at umupo sa gilid ng kama ko. Gumulong naman ako papunta sa kanya.

" Kuya.. please. Kunyari wala ka munang paki sa'kin ngayon. Gusto ko makapag-isip eh." pakiusap ko at ngumiti naman sa'kin si kuya Benj at saka tumango. Lumabas naman na siya at sinarado yung pinto. Nagpatuloy na naman uli ako sa pagpagulong gulong sa kama hanggang sa may kumatok na naman sa pinto.

" Pasok." anas ko at naramdaman ko namang pumasok siya.

" Sisa! Ano ba yang ginagawa mo jan?! Abnormal ka talaga!" sigaw niya sa'kin at nakilala ko na agad siya. Tumigil muna ako sa pagpagulong gulong saka tinanggal yung kumot na nakabalot sa'kin saka ako umupo sa kama habang yakap yakap yung tuhod ko. Tumabi naman sa'kin si Anji at tumingin ako sa kanya. Nakatingin din naman siya sa'kin.

Eto yung gusto ko kay Aling Maliit eh. Pag may problema ako, makikinig lang siya sa'kin kahit hindi niya naiintindihan mga pinagsasasabi ko. Alam niya kung kailan siya magsasalita saka tatahimik.

" Anji.."

" Bakit? May problema ka ba?"

" Meron."

" Ah.. Alam ko na kung saan."

" Saan naman?"

" Sa utak. Hahahaha!" biro niya at napatawa naman ako kahit onti. " Bakit ba kasi ganyan ka, Sisa? Ay! Alam ko na! Diba natutuwa ka tuwing inaasar mo ko? Asarin mo ko ngayon Sisa! Para masaya ka na uli! Okay lang sa'kin yun!" anas niya at nginitian ko lang siya.

" Wala na akong pag-asa dun sa taong mahal ko, Aling maliit, eh. Tapos tuwing naiisip ko yun, sobrang sakit. Ang sakit dito oh." anas ko habang tinuturo ko pa yung puso ko.

" Mahal namna kita Sisa, 'no! Kami nila tita Crispin.. Kuya Benjie.. Fritz at kuya Gab! Mahal ka kaya namin!" anas niya at tinignan ko siya.

" Talaga? Inaasar mo nga ako lagi!"

" Oo nga! Yayakapin pa kita eh!" anas niya saka ako niyakap. Nilambing lang ako ni Anji hanggang sa makatulog na siya sa tabi ko. Natulog na lang rin ako habang katabi ko si Aling Maliit.

---

" Kuya.. Paki-abot naman yung cellphone ko. May natawag eh." utos ko kay kuya Benj at inabot naman niya sa'kin yung cellphone ko.

" Hello?" sagot ko sa tawag.

[ Cyxa..]

" Oh? Waren? Bakit?"

[ Uh.. ano sana eh..]

" Ano yun?"

[ Bastamagbihiskanadaanankitajansabahayniyo!]

" Ah.. Baka maintindihan ko. Anong lenggwahe ba yan nang maitry ko naman?" medyo asar na anas ko. Hindi ko kasi maintindihan yung sinabe niya. Sobrang bilis tapos medyo mahina pa.

[ Magbihis ka. D-daanan kita jan sa bahay niyo. Bye]

" Ay, teka-- Putek! Bastos na bata!" anas ko matapos ako babaan ni Waren. Napatingin naman sa'kin sila kuya.

" Ano yun?" tanong ni kuya Benj.

" Tawag. Sus! Yun na lang di mo pa alam? Top 1 ka ba talaga sa klase-- A--aah!" anas ni kuya Fritz at binatukan siya ni kuya Benj.

" Sapakin kaya kita? Wag mo sabihing mas matanda ka sa'kin.." biro ni kuya Benj at natakot naman si kuya Fritz.

" O-opo.. O-opo.." si kuya Fritz.

" Saan ka?" tanong ni kuya Gab nang iwan ko na sila sa baba.

" Sa baba." sarkastikong sagot ko. " Nakita na ngang aakyat yung tao tatanungin pa kung saan pupunta. Para namang mawawala ako sa loob ng bahay." bulong ko habang pumapanik.

" Naririnig kita, Sisa!" sigaw ni kuya Gab kaya nanlaki ang mata ko kaya napatakbo ako papunta sa kwarto. Naligo na ako at saka nagbihis at nag-ayos. Nagsasapatos na ako nang bigla namang pumasok sa kwarto ko si Aling Maliit.

" SIsa! Itali mo nga 'tong sintas ko.." utos niya habang papalapit sa'kin.

" Saan?"

" Sa ulo ko. Sige. Try mong isintas 'tong ulo ko!" pambabasag niya at napakagat ako sa labi ko sa asar sa sagot nitong Aling Maliit na 'to. Yumuko na ako para isintas yung sapatos niya. " S-sisa.." anas ni Anji habang sinisintas ko yung sapatos niya at napahawak pa siya sa balikat ko.

" A-asan si kuya Van?" tanong niya at sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko.

Sheeet! Ito na naman yung alien na feeling. Yung feeling na.. kumikirot yung puso ko.

" W-wag mo na siyang tanungin, okay?" sagot ko at saktong natumba sa'kin si Anji. Nataranta naman ako kaya agad ko siyang binuhat at dinala sa baba. Nang makita ako nila kuya sa hagdan habang buhat si Anji ay nagmamadali silang lumapit sa'kin.

" Anong nangyari jan?" -kuya Gab

" Hindi ko alam kuya eh.Bigla na lang siyang tumumba sa'kin. Kuya? Anong gagawin na'tin?" nag-aalalang tanong ko.

" Tawagin na'tin sila mama sa taas!" -kuya Fritz

" Anji?? Wag ka namang magbiro ng ganito. Kinakabahan kami sayo eh." nag-aalalang anas ko habang mahinang sinasampal sampal si Anji.

" Anong nangyari?" tumatakbong tanong ni mama habang kasunod si papa.

" Tara. Dalhin na'tin sa ospital si Anji! Biilis!" utos ni papa nang biglang may bumusina sa labas. Nagmamadali naman ko namang binuhat si Anji at lumabas. Nakita ko naman yung sasakyan ni Waren kaya agad akong sumakay dun. Kasunod ko si papa at kuya Fritz kaya sumakay na rin sila sa kotse ni Waren.

" Waren, dalhin mo muna kami sa pinakamalapit naospital." utos ko at nagdrive naman na agad siya.

" Florante.. tawagan mo yung mama mo saka mga kapatid mo. Sabihin mo sumunod na lang sila." utos ni papa kay kuya Fritz at agad naman siyang sumunod.

---

" Doc? Okay na po ba siya?" tanong ni mama dun sa doktor nakalalabas lang sa kwarto kung saan chineck up si Anji.

" Hindi po namin malaman dahil nagising po siya ng ipasok namin siya dito sa emergency room at may tao siyang hinahanap-- BOOGSH*" anas ng doktor pero naputol yun sa malakas na kalabog ng pinto sa pagbukas nito. Bumungad sa'min si Anji na namumutla at parang paiyak na. Lumapit siya sa'kin saka ako pinaluhod.

" S-sisa, gusto ko si kuya Van.. Asan ba siya? Namimiss ko na si kuya Van ko. Gusto ko siya makita." paulit ulit na anas niya at napatitig ako sa kanya habang palunok lunok pa.

" Anji.."

" Sisa.. s-si kuya Van." anas niya at tumulo na yung luha niya.

Masasaktan na naman ako. Bakit kasi kailangang ikaw pa? Tsk tsk.. Sabi ko ayoko nang saktan pa yung sarili ko pero kailangan kita ngayon hindi dahil sa gusto kita kundi dahil gusto kong sumaya 'tong aling maliit na 'to.

Napatingin ako kay Waren ng lumuhod siya sa tabi ko at hinawakan sa balikat si Anji.

" Gusto mo makita sa kuya Van mo?" tanong niya at napamaang ako. Tinignan ko siya pero kay Anji siya nakatingin.

Bakit mo ba sinasaktan yang sarili mo?

" Gusto ko.. m-makita si kuya Van.." sagot ni Anji at hindi ko na alam pa ang sasabihin ko. Nakita ko namang yumuko si Waren at mariing pumikit. Bigla naman akong may nakitang luha na tumulo galing sa mata niya at mas lalo akong napamaang.

" S-sige." sagot niya saka blangkong mukha na tumingin sa'kin. " Susunduin ko siya." anas niya at nakatingin siya sa'kin nang tumayo siya kaya napayuko ako. Tumayo na rin ako habang nakayuko pa rin.

" A-ako na lang susundo kay Van." anas ko pero naglakad na palayo si Waren nang walang sali-salita.

---

" Ano? Wala ka na bang gusto, Aling Maliit?" tanong ko kay Anji habang nakahiga sa kama. Asa ospital pa rin kami at hindi pwede ilabas si Anji hanggat hindi pa siya nache-check up.

" Wala na nga, Sisa! Ang kulit mo! Ilang beses ka ba pinanganak?!"

" Isa--"

KNOCK* KNOCK*

Biglang may kumatok sa pinto at natigilan kami ni Anji. Parehas kaming napatingin sa pinto. Tumingin uli ako kay Anji at nakita kong napangiti na siya.

" Kuya Van?" anas niya at natigilan ako. Napatingin ako sa kawalan at naramdaman kong pumasok na si Van kasama si Waren.

" Hi.." anas niya at napalunok ako. Parang naipon yung mga luha sa mata ko ng marinig ko yung boses niya. Tumingin ako sa kanya at deretso siyang nakatingin sa'kin.

" Hi..." sagot ko. Lumapit siya sa'kin.

Ay.. kay Anji pala. Feeler lang? Akala mo naman lalapitan ka? Tss.. Paasa naman nitong kokey na 'to. Pero teka. Sino ba naman kasing nagsabing sa'kin siya lalapit? Umasa ka naman? Shungaers.

" Kamusta naman yung puso mo?" pagsasalita ni Van ng makalapit na siya. Napatingin ako sa kanya sa hindi malamang dahilan pero nakatingin siya kay Anji.

Yung puso ko? Kamusta? Eto. Onti na lang. Sasabog na. Sasabog na sa sakit na binibigay mo.

" Hindi pa ako nache-check up kuya Van. Ngayon ka lang kasi dumating." sagot ni Anji.

" Ah.. Sige. Basta ha? Magpapacheck up ka na? I already came here for you so.. yun ang kapalit."

" Hindi pa! Bati muna kayo ni Sisa!" anas ni Anji at nagkatinginan kami.

---x

End of Chapter 30

VOTE, COMMENT AND SHARE

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 77 17
Meet Felicia Addison, a girl of the darkness. She lived full of fear of other people. Shr grew up afraid of other people, especially her parents. All...
2.4K 187 10
Welcome to Captain's book awards: Break Your Record! Sa mga gustong sumali, maaaring bisitahin ang libro para sa mga karagdagang impormasyon. Ito ay...
354K 539 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
1.8K 123 16
Mature content | R -🔞 | SPG "REINCARNATION SERIES 1" Ang kwentong ito ay tungkol kay Sage Axis Ferrer Arseo, isang mabangis na killer machine na na...