Ms. Rulebreaker Meets the Bad...

By Kuriyamachii

9.7K 329 19

Ang pagkikita ng landas ng isang Rulebreaker at ng isang Bad boy. How far will they go? " I love you, baby." ... More

Author's note
:1// Noli & El Fili
:2// Unexpected Help
:3// Let's play.
:4// Karma (Short Update)
:5// Ikaw?!
:6// Bully
:7// Camera Lights.. ACTION!
:8// SBF & I
:9// With Him
:10// Clueless
:11// Pesteng Destiny
:12// This Crap
:13// Strike 3
:14// In the Rain
:15// Sky and Friends
:16// Ericha
:17// HBDSGL
:18// Ericha & Waren
:19//Aleksi
:20// Cute ba 'ko?
:21// Berirong
:22// Confused
:23// Cryptic
:24// Indenial
:25// Boom Peyns
:26// So Close Yet So Far
:27// Gehenna
:29// Fall Apart
:30// Kamusta heart mo?
:31// Arrhythmia
:32// Bright Side
:33// Wasted
:34// Unexpected You
:35// Moment Of Truth
:36// Option, Choice & Pain
:37// One Last Time
:38// Date, Poise and Action
:39// Sides ni Cyxa
:40// Maliit na LQ
:41// Ways of Love
:42// Forgiveness & Exemption
:43// In Between
:44// Kadramahan
:45// With A Smile
:46// Her Bad Boy
:47// One and Only
:48// Kabaliwan101
49:// Guessing Game
:50// Palarong Pang-inlove

:28// Kunyari lang

187 6 0
By Kuriyamachii

" Oy! Babaita!" tawag sa'kin ni Kayumi sa may counter. Lumapit naman ako sa kanya. Nasa shop ako ngayon. Kagagaling ko lang bahay galing sa school. Napakasipag kong bata, diba?

" O? Anong problema mong, naglalakad na megaphone?!"

" Anong megaphone?! I-serve mo 'to dun sa love birds!" utos niya saka tinuro yung pagkain saka sila Van. Napangiwi naman ako.

" Lab birds, lab birds! Daming alam!"

" Bitter ka lang!" sigaw niya at halos mapatakip na ako sa tenga ko sa lakas ng boses niya.

" Tse! Babaeng nakalunok ng megaphone!" sigaw ko saka tumakbo na kela Van at Ericha. Saktong paglapit ko naman sa table nila ay naabutan ko silang nakaholding hands.

" Eto na 'po'. 'Sir'." nakangiting plastik na pagkakasabi ko saka nilapag sa lamesa yung tray kaya naghiwalay sila mula sa pagkakahawak.

" Wow. Mukhang masaya ka ngayon, Cyxa." bati sa'kin ni Ericha at nginitian ko lang siya.

Kunyari masaya ako.

" Sige, balik na 'ko dun." anas ko at tinanguan ako ni Ericha. Nilingon ko si Van pero nakatingin lang siya sa labas.

Kunyari lang, Cyxa.

---

" Huy!" tawag ni Kayumi sa'kin nang makaupo ako. Break ko ngayon at si Waren naman ang pumalit sa'kin. Onti naman ang nagpupunta dito sa shop kaya kayang kaya na naming tatlo 'to.

" O? Problema mo?"

" Wala. Tatanungin ko lang sana kung nakita mo sila sir Van?"

" Mukha ba 'kong lost and found?" asar na tanong ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko na magkaholding hands si Van at Ericha.

" Hot na hot agad, 'te?! Bitter ka talaga." anas niya saka umupo sa harap ko.

" Hindi ako bitter. Sinasabi ko lang na hindi ako lost and found."

" Weh?"

" Ano yan, ah?" biglang singit ni Waren at parehas kaming napatingin ni Kayumi sa kanya.

" Anong ginagawa mo dito?!" tanong ni Kayumi.

" Break."- Waren.

" Oy! Bumalik na nga kayo dun! Walang nagbabantay dun!"-ako.

" Okay lang. Nilagay ko naman sa close sign." -Waren.

" Baka magalit si Van." -Kayumi.

" Hayaan niyo siya." sagot ni Waren saka umupo sa tabi ko.

" Kayo na ba?" tanong ni Kayumi at nanlaki ang mata ko. Bigla naman siyang kinilig saka nagpatalon talon sa harap namin ni Waren. " Sabi ko nga ba! Sabi ko na nga ba! Sabi ko na nga ba eh!"

" Wala kaming paki sayo!" asar na sigaw ko at napapahiya naman siyang napaupo sa harap namin. " Baliw ka na ba? Kung ano anong pinag-iisip mo jan!"

" E-eh kasi naman, parang nung mga nakaraang araw.. ang sweet niyo ni Waren."

" A-anong sweet?" natatarantang tanong ko. Sasagot sana si Kayumi kaso biglang sumabat si Waren.

" Haaay.. Nako Kayumi.. Nasunog yung niluto ko nung isang araw. Hindi ko napansin. Sa iba kasi ako nakatingin." anas niya at nagtaka ako. Anong konek niyan sa pinag-uusapan namin?

" Oo nga.. Sayang naman. Minsan talaga, pag sa isang bagay ka lang nakatingin, hindi mo na napapansin yung nasa paligid mo." sagot ni Kayumi at lalong nagtaka ako.

Hindi ako maka-relate.

" Nakakawalang gana talaga yung mga ganon, 'no?" -Waren

" Tama.. Lalo na yung 'iba' jan? Ano? Kawawa naman. Yung tipo nang sweet siya sa'yo tapos sa iba ka nakatingin? Ni hindi mo man lang makita yung effort na ginagawa sayo." nakatingin sa'kin si Kayumi habang sinasabe niya yun.

" Ano?!" asar na tanong ko at bigla siyang ngumiti sa'kin saka tumayo.

" Boring 'no? Tara laro tayo.. Taguan ng feelings?!" natatawang anas niya at lalo akong nagtaka. Napatingin naman ako kay Waren nang bigla siyang tumayo.

" Tumigil ka nga, Kayumi." anas niya saka akmang aalis pero hinawakan ko siya sa kamay kaya tumingin siya sa'kin.

" San punta mo?" tanong ko at napabuntong hininga siya sa'kin.

" Dun lang. Magtratrabaho na ako."

" Okay ka lang?"

" Wala namang dahilan para hindi ako maging okay, diba?" nakangiting tanong niya at napabitaw ako. Tuluyan naman na siyang lumabas. Bumalik naman sa pagkakaupo si Jam habang pumalo pa sa lamesa.

" Hay nako, Cyxa!"

" Bakit na naman?!"

" Nung umulan ba ng kamanhidan, sinalo mo lahat? Ang manhid mo eh!" asar na anas niya at napatingin lang ako sa kanya.

" Manhid manhid. E ikaw? Nakalunok ka ba ng megaphone?!"

" Hay nako! Ewan ko sayo! Tapos tatanungin mo pa siya kung okay lang siya?! Tapos siya naman si 'Walang dahilan para hindi maging okay'. Tss.. Wala wala. Kunyari lang yon!" anas niya saka ako nilayasan.

Bastos na bata! Lalayasan ako ng ganon ganon na lang?! Ganon na lang yon?!

---

Yooown! Closing time na! Linis linis na lang! Hehehe...

Nakangiti ako habang naglilinis sa shop nang bigla akong may narinig na kumakanta.

" You came along, unexpectedly

I was doing fine in my little world

Oh baby please don't get me wrong

'Cause I'm not complaining

But you see, you got my mind spinning"

" Hey, flat."

" Iniinsulto mo ba 'ko?!"

" Bakit? Diba totoo namang flat chested ka? Hahahaha!"

Aaaaaaaaaaah! Bakit ganon?! Naalala ko yung unang pag-uusap namin ni Van? Bakit tinatamaan ako sa lyrics ng kanta?! Baka naman dahil lang yun sa ganda ng boses nung kumakanta?

In-enjoy ko na lang muna yung pakikinig dun sa kanta. Sobrang ganda kasi nung boses. Kahit na mas nagagandahan ako sa pambabaeng version nito mas nagandahan ako sa boses nitong lalaking 'to. Madadama mo kasi yung emosyon sa kinakanta niya. Damang dama mo yung kwento dun sa kanta.

"Why can't it be

Why can't it be the two of us

Why can't we be lovers

Only friends

You came along

At a wrong place, at a wrong time

Or was it me"

" Cyxa.."

" Ba--"

" Cyxa.."

" V-van."

" Layuan mo na ako."

Bigla kong naramdaman yung pagtulo nang luha ko nang maalala ko na sinabi niyang layuan ko na siya.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan ko siyang layuan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pwedeng maging kami sa huli. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako ng ganito.

"Baby I dream of you every minute

You're in my dreams

You're always in it

That's the only place I know

Where you could be mine

And I'm yours but only

Till I wake up"

" Kausapin mo 'ko ng maayos. Working hour ngayon."

" Ah. Teka, sandali. Nahulog ata yung pake ko sa daan. Hanapin ko lang."

" Hindi naman 'TUTOR' ang tawag dito eh! 'TORTURE' 'to eh!"

" Paano ko masisigurado na natuto ka nga kung hindi ka naman nagsasagot?!"

" Pupunta uli ako bukas. Saturday naman eh."

" Sige. Punta ka."

" Sabi ko na nga ba eh. May gusto ka sa'kin, 'no?"

Grabe.. Parang nung isang araw lang ata, nag-aasaran pa tayo. Bakit bigla na lang naging ganito? Anong nangyari? Okay na sana ako na hanggang sa magkaibigan na lang tayo kaso nung sinabi mong layuan kita mahal na pala kita. Nakakatawa diba?

" Cyxa.."

Baliw na ata ako.. Naririnig ko na naman yung boses mo Van..

" Cyxa?!"

Ayun na naman yung boses mo. Mahal na nga ata talaga kita.

" Cyxa, ano ba?!"

" Ay kabayo!" napatalon ako nang biglang may sumigaw sa likod ko. Tinatawag pala ako ni Van. Tapos na rin pala yung kanta. Nagmamadali ko namang pinunasan yung luha ko nang humarap ako sa kanya. " Ano ba yan! Nakakagulat ka naman!" kunyaring inis na anas ko pero deep inside gusto kong ngumiti.

Miss ko na kasi siya eh.

" Are you crying?"

Yan. Sana ganito ka na lang sa'kin lagi araw araw.

" H-hindi.." anas ko saka ko siya nilagpasan pero hinawakan niya ako sa kamay. Gusto ko sana ngumiti pero natatakot ako na baka layuan niya ako pag nakita niya akong ngumiti. Natatakot ako na baka pag sumaya ako, mawala agad yon.

" Are you okay?" tanong niya at nginitian ko siya.

Sana nga, Van eh. Sana hindi na lang ako nasasaktan.

" Okay lang ako.." sagot ko pero hindi niya inalis yung tingin niya sa'kin. " ...pero kunyari lang. Sana alam mo yun." anas ko pa at napabitaw siya sa kamay ko. Tuluyan naman na akong umalis sa harap niya.

---

" Sige. Una na ko!" paalam ko kay Kayumi at tumango naman siya sa'kin. Kaso saktong paglabas ko nakita ko si Van at Ericha. Magkaharap sa isa't isa at sobrang lapit din nila.

" I love you, Van." anas ni Ericha at naramdaman ko na namang tumulo yung luha ko. basang basa ko yung labi ni Ericha habang sinasabi niya yan.

" Okay ka lang?" sulpot ni Waren.

" Kunyari na lang.. okay ako. Pero kunyari lang." anas ko at nagulat ako nang yakapin ako ni Waren.

" Sana nga rin.. okay lang din ako." anas niya habang nakayakap siya sa'kin pero hindi ako nakasagot kasi nabigla ako sa ginawa niya. " But it hurts me seeing that someone is making you cry. Nasasaktan ako pag naiisip kong pinapaiyak lang nang iba yung pinapangarap ko."

" W-waren.."

" Cyxa.. Sa'kin ka na lang tumingin, please. Cyxa.. Ako na lang. Wag mo na silang tignan. Kahit ngayon lang. Please let me stay like this for awhile.. just now.."

---x

End of chapter 28

VOTE, COMMENT AND SHARE

Continue Reading

You'll Also Like

380K 559 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
78.7K 125 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞
7.3M 231K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
3.4M 129K 150
Millaray