The bad boy meets the good...

By Marionsep

161K 4K 294

Meet Marianne, a simple woman with a beautiful exterior and interior character and appearance. She is one of... More

The Bad boy meets the Good girl [Copyright Disclaimer]
CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 01: FIRST DAY
CHAPTER 02: AT THE BARELLE CAFE
CHAPTER 03: FAKE RELATIONSHIP
CHAPTER 04 : FIRST FAKE DATE
CHAPTER 05: NECKLACE
CHAPTER 06 : UNEXPLAINED FEELINGS
CHAPTER 07: THE WILD LIDEN
CHAPTER 08 :HE'S BACK
CHAPTER 09: LIDEN VS. VINCENT
CHAPTER 10 : AT THE PARKING LOT
CHAPTER 11 : THE TRUTH
CHAPTER 12 : MARRIANNE, IN HER DESICION
CHAPTER 13 : SARAH's RETURN
CHAPTER 14: AT THE MALL
CHAPTER 15 : SARAH VS MARRIANNE
CHAPTER 16 : PATAS NA PAGDEDESISYON
CHAPTER 17: THE TWO SIGNS
CHAPTER 18:DEDICATED POEM
CHAPTER 19:DIFFERENT FEELINGS
CHAPTER 20:PLAN FOR VACATION
CHAPTER 21:AT THE MALL
CHAPTER 22:STARTING OF VACATION
CHAPTER 23:DEBATING AT VAN
CHAPTER 24 : ACCIDENT & FIGHT
CHAPTER 25:NEW DAY FOR MARRIANNE
CHAPTER 26:LIDEN GOES WILD AGAIN
CHAPTER 27 : PLAN
CHAPTER 28 : THREE STEPS
CHAPTER 29 :FORGIVE?
CHAPTER 30: MAKING HAPPY MEMORIES
CHAPTER 31: BRACELET OF FOREVER
CHAPTER 32: PUZZLE
CHAPTER 33: LIKEY
CHAPTER 34: FERRIS WHEEL
CHAPTER 35: DINNER DATE
CHAPTER 36: ROMANTIC NIGHT
CHAPTER 37: STORYTELLING WITH ALLIYAH
CHAPTER 39: ROSES
CHAPTER 40: SORRY
CHAPTER 41: SAD NIGHT
CHAPTER 42: FIGHT WITH SARAH
CHAPTER 43: CONFESSION
CHAPTER 44: REVELATION
CHAPTER 45: RAINY NIGHT
CHAPTER 46: LEAVING TAGAYTAY
CHAPTER 47: ENDING
EPILOGUE
Author's Note
ANNOUNCEMENT

CHAPTER 38: NIGHT PARTY

1.1K 42 0
By Marionsep

Liden's POV

Haysst! Nakakapagod rin pala mag surf kaya andito ako ngayon nagpapahinga sa room ko. Gusto ko sanang makita si Marianne para makipag-usap o maki bonding pero pumunta na rin siya sa room para makapagpahinga.

Actually lahat naman ata kami ay nagpahinga para sa gaganaping night party namin mamaya. Syempre, ayaw naman namin na mag end ang trip namin dito sa tagaytay ng wala manlang party kaya nagpagdesisyonan naming magkaroon.

Tanging ginawa ko nalang ngayon ay pinipilit matulog para marelax ko ang isip at katawan ko para mamaya. Hope our night party become happy at sana matiwasay lang. Im excited in it pero mas excited parin akong makita si Marianne mamaya.

******

Bigla nalang ako nagising dahil sa isang napakasamang panaginip. Base sa panaginip ko ay binusted ako ni Marianne sa araw ng confession ko sakanya sa hindi malaman na rason. Sana hindi iyon mangyari. Hindi Liden, panaginip lang yon.

Napatingin nalang ako sa orasan and it's already 5:30 in the afternoon. I have 1 hour pa to prepare for our party kaya bumangon nalang ako at kinalimutan na ang bangungot na nagpapahiwatig siguro saakin kung gaano ko na kamahal si Marianne, na hindi ko kakayanin kung mawala pa siya saakin.

Naghanda nalang ako ng susuutin, napagdesisyonan kong pulang polo nalang ang gagamitin ko para symbolize as love. After ko maghanda ng bihisan ko ay agad naman akong naligo. After a few minutes ay natapos rin ako sa lahat lahat  kaya agad rin naman akong bumaba para pumunta sa isang room, actualky kubo type siya na malapit sa dagat.

"Hi! Liden."

"Oh ang aga mo naman ata Carl."

"Wala eh, naboboring ako sa room ko dahil hindi ako makatulog kaya pumunta nalang ako dito."

Umupo nalang kami sa upuan para maghintay sa mga kasama namin. Maya maya pa ay isa isa na silang nagsisidatingan.

"Wazzup  dude!"

"Oh andito ka na pala Vincent!"

Lumapit siya saamin para makipag-usap rin. Masaya ako at kahit papaano ay wala na saamin ang kompetisyon ni Vincent. Maya-maya pa ay bigla nalang kaming napahinto sa pagkwekwentuhan ng may nagsalita...

"Hello boys! Hi Liden" sabi ni Sarah sabay kindat pa saakin.

Aminado akong ang ganda ni Sarah ngayon, mula sa mapang-akit niyang maikling short at crop top. Pero wala na akong pake eh, hindi na ako naattract sakanya. Basta wala na, kahit anong pag-aakit niya saakin wala na akong maramdaman na kahit ano. Talagang lahat nalang ng pake ko ay napunta na kay Marianne.

"Oh, hi Sarah." Pabati ko naman sakanya ng bigla nalang akong nagulat dahil tumabi siya saakin. Hindi ko naman siya magawang pigilan kaya hinyaaan ko nalang at nagpatuloy nalang kami sa pagkwekwentuhan.

Sa hindi malaman na rason ay may hangin na biglang nagtulak saakin para tumingin sa kaliwa. Bigla naman akong napanganga kasabay ng pagbagal ng takbo ng mundo ko at mabilis na pagtibok ng puso ko ng makita si Marianne na naglalakad kasama si Alliyah. Wow! Sobrang ganda ni Marianne. Im speechless! Unti unti akong pinapatay ng mga mapang-akit niyang ngiti.

"Hi guys!" Masaya nilang bati.

"Hi Marianne, ang ganda mo!" Pagbati naman sakanya ni Vincent. Napatingin naman siya saakin at sa balikat ko na sa kakatitig ko sakanya ay hindi ko na namalayang nakakapit na saakin itong si Sarah.

"Hi Liden!"

Agad kong inalis ang pagkakahawak saakin ni Sarah saka ako tumayo at lumapit sakanya. Tinitingin ko siya sabay sabing...

"You are so gorgeous Marianne! Bagay na bagay mo yang pula mong dress. I can't help but to stare at you."

"Kahit kaylan talaga apaka bolero mong tao." Sabi niya saakin sabay batok. Nasanay naman na ako sakanya, ewan ko ba sa babaeng to, ganyan ba talaga siya kiligin?

So dahil kompleto na nga kami ay agad rin naming sinumulan ang party dahil bawat isa saamin ay excited na. Bawat isa saamin ay kumuha na ng pagkain na inihanda ng mga crew ng resort.

"Marianne, alam kong gusto mo toh!" Pag-aabot ko sakanya nung barbeque.

"Salamat!" Kinuha naman niya kaagad kasabay ng pagngiti niya saakin.

"Gusto ko rin ng ganyan Liden" tugon naman ni Sarah. Napatingin ako kay Marianne na iritang irita kaya hindi ko nalang inalukan si Sarah ng barbeque sabay sabing...

"Hindi ko kase alam kung anong part diyan ang gusto mo Sarah kaya ikaw nalang ang kumuha." Kita naman sa mukha ni sarah ang disappointment.

"Tabe! Ako ng kukuha!" Pagsusungit niya sabay irap kay Marianne.

So habang kumakain kami ay naisipan ni Carl na i-open na ang videoke. Sabay sabay naman kaming nagkantahan, kita ko sa mukha ng bawat isa saamin ang saya kaya napangiti nalang ako.

Maya-maya pa ay natapos na kaming kumain kaya napagpasiyahan naming maglaro ng spin the battle.

Nakaupo ang bawat isa saamin sa gilid ng isang malaking table, at sinimulan ng iikot ni Vincent ang bote. Pagkaikot niya ay dumeretsyo kaagad kay Alliyah ang bote.

"Wow first blood is me! Sige truth ako."

Dahil si Carl ang katapat ng bote ay siya ang magtatanong.

"Are you expert in love? Why or why not?"

"Kahit wala akong boyfriend ay may alam parin ako sa love noh. Expert ako sa pagpayo about sa love love na yan, diba Marianne."

Matapos sumagot ni Alliyah ay agad niya itong pinaikot at sa puntong ito ay naturo kay Vincent ang bote na katapat naman ni Marianne.

"Truth or dare Vincent?" Tanong ni Marianne.

"Truth!"

"Anong mararandaman mo kung hindi ka minahal pabalik ng taong mahal mo?"

Napaisip si Vincent. Hindi ko alam kung sasaya ba ako sa tanong ni Marianne, hindi naman sa pag-aassume pero parang ramdam ko na ako yung napili na niyang mahalin.

"Kung yun ang magiging desisyon ng taong mahal ko, syempre tatanggapin ko pero malamang ay sobrang sakit para saakin. Kaya kung nangyari iyan ay walang duda na lalayo ako sa taong iyon, lalayo by place para agad akong makapag-move on. Kase ako yung klase ng tao na kapag nagmahal ay hindi na ako na-aattract sa iba."

Kita sa mukha ni Marianne na parang nasasaktan siya at parang pinagsisisihan niyang tinanong niya iyom kay Vincent. Agad namang pinaikot ni Vincent ang bote at naituro ito kay Marianne na katapat naman ni Sarah.

"Truth din ako Sarah!"

Ngumise naman si Sarah na parang may masamang balak. Kahjt kaylan talaga tong babaeng ito.

"Vincent or Liden?"

Kitang kita sa mukha ni Marainne ang pagkagulat. Kita naman sakanya na hindi pa siya handa kaya kinakabahan naman ako para kay Marianne.

"Kilala ko kung sinong mahal ko Sarah, pero sa puntong ito ay wala ka sa posisyon para malaman iyon."

"But this is a game Marianne, sa ayaw at sa gusto mo ya dapat mong sagutin ito ng totoo! Not unless nalang kung pareho mo silang mahal."

Kita sa mukha ni Marianne ang kaba. Alam kong ilang na ilang na siya. Gaya nga ng sabi niya ay alam na niya kung sinong mahal niya pero hindi pa siya handang sabihin iyon kaya hindi ko na natiis na makitang nahihirapan si Marianne kaya ako na ang nagsalita.

"Sarah! We need to know our limits. Kung hindi pa handa ang tao para sabihin ang personal niyang desisyon ay hayaan lang natin."

"But this is a game!"

"Yun na nga, it's just a game kaya kung sobrang personal na ay we need to stop."

"Nevermind! Kung makikipaglaro ka kase Marianne dapat marunong kang ipakita kung sino ka, marunong kang magpakatoo! We are not a highschool para mag pass sa mga ganito. Haysst"

Agad namang inikot ni Marianne ang bote at sa puntong ito ay saakin na naituro ang bote na katapat naman ni Alliyah. Gaya nila ay truth din ang pinili ko.

"Mukhang bulgaran na ng mga sekreto ngayon at puro truth ang napipili niyo. By the way this is my question Liden, Are you inlove? If yes, describe her."

"Yes! Im inlove! Im inlove with a girl na napakasimple! Im inlove with girl na sa ngiti palang niya ay masaya na ako! Im inlove with a girl na walang ginawa kundi batukan ako. Im inlove with a girl na minsan ko ng kinainisan."

Napatingin naman ako kay Marianne matapos kong sabihin sakanya iyan at kita sa mukha niya na namumutla siya. Agad ko namang ipinaikot muli ang bote at naitutok ito muli kay Marianne  na katapat naman ni Vincent.

"Truth ule Vincent!"

"Diba fake relationship lang ang meron kayo ni Liden ngayon? Gusto mo ba itong maging totoo?"

"Bakit ang harsh ng mga tanong niyo saken?" Kita ulit sa mukha ni Marianne ang kaba pero di gaya kanina ay parang may kompyansa na siyang sagutin ang tanong.

"Yes, fake relationship lang ang meron kami ni Liden. Pero kahit ganun paman ay masaya ako dahil lagi niya akong napapasaya. Actually, minsan ay hindi ko na naiisip na fake relationship ang meron kami dahil sa sobrang maalaga at mabait ni Liden. Aminin man natin or hindi ay ideal man siya ng lahat kaya hindi mahirap na mahalin si Liden."

Bigla nalang akong napangiti sa sinabi niya. Bumilis rin ang tibok ng puso ko kasabay ng pag-init ng katawan ko.

After an hour ay natapos narin kami maglaro. Ang daming nabulgar na katotohanan gaya ng pagmamahal saakin ni Sarah, na gagawin raw niya ang lahat mapasakanya lang daw ako. Pero binalewala ko lang iyon dahil alam ko sa sarili ko na hindi na ako mapapasakanya pa, coz my heart is taken by Marianne na.

Matapos ang laro namin ay nagsasama na kaming mga boys at ganun din ang mga girls. Naglabas na si Carl ng mga alak. May pang lalake at may pangbabae. Iam excited to drink na kase ang tagal na bago ako nakainom ng alcohol.

I dont care kung matamaan man ako or hindi kaya agad akong uminon. Sila Marianne naman ay ice tea lang ang iniinom dahil mababa raw ang tolerance nila.

Dapat i enjoy ko na ang day na ito dahil bukas ay magpreprepare na ako para sa gaganaping confession ko kay Marianne.

Continue Reading

You'll Also Like

72.8K 2.6K 52
What if ang taong kinaiinisan mo at kinamumuhian mo ay ang mag papa-ibig din sa puso mo? Are you willing to give your heart to a man who does'nt have...
30.8K 2.1K 85
There's a Book 1. Yon Book 1 muna basahin niyo para alam niyo yon kabuoan ng kwento!Thank you!
1.9M 29.5K 65
What will happen if you're pregnant with Daniel Padilla?
4.5K 1K 51
Everything was changed since I met those three. My life became miserable,happy and like a roller coaster ride full of emotions. At first, akala ko m...