A Promdi's Guide To Self-disc...

By rheahime

662K 12.4K 797

*Once featured in Teen Fiction and winner of The Best TNT Panalo Story at the Wattys 2015* Kung tatanungin mo... More

Author's Note
Prologue: Extra Tip - You Don't Know What You Got 'Til It's Gone
Tip No. 1 - Pag Wala Dito, Hanapin Sa Iba
Tip No. 2 - Wag Sasama Sa Hindi Kilala
Tip No. 3 - Hindi Lahat Ng Bagay Ay Madali
Tip No. 4 - Makipagkaibigan
Tip No. 5 - Hindi Masamang Kiligin
Tip No. 6 - Hindi Maiiwasang Makakilala Ng Papansin
Tip No. 7 - Hindi Rin Maiiwasan Magkaroon Ng Boy Problems
Tip No. 8 - Linawin Ang Misunderstandings
Tip No. 9 - Humanap Ng Friends Na Sasabihan Kang Baliw, Kung Nababaliw Ka Na Nga
Tip No. 10 - May Mga Bagay Na Unexpected Na Darating
Tip No. 11 - May Mga Bagay Na Sadyang Magulo Lang Talaga
Tip No. 12 - Pag May Pangyayaring Unexpected, Sakyan Mo Na Lang
Tip No. 13 - Kung Palagay Mo Hindi Ka Magaling, Mag-practice
Tip No. 14 - Nakakabaliw Ang Sobrang Pag-iisip, Chill Lang Din Minsan
Tip No. 15 - Normal Ang Heartbreak, Matutong Mag-deal
Tip No. 16 - Hindi Maganda Ang Magtago Ng Sama Ng Loob, Ilabas Mo Yan
Tip No. 17 - May Mga Panahon Na Mas Maganda Ang Maging Honest
Tip No. 18 - Huwag Masyadong Mag-expect Para Hindi Masyadong Ma-disappoint
Tip No. 19 - Mahirap Maniwala Minsan; Matutong Kilalanin Kung Ano Ang Totoo
Tip No. 20 - Matutong Tumanggap Ng Pagkakamali
Tip No. 21 - May Times Na Kailangan Mong Pumili
Tip No. 23 - May Katapusan Din Ang Lahat
Tip No. 24 - Kapag Nabigyan Ka Ng Pagkakataon, Huwag Itong Pakawalan
Tip No. 25 - Maniwala Na Magiging Okay Din Ang Lahat, Ano Man Ang Mangyari
Epilogue: Extra Tip 1 - When One Door Closes, Another Opens
Epilogue: Extra Tip 2 - Feel The Fear But Take Action Anyway
Book Two: A Dreamer's Guide To Self-redemption
Side Story: A Rock Star's Guide To Getting The Promdi
Acknowledgments
Iba Pang Kwento Na Gawa Ni Rhea

Tip No. 22 - Mahirap Ang Pumili Pero Mas Mahirap Kung Hindi

14.6K 311 20
By rheahime

Pagkalabas na pagkalabas namin sa studio ay napa-sandal agad ako sa pader at nakulong bigla nang inilagay ni Nathan ang mga kamay nya sa magkabilang gilid sa may mga braso ko. Nakakatunaw ang mga titig nya pero hindi ko rin magawang umiwas ng tingin. Nawala na kasi yata ako sa lalim at ganda ng mga mata nitong gwapong kaharap ko.

"Do you mean it?"

"Alin?" Alam ko naman kung ano ang tinutukoy nya pero sinusubukan ko lang mag-stall dahil hindi pa rin malinaw sa utak ko kung ano ba talaga ang dapat gawin.

"You said you love me. Do you mean it?" Diin nya.

Napalunok ako. "Depende."

Napakunot sya ng noo at mukhang nalilito na. "Ano naman klaseng sagot yan? Depende saan?"

Depende saan? Hindi ko rin alam, eh. Sigurado ako na mahal ko sya pero hindi ko alam kung tama ba na aminin ko ito kahit nasa eksena pa si Claire. Nakakapag-alangan din na baka wala kami sa iisang page at hanggang sa salitang 'like' lang pala ang kaya nyang maibigay. At paano ang mga nangyari noon? Kahit naiintindihan ko na sya ngayon, hindi ko alam kung naka-get over na ba talaga ako sa heartaches na naidulot nya. Pano pag maulit uli ang mga iyon, o mangyari ang mas malala pa, pag sinabi ko sa kanya na mahal ko na nga sya?

Hindi umaalis ang mga mata nya sa akin at hindi ko na napigilan ang daliri ko na pindot-pindutin ang space sa pagitan ng kilay nya para matanggal na ang pagka-kunot nito.

Hinawakan nya ang daliri ko at inilagay ang palad ko sa pisngi nya. Napapikit sya ng ilang segundo at parang nanghina ang tuhod ko sa pinag-halong kilig at saya. May effect din pala ang touch ko sa kanya.

"Answer me, Yumi." Sabi nya. Lumabas sa mga mata ni Nathan, nang dumilat na ito, ang pagkatanggal na naman ng defenses nya at parang hinaluan pa ng konting desperation.

Nag-blangko tuloy bigla ang utak ko. Bakit ko nga ba ulit kailangan pigilan ang sarili ko sa pag-sabi ng feelings ko? Iniisip ko 'yon kani-kanina lang pero parang lumipad na lahat ng na-imbento kong reason kasama ng katiting na katinuan na natitira sa akin. Ah, hindi ko na alam. Basta sigurado ako na, "Mahal kita."

Hinagip nya bigla ang mukha ko at hinalikan na parang wala ng bukas. Napa-slide ang isa nyang kamay pababa sa likod ko at naramdaman ko ang pag-moan nya sa bibig ko nang mahawakan ang exposed na skin doon. Ibinalot ko ang mga braso ko sa leeg nya at sinuklay ng mga daliri ang blue nyang buhok habang patuloy pa rin ang paglalaro ng lips at tongues naming dalawa sa isa't-isa.

Malipas ang ilang segundo (o minuto o oras, hindi ko sure dahil sobrang nawala ako sa halik nya na 'yon), naghiwalay ang mga labi namin at pareho nang hinahabol ang paghinga. Inilayo nya ang mukha nya sa akin ng konti para matignan ako ng mabuti sa mata.

"I love you too, Yumi. I love you so much, it fucking hurts."

Parang nadurog sa million pieces ang puso ko pero para rin itong lumaki bigla at napuno ng laman. Hindi ko sure kung paano nangyari 'yon ng sabay, abnormal na talaga siguro ako, pero ganon ang na-feel ko sa mga sinabi nya.

Naramdaman ko ang biglang pagkabasa ng pisngi ko dahil sa hindi na napigilang pagtulo ng luha. Pinunasan nya ito at hinalikan ako sa pingi, sa mata at sa noo.

Hinawakan ko sya sa pisngi, naalala ang malakas na sampal na ibinigay ko dito, at sinabing, "Sorry kagabi. Masakit pa ba?"

Umiling sya. "I deserve it." Hinalikan nya ako sa tip ng ilong bago isinandal ang noo nya sa noo ko. "I'm sorry I hurt you, baby."

Mahal nya 'ko at sobrang close namin physically. Bakit ba para na akong nasa heaven ngayon? Namatay na ba 'ko nang hindi ko namamalayan? O nananaginip lang ba ako? Wow, kung panaginip lang 'to, ang taba naman ng utak ko at nakakapag-produce ng mukhang realistic na bagay.

Hinawi nya ang buhok ko at pinatingin ulit sa mata nya. "Babe?"

"Hmm?" Tuwing hahawakan nya ba 'ko at tatawaging 'babe' o 'baby', magkakaroon ng party ang animal kingdom sa tyan ko at mae-electrocute na parang kaharap ko lang si Pikachu? Ganon kasi ang nangyayari.

"What happened between you and Jay last night?" Tanong nya.

Sa sobrang seloso ni Nathan, in-expect ko na itatanong nya ito. Hindi ko gustong balikan ang mga nangyari kagabi pero kinuwento ko pa rin sa kanya para hindi na sya mag-isip ng kung ano-ano.

Naka-kunot na naman ang noo nya nang natapos ko na sabihin ang mga nabanggit ni Jay. "I can't believe he told you."

"Concern lang si Jay. Buti nga sinabi nya saken kasi mukhang wala ka namang balak sabihin."

"Sasabihin ko naman, I just didn't get a chance." Sabi nya.

"Hindi naman masyadong dinitalye ni Jay, parang binigyan nya lang ako ng summary." Napangiti ako at napahawak sa tip ng ilong nya. "Kahit anong gusto mo sabihin, kahit anong oras, makikinig ako."

Binigyan nya ako ng matamis na ngiti at isang mabilis na kiss sa lips bago sya nagsalita ulit. "Bawal na bawiin yung sinabi mo na mahal mo ko, okay?"

"Hindi mo na rin mababawi yung iyo."

"Wala naman akong balak." Sagot nya. Pinaglapit nya ulit ang mga labi namin at binigyan na naman ako ng isang masarap na halik.

Naramdaman ko bigla ang pagkalabit ng mga bagay na dating bumagabag sa utak ko at isa-isa silang nagpapansin. Kahit gustong-gusto ko na kasama si Nathan nang ganito, kailangan ko muna i-pause ang kasayahan at i-address ang mga bagay na iyon.

"Nate?"

Napangiti sya sa akin. "Yes, babe?"

"Um, ibig ba sabihin nito, tayo na? As in, girlfriend mo ko, boyfriend kita? As in, akin ka lang?"

Lumaki lalo ang ngiti nya at tinignan lang ako nang hindi sumasagot.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing. It's just my first time hearing you call me 'Nate'." Sabi nya. "And yes, this means girlfriend kita, boyfriend mo ko. I'm all yours, baby, and you're all mine."

Napa-gaya tuloy ako ng ngiti. Nag-define na rin kasi sya kung ano ako sa kanya, sa wakas. Tapos natawag ko pa syang 'Nate', sa wakas. "Ayaw mo ba na 'Nate' itawag ko sa'yo?"

"Nope, I love it. I love you." Hahalikan na sana nya ako ulit pero pinigilan ko sya. Napa-pout bigla si Nathan at para akong mahihimatay sa ka-cute-an.

Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko dapat. Ano nga ba ulit yun? Ah. "Pano si Claire?"

"Shit. I forgot about her." Sabi nya. Napabuntong-hininga sya bago nakapagsalita ulit. "I'll talk to her right now. Or do you want to do it together?"

Umiling ako nang sobrang forceful, may napunit yata na muscle sa leeg ko. "Can we keep this a secret muna?"

Napakunot na naman sya ng noo. "What do you mean? You still want me to break it off with her, right?"

"Oo naman. Ibig ko lang sabihin, masasaktan sya lalo pag nalaman nyang tayo kaya wag muna natin sana ipaalam."

"Okay. We'll keep our relationship a secret, kung yun ang gusto mo." Sabi nya. "I'll do whatever you want me to do, baby." May maliit na ngiti syang ibinigay sa akin pero hindi naman sya mukhang masaya sa kagustuhan ko.

Napayuko ako sa hiya. "Ang selfish ko, I'm sorry." Hindi ko na mapigilan ang feelings ko para sa kanya pero ayoko rin masaktan si Claire. Alam ko na hindi ko iyon maiiwasan forever pero, hangga't maari sana, gusto ko i-minimize ang casualty.

"You're not being selfish, babe. Naiintindihan ko naman, eh. Kasalanan ko rin naman." Sabi nya. Itinaas nya ulit ang mukha ko para tumingin sa kanya. "I just wanna make you happy."

Sa seventeen years na nabubuhay ako, hindi pa ako naging kasing saya katulad ng nararamdaman ko ngayon. "You make me happy naman. Sana lang, kaya din kita pasayahin."

Inakap nya ako ng mahigpit. "I don't think I've ever been this happy, sa totoo lang." Bulong nya.

Hinawakan nya ulit ang mukha ko at hahalikan na sana pero pinigilan ko sya ulit. "Wala na munang kiss hanggang hindi mo pa nakakausap si Claire."

Nag-pout na naman sya at kumurap ng kumurap na parang nagpapa-awa effect. Napa-ngiti tuloy ako. Ang cute talaga nitong boyfriend ko.

Naks, ang sarap naman sabihin nun. Isa pa nga. Boyfriend ko na si Nate. Wooww, sarap talaga.

"Fine, last one."

Mabilis na halik lang sana ang ibibigay ko pero pinalalim na naman nya ito at wala akong nagawa kundi gumanti. Nakaka-adik ang taong 'to, grabe.

Nagulat kami nang may biglang bumusina at itinulak ko na sya palayo. Nagpa-awa effect na naman itong si Nathan at hindi ko na mapigilan ang matawa. "Alis na. Go!"

Napangisi sya. "I'll be right back."

Tumango ako at nagnakaw na naman sya ng kiss sa pisngi bago binuksan ang pinto at bumaba na papuntang studio. Wala pa yatang isang second nang naka-alis sya at sinusubukan kong pabagalin ang sobrang bilis na heartbeat nang umarangkada na naman ito dahil umakyat na ulit si Nathan kasunod sila Claire at Tala.

Continue Reading

You'll Also Like

36.6K 3.1K 35
Ang Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kay...
183K 2.9K 6
ALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)
2.4K 238 67
After the failure of First love, Geyl decided to not love a guy but one day she just woke up and there are three dazzling handsome hot guys that will...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...