Love Shot by CatchMe (Complet...

By CatchMeStories

63.7K 1.3K 52

Love Shot by CatchMe "Ang sabi sa kanta ni Enrique Iglesias, 'could I have this kiss forever?' Ayoko ng kiss... More

Sneak Peek
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Wakas
Rest in Peace, Neszie

Chapter 19

1.6K 46 2
By CatchMeStories

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 19

KANINA pa nagkakandahaba ang leeg ni Jz sa kakahanap kay Neszie pero hindi pa rin niya ito nakita. Kakatapos lang nilang kumain at sandali lang naman itong nagpaalam sa kanya na sandali lang itong magbabanyo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumalik sa table na inuukupa nito at ng kaibigan nitong si Jhoana na personal assistant din ng kaibigan at group mate niyang si Raffy.

Mayamaya lang ay ipapakilala na ang taong nagsponsor sa kanila sa bago nilang album kaya hindi siya makaalis sa kanilang table para hanapin si Neszie.

Nababahala pa naman siya dahil nandito rin ang dating nobya niya na si Manilyn at ewan niya kung bakit paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang sinabi ng dating nobya.

Pagsisihan mo ito Jz and she will pay for this!

Mga katagang huling narinig niya mula sa labi ng dating nobya bago sila naghiwalay. Akala nga niya ay tanggap na nito na wala na sila dahil hindi na ito nagpakita sa kanya simula ng gabing naghiwalay sila ng landas pero ngayon ay nagulat na lamang siya nang makitang nandito sa party nila ang dating nobya.

At natatakot siya sa maari nitong gawin kay Nezsie na walang kaalam-alam sa pagbabanta ng dati niyang nobya.

...and she will pay for this! ...and she will pay for this!

Napabuga siya ng hangin at muling inikot ang paningin sa paligid pero hindi pa rin niya makita si Neszie. Hanggang sa magsimula na muling magsalita ang talent manager nilang si sir James sa microphone para ipakilala ang taong nakilala lamang nila sa pangalang Mr. A. na siyang nagsponsor sa kanila sa kanilang bagong album.

Neszie, where are you?

"Ladies and gentlemen, maraming maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa promotional party ng bagong album ng Takeoff. Ang 'Love Shot' na binubuo ng walong kanta na ang Takeoff mismo ang nagcomposed at kumanta. Mabibili niyo na po sa mga suki niyong tindahan. So, please grab your copy." Si sir James na masayang ipinopromote ang bagong album ng Takeoff entitled 'Love Shot'.

"And also,ipinagmamalaki ko rin na ipakilala ang taong nasa likod ng lahat ng ito. Ang taong buong pusong nagbigay ng kanyang tiwala sa aking mga alaga para maging tagumpay at muling maabot ang kanilang mga pangarap na muling makapagrelease ng panibagong album. At sa tulong ng taong nakilala natin na si Mr. A., ay taus-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong niya at tulad ng nasabi ko na...ipinagmamalaki ko siyang ipakilala sa inyo ng personal. Ladies and gentlemen, my boys, Takeoff, friends and relatives, meet the man behind all of these, Mr. Nestor Alday a.k.a Mr. A.!"

Masayang ipinakilala ng kanilang talent manager ang kanilang mabait na sponsor sa kanilang panibagong album na 'Love Shot'.

Masayang nagsitayuan ang lahat at malakas na nagpalakpakan sa may edad ng lalaki na umakyat sa hindi kalakihang stage. Sinalubong ito ng kanilang talent manager at inalalayang makaayat bagobinigyan ng microphone.

Nang tumigil ang palakpakan ay nakangiting itinaas ni Mr. A. ang kamay nito na kumaway sa kanila na naroon sa party na iyon na siya naman muling pinalakpakan ng mga besitang dumalo. Kabilang na silang mga 'myembro ng Takeoff.

Nang muling tumigil sa pagpalakpakan ang lahat at tumahimik ang paligid ay nagsimula nang magsalita si Mr. A.

Lumingon si Jz sa table nina Neszie pero wala pa rin ang dalaga kaya napilitan na siyang magtanong kay Jhoana kung nasaan si Neszie.

"Hindi ko nga rin makita eh, baka nasa C.R pa rin? Kasi nagpaalam lang siya kanina na pupunta sa C.R."

"'Pwede bang puntahan mo na lang siya sa C.R, Jho? Baka sumama ang pakiramdam niya na hindi lang natin alam kaya hindi pa siya nakabalik dito sa table niyo." pakiusap niya sa dalaga.

"Sige, pupuntahan ko na lang siya sa C.R," sang-ayon ng dalaga.

Ngunit hindi pa man ito nakahakbang ay naagaw ang pansin nila kapwa ng bigla na lamang lumabas sa ibabaw ng stage ang nagulat at nabiglang mukha ni Neszie dahilan nang sabay-sabay na napa-OH ang halos lahat ng naroon sa party at maging si Mr. A., na naputol ang pagsasalita sa biglang pagsulpot ng dalaga.

NAGSALUBONG ang mga kilay ni Neszie nang may humarang sa kanyang dinadaanan. Kagagaling lang niya sa banyo at nagbawas nang makaramdam kanina ng tawag ng kalikasan.

At gano'n na lamang ang pagtataka niya ng makilala ang taong humarang sa dinadaanan niya. Si Manilyn, ang ex-girlfriend ng pinakamamahal niyang si Jz.

Sinubukan niyang iwasan ito pero muli nitong hinarangan ang dadaanan sana niya. "M-manilyn, what are you doing?" tanong niya nang magulat siya sa biglang pagtulak sa kanya nito.

Napasinghap siya sa hindi inaasahang ginawa ng kanyang kaharap."Manilyn? Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Wala akong ginawang masama sa'yo para gawin mo sa akin ito."

A demon smile curved on her lips.

"Happy?" tanong nito na humakbang papalapit sa kanya at hindi sinagot ang tanong niya.

Napilitan tuloy siyang humakbang paatras mula sa dalaga pero patuloy siya nitong sinusundan.

"Masaya ka na ba at naagaw mo na sa akin si Jz?" patuloy nito na siyang mas lalo niyang ipinagtataka.

"Manilyn? Ano ba'ng pinagsasabi mo?" tanong niya muli habang patuloy sa pag-atras.

Malamang ay naparami ng ito ng inom at ayaw niya itong patulan kaya kailangan niyang iwasan ang dalaga.

"Hindi mo alam ang pinagsasabi ko? O nagmamaang-maangan ka lang para maging inosenti ka sa mga mata ko?"

Umiling-iling siya.

"Hindi kita naiintindihan, Manilyn. Lasing ka lang at kailangan mo na sigurong magpahinga na," aniya.

Narinig pa niya ang boses ng talent manager ng Takeoff na si sir James na nagsalita sa microphone. Nagsimula na itong magpasalamat sa lahat ng pumunta sa party.

"Hindi ako lasing, bitch!" dinuro siya nito.

"Manilyn, please...ayoko ng gulo, if you excuse me, kailangan ko ng bumalik sa loob."

Paalam niya at nagmamadaling humakbang para iwanan ang dalaga. Malayo na siya sa pintuan nang mapahinto siya nang marinig ang boses ni sir James.

Mabilis na kumabog ang puso niya at napalunok siya ng kanyang laway.

"Tama ba ang narinig ko?" tanong niya sa sarili. "Mr. Nestor Alday a.k.a Mr. A.? N-nestor Alday?"

Pumihit siya at humakbang patungo sa kabilang pinto na siyang konektado sa stage kung saan naroon si Sir James at si Mr. A., na ipinakilala nito.

Kailangan niyang sigurohin ang narinig at hindi na siya makapaghintay pang makita ang ipinakilala nitong Nestor Alday.

Tila nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya nang marating niya ang pintuang iyon at dahan dahan niya iyong binuksan.

And to her surprise, ang Nestor Alday na ipinakilala ni sir James at ang Nestor Alday na ama niya ay iisa!

Parang kailan lang nang huli silang nagkita at hindi sapat ang ilang taon na paghihiwalay nila para makalimutan niya ang mukha ng kanyang ama.

"P-papa..."

Napatakip siya sa kanyang labi gamit ang kanyang palad. Hindi niya alam kung anong gagawin niya ng mga oras na iyon. Inaamin niyang nagagalak siyang malaman na buhay at nandito ang ama niya. Pero, kilala pa kaya siya nito?

"Ah, tatakas ka pa sa akin, ha?"

Nagulat siya nang may nagsalita sa kanyang likuran. Kasabay niyon ay ang malakas na pagtulak nito sa kanya.

Hindi niya inaasahan ang gagawin nito at natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa gitna na siya ng stage. Pinagtitinginan ng lahat dahil sa pagkagulat sa pagsulpot niya.

Gusto niyang maglaho ng mga oras na iyon habang si Manilyn naman ay malawak ang ngiting humakbang palapit sa kanya sa gitna. May hawak itong microphone sa kanan at baso ng alak sa kaliwa na hindi niya alam kung saan man nito iyon nakuha.

"Ops! Pasinsya na sa lahat, lalong lalo na sa'yo, Mr. A. Pero bago ang lahat magbibigay muna ng isang napakagandang intermission number itong personal assistant ni Mr. Jz Zamora na tiyak niyong magugulat kayo sa ganda ng boses niya, right, Neszie?" lingon nito sa kanya na marahas na ibinigay sa kanya ang wireless na mikropono.

Samu't saring emosyon ang lumukob sa puso ni Neszie ng mga sandaling iyon.

Pagkapahiya sa ginawa ni Manilyn sa kanya at kasiyahan naman na malamang buhay ang kanyang ama na nakatayo sa harapan niya.

Hindi tuloy niya alam kung anong gagawin niya. Kakanta ba siya tulad ng sinasabi ni Manilyn para mas lalo siyang mapahiya? O tatakbo na lang siya para umiwas sa paningin ng lahat?

Pero, ayaw niyang umalis sa harapan ng ama niya. Gusto niyang makilala siya nito at gagawa siya ng paraan para sandaling manatili sa harapan nito at baka maalala pa siya nito pag nagtagal siya ng ilang minuto sa harapan nito.

At kahit ikakahiya pa niya ay wala siyang pakialam basta nasa harap niya ang ama ay masaya na siya.

"Manilyn, what the hell are you doing?" narinig niya ang boses ni Jz. Mayamaya ay naramdaman niyang may humawak sa braso niya. "Neszie, okay ka lang? I'm sorry. C'mon, we have to go," nag-alalang boses ni Jz ang naririnig niya.

Pero hindi niya nagawang tingnan ito bagkus ay nakatitig pa rin siya sa mukha ng kanyang ama na tila nagugulohan sa pangyayari.

Nanatili siyang nakatayo at marahan niyang binawi ang mga braso niya mula sa pagkakahawak ni Jz. Kasunod niyon ay dahan-dahan niyang itinaas ang hawak na mikropono at inilapit sa kanyang labi.

"Back when I was a child. Before life remove all the innocence." Simula niya nang magsalita si Jz.

"Neszie, you don't have to do this. C'mon, umalis na tayo rito." Sabi nito pero hindi niya iyon pinansin na ipinagpatuloy ang sinimulang kanta.

"My father would lift me high. And dance with my mother and me and then." Patuloy niya nang unti-unting lumuwag ang pagkakawak ni Jz sa kanyang braso at ang pagbuntong hininga nito.

Samantalang ang mga mata naman niya ay nanatiling nakatitig sa mukha ng kanyang ama. Nagsimula na rin tumahimik ang paligid at tumugtog ang background music na tumugma naman sa linya ng kinakanta niya. "Spin me around 'til I fell asleep. Then up the stairs he would carry me. And I knew for sure, I was loved."

Pakiramdam niya ay parang nasa isang eksena sa pelikula siya ngayon. Kaharap ang matagal na niyang hinahanap at inaasam na makita't makasama niya ang taong pinakamamahal niya.

At ang pagkakataong ito na nasa harapan na niya ang taong iyon ay gusto niyang ipaalam at ipaalala rito kung sino siya. At baka sa tulong ng paborito niyang kanta ay mapaalala niya rito kung sino siya.

"If I could get another chance, another walk, another dance with him. I'd play a song that would never ever end. How I'd love love, to dance with my father again..."

Wish nga lang niya na sa tulong ng kantang ito ay maalala siya ng ama.

"Ohh..."

Ano ba ang dapat niya gawin? Nagsimula nang mamuo ang luha niya sa kanyang mga mata. Gusto nang bumagsak sa pisngi niya at ang boses niya nag-umpisa na ring gumaralgal. Na tila ba may malaking bikig na humaharang sa lalamunan niya.

Ang kamay niya ay nanginginig pa na ewan niya at hindi niya mapigilang huwag manginig iyon habang hawak ang microphone.

"When I, and my mother would disagree. To get my way, I would run from her to him."

At iyon na nga't 'di na niya napigilan ang sarili. Mabilis na bumagsak angmga luha niya habang kumakanta.

"He'd make me laugh just to comfort me. Then finally make me do just what my mama said."

Mabilis kasing dumaloy sa isipan niya ang mga pangayayari noon nang hindi pa niya inaakala na iiwan sila ng kanyang ama.

"Later that night when I was asleep. He left a dollar under my sheet. Never dreamed that he would be gone from me."

Parang kailan lang nang iwanan sila ng kanyang ama. At walang gabi bago siya matulog na hindi siya nanalangin. Na sana...bumalik ang ama niya para maging masaya sila muli kasama ang ate at mama niya.

"If I could steal, one final glance, one final step. One final dance with him. I'd play a song that would never ever end. 'Cause I'd love love, to dance with my father again."

Yes! She always dreamed to dance with her father again. Tulad noong last sevent birthday niya kasama ang buo niyang pamilya. She was wearing a red gown, happily danced with her father. Kasunod niya ay ang ate niya at huli naman ang mama niya.

"Sometimes I'd listen outside her at door. And I'd hear how my mother cried for him. I pray for her even more than me...I pray for her even more than me."

Pero parang isang bangungot lang ang lahat ng iyon. Dahil sa kabila ng kasayahang naramdaman nila noon ay tila biro naman na napalitan ng hindi inaasahang kalungkutan. Worst 'cause her father left them without saying goodbye.

At simula noon ay tanging iyak ng mama niya ang naririnig niya tuwing gabi. Kung may magagawa lang siya noon para bumalik ang papa niya ay sana ginawa niya. Pero, ano nga ba talaga ang kayang gawin ng isang musmos na gaya niya noon? She was just a seven years old girl na hindi inaasahan ang pagkawala ng papa niya noon. Ni hindi nga niya inaasahan na iyon na pala ang huling masayang birthday niya kasama ang pamilya.

At ngayon nakaharap na niya ang ama niya, pero huli na ang lahat. Dahil wala na ang kanyang mama. Namatay lang ang mama niya ng hindi nasilayan ang kanyang papa.

Parang gustong sumabog ng puso niya sa kanyang naalala at mas lalo siyang napaiyak na hindi na niya nagawang tapusin ang kinakanta niya dahil halos kapusin na siya sa paghinga.

At ang tanging nagawa lang niya ay humagulgol sa harap ng kanyang ama na hindi alam kung lalapitan ba siya o ano. Dahil nasa mukha pa rin nito ang pagkalito, napahawak pa nga ito sa ulo niya na tila nasasaktan ito.

"Neszie, ano ba ang nangyayari sa'yo? Please, tama na, umalis na tayo." Nag-alalang boses ni Jz na halos ay yakapin na siya para tumigil siya sa kakaiyak.

Ang sarap sana sa pakiramdam na niyayakap siya ng taong matagal rin niyang minamahal pero hindi pa ito ang oras para unahin niya ang kanyang tunay na nararamdaman kay Jz. Gusto muna niyang ipaalam sa isa pang lalaki na nasa harap niya kung sino siya.

Marahan niyang tinulak si Jz para makawala sa pagkakayakap nito at humakbang siya papalapit pa sa kanyang ama. Saka lang siya tumigil ng halos abot-kamay na niya ito.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya na ewan ba niya at dinaig pa niya ang gripo sa hindi matapos tapos sa pagbagsak ng luha niya.

Tiningnan niya ito sa mukha na hiyaan ang luha sa patuloy na pagbagsak niyon."H-hindi mo ba ako n-naaalala?" tanong niya nang paputol-putol.

Umiling-iling ang kanyang kaharap habang nakahawak sa ulo nito. Na para bang may inaalala ito na hindi nito maalala na kung tingnan mo ng maigi ay parang sasabog ang ulo nito sa paraan ng pagkakahawak nito.

"Hindi mo ba ako naalala?" tanong niya muli sa nabiglang lalaking kaharap niya. "P-papa, ako ito. S-si Neszie. Si Neszie ito, Papa. Hindi mo talaga ako naaalala? O sadyang kinalimutan mo na kami?" Tanong niya nang mabigla siya sa marahas na kamay na humawak sa braso niya paharap sa may-ari niyon. At kasunod niyon ay ang paghagis ng malamig at mapait na likido sa kanyang mukha.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...