Mr. Chickboy (Completed)

Von WinonaSaiz

83.9K 1.5K 58

A chickboy's story. Warson ~ Mehr

Introduction √
His Side √
Selfie Monday √
Long Wednesday √
Cosplay Friday √
Saturday Night √
Comeback √
Past √
The Bet √
Dinner √
Agreement √
Ligaw: Day 1 √
Ligaw: Day 2 √
Ligaw : Day 3 and 4 √
Status : In Relationship √
First Day √
Representative √
Mr. and Ms. Santa Claus. √
Christmas Break √
Christmas 1.1 √
Christmas 1.2 √
Special Chapter 1 √
Boracay Escapade 1.1 √
Missing her.
New Years Resolution.
Abnormal Beat
Confused
Special Chapter 2
Special Chapter 1.2
Heartaches.
Leaving Him.
Miserable.
A life without Sam.
False Alarm
Operation:Finding Sam
Irish's Help.
Locating Samantha.
Summer.
Serenading Sam.
Courting all over again.
Mr. Chickboy Moves.
Satur-Date.
Beg.
Signs
Chance
Birthday.
Two
Eternity.
Second Life.
Last Wish
New Beginning
Graduation Day.
True Feelings
New Chapter
Our Love.
Right Time, Right Place.
SC: Harold's Love
SC: Harold's Love
SC : Harold's Love.
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Love
SC : Rosas' Gumamela.
SC : Rosas' Gumamela
SC : Rosas' Gumamela
Epilogue
Book 2

Boracay Escapade 1.2

853 26 0
Von WinonaSaiz

Warson

Nagising ako kinabukasan sa sobrang ingay. Ng magmulat ako ng mga mata ko ay nakita ko sila Rosas at Sandrex na sumasayaw sa harap ng laptop. Mga naka topless pa at isinasayaw ang wiggle wiggle na music. Binato ko sila ng unan para tumahimik pero binuhat nila ako at inilagay sa harap ng laptop. Putik. Video pala.

Sumayaw rin ako. Syempre, magpapahuli ba ako! Sayang ang exposure namin noh. Minsan kalang makakita ng gwapong magaling sumayaw.

Natigil ang sayawan namin ng bumukas ang pinto at iluwa nito ang nanlalaking mata nila Irish. Ikaw ba naman makakita ng halos hubad ng katawan namin habang sumasayaw.

"Waaaah!! My innocent eyes!" Tss. Ito naman. Makasigaw naman 'to akala mo hindi pa nakikita ang katawan kong macho. Pero syemore, dahil nahihiya ako ay nagsuot na agad ako ng damit.

"Bitin tuloy. Ano bang ginagawa niyo dito?" Pasigaw na wika ni Rosas. Halata ngang nabitin siya sa dance number namin.

"Kakain na kaya tayo! Sumunod nalang kayo! Gross!" Hinatak naman niya agad si Harold na nasa likod niya. Napansin ko naman agad ang pagtahimik ni Rosas. Tinapik ko ang balikat niya at agad na nagbihis. Nakakagutom ang ginawa namin eh.

--------

Kakatapos lang namin kumain lahat ng mapagpasyahan namin na tumambay at umupo muna sa dalampasigan. Ang ganda kaya ng view na nakikita namin. May mga babaeng swak na swak ang laman ng dibdib at saktong sakto ang vital statistics.

"Wowwww!" Narinig kong wika ni Rosas ng may mapadaan sa aming babaeng nakabikini lang. Kumindat ito sa akin at nagulat ako ng lumapit ito sa akin. Sheyte. Ang hot!

"Hi! I'm Marie. And you are ?.." Tanong niya sa akin sabay lahad ng palad. Iba na talaga kapag gwapo.

"Warson.. But you can call me by my nickname. 'I'm Yours'." Wika ko na nagpahagikhik sa kanya. Inipit ko ang buhok niya na tinangay ng hangin. Lumapit pa siya ng upo sa akin. Sobrang hangin naman pero bakit napaka init na dito?

Lumingon ako sa direksyon nila Rosas. Ganun rin sila, may mga babaeng lumapit rin. Kasama siguro ni Marie.

"Hihi. Kayo lang ba ng mga kaibigan niyo dito?" Tanong niya. Napatingin ako sa legs niya ng nag cross legs siya sa inuupuan ko. Napalunok ako ng malalim. Yung parang pati dila ko kailangan ko ng lunukin.

"Ah.. O-oo. Kami lang dito. Hehe". Wika ko. Inilibot ko ang paningin ko. Pakiramdam ko kasi may nagmamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Nakita ko kasi si Sam at Irish na masama ang tingin sa akin. Agad kong naitulak ang babae.

"Ouch! Ano ba!" Hiyaw niya. Pero hindi ko na pinansin dahil nakita kong tumakbo na rin si Sam palayo. Tss. Agad ko siyang sinundan. Pero agad ring natigilan ng sumigaw sila Rosas.

"Son! Diba mag i-island hopping pa tayo?" Wika niya. Wala na rin ang babaeng kinakausap nila. Si Irish? Sinundan din si Sam ng tumakbo. Napaisip ako. Baka kasi kung ano na ang iniisip ni Sam ngayon sa nakita niya. Tss! Bakit ba kasi sobrang gwapo ako ng inilabas ni Mama eh. Yan tuloy habulin ng mga chicks!

"Wag mo sabihing di ka sasama?" Tanong ni Sandrex. Isinuot nito ang shades nito at nagsimula ng kausapin ang head ng bangka na gagamitin namin.

Tss. Kakausapin ka nalang mamaya si Sam. Makakapaghintay naman sila eh. Bumalik ako kina Sandrex at kinausap na sila. Napansin ko na lingon ng lingon si Harold. Ano naman kaya ang hinahanap nito?

"Irish." Bulong ni Sandrex sa akin ng mapansin na nakatingin ako kay Harold. Nagtatakang nabaling ang mata ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Halatang nagaalala yan sa dalawa. Hindi mo ba susundan si Sam?" Mabuti naman at iba ang sinabi niya sa iniisip ko. Umiling ako at hinatak na sila pasakay ng bangka.

Nahuli ako ni Harold na nakatitig sa kanya. Tinapik lang niya ang balikat ko at itinuon na ang atensyon sa phone niya. Hindi naman sa hindi ako boto sa kanya pero ayokong isipin na isa sa kanila ang mapupunta sa pinsan ko.

Tss. Tama na nga 'to. Magsasaya kami sa Island Hopping namin!

---------

"Whoo! Ang saya! Ulitin natin yun huh! Haha!" Masayang wika ni Rosas ng makabalik kami sa hotel. Hapon na rin yun at nagmamadali na kaming makabalik sa kanya kanyang room para naman makapagbanlaw at magba Bar hopping naman kami. Well, were on a vacation right? So dapat enjoy lang.

"Oy! Kitakits sa labas ng restaurant ng hotel." Tumango lang ako sa sinabi ni Rosas at pumasok na agad sa room namin. Kinuha ko ang phone ko para I check kung nag text ba si Sam pero wala pa rin. Galit ba yun?

Pagkatapos kong makaligo ay nauna na akong bumaba kay Sandrex. Marami pang rituals sa katawan yun eh kaya alam ko na mauugatan lang ako kapag naghintay ako sa kanya. I get my phone to know the whereabouts of my cousin. Lagot kaya ako kay Tita kapag nawala yun.

Um order ako ng cafe sa isang Cafe Store at naghintay ng reply nila. I opened my Facebook to check my Notifications. Hindi ko na pinansin ang halos thousands ko na friend request at dumiretso sa news feed ko. Nagulat ako ng makita ko ang picture ni Sam kasama si Drew habang nakaakbay pa sa kanya ang lalaking yun! At bakit naman kasama kaya kasama niya yun!

I checked her post at napagalaman ko na ilang minuto palang ang nakakalipas simula ng pinost niya yun. I immediately went to the bar where they are. Agad ko naman silang nakita ng pinsan ko at ang hilaw na labanos na nurse na nagtatawanan habang umiinom. At sino naman kaya ang nagbigay sa kanila ng permiso na uminom na hindi kami kasama!

Nagmamadali akong pumunta at inalis ang pagkakaakbay ng Drew na yun sa balikat ni Sam. Halatang nagulat sila dahil hindi agad sila nakapagsalita at halos naiwan pang nakanganga ang bibig.

"Who gave you a permission to drink?" I asked.

"Tss. Panira ka talaga ng moment. Halerr! Ilang taon na kaya ako? Dalaga na ako Son. Haleeeer!" Umiirap na wika ni Irish. Tss. Ang supalda talaga, dukutin ko mata nito eh.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Tara na! Bumalik na tayo sa room natin." Hinawakan ko ang braso niya pati si Sam na nakayuko at pilit na pinapatayo. Mga lasing na 'to ah. Tss.

"Argh! Will you please let go of me Warson! Gusto ko pang uminom!" Wika ni Irish habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya. Pambihira naman kasi oh. Punagtitinginan na rin kami ng mga tao.

"Tss. Bakit ka ba kasi iinom huh?" Mariing tanong ko sa kanya. Kunwa'y bigla siyang natahimik at natitigilang napaupo sa upuan dito sa bar.

"Hindi ka ba sasagot?" Tanong ko. Humarap ako sa kanya at bahagyang yumuko. May problema ba siya? Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang inihilamos ang mukha sa palad niya.

"The guy I loved can't love me back". Nahihirapang wika niya. Maya maya ay umiiyak na ito. Napatiim ang bagang ko sa narinig ko. Bakit ngayon ko lang napansin na inlove pala ang isang 'to?

"Who's that fvcking guy Irish? Bakit hindi ko alam?" Tumawa siya ng pagak at yumuko bago nagsalita.

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Edi pinagtripan mo yun? Hahaha!" Wika niya. Tss. Nakainom 'to kaya nababaliw eh. "Teka nga pala! Bakit mo ba iniwan ang girlfriend mo kanina! Buti nalang pala at nakita namin si Drew kanina. Sinamahan niya kaming maglibot. Tss. Wala kang kwentang boyfriend." Dinuro duro niya pa ako sa dibdib. Lumingon ako kay Sam. Nakasandal ang ulo nito kay Drew. Fvck!

"Hey Dude! Girlfriend ko yan!" Sigaw ko sa kanya. Agad kong hinawakan si Sam at iniyakap sa akin. Tss. Iinom inom tapos di naman pala kakayanin. Wag niyang sabihin na may problema rin ang isang 'to?

"Haha! Wow! Girlfriend pala? Hahaha!" Wika ni Sam sa akin. Naamoy ko ang alak sa bibig niya. Tss. Lasing na rin ang isang 'to? Anong oras ba sila uminom? Tss! Ano nalang pala kaya ang mangyayari kapag hindi ako sumunod dito?

"Nasaan na ba ang babae mo kanina? Hindi ka na ba nilalandi? Kung ganun ay maghanap ka ng iba! Haha! Ayos lang yun sa akin. Basta wag ka na agad magpapakita sa akin." Tumakbo siya agad palabas ng bar. Tss! Bakit ba gusto ng mga babae na tumakbo o mag walk out agad pag ganitong mga sitwasyon?

Tatakbo na sana ako para habulin siya ng maalala ko ang pinsan ko. Leche naman 'oh! Parehong may mangyayaring masama sa kanila kapag pinabayaan ko lang sila. Sino ba ang uunahin ko sa kanila? Ang pinsan ko o si Sam? Bwisit naman oh! Hindi dapat pinapahirapan ang mga poging katulad ko eh.

"Dude. I'll just follow Sam." Bago pa ako makaangal ay nakalabas na agad si Drew. Putik! Bakit ba siya ang susunod dun eh ako nga ang boyfriend? Fvck this life!

Binuhat ko si Irish at muntikan ng mabali ang mga buto ko sa katawan. Di kaya biro ang bigat ng isang 'to!

"Uhmm. Sir. Di pa po kasi bayad yung ininom nila." Harang sa akin ng waiter. Shit! Fvck! Leche! Tinakasan ng Drew na yun ang bill nila?! Kaya naman pala nagmamadaling umalis!

Dumukot ako ng pera sa bulsa ko at hindi na ito binilang ng inilapag lahat ng yun. Ang nasa isip ko ngayon ay maihatid si Irish at masundan si Sam, baka mamaya ay marape pa ng hilaw na labanos na nurse yun. Tss.

Nakasalubong ko sila Harold na palabas ng hotel. Nakalimutan ko pala na hintayin sila kanina. Tss. Nagtataka sila ng makitang karga karga ko ang walang malay na pinsan ko.

"What happen to her?" Sabay na tanong ni Rosas at Harold. Bakas sa mga boses ang pagaalala. Pero hindi ko muna sila pinansin at agad na ibinigay kay Sandrex si Irish. Kailangan kong sumunod kay Sam.

"Send her to our room Sand! Wait me their, hahanapin ko lang si Sam!" Sigaw ko sa kanila at dali daling tumakbo para naman makita siya agad. Bakit ba kasi nagaalala pa ako ng ganito sa kanya.

Pinasukan ko ang iba't ibang bar na nadaanan ko sa paghahanap sa kanya pero wala siya dun. Madali ko lang naman siyang makikilala kasi naka red siya kanina na skirt. Pinasok ko rin ang iba't ibang restaurant para makita siya pero ganun din kanina ang nangyari. Wala pa rin.

Napatingin ako sa relo ko. Halos isang oras na rin pala ang nakakalipas simula ng hanapin ko siya. Tss. Saan ba naman kasi nagsususuot yun?

Naalala kong hindi ko pa pala nalilibot ang sa dalampasigan kaya tumakbo na ako papunta dun. Nagsimula akong maghanap sa station 3 hanggang sa Station 1. I even asked people kung nakita nila ang isang babaeng may kasamang hilaw na labanos. Tss. Pero wala pa rin. Nawawalan na ako ng pag asang makita siya ng may marinig akong pamilyar na tawanan. Mga tawa na kahit kailanman ay hindi ko malilimutan.

"Haha! Kaya nga! Kapag nangyari yun sa akin mahihiya rin ako". Tss. Akala ko ba lasing 'to? Bakit ganito pa siya tumawa? Naningkit ang mata ko ng makita ang pasimpleng haplos ni Drew sa katawan niya. Leche! Pumapayag siyang magpamanyak sa hilaw na yan!

Hinila ko siya palayo sa lalaking yun at hinawakan sa braso niya. Tapos ay hila hila ko siya palayo. Hindi agad nakapag react si Drew sa ginawa ko. Buti nga sa kanya.

"A-aray! Warson! Masakit." Daing niya. Nagdidilim ang paningin ko. Wala lang may magkakamali na humarang o pigilin ako. Makakatikim talaga sila sa akin.

"Teka! Warson! Nasasaktan na si Sam. Bitawan mo na siya." Panghaharang pa sa akin ni Drew. Sabi ko wala dapat ang pipigil sa akin diba? Tss! Agad kong pinalipad ang kamao ko sa mukha niya. Kanina pa nangangati ang kamay ko na 'to eh. Papatikimin ko lang para mawala na ang pangangati.

"Warson! Ano ba!" Sigaw ni Sam. Humiwalay siya sa pagkakahawak sa kamay ko at tumakbo para daluhan ang nasaktan na si Drew. Leche! Bakit yan pa ang tinutulungan ng babaeng yan! Bading 'ata yan eh! Hindi manlang lumaban. O baka naman gusto niya lang magpaawa. Tss.

"Minamanyak ka ng lalaking yan tapos siya pa ang inaalala mo? Alam mo ba kung ilang oras ang lumipas dahil lang sa paghahanap ko sayo tapos makikita kitang masayang nakikipagtawanan sa hilaw na yan! Tss! Tara na. Iwan mo na yan dyan." Wika ko. Agad ko siyang hinawakan sa braso at hinila patayo. Nagulat ako ng iwnaksi niya ito at matalim na tumitig sa akin.

"Ano bang nangyayari sayo huh! Nakita mo naman na nasaktan na ang tao dahil sayo eh tapos iiwanan mo lang diyan? Baliw ka na ba huh? At saka sino ba kasi ang nagsabi sayo na sundan o hanapin mo ko? As if your really care about me. Bakit di ka dun sa mga babae mo gumawa ng gulo? Nananahimik kami ni Drew dito tapos gaganyanin mo? Umalis ka na nga. Hindi ako sasama sayo pabalik ng hotel. Mas kailangan ako ni Drew dito." Sunod sunod na wika niya. Lumuhod siya ulit at ginamot si Drew. Ang labo rin niya eh. Paano niya gagamutin yan kung wala siyang gamot? Tss. Gusto niya ba yang hilaw na yan? Tss.

Aminin ko man o hindi pero nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya. Putik na puso naman 'to oh. Wala naman akong sakit dito pero nakaramdam ako ng bolta boltaheng kuryente na nagpakirot dito.

Tiningnan ko pa siya ng huling sandali bago ako bumalik papunta ng hotel na nagiisa. Sabi niya pabayaan ko siya diba? Edi pabayaan! Tutal yun naman ang sabi niya eh. Walang hiyang Drew yan. Paepal eh. Dapat ako ang kasama ni Sam ngayon. Teka? Ano bang pinagsasabi ko. Bwisit talaga.

"Son? Ano nahanap mo na ba si Sam?" Nagaalalang tanong ni Sandrex sa akin. Umuling lang ako sa kanya at dumiretso papunta sa kwarto ko. Matutulog nalang ako. Lecheng araw 'to.

---------

"Son! Gising! Gising! Si Sam! Nawawala!" Natatarantang sigaw sa akin ni Irish. Teka! Nawawala si Sam? Agad akong dumilat at bumangon pero bumalik rin sa pagkakahiga ng maalala na magkasama pala sila ni Drew kagabi. Tss. So hindi pala siya natulog dun sa kwarto nila ni Irish? Pakialam ko nga pala?

"Warsoooon! Hindi ka manlang ba nagaalala sa girlfriend mo!" Dagdag na sigaw niya. Ang ingay talaga ng babaeng 'to.

"Hindi. Magkasama sila ni Drew." Tipid na wika ko.

"Nagaway ba kayo?" Panguusisa niya. Tss. Chismosa.

"Hindi. Lumabas ka na nga. Nakakabadtrip na topic yan para sa umaga." Sagot ko. Mabuti na lang at hindi niya na ako tinanong pa. Matagal muna bago niya ako tinitigan at lumabas agad sa kwarto ko. Buti naman. Sinilip ko ang kama ni Sandrex pero wala na siya dun. Mukhang maaga ata silang nagising.

"Waaaaah! Warson! Aalis na si Sam!" Sigaw ni Irish ng pumunta ulit siya sa kwarto ko. Tss. Ano namang pakialam ko kung umalis siya? Huh? Aalis si Sam?!

Agad akong tumayo at hindi na nagawang magbihis pa at lumabas agad ng room ko. Nakita ko si Sam na may dala dalang maleta.

Dejavu. Mangyayari na naman ba ang dati? Iiwan na naman niya ako? Hindi ko alam pero bumalik ulit ang sakit na naramdaman ko noon. Ang pamilyar na kirot at damdamin na pilit kong tinatago sa puso ko.

-------------

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

409K 5.6K 91
#880 ROMANCE Do you believe in love at first sight? Na-experience mo na ba 'yon? How about LOVE AT SECOND SIGHT? Pwede kayang mangyari' yon sa dalawa...
937K 1.6K 3
What will happen if one day ma' meet mo ang isang tao na gugulo sa tahimik mong buhay?? subaybayan ang magulo pero masayang buhay ng ating mga bida. ...
7.9K 326 46
She is a bitch. Maldita. Matalino. Maganda. Mayaman. She has everything in other words. She's a bitch with a class. Then she met him AGAIN. Her old b...
my night prince Von Pauline

Vampirgeschichten

41.4K 1.1K 32
jhoy didnt know that her existing is a secret...her parent hide her..at inilihim din sa kanya kng anu tlag xa.. when she go to study in collge unti u...