Alcavar Dynasty: THE BLACK SH...

By CarolineDioneCD

26.4K 1.2K 108

Lorraine and Tanya Alcavar, the twins of Alcavar Dynasty in the business industry was involved in a love tria... More

One: Walong Letra
Two: Au Revoir
Three : One That Got Away
Four: Messy
Five: I am back, home.
Six: Doubts
Seven: Rosa Misteryosa
Eight: First Date
Nine: Tupa
Ten: Aso at Pusa
Eleven: Hiwaga
TWELVE: WARM
THIRTEEN: UNDERNEATH
Fourteen: Talo
Fifteen: "Yes Rosa, I'm Here"
Seventeen: DRUNK TALK
Eighteen: No Matter What
Nineteen: GUARDIAN GIRLFRIEND
TWENTY: Someday I Will
TWENTY ONE: Trying
TWENTY TWO: YES
TWENTY THREE: DNA
TWENTY FOUR: Loving Arms
TWENTY FIVE: Patawad, Alcavar
TWENTY SIX: This Is Who I am
SPECIAL CHAPTER: MENDEZES
TWENTY SEVEN: Life With Nothing
Twenty Eight: Kaya Mo Kaya?
TWENTY NINE: Now That You're Back
Thirty:A Friend From The Past
Thirty One: Not Anymore
Thirty Two: 17 Again
Thirty Three: She's a Coward
Thirty Four: Not a Good Story
Thirty Five: Let Her Be
Thirty Six: Guilt
Thirty Seven: My Tick
Thirty Eight: Pray For Me
Thirty Nine: The Plan
Forty: Deal
Forty-One: Laban
Forty-Two: Perfectly Gone Wrong
Forty-Three: Betrayals
Forty-Four: Deep Pain
Forty Five: The 'Other' Mom
Forty Six: Strangers
Forty Seven: Sea Shells
Forty Eight: Complete
Forty-Nine: Family
Fifty: Dream
F I N A L E : FINALLY
E P I L O G U E : Sugal

Sixteen: Safehaven

431 22 3
By CarolineDioneCD

L O R R A I N E

"Nay ayos lang po ako. Ayos na po ako. Wag na po kayo mag alala"

Pinalo ako ni Nanay Liza sa balikat.

"Anong ayos ka lang? Tingnan mo nga ang sarili mo! May benda ka sa ulo. Kailangan mo pang mag saklay para makapag lakad tapos sasabihin mong ayos ka lang?"

"Hahaha"

Tawa sa akin nina Tatay, Celine at Leslie.

"Ayan sige paliguan mo ng sermon yang batang yan."

Gatong ni tatay.

"Ehh nay sorry na po. Pasensya na po kayo, hindi ako nakapag sabi sa inyo."

Inismiran ako ni nanay pero alam ko namang hindi nya ako matitiis.

"Ah, Ma'am bibili lang ako ng pagkain namin."

Singit ni Leslie. Tumango ako sakanya.

"Ate, samahan kita."

Lumabas silang tatlo kasama si tatay. Naiwan naman kaming dalawa ni Nanay Liza sa loob ng kwarto ko. Nakatingin lang ito sa akin.

"Oo nga pala. Si Rosa nung mga panahong wala ka panay balik nya sa mansyon. Nakikibalita at nag babaka sakaling dumating ka na."

Nagulat ako sa sinabi ni Nanay kaya napabalikwas ako ng bangon.

"T-talaga po nay? Bakit daw po? Ano pong sabi nya?"

Nabuhayan ako ng dugo sa narinig ko.

"Nakikibalita lang sya sa amin kung tumawag ka daw. Ang alam ko eh bumili pa sya ng cellphone at hiningi ang numero mo para matawagan ka nya. Kaya nga pina text ko sya kaagad kay Celine kanina nung malaman namin na nandito ka na. Siguro ay busy pa kaya hindi pa dumarating. Mamaya papatawagan ko kay Celine pag balik nya."

Bigla akong bumalik sa pag kakahiga at bumuntong hininga.

"Wag nyo na ho syang tawagan nay."

Sambit ko habang matamang nakatitig sa kisame.

"Ha? Bakit?"

"Basta lang po 'nay, busy yun ngayon. May abono sila sa bukid nila."

Palusot ko nalang kay nanay.

"Oh sige hija. Ikaw ang bahala."

Nag sikain kami ng hapunan pag dating ni Leslie at Celine. Kasama pala nila si Tatay at sa mall sila bumili ng pagkain nila. Yung sa akin naman ay rasyon lang dahil bawal pa ako mag solid foods.

Nagising ako ng alas dos ng madaling araw. Si Nanay lang ang bantay sa akin at nakahiga ito sa sofa. Pinauwi ni Nanay sina tatay kasama si Leslie para makapag pahinga ito ng maayos dahil grabe rin naman ang pag aasikaso nito sa akin.

Nagiisip isip ako kung bakit sya nag pabalik balik sa bahay.

"Why would you even do that? Rosa? Masyado ba akong importante sayo? But why did you tell me na we're not friends anymore?"

With all these questions in my head, I knew I needed answers. Hindi ko na hahayaang matulad ng dati, na hindi nasagot ni Janice ang mga tanong ko, kung bakit nya ako biglang iniwan.

Tinanggal ko ang hospital gown ko at nag bihis. Hinugot ko rin ang dextrose ko and made my way out of the hospital kahit naka saklay pa ako. Isa lang ito dahil hinagis ko yung isa kanina sa inis ko. Stupid me.

Mabilis akong sumakay ng tricycle. Syempre may pang bayad ako ngayon dahil ayoko nang maraming pakiusapan sa driver.

"Rosa?"

Medyo malayo pa man ay naaaninag ko na ang bulto ng isang babae at sa tingin ko ay sya nga ito. Yakap yakap nya ang saklay na itinapon ko kanina habang naglalakad sa gitna ng kalsada ng naka paa.

"Manong! Teka! Teka lang!"

Tawag ko sa driver para huminto sya.

Huminto rin si Rosa sa pag lalakad. Alam kong nasisilaw sya dahil sa ilaw ng tricycle.

"Rosa?"

Tawag ko sa kanya at nagkumahog na lumabas ng tricycle gamit ang saklay ko at mabilis na lumapit sakanya.

"Lorraine"

Rinig kong tawag nya sa pangalan ko. She's crying. At 3am, she's walking around with bare feet, crying. I dunno what happened but I am so sure that something terrible has happened.

Niyakap ko sya ng mahigpit pagkatapos ay umiyak sya ng umiyak sa akin.

"Muntik na nya akong gahasain Raine! Ayoko! Ayoko nang maulit ulit! Ayoko na! Natatakot ako please alisin mo ako dito Raine"

Pinilit nyang masabi ang lahat ng ito sa pagitan ng pag hikbi at iyak. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya at pagkatapos ay inakay sya sa tricycle.

"I will take you with me okay?"

Bulong ko sa tenga nya habang nakahilig ang ulo nya sa balikat ko at nakaakbay ang kanang kamay ko sakanya. I dunno who did it but I feel outrageous para sa taong iyon. I am not gonna ask her for now, but I have a hunch kung sino ito.

Mas hinigpitan nya ang yakap nya sa bewang ko dahil nararamdaman kong natatakot sya. Her breath is shaking. Pag dating sa ospital ay tulog parin si Nanay Liza.

"Dito ka muna ha, mag bibihis lang ako ha? Tumakas lang kasi ako kanina."

Naabutan nya ang higaan ko at nakalaylay na karayom ng dextrose.Pumasok ako sa CR at sinuot ulit ang hospital gown ko.

"Tu-tumakas ka dahil sakin?"

Bulong nya nang salubungin nya ako pag labas ko ng CR ng kwarto.

"Oo. Gusto kasi kitang kausapin hindi ako mapalagay."

Sagot ko naman. Nakatayo sya sa pinto ng CR. sa kaliwa ng CR ay ang pinaka pinto ng kwarto. Kapag dumiretso ka ay saka mo lang makikita ang kama at ang sofa.

"Bakit?"

Tanong nya.

"Alam mo bang miss na miss kita."

Bulong nya pa sa akin.

"Ako rin, Rosa. Kaya nga nung gabing pabalik ako dito, ay bumyahe ako kahit nakainom ako dahil I wanted to see you so badly. Pero nung nagising ako, nasa ospital ako. Dalawang linggong walang malay at masakit ang katawan."

Malungkot na litanya ko sakanya.

"Mahal mo ba ako, Lorraine?"

Napatingala ako bigla sa itinanong nya. Nanlalaki ang mga mata ko. Naglakad sya papalapit sa akin. Napaatras ako pabalik sa loob ng CR. Hindi ako makasagot.
Isinara nya ang pinto ng CR pero nananatiling nakapatay ang ilaw.

"Mahal mo ba ako, Raine?"

Hindi parin ako sumasagot. Nababalutan ng dilim ang buong kwarto. Sobrang dilim na parang nakikita ko kung paanong tumibok ng malakas at mabagal ang puso ko. Napasandal ako sa gilid ng pinto. Sa pader. Ramdam ko ang paghinga nya.

"Lorraine Alcavar, mahal mo ba ako?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Oo, Rosa Santillan. Mahal kita. Mahal na mahal na kita."

Biglang binuksan nya ang ilaw na abot kamay nya lang. Nakasandal ako sa pader at ang kanang kamay nya ay nakasandal sa pader, sa may ulo ko. Napatitig ako sa mga mata nya. Sa magaganda nyang mga mata.

"Bakit mo ba tinatanong? Ayos ka na ba? Wag kang mag alala dito ka muna sa akin"

Pag iiba ko ng usapan dahil ang awkward na ng titig nya sa akin. Parang ako yung nagiging submissive sa sitwasyon namin ngayon. Hinayaan nya akong lumabas ng CR. Umupo lang sya sa tabi ko habang ako naman ay nakahiga na sa kama.

"Okay ka lang dyan?"

Bulong ko kay Rosa.

"Oo. Mas ayos na ako dito. Salamat nga pala, Raine. Sa pag tulong mo sa akin."

Ngumiti ako bilang sagot.

"Oh, Rosa? Andyan ka palang bata ka. Bakit hindi mo naman ako ginising Danday?"

Napalingon kaming dalawa kay Nanay Liza na pinipilit tumayo mula sa pag kakahiga.

"Ayos lang po nay, sabi ko po kay Danday wag na po kayo gisingin. Pasensya na po at ngayon lang ako naka punta."

"Ay ayos lang yun Rosa. Ang importante nandito ka."

Tumayo si Nanay Liza at nag punta sa CR. Nag tawanan lang kaming dalawa ni Rosa.

"Ano wala na bang nakalimutan? Karding oh ilagay mo na itong mga gamit sa sasakyan para wala nang bibitbitin. Celine, tulungan mo si tatay"

Maayos na ang kalagayan ko. Discharge na akong ngayong araw na ito at abala silang lahat para sa pag uwi ko.

"Lie,"

Hinawakan ko ang kamay ni Leslie na nakatayo sa tabi ko habang ako ay nakaupo pa sa kama. Nakabihis na ako. Napalingon ito sa akin mula sa pag dutdot sa cellphone nya dahil pinapacheck ko sa kanya ang emails ko. Nakakuha na rin sya ng bagong cellphone pero sabi ko ay ako na ang bahala sa cellphone ko. Mabuti nalang at postpaid ang phone nya at narecover ang number nya at mga files nya.

"Salamat sa lahat lahat ha. I deeply thank you, from the bottom of my heart. Salamat. Alam kong hindi ako nag kamali sa pag pili sa'yo."

Ngumiti ito at inayos ang salamin nya sa pamamagitan ng hintuturo nya.

"Wala po yun, Ma'am."

"I told you stop calling me Ma'am dito. You're a family to me now. Call me ma'am when we're in the office."

Pinisil ko ang kamay nya at saka ngumiti. Ganun rin sya.

"Ano anak? Kaya mo na ba?"

Tanong sa akin ni Nanay saka ako tumayo ako at umupo sa wheelchair. Tulak tulak ako ni Rosa. Umuna na sila sa sasakyan paglabas namin ng kwarto.

"Okay ka lang ba?"

Tanong ko kay Rosa.

"Okay lang ako."

Tipid na sagot nya kaya bigla akong napalingon sakanya.

"Bakit ang sungit?"

"Wala nagugutom lang ako"

"Hayaan mo mamaya kakain na tayo sa bahay sabi kasi ni nanay, may iniluto sya para sa atin."

Tahimik lang si Rosa sa buong byahe pauwi. Hindi nya ako masyadong kinakausap. Pinasamahan ko si Rosa kay Leslie na kumuha ng mga damit nito sa bahay nya. Dahil ang sabi ko kay Rosa ay kung nasaan ako dapat ay nandoon sya. Hindi ko hahayaang may mangyari ulit sa kanya. Ilang beses ko syang tinanong, pero ayaw nyang pag usapan. Kaya hindi ko na pinipilit dahil gusto ko ring makalimutan na nya.

Dahil sa nawawala ako sa mood sa pang iisnob na ginagawa ni Rosa sa akin ay naisipan kong mag paalam at magpahinga habang masaya parin silang nag kkwentuhan.

"Ah, Nay, tay magpapahinga lang po ako."

"AH ganun ba o sige anak. Celine, alalayan mo si ate Raine mo."

Akmang tatayo si Celine nang humarang si Leslie.

"Ay hindi na po, ako nalang po mag hahatid sakanya."

Tumayo ito at lumapit sa akin. Nakatingin lang sa amin si Rosa.

"Haaays!!"

Buntong hininga ko pag higa ko sa kama.

"Sabi ko na nga ba bad mood ka eh. Anong problema?"

Tanong ni Leslie.

"Eh kasi si Rosa. Nakakainis. Hindi ako pinapansin. Ano bang problema nya?"

Umupo si Leslie sa gilid ng kama ko.

"Mahal mo na 'no?"

Pang aasar nya sa akin.

"Oo. Alam naman nya na mahal ko sya. Pinaamin nya ba naman ako nung nakaraang araw."

Tumawa si Leslie.

"Tapos ano sabi nya? Umamin ba sya?"

Nagsalubong ang kilay ko.

"Anong umamin? Walang aaminin yun. Di yun papatol sa akin. Pero tanggap ko naman na yun. Alam ko namang hindi nya ako makukuhang mahalin."

"Talaga? Seryoso ka ba? Ikaw? hindi nya mahal? Mali ka dyan."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Leslie pero pinigilan ko dahil ayokong umasa.

"Lie, wag kang ganyan ayokong umasa."

"No, Raine. Totoo. Ramdam na ramdam ko yung chi nya na inlove sya sa'yo."

I don't even know how she can be so sure.

"Nakita ko sya kanina. Nakatingin sya nung hinawakan mo kamay ko sa ospital. Nakatingin sya sa kamay natin."

Napakunot ang noo ko.

"Eh diba busy sya nun sa mga gamit nya?"

"Lorraine come on wake up! Igala mo kasi ang mga mata mo. Isa pa kanina, nung sinabi kong ako maghahatid sayo, she was looking at us hanggang sa hagdan! I was able to look at her with my peripheral vision. I could say she's really into you. Gusto mo bang tulungan kita?"

Napatango tango ako ng mabilis habang nakangiti. Naeexcite ako sa mga mangyayari at sana nga, sana lang makatulong talaga itong si Leslie. Lalo na ngayong dito muna sya titira sa bahay namin habang nag rerecover pa ako. Hindi ko rin muna sya papupuntahin sa bukid.

Nag kkwentuhan pa kami ni Leslie nang biglang tumunog ang cellphone nya. Nakita kong nanlaki ang mga mata nya.

"OH sino yan?"

Ngumiti ito ng pagka tamis tamis.

"Si Arthuuuuuur!!!!"

Kilig na kilig ang bruhang 'to.

"Kayo na ba?"

Napangiti ako.

"Hindi pa. Pero gusto nya na daw ako."

"Hahaha na love at first sight nga sa'yo yan. Alam mo bang tinanong nya ako noon kung girlfriend kita!? Hahaha pag ttripan ko sana kaso wag nalang kawawa naman. Teka lang, ikaw ba gusto mo na yan si Arthur? Maloko yan noon sa babae. Sana nga nag titino na sya ngayon."

Parang wala syang narinig sa sinabi ko. Basta sya ay masayang nakikipag text kay Arthur.

"Lumabas ka na nga, magpapahinga ako."

Tumayo sya sa kama pagkasabi ko noon at dumiretso sa salamin at ginugulo ng buhok nya.

"Bakit mo ginugulo yan? Parang baliw."

Iiling iling kong sita sakanya.

"Basta, tinutulungan na nga kita eh. Akong bahala."

Ginulo nya ang buhok nya pati ang damit nya at lipstick nya. pinabayaan ko na lang syang lumabas ng kwarto at ako ay nag pahinga na.

"Raine?"

Nagising ako sa boses ni Rosa.

"Y-yeah? Pasok."

"Kakain na. Lumabas ka na dyan sabay na tayo bumaba."

Napilitan akong bumangon.

"Okay, I'm coming."

Paglabas ko ng kwarto ay wala naman sya.

"Nagbago na pala isip ko. Bumaba ka mag isa mo."

Narinig ko ang boses nya kaya napatingin ako sa hagdan kung saan nakatayo sya. She suddenly went down the stairs, leaving me hanging.

Nainis ako sakanya bigla. Iika ika pa man ay naglakad ako palapit sa hagdan.

"Raine? Oh bakit ka bumababa ng hagdan mag isa? Di mo pa kaya."

Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Leslie sa likod ko.

"Yeah. Ito kasi si Rosa eh nang iinis na naman. Nananahimik na nga ako eh. Ewan ko ba dyan. May topak yata."

"Hahahaha alam ko kung bakit hahaha"

Excited na bulong nito sa akin.

"At bakit?"

"Kasi kanina pag labas ko ng kwarto mo nakasalubong ko sya, magulo ang buhok ko diba syempre iisipin nya nag lampungan tayo! Hahaha"

"What!?"

Natigilan ako sa pag hakbang at napatingin sa kanya.

"Wag kang mag alala it's working!"

She pat my back.

"How is it working?"

Nag patuloy ako sa pag hakbang papunta naman kami ngayon sa dining room.

"Kasi naiinis sya sa'yo. Ibig sabihin affected sya"

Bulong nito sa akin. Napa oo nga ako sa sinabi ni Leslie at dumiretso na sa hapag kainan.

Ilang araw pa ang lumipas at naging maayos naman ang takbo. Unti unti akong nakakalakad na ng maayos kaya ito ako ngayon, back to my daily routine noon, nag woworkout by this time of the day.

Wala si Rosa kasama syang mamalengke ni Nanay Liza. Si Celine naman ay pumasok sa school at si Leslie ay busy sa workload. Ang tagal namin nawala kaya kailangan nyang icheck ang mga nangyari.

"Raine! Raine! Raine!"

I had to remove my ear pods at itigil ang treadmill. Humahangos kasi si Leslie palapit sa akin.

"What??"

"Si Arthuuurr!!!"

Excited na excited ang babaeng ito. Grabe talaga inlove na inlove kay Arthur ah!

"Ano meron kay Arthur?"

Nanlalaki ang mga mata nya at may malaking ngiti sa mukha.

"Ang sabi nya sa akin, sabihin ko sa'yo na pumunta tayong resort kung saan kayo naka check in last time. Please punta tayo pleeeease!!"

Parang bata ito na nakikiusap sa akin habang ako naman umiinom ng tubig, pawis na pawis at naka sports bra at cycling shorts.

"Oo na oo na! Just stop. Kailan daw ba?"

"Bukas daw bukas! Yeees! Yeees! Thank you so much Raine!"

Tumango tango ako. Sa totoo lang, Kulang pa nga itong pang bawi ko sakanya sa pag aalaga sa akin nung nasa ospital ako at kaming dalawa lang ang mag kasama.

"Nay, oo nga pala. May lakad po kami nila Rosa at Leslie bukas. Dyan lang po sa kabilang resort. May darating po kasing kaibigan namin ni Leslie na si Arthur eh gusto po makipag bonding."

"Oh eh hindi na naman kayo uuwi? Nako Danday. Mag iingat naman kayong mga bata kayo"

"Opo nay. Mag iingat po kami. Saka dyan lang naman po nay. Hindi ko na po kailangang bumyahe ng malayo."

"Teka bakit kasama ako? Di ko naman siya kilala."

Tutol naman ni Rosa.

"Basta kasama ka. Diba nag usap tayo? Kung nasaan ako dapat nandun ka."

Nag tinginan silang lahat sa aming dalawa ni Rosa na magkaharap sa hapag kainan.

Tumango tango lang si Rosa at patuloy na kaming kumain.

"Lorraine!?"

Katok ni Rosa sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok"

Sagot ko.

"Hindi ako sasama bukas"

Bungad nito pag pasok sa kwarto ko.

"Bakit?"

"Uuwi na ako sa bahay ko. Siguro naman hindi na..."

Natigilan si Rosa at nakita ko kaagad ang pagpatak ng mga luha nya dahilan para mapatayo ako sa kama ko at yakapin sya.

"Shhhhh, it's not gonna happen again. Hindi ko hahayaang mangyari 'yun. That's why I'm asking you to go with me. Kasi gusto kong bantayan parin kita. I need you to stay with me."

She cried and cried.

"Shhhh"

Alo ko sakanya at inihiga ko sya sa kama ko saka tinabihan. She needs me tonight.

"Si, si Ponsoy 'yun di ba?"

Marahan kong tanong sakanya. Marahan din syang tumango. Nakaramdam ako ng galit kay Ponsoy at nakuyom ang palad ko.
She just kept crying and I still assured her na nandito ako, hindi ko hahayaang may manakit sakanya o may humawak sakanyang ibang tao.

Subukan nyo lang kantiin ni dulo ng kuko ng babaeng mahal na mahal ko, mag kakaalaman tayo. Hindi ko lang gagamitin ang pera ko, gagamitin ko ang lahat ng koneksyon ko, at gagawin kong impyerno ang buhay nyo.

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 850 15
Sa edad na 16 di pa rin nakakapag shift into a wolf form si Natalia. kaya madalas syang ma bully ng mga kapwa nya lobo si Natalia ay napulot sa tabin...
8.9K 706 34
"Handa akong talikuran at isuko ang lahat nang saakin,makasama ka lamang mortal........dahil iniibig kita"- Maria Elvina "Mahal na mahal kita Elvina...
12.6K 847 23
Achilles Roan x Marshan Elisse