Ruling The Senator's Son (Hig...

By theuntoldscripts

483K 11.7K 3.1K

(Unedited) Archt. Alyster Emory Monreal, the senator's son and the bachelor of their company never t... More

--
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
SEQUEL: IT WAS MARIELLA SIENNA

Chapter 07

8.9K 279 38
By theuntoldscripts

Chapter 07: Pride


"Saan ka pupunta, malalim na ang gabi ha" ang sabi sa akin ni Mama na dahilan para humigpit ang hawak ko sa curriculum vitae ko, ang akala ko pa naman ay tulog na siya pero nahuli niya pala akong paalis ng court.

Tulog na si Mimi kahit na maraming tao dito sa loob ng court, napadala na rin ang tent na galing kay Mayor na dahilan para may sarili na kaming puwesto. Naka-upo lang si Mama at kahit na madilim ay kitang-kita ko ang kunot sa kanyang noo.

Binasa ko naman ang labi ko dahil sa ramdam ko ang pag-katuyo nito, wala na akong ibang paraan dahil sa nasa bingit nanaman ang pamilya ko. Gagamitin ko ang 50,000 para sa pag-sisimula namin at mag-tratrabaho naman ako.

"M-May pupuntahan lang po ako, ma..." ang nauutal kong sabi na dahilan para tumayo siya at ginamit ang saklay niya para unti-unting lumapit sa akin. Nakita ko ang pag-aalala at takot sa kanyang mukha na parang kanina lang ay tulala at blangko lang ito.

"Babalik ka nanaman ba sa club na 'yun?" tanong niya sa akin na dahilan para mag-tama ang dalawang kilay ko, ano bang sinasabi niya? Hindi solusyon ang pag-balik ko sa club sa nangyayare sa amin.

Umiling ako bilang sagot kay Mama at pilit na tinatagan ang loob ko sa harapan niya, hinawakan ko ang kamay niya at pilit nalang na napa-ngiti. Kung nakikita man ako ni Ate Marion ay alam kong sasang-ayon rin siya sa sa gagawin ko.

"Ma...hindi ako babalik sa club, may dapat lang akong puntahan para naman hindi tayo mag-tagal dito sa court. May 50,000 akong pera at gagamitin ko iyon para makapag-simula ulit tayo" pag-papakalma ko sa kanya na dahilan para mapunta ang kamay niya sa pisngi ko. Alagang nanay talaga ako, pareho pantay ang kanyang pag-mamahal sa mga anak niya.

"Hindi ba puwedeng ipag-bukas mo na 'yan, pagod ka na sa pag-hahanap mo ng trabaho atsaka malalim na ang gabi" puno ng pag-aalala niyang sabi na dahilan para kagatin ko ang ibabang labi ko.

Hindi na ako mag-sasayang ng oras at kahit na hindi ako makatulog basta may matirhan kami ulit ng pamilya ko ay gagawin ko.

"Gusto mo bang sumama ako sa'yo?" agad naman akong umiling bilang sagot kay Mama, ako lang dapat ang lumakad kung saan ako pupunta dahil alam kong kailangan kong kausapin ng masinsinan ang taong pupuntahan ko.

"Ma, huwag na po. Pangako ko sa inyo na hindi ako sa club pupunta, may kakausapin lang po ako" pinilit ko ang sarili ko na bigyan ng ngiti ang nanay ko para naman mawala sa kanya ang kaba kung saan ba ako pupunta.

"Hindi ba puwedeng bukas nalang iyan, Sienna?" paki-usap niya na dahilan para suminghap ako, hinimas ko ang aking batok dahil kailangan ko talaga ang oras na ito para puntahan ang balak kong pasukan na trabaho.

Hindi na dapat paganahin ang pride dito dahil mismong pamilya ko na ang naaapektuhan, ayoko naman na dahil sa pride ko ay mahihirapan ang pamilya ko. Huwag ka nalang tumanggi, Sienna.

"Ma, saglit lang po ako. Babalik po ako kaagad" tinanggal ko ang kanyang kamay na nasa pisngi ko, mag-tiwala siya sa akin dahil hindi naman ako sumisira sa pinangako ko.

Unti-unti na akong umalis sa court at kitang-kita ko na ayaw niya akong umalis, inalis ko na ang tingin ko dito at hindi ko na pinag-sumikapan na balikan siya ng tingin dahil baka hindi ko nanaman patuloy ang lakad ko.

Sunog na ang bahay namin at halos hindi lang kami ang apektado, hindi ko alam kung saan kami tutuloy dahil sa hindi na rin naman namin alam kung nasaan ang mga kamag-anak namin.

Dapat maka-bangon kami kaagad dahil sa hindi ko kakayanin na manatili kami sa court na iyon, alam ko naman na mag-kakahiwalay hiwalay kami ng mga tao sa squatters pero sa tingin ko ay ayos na rin iyon dahil sawa na rin ako sa kanila at alam kong sawa na rin sila sa akin.

Buong buhay ko ay gusto ko lang ng normal na buhay pero pinag-kait sa akin 'yun nung pumasok ako sa club, maraming nakakakita na panay ang pasok at labas ko kasama ang ibang lalaki pero trabaho ang ginagawa ko.

Salamat naman at mahihiwalay ko na ang pamilya ko sa isang toxic na lugar na puno ng makikitid na pag-uutak na mga tao, ayokong pati ang pamilya ko ay maapektuhan dahil sa pagiging madumi ko.

Kaya bukas ay mag-hahanap na ako ng bahay na matutuluyan namin, kaunti lang ang naisalba namin sa sunog at balak naming bumalik sa bahay upang tingnan kung may natira pa. Ang album na balak iligtas ni Mama kagabi ay tinumpok na ng apoy.

Alam kong nalungkot at nasaktan siya dahil hindi niya nakuha ang album na nag-lalaman ng mga larawan ni Ate Marion pero wala na akong magawa kung hindi ang ilayo siya sa bahay naming unti-unting sinasakop ng apoy.

Ang album na iyon ay mahalaga kay Mama dahil doon nakalagay lahat ng mga litrato na natitira para kay Ate Marion ang kaso ay hindi na namin naisalba dahil sa nasa ilalim na ito ng kahoy na may kasamang apoy.

Bilang isang pangalawang anak ay gagawin ko rin naman ang dapat para makatulong sa pamilya, kung nakikita man ako ni Ate Marion ay ito rin naman ang gagawin niya pero hindi kasama doon ang pagiging isang sex worker.

Mabait si Ate Marion at masasabi mo iyon kapag nakilala mo siya, ang ngiti niya na para bang tatatak sa utak mo na maging ang mata niya ay ngingiti rin.

Ayoko munang pag-usapan kung bakit namatay si Ate Marion, kahit na matagal na siyang patay ay klaro pa rin sa isipan ko ang nangyare sa kanya. Parang sa pag-kita ko ng kanyang burol ay doon ako nag-simulang maging isang bato.

Wala na akong panganay at pilit kong ginagawa ang lahat para maalagaan ang naiwan ni Ate Marion, biglaan ang nangyare at hindi ko alam kung kaya ko bang ikwento.

Masakit, hindi lang ako nawalan ng kapayid dahil parang nawalan na rin ako ng buhay.

Tuloy-tuloy na pag-pindot sa doorbell ang ginawa ko, sa malalim na gabi na ito ay heto ko at balak ng ibigay ang curriculum vitae ko. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko pero sa tingin ko naman ay tulog na ang taong iyon dahil sa gabi na.

Mabuti nga at naka-akyat pa ako ng gate niya, tss. Akyat-gate na pala ang gawain ko ngayon basta maibigay ko lang itong curriculum vitae ko, tss!

Sunod-sunod kong pinindot ang doorbell at wala akong pakielam kung magalit sa akin ang may-ari ng bahay na pinuntahan ko dahil gusto kong siya mismo ang mag-aral ng curriculum vitae ko.

Umigting naman ang panga ko dahil sa naka-ilang pindot na ako aa doorbell ay hindi pa rin lumalabas ang taong gusto kong makita, gumising kang putangina na ka!

"Aish..." ang bulong ko sa sarili ko at halos masira ko na ang doorbell na paulit-ulit kong pinipindot dahil sa hindi na ako makapag-hintay. Ang sabi ko kay mama ay saglitan lang akong mawawala at tutuparin ko iyon.

"Asaan ka na ba--"

"What the fuck!"

Tumingin ako sa taas ng terrace at nakita ko na nga ang nag-iisang anak ng senator na gusto kong makita. Naka-suot ito ng kanyang salamin at nakapang-tulog na rin ito, malabo pala ang mata niya tss.

"What are you even doing here, malalim na ang gabi!" galit niyang sabi na dahilan para ngumiwi ako, parang hindi niya ako inaya noon na pumunta ulit dito sa bahay niya ha.

"Bumaba ka" ang malamig kong utos sa kanya na dahilan para mag-tama ang dalawa niyang mga kilay na kahit naka-dungaw lang siya sa terrace ay kita ko ang matalim niyang tingin sa akin.

"And why would I do that--"

"Bumaba ka"

"Ito na nga e"

Ngumisi naman ako dahil sa agad kong napasunod ang isang Alyster Emory Monreal, kailangan lang pala e' kulitin mo lang siya para sumunod siya sa'yo.

Inayos ko naman ang buhok ko at hinanda na ang sarili ko na harapan siya, ang sabi ko ay ako mismo ang lalayo dahil ayaw ko ng mag-krus ang landas namin pero heto ako ngayon, nasa harapan ng bahay niya.

Hindi ko na kailangang unahin ang pride ko dahil pamilya ko na ang naka-salalay dito. Uunahin ko pa ba ang pride ko kung nakikita ko na silang nag-hihirap?

Bumukas ang ilaw ng harapan ng kanyang pinto na dahilan para mapa-ngisi ako, sa isang iglap ay bumukas ang pinto na dahilan para tuluyan na kaming mag-tama ng tingin.

Matalim at mapungay ang kanyang mga mata na sa tingin ko ay hindi na nakakapag-bahala sa akin. Isa lang naman ang pinunta ko dito at iyon ang trabaho na in-offer niya sa akin.

"This is my curriculum vitae, ikaw na mismo ang mag-check niyan at kapag ayaw mo edi babawiin ko" ang diretso kong sabi sa kanya na dahilan para makita ko ang pag-igting ng panga niya.

Binasa niya rin ang kanyang labi na dahilan para mawala ako biglaan sa wisyo, ano ba Sienna!

"Ang akala ko ba ay ayaw mo ng mag-krus ang landas natin--"

"Iyon rin naman ang gusto ko Mr. Monreal pero uunahin ko pa ba ang pride ko?" pag-putol ko sa kanya na dahilan para taasan niya ako ng kilay. Iba ata ako sa mga babaeng nakilala niya dahil sa tingin ko ay halos lahat ng tao sa kanya ay tinuturing siyang iaang hari at sikat puwes sa akin ay wala akong pakielam.

I just want to keep my cool in front of him, if he can tame me in bed pero kaya niya ba ako kapag wala ako sa kama?

"Here, lahat ng tungkol sa akin ay nandiyan na"

"Pati listahan ng mga naging boyfriend mo?" he smirked the reason why I clenched my jaw as if I'm trying to hold my temper, kailangan niya ba akong lokohin sa malalim na gabi na 'to?

"I don't do boyfriends" diin kong sabi sa kanya na dahilan para mas lalong lumaki ang kanyang ngiti sa labi. Parang kanina lang ay galit pa siya dahil binulabog ko siya pero ngayon ay halos asarin niya na ako.

Napansin kong matagal niya akong pinag-masdan na dahilan para mamuo ang kaba sa katawan ko, why is he looking at me like that? Parang kinakabisado niya ang bawat sulok ng mukha ko and it makes me uncomfortable.

"Kunin mo na ang curriculum vitae ko, Mr. Monreal" diin kong sabi and I saw him tilting his head, wala na ang kanyang ngisi sa labi at napalitan ito ng pagiging seryoso.

Tumalim ang kanyang tingin sa akin na para bang sa isang pitik ay nag-bago ang awra niya. Ano bang ginagawa niya sa akin?

"Kunin mo na ang curriculum vitae ko at ikaw na mismo ang mag-aral niyan--"

"It's fun if I will do it with you" he said with a husky voice the reason why my forehead creased.

Ang akala ko ay curriculum vitae ang kukunin niya pero nagulat ako ng bigla niyang hilain ang braso ko papasok ng kanyang bahay at halos mawalan ako ng hininga ng mag-lapit ang katawan namin.

Sa isang iglap ay namuo nanaman sa akin ang kaba pero bakit pakiramdam ko ay ito ang inaasam ko, bakit pakiramdam ko ay ang kaba ay may kasamang saya?

Sinubukan kong labanan ang kanyang tingin sa akin at halos matalo na ako dahil sobrang lapit nito na dahilan para makita ko ang mala-tsokolateng kulay ng kanyang mga mata.

"It's fun if I will do it with you, Mariella Sienna" nanlaki ang mata ko dahil buong pangalan ko ang binanggit niya, teka paano niya nalaman ang first name ko?

Inalam niya ba kung sino ako? Bakit naman gagawin iyon ng isang Alyster Emory?

I gulped and trying to gain my sense as I can feel his warm hand on my waist "I don't have the time for this, Mr. Monreal. Trabaho ang pinunta ko dito" pag-diin ko na at nakita ko ang pag-kurap saglit ng kanyang kanang mata na para bang hindi niya gusto ang pananalita ko.

"You will have the time, Sienna"

Halos bumigat ang pag-hinga ko ng maramdaman ko ang kanyang hininga ay nasa leeg ko na, para bang inaamoy niya ang leeg ko na nilagyan niya ng hickey noon. Fuck! Bakit nakakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko?

Tangina, hindi ito ang pinunta mo Sienna pero bakit unti-unti kang tumitiwalag?

"You will have the time when it comes to me" ang bulok niya at halos manlambot ako ng maramdaman ang kanyang labi na dumampi na sa leeg ko.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at halos mawala nanaman ako sa sarili ko ng dumampi ang labi niya sa leeg ko. Ramdam ko ang pag-higpit ng hawak ko sa curriculum vitae na dapat niyang kunin pero heto ako sa loob ng bahay niya ulit.

Naririnig ko ang bawat pag-halik niya sa leeg ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko, parang dinadala ako nito kung saan. Tangina! Ibang klase talaga kapag isang Alsyter Emory ang gumawa nito sa'yo.

"A-Aly..." pinipilit kong itulak ang matipuno niyang dibdib palayo sa akin pero mas lalong humigpit ang pag-hawak niya sa beywang ko na dahilan para mas lalong bumaon ang kanyang labi sa leeg ko.

Oh gosh! Please help me on this beast.

"A-Aly..." ang muli kong tawag na dahilan para tumigil siya sa pag-halik ng leeg ko at nag-tama ang tingin namin na dahilan para lumunok ako. His eyes are on fire and I know he's already turned on because I'm here but why?

"Calling my name, baby?" he said sexily the reason why my lower lip trembled, gosh! Ano bang ginagawa niya sa akin?

Agad kong iniling ang ulo ko at pinilit na ipunin ang lakas ko para sabihin sa kanyang kailangan ko ng umalis dahil alam kong hinihintay ako ni mama.

"Kailangan ko ng umalis" diretso kong sabi sa kanya na dahilan para muli nanamang mag-tama ang dalawa niyang kilay. Kailangan ko ng maka-alis dito dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gosh!

Halos mapa-balingkwas ako ng ipatong niya ang kanyang noo sa noo ko na dahilan para bumigat ang bawat kong pag-hinga "Hindi ka pa nag-tatagal dito pero gusto mo ng umalis, looks like you're holding Sienna"

Halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko dahil parang naka-kadena ako sa mga bisig niya.

Nung humigpit ito ay nabitawan ko ang curriculum vitae ko na dahilan para sulyapan ko ito pero hinawakan niya ang baba ko na para bang gusto niya ay nasa kanya lang ang atensyon ko.

Ano bang gusto niya?

"All eyes on your daddy, Sienna"

Putangina, kailangan niya bang sabihin iyan sa ganyang tono na dahilan para mag-wala ang sistema ko?

"Aly, puwede bang huwag puro libog ang nasa isipan mo?" naiirita kong sabi sa kanya na dahilan para saglitang tumaas ang kilay niya sa akin. Now what Sienna, mukhang mas ginagalit mo siya dahil sa inaakto mo.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakapag-salita sa kanya ng ganito, ang lakas naman ng amats ko na halos murahin ko na siya sa isipan ko pero siya kasi e!

"Okay, but let me do this quick" kumunot naman ang noo ko dahil ang akala ko ay matatauhan na ang pag-kalalaki niya pero nagulat ako ng bigla niyang siniil ang labi ko na para bang susulitin niya ang oras na nandito ako.

Lumibot ang kanyang labi sa bawat sulok ng labi ko, parang ayaw niyang may makaligtaan na sulok nito na dahilan para unti-unti akong mawala sa sarili ko. Humigpit ang pag-kakahawak ko sa dibdib niya at halos sabayan ko na rin ang pag-halik niya sa akin.

Nawala ang kanyang kamay sa aking beywang at napunta ito sa puwetan ko na dahilan para mas lalong naging mapusok ang pag-halik ko.

Ang sabi ko ay trabaho ang pinunta ko dito pero bakit trinaydor ako ng diwa ko at hinahayaan nanaman ang anak ng senador na angkinin ang labi ko?

Nababaliw ka na ba Sienna?!

Pinulupot ko sa leeg niya ang dalawang braso at halos maramdaman ko ang pag-sandal niya sa akin sa pader na para bang mas gusto niya akong maging komportable.

Bakit niya ba ginagawa ito, ano bang kailangan niya sa akin? Sex? Hindi ko naman palagi maibibigay iyon sa kanya dahil alam ko ang limitasyon ko, alam ko na dapat manatili pa rin ako kung hanggang saan lang ako.

Narinig ko ang bawat pag-halik namin na nagiging isabat sa bawat agresibo niyang mga halik ay parang nalulunod na ako.

Alam ko naman na may oras akong dapat bantayan pero dahil kay Aly ay halos makalimutan ko na iyon.

Hinawakan ko ang batok niya na para idiin lalo ang kanyang labi sa akin at para akong isang nag-ligalig na nakawala sa kulungan. Hindi ko nga kaya, hindi ko talaga kaya ang isang anak ng senator.

Alam niya ba kung sino ang kasama niya, alam niya ba na isang dating sex worker ang babaeng kahalikan niya ngayon? Alam niya naman iyon pero bakit ganito pa rin ang pinapakita niya sa akin?

Sa huling pag-halik niya ay nakuha niya bang kagatin ang ibabang labi ko. Matatalim pa rin ang tingin nito sa akin ng lumayo siya at kitang-kita pa rin na nag-aasam pa siya pero alam niyang kailangan ko ng umalis.

Kahit hinahabol ko pa ang hininga ko ay pinilit ko ang sarili ko na paganahin ang diwa ko. Inayos ko ang buhok ko na sa tingin ko ay nagulo dahil sa pag-halik niya.

"You're hired"

He suddenly said the reason why my forehead creased, halos malaglag na ang panga ko dahil lang sa simpleng halik ay tanggap na kaagad ako sa trabaho? Nababaliw na ba siya?!

"Are you crazy, you didn't even look my curriculum vitae" I hissed the reason why he bit his lower lip and damn! That is so sexy!

Nasayang ang punta ko dito pero haloa mag-diwang ang loob ko dahil sa dumampi nanaman ang labi sa akin ni Aly. Hindi ka na ba talaga mapipigilan, Sienna?

"I will still keep it but you're already hired" he teased me the reason why I gasped as if I can't believe that I'm already hired just because I kissed him.

"Ibang klase ka talaga, kung ganon ay bigyan mo muna ako ng isang Linggo"

"What?!"

Halos pumikit na ang mga mata ko dahil sa lakas ng boses niya sa gabing ito, kung sino pa ang empleyado ay siya pa ang nag-uutos sa boss. Ang galing mo naman Sienna, tss.

"Ang sabi ko ay bigyan mo muna ako ng isang Linggo dahil may kailangan akong ayusin"

Nakita ko ang pag-hinaon ng balikat niya habang ako ay halos kalmado na rin, alam naman niya na hindi kagaya ng buhay ko ang buhay niya. Hindi naman niya kailangang malaman lahat dahil sa ngayon ay siya na ang boss ko.

"You will find a new house for your family right?" he asked the reason why my forehead creased, paano naman niya nalaman na iyon ang gagawin ko? Manghuhula ba siya?

"Hindi ko alam na manghuhula ka rin pala pero paano mo naman nalaman?"

"I saw on the news that your place caught fire and I checked your background" he said na dahilan para manlaki ang mga mata ko at halos kumulo na ang dugo ko dahil sa ginawa niya. Ano naman ang karapatan niya para alamin ang isang kagaya ko.

"Gusto mo bang masampal ulit dahil sa pinapakielamanan mo ang buhay ko?" naiinis na sabi ko sa kanya at ramdam kong namumuo na ito sa katawan ko dahil sa naiyukom ko na ang kamao ko.

"I was curious--"

"That's shit, sa tingin mo ba may ka-curious curious sa akin na dahilan para ibackground check mo ako?" bakit naman niya gagawin ang isang bagay na iyon, kapag ba nalaman niya na kung ano ang buhay ko ay papakielamanan niya na ito?

Pinikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa gabi na rin naman at ayaw ko ng mag-pakita pa ng galit sa lalaking nasa harapan ko. Pagod na ako at ayoko ng ma-stress, huwag niya akong pakielamanan!

"Don't you ever do that again, baka ngayon pa lang ay mag-resign na ako dahil sa pag-babackground check mo"

"Hey, hindi lang ikaw ang ginawan ko nun. Ginagawa ko rin iyon sa mga empleyado ko" pag-amin niya na dahilan para umawang ang sulok ng labi ko, he's really unbelievable. Kaya niyang mag-bago ng awra sa isang kurap lang.

Yumuko naman ako at kinuha ang curriculum vitae ko na sa tingin ko ay hindi naman kailangan ni Aly, nakakainis naman!

"Hey, that's mine!" ang panayaw niya at padabog na kinuha sa akin ang papel na dahilan para mahina akong matawa. Para siyang bata, nakakainis!

"Bahala ka na diyan, uuwi na ako" umalis na ako sa harapan nito at malapit na ako sa pinto ng bigla siyang mag-salita.

"Goodbye Mariella Sienna, see you next week" hindi ko ba alam kung inaasar niya ako pero hindi ko alam kung bakit nabuo ang isang ngisi sa aking labi at napa-iling nalang.

"Ate, ito na ang bago nating bahay?" ang tanong sa akin ni Mimi habang nililibot ang kanyang mata sa bago naming bahay.

Maliit lang naman ito at may dalawang kwarto, pumili ako ng bahay na malapit sa patahian ni mama at sa eskwelahan ni Mimi para hindi na sila mahirapan.

Hindi pa naman ako nag-huhulog dito dahil sa susunod na buwan pa ito, mabait rin naman ang nag-rerenta dito sa bahay at sinabi niya na kapag may kailangan kami ay huwag kaming mahihiyang kausapin siya.

Salamat naman at kahit papaano ay may gabay pa rin ang buhay namin, kailangan lang talaga naming mag-simula ulit. Kaunting kaartehan lang sa bahay at masasanay na kami.

"Ito na ang bago nating bahay, Mimi kaya masanay ka na ha" naka-ngiti kong sabi kay Mimi na dahilan para tumango siya.

Sana naman ay nakalimutan niya na ang nangyare sa squatters area, may bago na kaming bahay at mas ligtas na kami dito.

"May pera ka pa ba diyan? Baka mamaya e' naubos na dahil sa pag-lipat at pag-bili mo ng gamit" ang sabi sa akin ni mama na dahilannpara ngumiti ako.

"May tira pa naman ako mama basta may matirhan na tayo at para hindi na kayo mahirapan" I said with a smile, alam kong hindi pa rin namin naklaklaro ang tampuhan namin sa isa't-isa pero isasantabi muna namin iyon dahil kailangan naming mag-simula.

"Ako na ang bahala dito sa bahay at iyang mga kinikita mo ay mag-tabi ka para sa sarili mo, hindi yung puro kami lang ang iniintindi mo" ang paalala sa akin ni mama na dahilan para saglitan akong mapayuko.

"Uunahin ko muna kayo ma, kayo muna bago ako. Mahal ko kayo e"

Kayo ang dahilan kung bakit ako gumigising, kayo ang dahilan kung bakit ako nag-sisikap at wala naman sigurong masama kung unahin ko muna kayo kaysa sa sarili ko dahil mahal ko kayo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 75K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
141K 3.4K 49
Captain Gustavo Archielle Salvatierra is serving his country at the age of 28 and living his life to the fullest, despite being the shadow of his lat...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
5K 317 33
Date posted: April 28, 2022 Date started: May 8, 2022 Date finished: October 18, 2022 They say there's always tomorrow... many tomorrows to look forw...