A Promdi's Guide To Self-disc...

By rheahime

662K 12.4K 797

*Once featured in Teen Fiction and winner of The Best TNT Panalo Story at the Wattys 2015* Kung tatanungin mo... More

Author's Note
Prologue: Extra Tip - You Don't Know What You Got 'Til It's Gone
Tip No. 1 - Pag Wala Dito, Hanapin Sa Iba
Tip No. 2 - Wag Sasama Sa Hindi Kilala
Tip No. 3 - Hindi Lahat Ng Bagay Ay Madali
Tip No. 4 - Makipagkaibigan
Tip No. 5 - Hindi Masamang Kiligin
Tip No. 6 - Hindi Maiiwasang Makakilala Ng Papansin
Tip No. 7 - Hindi Rin Maiiwasan Magkaroon Ng Boy Problems
Tip No. 8 - Linawin Ang Misunderstandings
Tip No. 9 - Humanap Ng Friends Na Sasabihan Kang Baliw, Kung Nababaliw Ka Na Nga
Tip No. 10 - May Mga Bagay Na Unexpected Na Darating
Tip No. 11 - May Mga Bagay Na Sadyang Magulo Lang Talaga
Tip No. 12 - Pag May Pangyayaring Unexpected, Sakyan Mo Na Lang
Tip No. 13 - Kung Palagay Mo Hindi Ka Magaling, Mag-practice
Tip No. 14 - Nakakabaliw Ang Sobrang Pag-iisip, Chill Lang Din Minsan
Tip No. 15 - Normal Ang Heartbreak, Matutong Mag-deal
Tip No. 17 - May Mga Panahon Na Mas Maganda Ang Maging Honest
Tip No. 18 - Huwag Masyadong Mag-expect Para Hindi Masyadong Ma-disappoint
Tip No. 19 - Mahirap Maniwala Minsan; Matutong Kilalanin Kung Ano Ang Totoo
Tip No. 20 - Matutong Tumanggap Ng Pagkakamali
Tip No. 21 - May Times Na Kailangan Mong Pumili
Tip No. 22 - Mahirap Ang Pumili Pero Mas Mahirap Kung Hindi
Tip No. 23 - May Katapusan Din Ang Lahat
Tip No. 24 - Kapag Nabigyan Ka Ng Pagkakataon, Huwag Itong Pakawalan
Tip No. 25 - Maniwala Na Magiging Okay Din Ang Lahat, Ano Man Ang Mangyari
Epilogue: Extra Tip 1 - When One Door Closes, Another Opens
Epilogue: Extra Tip 2 - Feel The Fear But Take Action Anyway
Book Two: A Dreamer's Guide To Self-redemption
Side Story: A Rock Star's Guide To Getting The Promdi
Acknowledgments
Iba Pang Kwento Na Gawa Ni Rhea

Tip No. 16 - Hindi Maganda Ang Magtago Ng Sama Ng Loob, Ilabas Mo Yan

15.4K 343 15
By rheahime

"So, break na kayo?"

Ilang seconds din ang itinagal bago nakapagsalita si Shay pagkatapos ko ikwento sa kanilang dalawa ni Kat ang nangyari kagabi. Hindi namin kaklase si Kat sa Environmental Science pero magkatabi lang ang room namin kaya nandito kami sa corridor nag-uusap.

"Hindi kami nag-break kasi hindi rin naman kami, di ba?" Ang sagot ko sa kanya. Parang magaspang na ang tunog ng boses ko, epekto ng kakaiyak buong gabi. Hindi lang dahil sa masakit, nakakagalit din kasi. Feeling ko, nagamit ako ng taong iyon at nadala na naman sa pagpapa-ikot nya.

Inakap ako ng mahigpit bigla ni Shay at sumunod na rin si Kat. Na-touch ako sa emotional support na binibigay nilang dalawa at di ko napigilang mapangiti.

Naghiwalay kaming tatlo nang nakarinig kami ng malakas na ubo at nakita si Benedict na naaaliw habang nagmamasid sa amin. Napairap ang dalawa kay Benedict at napa-cross ng arms, dahilan para itaas ni Benedict ang dalawang kamay na parang sumo-surrender.

"Whatever it is, I didn't do it." Ang sabi nya pero parang may guilt sa mga mata. Sa ordinaryong araw, lolokohin ko itong si Benedict dahil mukha na namang may ginawang kalokohan pero lumipad na yata ang sense of humor ko at hindi ko pa mahuli-huli.

Napataas ng kilay si Shay. "Kaibigan ka ng salarin kaya kriminal ka na rin."

"Tama." Sabi ni Kat. "Pare-pareho lang naman kayong mga lalake."

"Wait a sec." Napakamot si Benedict ng ulo at mukhang litong-lito na ito. "What in the ever loving world are you girls talking about? Are you on drugs or something?"

Napabuntong-hininga na lang ako at dinukot ang phone sa bulsa. Ayokong magsimula pa ang away dahil sa akin.

Inabot ko kay Benedict ang phone pero tinignan nya lang ito at napakunot ang noo. "Pabalik naman sa may-ari, paki sabi thank you. Hindi ko na kailangan." Sabi ko sa kanya.

"Why? Did you two have a fight?" Tanong nya.

Hindi ako nakasagot.

"Come on, tell me." Diin nya.

Napatingin ako sa mga paa ko habang nagkukwento. "Nag-start ako ng work kahapon tapos hinatid ako ni Jake, sa pinsan nya kasi yung lugar. Nakita nya. Ayun, galit na galit. Ba't daw kasama ko si Jake tapos di ko manlang daw sinabi sa kanya na may work ako samantalang naghihintay sya. Tumawag ako sa kanya, Benedict. Babae sumagot. Tinanong ko sya kung sino yun, ayaw sabihin. Nagalit pa lalo." Pakiramdam ko, may malaking pako na nakatusok sa dibdib ko at palalim ng palalim ang pagbaon nito habang binabalikan ko ang nangyari.

"Wala syang nasabi kagabi. He just got so wasted, I don't think he's coming to school today." Nag-shift si Benedict ng weight from one foot to another, halata na hindi komportable sa usapan. "Break na ba kayo?"

"Hindi naman kami."

Napakunot ang noo ni Benedict. "What do you mean?"

Napabuntong-hininga na naman ako. "Tanong mo na lang sa kanya, pati ako naguluhan eh. Kaibigan mo naman sya, di ba?"

"Pero kaibigan din kita, Yumi. Just because you and Nate stopped talking, doesn't mean dapat tayo rin."

Kinuwento ko kay Benedict ang mga sinabi ng kaibigan nya. Parang ang haba ng araw kahapon sa sobrang dami nang nangyari.

"I'm sorry, Yumi. Nate can be an asshole sometimes but that's just because he's dealt with a lot of bad stuff in the past." Sabi ni Benedict ng nakatapos na ako. Inabot ko ulit ang phone at kinuha na nya ito sa akin.

Hindi ko na itinanong kung anong klaseng bad stuff ang mga iyon, at hindi ko rin alam kung gusto ko ba talaga malaman, dahil kinailangan na namin pumasok sa room nang dumating na ang prof.

* * * * *

Kakatapos lang namin maglunch nila Kat at Shay sa cafeteria sa loob ng school at iniwan ko na sila para dumirecho na sa Alma's Pool Hall. Malapit na ako sa gate ng may narinig akong tumawag sa akin.

Lumingon ako at nakita ang isang matangkad na lalakeng naka-sumbrero at shades at nakasuot ng itim na skinny jeans at itim na v-neck t-shirt. Lalakeng may suot na kwintas na may cross na pendant, dalawang hikaw sa kaliwang tenga at may blue na hair.

Ni hindi ko mabanggit ang pangalan nya, much less makita sya ng sandaling iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at naglakad na ulit palayo.

Mabilis nyang hinarangan ang dadaanan ko at dumukot sa bulsa para ilabas ang phone na pinaabot ko kay Benedict.

"I still want you to use it." Sabi nya.

"Salamat na lang." tinry ko magside-step para iwasan sya at makalampas na pero hinarangan nya ako ulit.

"I know I've been a huge jerk. I just can't control myself when it comes to you." Ang hina ng boses nya na parang hindi nya talaga gustong ipaalam ang sinasabi. Hindi ko makita ang mga mata nya kaya hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip nya. "Can you please take the phone?"

Napakunot ang noo ko. At least alam nyang jerk sya pero wala ba syang sasabihing sorry? Hindi naman yata sapat yung explanation na hindi nya ma-kontrol ang sarili nya. Hindi rin ba nya sasabihin kung sino yung girl at kung bakit sya yung sumagot ng phone kagabi? At bakit nya kinailangan mag-shower? Alam ko naman na kailangan iyon gawin sa araw-araw para sa kapakanan ng nakakaraming tao pero bakit kailangan mangyari iyon habang kasama nya yung girl?

Hinintay ko syang magsalita pa pero wala na syang dinagdag. "Di ba sabi mo you're done? Kung wala ka ng ibang sasabihin, ako rin. Hindi ko na kailangan, thank you na lang."

Biglang may tumili sa likod nya at napalingon kami pareho. Napagaan bigla ang loob ko na parang nailigtas ako sa pagkakalunod dahil nakita ko ang isang pamilyar na mukha na matagal ko ring na-miss.

"Cla-cla!" Napatakbo ako sa kanya at napa-akap ng mahigpit. Masyado akong emotional ngayong araw na ito at di na napigilang maluha.

"God, I 've missed you so much, Mads." Dinig ko sa boses nya na naiiyak din sya. 'Mads' ang tawag sa akin ni Claire dahil sa buong pangalan ko na Mayumi Adeline. Hindi sya pumapayag pag may ibang magtatangka na tumawag sa akin nito. Ayon sa kanya, sya lang ang may karapatan.

Nilayo ko sya ng konti at tinignan mabuti. Iba na ang kulay ng buhok nya, mula sa itim naging red na ito, at pinakulot nya at pinaikli hanggang leeg. Dumoble na rin ang mga hikaw nya sa magkabilang tenga at makapal na rin syang maglagay ng make-up. Pero kahit maraming nag-iba sa itsura nya sa konting panahon lang, kita ko pa rin sa mga mata nya na sya pa rin ang maaasahan kong best friend.

"Kelan ka pa dumating?" Tanong ko sa kanya.

"Just now. I wanted to see you saka kailangan ko rin pumunta sa college ko kaya dumerecho na 'ko dito. Wala ka ng class?"

Tumango ako. "Tapos na kaso may part-time job pa 'ko." Inakap ko sya ulit at sinabing, "Grabe, na-miss kita."

Nakita ko ang pagkunot ng noo nya nang nilayo nya ko sa kanya. "Ba't ka nagpa-part-time job? Hindi ka ba binibigyan ni Daddy ng allowance?"

Binibigyan ako ng papa ni Claire ng allowance, bukod sa mga groceries na pinapadala nya sa katulong nila, pero hindi ko sila ginagalaw hanggang maari. Napapabawas ako from time to time pero maliliit lang kasi nahihiya ako at nagi-guilty. "Binibigyan pero, Cla, kailangan ko mag-work."

Alam ni Claire ang personality ko kaya hindi na sya nakipag-argue. Napabuntong-hininga na lang ito at napitingin sa likod ko. Napataas sya ng kilay ng binaling ulit sa akin ang atensyon at tinanong, "Did I interrupt something?"

Lumapit sya sa amin at tumayo sa tabi ko bago nagsalita. "You must be Claire. I'm Nathan. I've heard about you from Yumi."

Tinanggal nya ang shades nya at nakita kong napanganga ang best friend ko. Iba kasi talaga ang level ng kagwapuhan nitong lalakeng 'to at kahit sanay na si Claire makakita at maka-date ng gwapo, hindi sya immune sa charms ng kaharap nya ngayon.

Inabot ni Claire ang kamay nya at binigyan ito ng matamis na ngiti. "Claire Torres."

Napatingin sya sa akin bago nya inabot ang kamay ni Claire at hindi iyon na-miss ng mapang-observe na mata ng best friend ko. Tinignan nya ako ng may pagsuspetsa. "Am I missing something here? Is he your boyfriend?"

Napatingin ako sa nasa tabi ko at nakitang nakatingin din sya sa akin. Napabukas ang bibig nya na parang may sasabihin pero sinarado lang din ito agad.

Hindi nya nga naman gusto ng labels at wala na ring pag-asa na ma-upgrade ako bilang girlfriend, kahit may point-zero-one percent possibility na mangyari, dahil ayaw na nya. Malabo din na i-friend zone namin ang isa't-isa kaya walang akong makitang malalim na klase ng relationship na pwedeng mag-exist between us.

Kumirot ang dibdib ko pero pinilit kong ngumiti para matakpan ang bitterness na nararamdaman. "Hindi, classmates lang kami sa ilang subjects."

"Really?" Tanong ni Claire at napa-'hmm' na lang ako bilang sagot.

Napalaki ang ngiti ng best friend ko at bumaling ulit sa katabi ko. "Then, Nathan, do you want to go out with me tonight?" Tanong nya dito.

Feeling ko magpa-pop na lang bigla ang eyeballs ko palabas ng sockets nila sa pagkagulat. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang natuyo ang lalamunan. Napatingin ako sa katabi ko, nagwi-wish na sana humindi sya, at nahuli ang pagkunot nya ng noo. Ibinalik nya ulit ang shades nya bago sinagot si Claire. "Sure."

Para akong isinilid sa drum na puno ng tubig at may humahawak sa ulo para hindi na makaahon.

"Great! Give me you're number so I can text you kung saan." Sabi ni Claire.

Itinago nya ang phone na hawak at inilabas mula sa isa pang bulsa ang isa pa nyang phone at nakipagpalitan ng number sa harap ko mismo. Todo ang pakikipag-flirt ni Claire at hindi nya ito tinanggihan.

"So, I'll see you later?" Tanong ni Claire sa kanya.

Tumango sya bilang sagot.

Inakap ako ulit ni Claire. "Punta muna 'ko sa office ng college. I'll see you at home, Mads." Sabi nya sa akin bago umalis.

Nang-iniwan na nya kaming dalawa, hinarap ko ang walang-hiyang lalake sa tabi ko. Pagsasalitaan ko sana sya ng lahat ng masasakit na salita na alam ko pero walang lumabas sa bibig ko na kahit ano.

Tinalikuran nya ako at maglalakad na sana palayo pero hinagip ko ang braso nya. "Wag mong paglaruan si Claire."

"What makes you think na paglalaruan ko yung kaibigan mo?"

"Alam ko na ang style mo." Sabi ko sa kanya at bumitaw na sa pagkakahawak.

"Hindi mo pa 'ko kilala. Don't assume that you do." Sagot nya na para akong minura sa tono ng pananalita.

"Alam mo, Nathaniel, hindi ako nag-assume. Bine-base ko lang lahat sa ginawa mo saken." Nabanggit ko tuloy ang buo nyang pangalan sa galit.

"At ano ba ginawa ko sa'yo?"

Natawa naman ako sa tanong nya. "Seryoso, hindi mo alam?"

"Wala akong alam. 'Classmate mo lang naman ako sa ilang subjects', di ba?" Nagsisimula na namang tumaas ang tono nya at narinig ko ang paglagay nya ng quotation marks nang inulit nya ang sinabi ko kanina.

Hindi ko alam kung bakit sya nagagalit sa ganong klaseng introduction. Sya naman ang may gusto nito. "Ano gusto mo sabihin ko? Ayaw mo naman ng labels, di ba? Ayaw mo na naman, di ba?"

Inangat nya ang kamay nya at inilagay sa pisngi ko. "Yumi, I..." Panimula nya. Umiling sya after ilang seconds at hindi na itinuloy ang sasabihin.

Hindi ko talaga lubos na kilala ang taong 'to dahil hindi naman nya pinapayagan ang sarili nyang i-open ang pinto para sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga feelings nya para sa akin, at kung meron nga ba talaga, pero mukhang hindi iyon magiging enough para mapabago ang isip nya. Hindi ako magiging special para sa kanya. Isa lang talaga ako sa mga nakakarami.

Tinanggal ko ang kamay nya sa pisngi ko at tumalikod na bago pa nya makita ang di ko na mapigilang pagtulo ng luha ko. Lumakad na ako palayo at, this time, hindi na nya ako hinabol.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 17.3K 69
Ang lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Spa...
455K 7.7K 62
[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"
993K 7.8K 62
Paano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol ito sa tatlong tao na napili ng tadhana...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...