Mr. Chickboy (Completed)

By WinonaSaiz

83.9K 1.5K 58

A chickboy's story. Warson ~ More

Introduction √
His Side √
Selfie Monday √
Long Wednesday √
Cosplay Friday √
Saturday Night √
Comeback √
Past √
The Bet √
Dinner √
Agreement √
Ligaw: Day 1 √
Ligaw: Day 2 √
Ligaw : Day 3 and 4 √
Status : In Relationship √
First Day √
Representative √
Mr. and Ms. Santa Claus. √
Christmas Break √
Christmas 1.2 √
Special Chapter 1 √
Boracay Escapade 1.1 √
Boracay Escapade 1.2
Missing her.
New Years Resolution.
Abnormal Beat
Confused
Special Chapter 2
Special Chapter 1.2
Heartaches.
Leaving Him.
Miserable.
A life without Sam.
False Alarm
Operation:Finding Sam
Irish's Help.
Locating Samantha.
Summer.
Serenading Sam.
Courting all over again.
Mr. Chickboy Moves.
Satur-Date.
Beg.
Signs
Chance
Birthday.
Two
Eternity.
Second Life.
Last Wish
New Beginning
Graduation Day.
True Feelings
New Chapter
Our Love.
Right Time, Right Place.
SC: Harold's Love
SC: Harold's Love
SC : Harold's Love.
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Love
SC : Rosas' Gumamela.
SC : Rosas' Gumamela
SC : Rosas' Gumamela
Epilogue
Book 2

Christmas 1.1 √

812 24 0
By WinonaSaiz

Warson.

"Merry Christmas!"

Napangiti ako ng makita ang mukha ng tatlo. Mas maaga sila kumpara sa napagka sunduan namin na call time. Rosas is smiling widely, Sandrex is holding his phone and Harold is still wearing his bored look. May dala dalang malaking bag pack at plastic ng pagkain mula sa sikat na restaurant.

Bumaba ako ng hagdan at tinapik sila sa balikat para bumati. Halata na pinaghandaan nila ang lahat.

"Whoa! Sino ang tumulong sa Mama mo na nag decorate?" Rosas asked when we finally entered the house. Namamangha na inilibot niya ang tingin sa mga decorations.

It's already six pm and Mama is already preparing our foods. Dinala ko ang mga kaibigan ko patungo sa guestroom kung saan sila sama sama na matutulog. It has a three beds that Mama really prepared for them. Napagka sunduan kasi nila na sama sama sila sa iisang kwarto.

They decided to stay their for a minute kaya nauna akong bumaba sa kanila. I need to help Mama in preparing our foods.

Kumunot ang noo ko ng makita si Ate na sinisimot ang lata ng condensed milk. Napangiti ako at lumapit sa kanya.

"Ate. Penge ako." Hindi pa siya sumasagot ay agad kong hinila sa kanya ang lata at kumuha ng bagong kutsara.

"Ang bastos mo talaga na bata ka! Hindi pa nga ako sumasagot!" Pilit niyang inaabot ang condensed milk sa akin pero itinaas ko ito para hindi niya maabot. Mas matangkad ako kay Ate ng ilang pulgada.

"Akin nalang 'to Ate! Kinain mo na lahat ng condensed d'yan. Sinisimot ko na nga lang 'to e." Ng umalis ang pagkakahawak niya sa akin ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Napangiti pa ako ng marinig ang naiinis niyang pag sigaw ng pangalan ko.

Natigilan ako ng biglang tumunog ang phone ko. Ipinatong ko ang lata sa center table at kinuha ang phone mula sa bulsa ng khaki short ko.

From: Pan.
Were on our way.

Pan is short for Pandak, si Irish. Kumunot ang noo ko sa text niya. Minabuti kong umupo at nag reply sa kanya. Baka wrong send?

To: Pan.
w3r n4 u? d2 n4 m3.

Then I press send. Nilapag ko ang phone ko at kinuha ang remote para buksan ang TV. Dume kwatro ako bago nagsimula ulit simutin ang condensed milk.

Mama is almost done in preparing our foods kaya hindi na ako tumulong.

"Nood tayo ng replay ng NBA!" Lumingon ako sa likod at nakita ko ang pagbaba nilang tatlo. Mas nauuna si Rosas maglakad sa dalawa.

"Ang gwapo mo Warson, ikaw na ang pinaka macho sa lahat ng lalaking nakilala ko. Ang gwapo gwapo mo talaga! Kyaaaa!"

Natahimik sila at nagka tinginan. Mayamaya ay napuno ng tawanan namin ang buong living room.

"Tangna! Ano'ng trip mo Son?" Natatawang wika ni Sandrex.

"Ang lakas ng tama mo Son! Bakit 'yan ang ginawa mong message ringtone?"

Sumimangot ako at nagpatuloy sa pagsimot ng condensed milk. Pero ng wala na ito ay inilapag ko ito sa tabi. Saka ko kinuha ang phone ko kung saan may reply ang magaling kong pinsan.

From: Pan.
Ha?

Kumunot ang noo ko sa naging reply niya. Wrong send talaga siya? Muli kong s-in-end ang una niyang message sa akin. At muling nag compose ng text message.

To: Pan.
Wrong send ka 'no? Sino ka text ko sa tropa ko?

Ilang minuto lang ang tinagal bago ito nag reply sa akin.

From: Pan.
Wala! Wag ka nga makialam sa mga ginagawa ko!

Sumimangot ako at pinili na wag na siyang replayan. Minabuti kong manood ng NBA pero hindi rin nakapag concentrate dahil nagtatatalo pa ang dalawang ugok kung sino ang mananalo. Hindi ko maiwasan na mapa face palm, minsan iniisip ko kung bakit ko sila naging kaibigan na dalawa.

Lumingon ako kay Harold na panay tunog ang phone. Hindi rin ito nanonood dahil mas nakatutok siya sa pagtitipa sa phone niya. Siguro nga busy siya talaga. Napilitan lang siya pumunta rito.

"Busy ka ah? Tungkol saan ba 'yan?" Pang uusisa ko. Lumingon ito sa akin at umiling.

"Business and stuffs." Tumango ako at hindi na siya pinansin. Pero itong si Rosas ay sadyang makulit at tinanong pa si Harold.

"Chicks mo Harold?" Rosas asked. Pinatay na nila ang TV at itinuon ang atensyon sa boring na mukha ni Harold. Itinabi nito ang phone at tumingin sa amin.

"Hindi ako babaero kaya wag mo akong itulad sayo Rosas."

Napuno ng tuksuhan ang buong living room. Pinaka kawawa si Rosas na hindi manlang napipikon sa pang aalaska sa kanya.

"Pero maganda ba 'yun?" I started asking. This is my technique para mapa amin si Harold. Madali lang naman sabihin na wala siyang chicks pero hindi siya sumagot ng wala na very unusual para sa napaka direkta sumagot na si Harold.

Tumango ito na mas nagpalaki ng ngiti ko. Tumahimik rin sila Sandrex at Rosas na naghihintay ng iba pang sasabihin ni Harold. This is the first time that Harold talked about something that he admired on.
"Chicks ba 'yun?" Sandrex asked.

Our definitions of chicks is a woman who is pretty, white, has a long and black hair. Tapos dapat sexy at matangkad rin katulad namin.

"She's already prefect for me." Kumislap pa ang mata nito at malayo ang naging tingin.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ang paraan ng pag tingin nito ay katulad ng tingin na ibinibigay niya sa tuwing makakasama namin ang pinsan ko. Does he have a thing for my cousin Irish?

Humugot ako ng malalim na paghinga. "Si Irish ba ang tinutukoy mo?"

Harold stunned. Bumalik ulit ang poker face nito. Mataman ko siyang tinitigan.

Tumayo si Rosas at itinuro si Harold. "Hoy! Off limits na ang pinsan ni Warson! Akin lang si my loves!"

"Hindi." Sagot nito pero hindi ko pa rin inaalis ang titig sa kanya. Sinusukat kung hanggang saan ang makakaya niya.

Umiwas ito ng tingin sa akin at bumuntong hininga. "Bakit ako magkakagusto sa pinsan mo? Sabi mo nga, pangit siya at hindi karapat dapat pagtuunan ng pansin. Maraming mas maganda sa kanya sa campus kaya wag kang mag alala, hinding hindi ako magkaka gusto sa pinsan mo."

Dito ako tuluyan naka hinga ng maluwag. Tinapik niya ako sa braso at tuluyan na napangiti. Pero na alis ang ngiti niya sa mga labi ng makita si Irish sa pinto ng living room.

Naka awang ang labi nito sa amin at nasa sahig na ang dala niyang bag. Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Ano'ng nagyari sa kanya?

"Irish my loves!" Sigaw ni Rosas at bumati sa kanya. Pero hindi ito pinansin ni Irish dahil namumutla ito at tila hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.

Ngumiti ako sa kanya pero tumatagos ang tingin niya sa akin. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya kaya nakita ko ang parehong reaksyon ni Harold. Namumutla rin ito at naka awang ang labi. Kung kanina ay naka upo ito, ngayon naman ay nakatayo na ito.

"Pan!" Sigaw ko sa kanya. Saka pa lamang siyang parang natauhan. Malungkot na ngumiti ito sa akin.

Ngumiti rin ito sa mga kaibigan ko. "Excuse me, ihahatid ko lang ang gamit ni Sam sa magiging kwarto namin." Mabilis itong umalis at hindi na hinintay ang sasabihin namin.

Rosas raised his hand to offer her some help pero nabitin lang ito sa ere. Nagtataka na kumunot ang noo ko. Ano bang nangyari dun?

"Hi Babe." Humalik sa pisngi ko si Sam bago binati ang mga kaibigan ko. Matapos nito ay agad siyang nagpaalam sa mga kaibigan ko.

"Hi babe!" Panggagaya ni Rosas at humalik sa pisngi ni Sandrex. Agad itong tinulak ng huli dahilan para mapa subsob ito sa sofa.

Tinawanan ko siya at sumimangot lang ito. I grab my phone and check for some messages. Nasaan na kaya ang mga chicks ko? Ni hindi manlang nati-text.

"Okay lang kaya si Irish my loves?" Narinig ko ang pag buntong hininga ni Rosas. Seryoso na ang mukha nito ngayon.

Napalingon ako kay Sandrex ng tinapik niya ako sa balikat. Ini nguso nito si Harold na nakatulala sa kawalan.

Kumunot ang noo ko. Nag kibit balikat si Sandrex sa akin bago bumalik sa paglalaro niya sa phone.

Seriously? Ano'ng problema ng mga tao ngayon?
---------

Ten o'clock pm.

Gumising ako at pinatay ang alarm clock. Kailangan kong mag ayos na dahil magsisimba kami nila Mama ngayon.

Hinubad ko ang short at damit ko. Naiwan ang boxer ko at huhubarin ko ito kapag nasa banyo na ako.

Binuksan ko ang ilaw ng banyo ko at dumiretso sa cr. Ibinaba ko ang boxer ko at tumapat sa toilet bowl, nagbawas ng tubig sa katawan.

Pero wala pa ako sa kalagitnaan ng pag ihi ng may narinig akong sigaw mula sa loob. Nanlaki ang mata ko at agad na itinaas ang boxer ko.

"Bastos!" Sigaw ni Sam habang nakatapis ng tuwalya. Hindi ko napigilan sundan ang pagbaba ng tubig sa katawan niya. Mula sa exposed area ng dibdib niya hanggang sa mapuputi niyang legs.

Agad akong lumabas ng banyo at kwarto ko. Nabuksan ko si Irish na akmang kakatok palang sa pinto ko.

"Oh? Son? Bakit ata pawis na pawis ka? Wag mong sabihin na nag exercise ka?" Hinarang ko ang katawan sa pinto ko para hindi niya mabuksan. Bakit ba kasi nandito si Sam sa kwarto ko?!

"Ba't natameme ka 'ata? Papasok ako sa kwarto mo. Hihiram ako ng psp mo." Nanlaki ang mata ko at agad na hinarang siya.

"WAG!" Kumunot ang noo nito.

"Ha? Bakit naman? May tinatago ka!" Nanunukso na wika nito.

"Warson! Anong ginagawa mo d'yan? At bakit ka naka hubad?" Hindi ko mapigilan na mapa mura ng makita si Ate. Isa pa 'tong makulit e,.

"Wag kang mangingi-alam dito Ate!" Sigaw ko. Mas tinibayan ko pa ang paghaharang sa pinto pero dahil makulit ang dalawa ay naalis ako. Sumali pa rito ang bunso kong kapatid at hinawak hawakan ang abs ko.

"Wow! Sali ako sa laro niyo!"

"Wag niyong hawakan ang Abs ko! Nakikiliti ako!"

Nagka tinginan sila at mas lalong napa tawa. Akala ko ay titigil na sila pero kiniliti pa rin nila ako. Mas lalo pang nadagdagan ang mga asungot ng dumating sila Rosas at Sandrex at tumulong sa pagpapaalis sa akin doon.

Tuluyan akong napa upo ng bumukas ang pinto. Nagmamadali akong lumapit sa kanila, sinilip ang kwarto ko at hinanap ang bakas ni Sam. Naka hinga ako ng maluwag ng makita na wala siya rito.

"Akala ko may tinatago ka sa kwarto mo. Wala pala." Naka nguso na wika ni Ate. Napakamot ako sa batok ko at alanganin na ngumiti sa kanya. Malamang nasa CR si Sam ngayon.

"Pa cr ako Kuya!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad kong tinakbo ang pagitan namin at hinarang ang katawan ko sa pinto ng CR.

"Wag! Dun ka nalang sa kwarto mo! Lumabas na ng kayo." Naiinis na pagtataboy ko ng makita silang ginugulo ang kwarto ko.
Pero bago pa sila tuluyan makalabas ay agad na lumabas si Sam na nakatapis lang ng tuwalya.

Napa face palm ako dahil sa paglabas niya. Ng lumingon ako sa mga kasama ko ay naka awang ang mga labi nila. Agad kong hinarang ang katawan ko kay Sam para hindi makita nila Rosas at Sandrex ang maputi niyang katawan.

Bumuntong hininga ako. "Lumabas na kayo."

Imbes na lumabas ng tahimik ay napuno ng ingay ang buong kwarto ko. Huminga ako ng malalim. Tangna, lagot ako kay Mama nito.

And speaking of Mama, sumilip ito at napalitan ng pagka gulat ang ngiti niya. Mayamaya ay sumigaw ito.

"WARSON!"

Sumimangot ako. Tangna lang. Lagot na lagot talaga ako. Katapusan na ng maliligaya kong araw ngayon.

Goodbye Earth. Wala ng matitira na gwapo sa Earth.

-----

Continue Reading

You'll Also Like

52K 1.3K 35
Characters: John Drew Roberts Olivia Kate Gonzales Ren Christoff Villa Jake Flores Miko Gomez Krista Jane Suares Michelle Reyes Michael Reyes
41.4K 1.1K 32
jhoy didnt know that her existing is a secret...her parent hide her..at inilihim din sa kanya kng anu tlag xa.. when she go to study in collge unti u...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
72.8K 1.5K 36
Ma-arranged? Sa taong Hindi mo mahal! Masakit kaya? Pero paano kung mamahalin ko siya? Kaso nga lang plaboy siya. Masasaktan kaya ako? -Sharlene San...