Do You Know How? (COMPLETED)

By Macouronne

9K 517 48

Hazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She... More

DID YOU KNOW?
ALSO FROM MACOURONNE
(DYKH) ENROLLMENT
(DYKH) HIGHSCHOOL
(DYKH) GRADES
(DYKH) SLEEPOVER
(DYKH) SKETCH PAD
(DYKH) BLACK SHIRT
(DYKH) SPELLING BEE
(DYKH) MOBILE LEGENDS
(DYKH) DREAM
(DYKH) HOMETOWN
(DYKH) RIGHT
(DYKH) SECOND YEAR
(DYKH) BEFRIEND
(DYKH) PENCIL
(DYKH) HE'S NATH
(DYKH) INTRAMURALS
(DYKH) CONFESSION
(DYKH) LIKE
(DYKH) SELF-PROCLAIMED
(DYKH) DRAFTING
(DYKH) FESTIVAL
(DYKH) TRANSFER
(DYKH) MINUTE
(DYKH) HONEY
(DYKH) ATTACHED
(DYKH) PARTNERS
(DYKH) PROM
(DYKH) STAY
(DYKH) OFFICIAL
(DYKH) VACATION
(DYKH) MEMORIES
(DYKH) CLAIM
(DYKH) GOODBYE
(DYKH) GIRLFRIEND
(DYKH) FAIL
(DYKH) ARCHITECT
(DYKH) STRANGERS
(DYKH) DAY-1 & 2
(DYKH) DAY 3
AUTHOR'S NOTE
(DYKH) DAY 4 & 5
(DYKH) REALIZATION
(DYKH) HOPE
(DYKH) I KNOW HOW
DENOUÈMENT
ACKNOWLEDGEMENT
SPECIAL SHORT CHAPTER
SPECIAL SHORT CHAPTER 2

(DYKH) TUTOR

79 8 0
By Macouronne

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Panaka-naka'y naghikab ako at bumaling sa kabilang gilid upang ituloy ang tulog ko. Naghintay lamang ako ng ilang minuto habang nakapikit ngunit hindi ko magawa ang nais ko.

Isang linggo na rin ang nagdaan mula nang mag-usap kami ni Mommy. Iyong huli naming pag-uusap ay napunta sa kung ano-ano.

Kulang na naman ako sa tulog.

Imbes na gawin ang balak ko ay bumangon na ako. Tinatamad akong mag-ayos ng kama kaya't hinanap ko na lamang ang cellphone ko. Huli na nang mapagtanto kong nawawala nga pala iyon.

Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Masarap sa pakiramdam iyong pagbangon mo ay wala ka ng isipin. Iyong pakiramdam na ayos na ang lahat. Maraming salamat talaga kay Mommy dahil sa pag-intinding ginawa niya.

"Thank God." Buntong hininga ko pa.

Ilang minuto pa akong naka-upo roon bago napagdesisyonang kunin ang drafting materials ko sa cabinet. Naalala ko iyong sinabi ni Mommy na kailangan ko ng tutor. Malay niya naman ay meron pang natitirang abilidad sa 'kin.

Dahil nasa mataas na bahagi iyon nakapwesto ay hindi maiwasang may mahulog na bagay.

I didn't mind it and just continued getting my materials.

Tatalikuran ko na sana iyon at dadaretso na lang palabas nang hindi ko ito matiis at lumingon muli ako pabalik. Baka kasi iyong triangle ko iyon.

Ganoon na lang ang pagbabago ng pakiramdam nang masipat ng mata ko kung ano ang nahulog na bagay.

"Tinabi pala kita?" Lumapit ako para kunin ang kwintas na may nakasabit na letrang S. Narito iyong bagay pero hindi 'yung nagbigay. Sabagay, wala na rin naman sa akin kung wala na siya.
He's just a lesson, after all.

Bago lumabas ng kwarto ay inaalala ko ang dahilan kung bakit ibinigay ito sa 'kin ng taong iyon.

"Stay. Fucking word."

Napakatanga ko pala dati dahil naniwala ako sa salitang iyon. Too young, too dumb.

When I was 16, I was too gullible. Deceive or be deceived. But yeah, past is past. I must focus on what I have and not on what I had.

Nagsimula akong bumaba dala ang mga gamit ko. Marahan ko lang 'tong dinadala dahil gusto kong maingat ako at hindi magusot itong mga ito. Sinigurado ko munang malinis ang lalapagan ko sa lamesa.

"Grabe. Ang ganda ng floor plan ko." Puri ko pa sa sarili. Naalala kong hawak ko pa pala ang kwintas, mabilis na tinungo ko ang labas upang itapon sana ito.

Ngunit kasabay ng pagkabukas ko naman ng pinto ay siyang bungad naman ni Than. Hindi na naman siya natulog dito kagabi? Kila Drew na naman?

"Someone deflowered me last night." She confessed. My hazel-brown eyes grew bigger. Did she just say someone had deflowered her?

"What?" I asked. My brain can't comprehend her confession. It's like pushing a wrong key into a lock.

"Girl, I said someone deflowered me last night, bingi ka na ngayon?" Patuloy ito sa paglalakad at dumiretso muli sa kusina. Sumulpot ako sa likod nito nang isara niya ang ref.

"Hindi si Drew?"

Umiling siya.

The heck?

"E, sino? Kanino ka nagpalipas ng gabi? Saan ka ba kasi nagpunta?" Sunod-sunod kong tanong. Umupo siya kaya't umupo rin ako sa tapat niya. Para sa akin ay seryosong bagay ito ngunit siya naman ay nangingiti lang na parang tanga.

Kinalampag ko ang lamesa at tumingin sa kaniya ng masama. She rolled her eyes on me and resumed what she's doing.

"Umayos ka nga, Than! Sino nga kasi?"

"Ewan ko!"

"ANO?!"

"HINDI KO KILALA!"

Natampal ko ang sariling noo sa ginawa niya. I look problematic right now, contrary to her facial expression.

"Bakit parang natutuwa ka pa?"

"Gwapo kasi." She giggled. She looks like she's imagining the flawless visage of the guy. Thaniea is not Thaniea if she doesn't have a fecund imagination.

"Akala ko ba ‘No to Pre-marital sex’ tayo?" Kunot noo kong tanong sa kaniya. Itinaas nito ang paa sa lamesa at mas pinag-igihan pa ang pag-iimahinasyon.

"Akala ko rin, e."

Napasentido ako sa sinabi niya. Sa ginawa kong iyon ay dumapo sa akin ang kaniyang paningin.
Hula ko ay may iniisip na itong hindi kanais-nais sa kaluluwa ko.

I raised a brow.

Ilang sandali pa nang lumawak ang pagkaka-awang ng labi nito. Na para bang may bagay siya na ngayon niya lang natuklasan.

"Ano 'yang tingin na 'yan?"

"Oh my gosh! Virgin pa lips mo?" Bigla ay dumalo ito sa 'kin. Kusang umikot ang mata ko sa kaniya. Hindi ko gusto kung saan pupunta itong usapan namin. Kinuha ko muli ang gamit ko sa lamesa at sa hindi naman sinasadyang pagkakataon ay nasagi ni Than ang baso dahil sa paghahabol nito sa 'kin.

Napapikit ako ng mariin sa nangyari.

Lumalim ang paghinga ko.

"Hala, sorry!" Nawala sa paningin ko si Than at nang bumalik naman ito ay may dala na siyang pamunas. Kumuha na rin ako at tinulungan siya. Pumunta ako sa lababo upang pigain iyong ginamit kong pamunas.

Nang matuyo iyong parte na nabasa ay napabaling ako sa kaniya para malaman kung napunit ba ni Than ang plates ko. Iniangat niya iyon at tumutulo pa ito. Bumalik ako sa pagpipiga nang bumuka na naman ang bibig ni Thaniea.

"Nathaniel?"

Napatigil ako sa ginagawa nang marinig ang pangalan na iyon. Napa-angat ang tingin ko sa harapan. Nasa likod ko kasi Thaniea at sa klase ng pagpapakawala niya ng hininga ay alam kong nagtataka siya.

"Sino 'yung Nathaniel, Hazel?" Sunod niyang tanong. Narinig ko ang paglipat ng papel—mukhang sinusuri niya lahat ng ginawa ko.

"Look, oh. May naligaw." Napakiramdaman ko rin ang paglapit niya sa 'kin. Muli akong tumungo at pinagpatuloy ang pagpiga sa basahang ginamit.
Naghugas lamang ako ng kamay at pumaroon muli sa lamesa para pulutin ang mga nahulog na papel.

"Sino 'yung Nathaniel? Top 1 niyo dati? Ganda ng gawa, oh! Malinis!" Alam kong namamangha si Than sa nakita. Ngunit ipinagtataka ko kung bakit mayroon ako nitong papel.

"Kanito 'tong bahay? May pirma, oh! Alam ko...pirma mo 'to, e. Ganitong-ganito 'yon, kanino 'yung isang pirma?" Pilit niyang ipinakikita sa 'kin ang papel. Halos ipagsusukan niya ito sa harapan ko para lang makita ko.

"Pirma ko nga." Tumayo na ako matapos magpulot. Hinarap ko siya.

"Nathaniel stole my first kiss. That's who he is. A thief, a deceiver and..." Napahinto ako.

"...a sucker."

"Wait—A SUCKER!?"

"A soccer, uhmm a s-soccer player. Yes, he's a player. In fact, we had a game and I lost. But I can't deny the fact that the game he gave was fun enough to deceive me. I lost not the game—but the player."

I turned my back on her, evading every question she'd throw.

And as if on cue, someone knocked on the door.

I stopped walking amidst of my rumbled thoughts. My forehead creased while my eyes are settled in front. Is Thaniea expecting someone to come over?

Napatingin ako sa gawi ni Thaniea sa likod. Mukhang hindi niya napapansin ang pagkatok ng kung sino. This is not Ken, Ken hates knocking. And I hate that in him.

"Drew?" Tanong ko kay Thaniea. Umiling naman ito at muling pinagtuunan ng pansin ang papel na hawak. Mukhang hindi siya maka-move-on sa nakita. Pati na rin sa inpormasyong nakalap niya kanina-kanina lang.

"Balik mo na nga 'yan sa 'kin!"

"Teka kasi! Ang ganda-ganda kaya. Wait, nakita mo na ba 'to?"

"Syempre! Plates ko 'yan, e!"

"Tanga, Hindi kasi! Eto, oh."

Lumapit ako roon at nanlaki ang mata ko sa nakita. Mayroong kasing dalawang papel na naka-stapler sa likod ng blue-print na ipinapakita niya. Iyong nakalagay naman sa blue-print ay dalawang palapag na bahay.

"Iyong Nathaniel din ang gumawa niyan?" She said, pertaining to the portrait attached at the back of the blue-print. It was me. With him.

Suddenly, a scene flashed in my head.

But another knock interrupted my thoughts.

"Can someone open the door? It's freaking cold here." Someone shouted. Nangunot ang noo ko. Hindi pamilyar iyong boses. Hindi kaya ay bisita ni Thaniea ito?

Napagawi ang tingin ko sa kaniya.

Nagtaas ako ng kilay.

"This is not Drew."

"I know."

"Who's this guy?"

"I don't know."

"Stop fooling around, Thaniea Levianne Marvella. Sa paraan ng pagkislap ng mata mo, alam kong kilala mo 'to. So who's this guy?"

"Ewan! Feeling ko kasi narinig ko na 'yung voice niya somewhere."

Napairap ako.

Humarap ako sa direksyon patungong pinto ngunit tinakbo naman ni Than ang distansiya mula sa likuran ko hanggang sa front door.

Unti-unting binuksan ni Than ang pinto at tumambad sa 'min ang lalaking balot na balot at nanginginig pa ang labi. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paglawak ng awang ng bibig ni Than.

"OH MY GOOOOSH!" She shouted.

Sabi na, e.

Walang pasabing pumasok iyong lalaki at nagpagpag ng kaniyang kasuotan. Sapat na iyon para kumunot ang noo ko.

"Thali?" Recognition flashed in his eyes. So these two know each other?

"NICO? OH MY GOOOOSHH!"

"So, this is where you live?"

"Uhhh—yes. What brought you in here?"

"I came here for Hazel Ann. Why are you here? I was expecting her to welcome me."

Napatingin sa gawi ko si Than.

His name is familiar.

Siya ba ang sinasabi ni Mommy na magtuturo sa 'kin?

Napaaga ata punta niya?

"What do you need from me?" I asked in a serious tone. May pakiramdam kasi ako na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam. Bigla akong kinabahan.

He glanced at my way.

He waived his hand.

"I'm Juanico Andrada. Nice meeting you, Ms. Alcantara."

Andrada.

Kung kailan talaga naisin maglaro ng tadhana, maglalaro siya. Ang problema, napakasaklap ng laro niya. Why of all people—he has to be my tutor?

And one thing that confuses me.

Why am I affected so freaking much?

Nag-abot ito ng kamay, mukhang matino naman ito at hindi mukhang kayang gumawa ng krimen. Nakipag-kamay ako rito at tumango bilang pagtanggap sa kaniya.

Pumaroon kami sa kusina at ipinaghanda ni Than ng merienda ang lalaki. Nagulat pa ako sa pagp-presinta nito. Basta talaga lalaki...

"What's your relationship with my best friend?" Tanong ko. Kung hindi ako nagkakamali ay magkakilala sila. Hindi ko lamang alam kung kailan o saan. Sa dami ba namang nakakasama ni Than, mahihirapan kang kilatisin ang sino sa sino.

"She's my...uhhh..."

"ILANG ITLOG IPIPRITO KO, HAZEL?"

"She's your what?"

"My—"

"O HATDOG NA LANG KAYA PARA MADALING MALUTO?"

"Your?"

"Girl—"

"AY PANCIT CANTON NA LANG PALA! MAY NAKITA AKO SA KWARTO MO, GALING PANG PILIPINAS 'YON, ANO—"

"PUNYEMAS! LUTUIN MO NA LAHAT!"

* * *

"I went here to send these things to you. Your mother told me you need these. It'll help you throughout our session." His accent compensates his soft features. No wonder why Thaniea fell in love with this man.

"You know Tita Marga?" Biga ay sumingit sa aming pag-uusap si Than. Nakaharap sila sa akin, magkatabi ang kanilang posisyon. Hindi halatang may relasyon sila.

"She's my father's friend, actually."

"I don't need those. I have piles of unused A3 in my room, new sharpened pencils and fine liners. Sorry but I won't be needing templates. I can do it on my own."

"Your mother bought this for you."

"Don't worry, I'll just tell her my reasons why. So uhmm, when's our first sesion?"

"The day after tomorrow."

"GOOOSHH! YOU'LL BE HERE NEXT NEXT DAY!!? Why won't we have some fun first before proceeding into that session thing? 'Di ba—"

"Thaniea." Saway ko. Ayan na naman siya sa pang-aaya. Hindi ko pa nga nahahanap ang cellphone ko ay rarampa na naman siya.

"Sorry about that. Did you know that this girl beside you isn't chaste anymore?"

"I know, I made her that way."

"A-ano?" Napatingin ako sa pwesto ni Than.

"Siya 'yung kinekwento ko." Pabulong niyang ani. Nanlaki ang mata ko. Bumigay siya sa karisma nitong kano?

"That's why she wasn't in her room last night, huh? You two did—"

"Yep, we did it."

"Proud ka pa?" Naiinis ko namang baling kay Than. Mas maganda ng sitahin si Thaniea sa kamalian niya. Para hindi maintindihan nitong boy friend niya ay tinagalog ko na lang. Paano na lang kapag nalaman niyang may manliligaw si Thaniea na nagngangalang Drew?

"Anyway, I gotta go. Someone's waiting for me. Nice meeting you, Hazel." And he turned to Than. "Let's have a date next week."

"I love you!" si Than.

"I love you more!"

"I love you most!" Nang nasa labas na si Nico ay muli itong humarap sa pinto naming bukas.

"I love you to the moon and back!"

"I love you ulit!"

"OO NA! SIGE NA! MAHAL NIYO NA ISA'T ISA!"

* * *

Halos hating gabi na ngunit hindi ako makatulog. Hindi ko alam ngunit simula nang dumating kanina iyong magiging tutor ko ay may kung anong nabuhay sa kaloob-looban ko. Sa huling buntong-hininga ay napatayo ako.

Ibinalik ko muli ang drafting materials ko sa kung saan ito nakatabi kanina. Hindi ko sinabayang mag-hapunan si Thaniea dahil hindi ko maunawaan kung bakit hindi siya tumupad sa kasunduan namin.

Sumagi na naman sa isip ko iyong si Nico.

Kailan naman siya nakilala ni Thaniea?

Para namang pagkatagal-tagal na nilang magkakilala.

Tinungo ng paa ko ang cabinet at binuksan ko ito. Ngunit iba na ngayon, wala ng nahulog. Marahan ko itong nilapag sa kama. Nagmarka ang basa rito ngunit hindi naman naapektuhan nito ang nakaguhit sa papel.

Naalala kong may dalawang papel na nakalagay sa likod ng isang plates ni...ni...niya.

Nang makita ko ito ay lumalim ang paghinga ko at kusang bumuo ng eksena ang utak ko.

"This is you, with me. May tanong pala ako, Potato."

"Hmm?"

"Can you see your future with me?"

"I can."

"Pwede ba 'kong humiling na sana 'wag nang magbago 'yan?"

"Pwede."

"May gusto pala akong ipakita sa 'yo."

"Ano na naman 'yan? Sticky note na my corny-ing pick-up-lines?"

"Ang sama mo. Galing pang google 'yon!"

"Sa google ka pa kumuha e corny rin 'yon."

He handed me something. It was rolled properly like a diploma.

"What's this? May nakasulat na naman bang “Potato x Fries forever” dito?"

"Binubully mo na 'ko. Nakasaad kaya sa batas na bawal 'yang ginagawa mo—"

"Republic act?"

"Teka walang ganiyanan!"

I laughed.

Everything he made could actually light my day.

But that's before.

It's different now.

"That's the blue print of our house. Mas maganda ng sigurado, Potato."

"Sigurado ako sa 'yo noon pero hindi ko alam kung sigurado ka ba sa 'kin."

Sumalampak ako sa kama kasama itong ala-ala niya. I don't know how he did this to me. How he promised, how he made me happy, how our eyes sparked...all of the how's.

They are all unfulfilled.

And blank.

Dahil wala pa itong mga sagot.

Hindi pa siguro ipinapanganak ang taong kayang tumupad ng pangako sa 'kin.

"Nagplano ka pa ng bahay. Iniwan mo rin naman ako. Tanga mong tao."

* * *

"Anak, Nico reported to me last week. Hindi mo tinanggap iyong mga kailangan mong gamit?" Ka-video call ko si Mommy ngayon at nag-aayos kami ng bahay ni Than. Ang totoo ay tapos na kaming maglinis at nagpapahinga na lamang kami. Kanina rin kasi dumating iyong order ni Thaniea na sofa.

"My, I have lots of it."

"Tintin, those were your materials back in highschool! Hindi mo alam kung ano bang nadagdag ngayon! You'll be needing those!"

"My, okay na ako sa gamit ko. Hindi ko po sila papalitan."

"Fine. Just accept those things and store it in your cabinet—"

"My..."

"For emergency purposes!"

Natawa ako sa inasta ni Mommy. Mukhang mas excited pa siyang mag-aral kaysa sa 'kin. Nanatiling nakangiti ang labi ko habang pinagmamasdan ko si Mommy na namumula.

"Start na nga po pala ng session namin mamaya, My. Pakisabihan na lang po si Ken na huwag muna pumunta rito sa bahay."

"Why don't you talk to him instead?"

"May atraso pa po siya sa 'kin."

"What kind of atraso, Tintin?"

"Iniwan niya po kasi ako."

"Kawawa ka naman, anak. Aba'y palagi ka na lang iniiwan!" Biro pa ni Mommy sa kabilang linya. Natawa ako ng kaunti. Ngunit tagos naman sa akin iyong biro niya.

"Okay na 'yon, My. At least hindi tanga."

"Oh siya-siya! May session kayo ni Nico, ano? Inutusan kong umorder ng drafting table si Thaniea, hayaan mo at maya-maya rin ay dadating 'yon."

"Mom?" Gulat kong sambit.

"Anything for your future, Anak."

"Thank you, My."

"Welcome as always, Tintin. By the way, sa kwarto mo gaganapin iyong session, ha? Good luck!"

Huli na bago ko sitahin si Mommy sa makahulugang tingin na ipinakita niya sa 'kin kani-kanina lang. Mukhang may ibig-pa siyang sabihin bukod sa sinabi niya.

Napa-iling na lang ako at tinignan ang kabuuan ng living room namin. Hindi ko pa pala naiaalis iyong Christmas tree. Saka na siguro kapag may libreng oras na.

"Hazeeeel! Si Ken, kausapin mo muna at may aasikasuhin lang ako!"

Hindi ko alam kung saan nanggaling iyong boses niya na bigla namang nawala at ngayon ay hawak ko na ang cellphone na inabot niya sa 'kin. Napatingin ako sa caller.

Ken.

Nawa'y lahat may cellphone.

Hindi pa binabalik ni Ken ang cellphone ko. Inutusan ko siyang bumalik doon sa bar noong nakaraang linggo dahil baka napadad sa dance floor iyon o baka naman ay nanakaw na pala sa 'kin.

"Oh ano? Kay Thaniea ka na tumatawag ngayon para kausapin ako, 'no?"

"Love naman..."

"Love mo mukha mo. Nasaan 'yung phone ko? Nahanap mo na ba?"

"Hindi pa nga, e. Baka naman nasa ilalim lang ng kama mo. Chi-neck mo na ba?"

"Wala nga! Saka nga pala, I would be busy from now on. Hindi ka na pwedeng papunta-punta pa rito. My free days are Tuesday, Thursday, and Sunday. At alam mo naman ang ginagawa ko during my free time."

"Tulog."

"Good."

"Malayo pa pasukan, ah?"

"Yup. Pero may tutorial session kami ni Nico, aaaaand! Bawal ka makisasawsaw." Umayos ako ng upo nang makita ko si Than na papalabas. Hinihintay niya siguro iyong inorder ni Mommy or si Nico ang hinahanap ng mata niya.

"SINONG NICO!?"

"OA. Jowa kita teh?"

"Love naman..."

"Tigilan mo 'ko sa ganiyan, Kyle Edrielle Niverson. Tutor ko si Nico, at pwede na rin nating sabihin na studyante niya ako."

"Sinong Nico?"

"Basta Nico."

"Sino ngang Nico?"

"Hindi mo naman kilala." Mapait kong tugon. Hinuha ko ay magbabago ang timpla nito kapag sinabi ko na ang apelyido noong si Nico.

"Sino nga kasi?"

"Nico Andrada. Oh ano, kilala mo?"

"Andrada?"

Kahit ako naman ay nagulat sa apelyido ni Nico. Hindi ko rin naman inaasahan na ganoon iyon. Ngunit ayokong bumuo ng kahit ano sa utak ko kahit pa may parte sa akin na nangangambang magkakilala sila. Hindi malabo, pero hindi rin naman malinaw.

Nasabi ko na rin naman kay Mommy ang dahilan kung bakit ayokong pumasok dito sa Estados Unidos. Naalala ko kasing...dito rin siya lumipat.

Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ngayon ay ang lawak nitong bansang tinatapakan ko. Hindi naman siguro kami magkakatagpo, ano? O kung magpapang-abot man kami—siguro nakalimutan niya na ako.

Hindi naman sa hindi ko siya nakalimutan...

Pero kasi...hindi ko talaga siya malimutan.

Maaaring iyong experience lang ang namimiss ko. Maaaring iyong memories lang ang gusto kong ibalik at hindi iyong mismong tao.

Besides, I already have Ken.

Iyong hindi nangako pero siyang tumupad.

"Juanico Andrada. Wala ka namang dapat ipag-alala. Nandito naman si Than—"

"Pero wala ako diyan—"

"Kasi manggugulo ka lang! Napakulit mo pa namang tao. Ewan ko kung anong nangyari sayo gayong hindi ka naman ganiyan dati." Matabang ko pang sabi. Tumayo na ako galing sa pagkakaupo at tumungo sa kusina. Nakaramdam ako ng pagka-uhaw sa pag-uusap namin.

"Love... Punta ako." Para siyang batang nagmamakaawang sumama sa nanay niya. Naiirita ako sa ginagawa niya, lalo pa ngayon at parating ang dalaw ko.

"Sige, pumunta ka."

"TALAGA?"

"Oo, pero doon kami sa bahay ni Nico magtuturuan."

"Sunday? Pwede ako pumunta ng Sunday?"

Makulit talaga siya.

"Sige, Sunday."

Pinatay ko na ang tawag matapos iyong pag-uusap namin. Alam ko namang hahanap at hahanap ng lusot iyong si Ken kaya't sa huli ay pumayag na rin ako. Matapos sa kusina, pagbalik ko naman sa living room ay nakaporma na iyong sofa. Idea kasi ni Thaniea na pagprac-tican itong bahay.

Hindi niya naman sinasabi pero alam kong napilitan siyang ituloy ang pagiging interior designer. Dumaan kasi kamakailan lang ang magulang ni Than. Hindi ko naman din sinasadya na marinig iyong usapan nila.

Sa pagod ay ginusto ko na lamang mahiga roon sa bagong L-shape sofa. Unti-unti akong naghikab nang maramdaman ang pagod sa buong katawan.

* * *

"Hazel, andiyan na tutor mo."

"Girl, wake up!"

Naalimpungatan ako dahil sa tinig ni Than. Nagbukas ako ng mata at mukha ni Than ang sumalubong sa akin. Nag-inat-inat lang ako ng kaunti at umupo na.

"Shocks! Kabago-bago ng sofa bininyagan agad ng laway mo!"

"Bakit ka naman ba kasi nanggigising?" Hindi ko pinansin iyong sinabi niya. Pakiramdam ko ay gusto ko ulit pumikit.

"Your tutor's outside!"

"Oh, bakit hindi mo papasukin?"

"Ikaw na! Tutor mo 'yun, e. Saka Nico and I have a special date kasi. Ikaw na bahala rito saka 'yung Tutor mo, ah. Adios!"

"Teka! Bakit sa backdoor ka dadaan?"

"Andito ni Nico, girl!"

"Bakit kayo magde-date, e may session kami? Hindi ba tuloy?"

"Bakit kayo magkakaroon ng session, e may date kami?" Balik tanong niya na nakapagpaikot ng mata ko.

"Basta! Buksan mo na lang 'yung pinto diyan sa harap!" Dugtong pa niya.

Nawala agad sa paningin ko si Thaniea. Napakamot ako sa tuktok ng ulo ko. Hindi agad maproseso ng utak ako ang kaganapan ngayon dahil nga bagong gising ako. Napatingin ako sa wall clock at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko.

"Tatlong oras akong tulog?" Alas sais na kasi ngayon. Gaano ba ako kapagod?

Nagsimula na akong maglakad paabante. Kung magkasama sila ni Nico—sino itong nasa pintuan? Sinong tutor ang tinutukoy ni Thaniea?

Nang pihitin ko ang doorknob ay sumalubong sa 'kin ang malapad na likod ng lalaki. Baka sa patong-patong na suot kaya ganoon ang hugis nito. Mukhang hindi niya alintana iyong pagbubukas ko ng pinto.

"Mr. Tutor, come in." Sino ito? Substitute ni Nico for a while? Alam kaya ni Mommy itong ginagawa  ng Juanico na 'yon?

Dahan-dahan itong humarap.

Papikit-pikit pa ako dahil sa nagluluha kong mata, kahihikab ko lang din.

"Good evening, Mrs. Andrada."

Wait...

Did I hear it right?

Sa huli kong kusot ng mata ay naging malinaw ang imahe niya.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko sa nakita. Nagsimulang bumuo ng luha ang aking mata, kasabay noon ay ang pagsarado ko ng pinto ngunit hinaranagan naman ng kamay niya iyon.

Napahawak ako sa aking pisngi dahil lamang ayokong makita niya akong umiiyak. Nabuksan ang pinto at tagumpay akong pigilan ang luha ko sa pagtulo.

Bakit sa lahat ng tao itong gago pa?

Bakit sa laki ng mundo, nandito siya?

Bakit..bakit at anong kailangan niya?

"I'm still a Miss. I'm no one's wife, Sir. And Andrada is not my surname." it will never be.

He swallowed hard that I can hear it.

He bit his lower lip.

He...he who stole my first kiss.

He who aided my heart and broke it after.

He.

The guy named...

"I'm your subsitute tutor, I'm Nathaniel Andrada."

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

120K 3.5K 25
Love island 2023 ❈ in which Nalani goes on love island to find her summer fling not knowing she will find so much more or in which Noah was only go...
84.1K 2.2K 16
She is a respected Princess and he is the well-known town villager. She thought of him as her best friend but does he thought of her the same? she tr...
4.3K 158 39
Masakit nga bang mag mahal?
20.5K 686 20
Ang mambara is my hubby, kaya kung ayaw mong matinik sa linya ko, you better think before you speak,! 😏