Mr. Chickboy (Completed)

By WinonaSaiz

83.9K 1.5K 58

A chickboy's story. Warson ~ More

Introduction √
His Side √
Selfie Monday √
Long Wednesday √
Cosplay Friday √
Saturday Night √
Comeback √
Past √
The Bet √
Dinner √
Agreement √
Ligaw: Day 1 √
Ligaw: Day 2 √
Ligaw : Day 3 and 4 √
Status : In Relationship √
First Day √
Representative √
Mr. and Ms. Santa Claus. √
Christmas 1.1 √
Christmas 1.2 √
Special Chapter 1 √
Boracay Escapade 1.1 √
Boracay Escapade 1.2
Missing her.
New Years Resolution.
Abnormal Beat
Confused
Special Chapter 2
Special Chapter 1.2
Heartaches.
Leaving Him.
Miserable.
A life without Sam.
False Alarm
Operation:Finding Sam
Irish's Help.
Locating Samantha.
Summer.
Serenading Sam.
Courting all over again.
Mr. Chickboy Moves.
Satur-Date.
Beg.
Signs
Chance
Birthday.
Two
Eternity.
Second Life.
Last Wish
New Beginning
Graduation Day.
True Feelings
New Chapter
Our Love.
Right Time, Right Place.
SC: Harold's Love
SC: Harold's Love
SC : Harold's Love.
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Love
SC : Rosas' Gumamela.
SC : Rosas' Gumamela
SC : Rosas' Gumamela
Epilogue
Book 2

Christmas Break √

953 21 3
By WinonaSaiz

Warson

Christmas is my favorite holiday. Why? Because aside from the gifts I may receive from my fans and relatives, I will no longer be oblige to wake up early. Ibig sabihin kahit gabi na ako matulog dahil wala akong po-problemahin na pasok kinabukasan!

Hindi na rin ako maoobliga na samahan si Sam kasi wala naman kaming tao na dapat na lokohin. Timing rin ang pagsagot niya sa akin last week. Napangiti ako. This is going to be a fun Christmas break of my life!

Masaya akong bumaba sa dining area. Naabutan ko silang nagsisimula ng kumain ng breakfast. Lumapit ako sa kanila at isa isang binigyan ng halik sa pisngi.

"Ano ba Kuya! Nagmumog ka ba?" Reklamo ni Mai. Ngumuso ako at kunwaring nasaktan sa sinabi niya.

"Oo naman! Yung galing sa inodoro na tubig pa nga ang pinangmumog ko. Ang bango diba?" Nandidiring pinunasan nilang lahat ang pisngi nila. Mas lalo akong napanguso. Akala mo kung sinong kagandahan.

"Ewww! Kuya, umayos ka nga! Kababuyan mo talaga!" Sigaw ni Mai at dali daling pumunta sa banyo. Hindi ko mapigilan mapahalakhak. Pero natigil 'yun ng dumating ang pinsan ko.

"Good morning Tita. Good morning Ladies."

"Goodmorning Pan!" Bati ko sa kanya para iparamdam ang presensiya ko. Gwapo ako pero hindi niya 'yun nakikita. Aba! Do I need to set an appointment for our family doctor? Pero iwinaksi ko 'yun ng tumingin na ito sa akin. Mas lumawak ang pagkakangiti ko sa labi.

"Pan?" Pagu-ulit niya. Napahagalpak ako ng tawa ng makita ang pagkunot ng noo niya.

"Short for pandak!" Imbes na sagutin ako ay inirapan niya lang ako. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Badtrip si pandak?

"Anak? Ibaba mo nga yang paa mo. Matuto kang igalang ang pagkain na nasa harap mo." Sinunod ko ang sinabi ni Mama at iniyos ang pagkaka upo.

Hindi maalis alis ang ngiti sa labi ko. Wala na talagang ikaka ganda ang araw ko! Ano bang magandang gawin this summer break? Dota? Roadtrip? Hindi ko mapigilan na makaramdam ng excitement.

Ng matapos ang breakfast namin na napuno ng kwentuhan ng girls about sa fashion etc. Minabuti kong pumunta sa sala para tawagan sila Harold sa landline. I also wanted to ask them about the treat they are referring knowing that I won the pageant.

Pero ng makarating ako sa sala ay may kausap pa si Mai. I frowned. Kapag hihintayin ko siyang matapos ay baka sumabog na ang earth sa sobrang tagal niya. Inilibot ko ang tingin at nahagip ng mata ko ang socket ng landline. I grinned on the evil plan that pop up in my mind.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa socket. Luminga linga ako para tingnan kung may makakakita sa gagawin ko. Ng makitang wala ng tao ay mabilis kong binunot ang electric cord. Lumayo ako rito at pasipol sipol habang kinakalikot kunwari ang kuko ko.

"Ha? Bakit naputol yun!" She dialed again the number but it wasn't even functioning. Knowing Mai, madaling mainis 'to kaya hindi magtatagal ay aalis agad ito. At hindi nga ako nagkamali dahil padabog 'tong tumakbo papunta sa itaas.

I took this opportunity to sit down in the sofa and dialed Harold's number. Ilang ring ang lumipas bago nito nasagot ang tawag.

"Hello Irish?" Inilayo ko ang telepono sa tenga ko at pinitik pitik ito. Sigurado akong si Harold ang na dial ko. Nagsalubong ang kilay ko ng maalala ang sinabi niyang pangalan. Ibig bang sabihin 'nun ay nagkakausap sila ng pinsan ko?

"Tangna Harold. Pinapatos mo ba ang pinsan ko?" Galit ko na tanong.

Narinig ko ang pagbangon niya. "Warson? Akala ko si- Never mind. Anong kailangan mo?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagtanong pa ulit ito. Aba't! Gago 'to ah!

"Ano'ng meron sa inyo ng pinsan ko?" I asked using my dangerous voice. Alam nila na kapag sa pamilya ko ay napaka protective ko.

He sighed. "Wala. Nagusap kami tungkol sa plano para sa pagkapanalo natin." Tila nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. My mood instantly changed.

"Okay? So ano nga pala ang plano?"

"You disturbed my hibernation for that question?! Let me continue my sleep and I'll tell you the details! Bye!" Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang pagbababa ng telepono. Ano'ng nangyari dun? Tangna. Kanina ang ayos ayos kausap. Bipolar na 'ata ang lalaki na 'yun.

"Sino 'yun?" Nag angat ako ng tingin. It's Irish while holding a mug, probably filled with her favorite hot chocolate with marshmallows on top.

"Si Harold." Bigla nitong naibuga ang iniinom. Mas lalong kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Wag niyang sasabihin na apektado siya sa lalaki na 'yun?

"Bakit? Nililigawan ka ba ni Harold?"

Nag iwas ito ng tingin bago sumagot. "Hindi. Bakit naman ako liligawan 'nun? Nababaliw ka na ba." Umupo ito sa katapat kong sofa.

Masama ko siyang tiningnan. Namumula ang pisngi nito at pinipigilan ang sarili na mapangiti. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "E, ano? Crush mo?"

Hindi makapaniwala na lumingon ito sa akin. Namumula ito at nanlalaki ang mata. "Ano bang pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga! He is just a friend!"

Sumimangot ako at pinaglaruan ang throw pillow. "Good. Never try to fall inlove with my friends. Alam ko likaw ng mga bituka 'nun. Kaya kung may nararamdaman ka kay Harold ay pigilan mo na agad."

Matapos nito ay tumayo ako at iniwan siyang nakayuko. Siguro naman alam na niya kung ano'ng ibig kong sabihin.

Mas malinaw pa sa salamin lahat ng sinabi ko. I will not allowed Harold to court my cousin. Kahit na sabihing magka ibigan kaming matalik.

--------

It was already afternoon, three o'clock to be exact when I finally decided to go downstairs. Dumiretso ako sa kusina kung saan ko naabutan sila Mama at Irish na nag uusap.

I am not planning to listen in whatever they are talking but I can't help not to listen when I heard Sam's name.

"Her parents are staying in States kasama si Ate Jane. Kaya nga mag isa lang siya sa bahay nila ngayon."

"Then why don't you invite her to stay here? Wala rin naman si Suzette dito kaya alam kong wala ka ring kasama. Celebrate the Holiday with us. You know you're always welcome to stay here."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Is she planning to invite Sam in our Noche Buena? Akala ko ba for family lang ang celebration na 'yun?

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Tumingin sila sa akin. Ngumiti si Mama. Kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso.

"Oh there you are son! We are planning to invite your girlfriend to stay with us until New Year. Hindi mo manlang sinabi na wala ang parents niya at mag isa lang siya 'dun. Invite her here son."

Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni Mama. Ibig sabihin totoo na dito magpa pasko si Sam? Akala ko pa naman ay malaya ako sa kanya ngayon!

Agad na lumapit sa akin si Mama at hinimas ang likod ko. Umubo ako ng ilang beses bago muling binalingan si Irish.

Nagtataka ang tingin nito na ibinibigay sa akin. "Ayaw mo bang makasama si Sam sa Christmas?"

Pakiramdam ko ay lalabas na ang lungs ko sa sobrang pag ubo. Mas lalong tumaas ang kilay ni Irish sa naging reaksyon ko. Napilitan tuloy akong umiling na ikina laki ang mata nilang dalawa ni Mama.

Agad akong tumayo ng maayos. "No, you get it all wrong. Syempre, gusto ko siyang makasama. Inaalala ko lang naman yung family niya. Why don't she fly to States so she can celebrate Christmas with her family?"

"Sam wanted to but her family does not allowed her. Magastos nga naman at ilang araw lang naman ang ilalagi niya 'dun."

Hindi ko mapigilan na mapakunot sa sinabi ni Irish. Sa pagkaka alam ko ay mayaman ang pamilya ni Sam. Hindi rin problema ang pera sa kanila kaya bakit gusto ng parents nito na manatili rito?

Ipinilig ko ang ulo ko para iwaksi ang naiisip. Nag angat ako ng tingin ng magsalita si Mama. "I am expecting Sam to come here asap. I would be happy to see her again."

Tuluyan kong naibuga ang tubig sa harap ni Irish. Nanlaki ang mata nito at naiinis na sinigawan ako.

"Warson! Ang baboy mo talaga!"

Napangiwi ako at agad na umakyat patungo sa kwarto ko. Mama shouted my name but I never bother to take glance on them. Mas lalo akong malalagot kapag lumingon pa ako.

I locked the door before I get my phone on the bedside table. I dialed her number and it took her a minute before she answered her phone.

"Hello Son? Napatawag ka?" Nakarinig ako ng mga kaluskos sa kabilang linya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Dito ka daw magpapasko sa'min?"

"Ha? Hin- ay, oo nga pala. Tinawagan ako ni Irish kanina. She told me to celebrate Christmas with your family."

"Ba't di ka nalang mag celebrate sa ibang bahay? Wala ka bang ibang kamag anak at dito ka pa talaga sa amin magsi-celebrate?" Sunod sunod kong tanong.

Pero natigilan ako ng marinig ang malungkot niyang tinig. "Wala sila dito."

Hindi agad ako nakapag-salita. She took a deep sighed. "Don't worry. I can cancel it and tell Irish that I can't go. Ako na bahala kuma-usap sa kanya." Then she ended the call. Not letting me to explain or utter a word.

Natulala ako at napahiga sa kama. Bigla ako napa isip. Bakit mag isa lang siya dun sa bahay nila? Hindi ba siya natatakot na maaari siyang mapahamak?

Galit na bumangon ako sa pagkakahiga. Si Irish ang may kasalanan nito e, kinuha ko ang phone ko at balak sanang aliwin ang sarili ko ng maisip ko sila Rosas. Napangiti ako sa ideya na pumasok sa isip ko.

If Irish would bring Sam here, it would be fun if I will invite my friends to also come here! Agad kong di-ni-al ang number nilang lahat. Conference call.

"Mga Bro! Kamusta?" Panimulang bati ko.

"Ayos lang."

"Ito gwapo pa rin"

"Buhay pa rin."

Mas lalong lumaki ang pag ngiti ko. "Celebrate your Christmas in our house guys." Narinig ko ang pag sang ayon nila maliban kay Harold.

"I have some important matters to do on that day. I can't come with you guys."

Sumimangot ako. Kahit kailan kasi ay killjoy 'tong si Harold. Hindi ko mapigilan na mapa iling. "Sayang, Irish will be celebrating with us. Hindi niya kasi kasama family niya ngayon dito."

"Tamang tama! Diyan talaga ako magpa pasko! Makakasama ko si Irish my loves!" Rosas excitedly said.

Kumunot ang noo ko ng bumuntong hininga si Harold. Mas lalo tuloy akong kinakabahan para sa pinsan ko. Wag lang talaga siyang magkakamali na ligawan si Irish.

"I'll check my schedule. Text ko nalang kayo kapag pwede ako." Matapos nito ay agad siyang nag end sa call. Nagtataka na inilayo ko ang phone sa tenga ko.

"Ano'ng nangyari dun?" Sandrex asked.

Nagkibit balikat ako. Sinabi ko sa kanila ang mga details kung kailan sila pupunta rito. Well, December 24 kami maghahanda para sa Noche Buena kaya dapat nandito na sila.

They also promise to bring foods and drinks. Kaya siguradong magiging masaya na naman ang magiging pasko namin.

Ng matapos ang tawag ay bumukas ang pinto at inilabas nito ang nakapa mewang na si Irish. Namumula ang mukha nito at galit na nakatingin sa akin.

"Sam cancelled everything we've planned! What did you say to her?"

Kumunot ang noo ko. "Nagsumbong siya sayo?"

Lumapit ito sa akin at hinampas ako ng unan ko. "Gago ka talaga! Syempre hindi! Pero dahil gago ka alam kong ikaw ang nagsabi na wag na siyang tumuloy rito! Akala ko ba girlfriend mo siya? Then why are you pushing her away! Are you just pretending in having a relationship?"

Iniharang ko ang braso sa mukha ko. May sapak talaga ang pinsan ko na 'to. Inis na hinila ko ang unan sa kamay niya, nagulat ito kaya diretso itong bumagsak sa kama ko.
Nagulo ang buhok nito. Umalis ako sa kama at tumayo sa harap niya. Muntik na akong matawa sa itsura niya.

"Ano'ng tinatawa tawa mo d'yan? Kayo ba talaga ni Sam?!" Ginulo ko ang buhok niya pero tinabig niya ang kamay ko.

Mahina akong tumawa. "Cut it Irish. Ano bang pinagsasabi mo. I am just concern on her. Baka gusto niyang sumama sa family niya at dun i-celebrate ang pasko. Pero ngayong nalaman kong wala ang pamilya niya rito.." Bumuntong hininga ako.

"I will call her again. So stop pestering me. Get it out of my room and let me sleep Irish."

Hinila ko siya patayo. Naiinis na sumigaw ito at padabog na umalis ng kama. Ngumiti ako ng matagumpay, humiga sa kama. Inunan ko ang braso sa ulo ko at pumikit.

"Wag kang magkakamali na saktan si Sam."

Hindi ako kumilos o tumingin sa kanya. Lumipas ang ilang segundo at narinig ko ang pagbukas sara ng pinto.

Tuluyan akong dumilat. Sumalubong sa akin ang puting ceiling.

Hindi ko napigilan na bumuntong hininga. Bakit ba ang galing ni Irish mangonsensiya?

----

Continue Reading

You'll Also Like

206K 4.1K 60
Nang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.
41.4K 1.1K 32
jhoy didnt know that her existing is a secret...her parent hide her..at inilihim din sa kanya kng anu tlag xa.. when she go to study in collge unti u...
103K 2K 16
THIS IS A SHORT STORY. May boyfriend ako. NO! EX na pala. Nakipagbreak siya sakin dahil may mahal na siyang iba at niloko niya kong mahal niya rin ak...
937K 1.6K 3
What will happen if one day ma' meet mo ang isang tao na gugulo sa tahimik mong buhay?? subaybayan ang magulo pero masayang buhay ng ating mga bida. ...