A Promdi's Guide To Self-disc...

By rheahime

662K 12.4K 797

*Once featured in Teen Fiction and winner of The Best TNT Panalo Story at the Wattys 2015* Kung tatanungin mo... More

Author's Note
Prologue: Extra Tip - You Don't Know What You Got 'Til It's Gone
Tip No. 1 - Pag Wala Dito, Hanapin Sa Iba
Tip No. 2 - Wag Sasama Sa Hindi Kilala
Tip No. 3 - Hindi Lahat Ng Bagay Ay Madali
Tip No. 4 - Makipagkaibigan
Tip No. 5 - Hindi Masamang Kiligin
Tip No. 6 - Hindi Maiiwasang Makakilala Ng Papansin
Tip No. 7 - Hindi Rin Maiiwasan Magkaroon Ng Boy Problems
Tip No. 8 - Linawin Ang Misunderstandings
Tip No. 9 - Humanap Ng Friends Na Sasabihan Kang Baliw, Kung Nababaliw Ka Na Nga
Tip No. 10 - May Mga Bagay Na Unexpected Na Darating
Tip No. 11 - May Mga Bagay Na Sadyang Magulo Lang Talaga
Tip No. 12 - Pag May Pangyayaring Unexpected, Sakyan Mo Na Lang
Tip No. 14 - Nakakabaliw Ang Sobrang Pag-iisip, Chill Lang Din Minsan
Tip No. 15 - Normal Ang Heartbreak, Matutong Mag-deal
Tip No. 16 - Hindi Maganda Ang Magtago Ng Sama Ng Loob, Ilabas Mo Yan
Tip No. 17 - May Mga Panahon Na Mas Maganda Ang Maging Honest
Tip No. 18 - Huwag Masyadong Mag-expect Para Hindi Masyadong Ma-disappoint
Tip No. 19 - Mahirap Maniwala Minsan; Matutong Kilalanin Kung Ano Ang Totoo
Tip No. 20 - Matutong Tumanggap Ng Pagkakamali
Tip No. 21 - May Times Na Kailangan Mong Pumili
Tip No. 22 - Mahirap Ang Pumili Pero Mas Mahirap Kung Hindi
Tip No. 23 - May Katapusan Din Ang Lahat
Tip No. 24 - Kapag Nabigyan Ka Ng Pagkakataon, Huwag Itong Pakawalan
Tip No. 25 - Maniwala Na Magiging Okay Din Ang Lahat, Ano Man Ang Mangyari
Epilogue: Extra Tip 1 - When One Door Closes, Another Opens
Epilogue: Extra Tip 2 - Feel The Fear But Take Action Anyway
Book Two: A Dreamer's Guide To Self-redemption
Side Story: A Rock Star's Guide To Getting The Promdi
Acknowledgments
Iba Pang Kwento Na Gawa Ni Rhea

Tip No. 13 - Kung Palagay Mo Hindi Ka Magaling, Mag-practice

18.3K 363 30
By rheahime

Segundo lang ang tinagal ng lumapat ang malambot na lips ni Nathan sa akin pero parang maraming nangyari sa moment na iyon.

Nakita ko bigla ang isang future kung saan kasama ko sya at ang apat naming anak, dalawang girls at dalawang boys, habang nagta-travel sa iba't-ibang bansa para sa concert tour ng HNZ. Nakita ko rin ang isang magandang bahay na may malaking yard kung saan nilalaro ni Nathan ang mga anak naming sila Samantha, Audrey, Ethan at Andrew habang pinapanood ko lang sila dahil baka biglang lumabas ng wala sa oras ang panlima naming anak na dinadala ko sa tyan kung jo-join pa ako.

Napakagat ako ng labi nang nilayo nya na ng konti ang mukha nya sa akin. Parang na-miss ko agad ang labi nya kahit unang beses ko pa lang iyon natikman. Kumirot ang dibdib ko at napaudlot bigla ang paghinga.

"What's wrong, Yumi?" Tanong ni Nathan na bakas ang concern sa mukha. Nakatitig sya sa akin na parang wala syang ibang nakikita kundi ako lang. Pinadaan nya ang thumb nya sa lower lip ko at hinimas ang pisngi. Napapikit ako at hindi naiwasang sundan ang kamay nya at ilapit ng mabuti ang mukha ko sa palad nya na parang pusa.

Yumuko sya at idinikit ang noo nya sa noo ko. Ramdam ko ang paglabas ng hinga nya at amoy ko ang fruity smell ng pabango o shampoo nya. Nagugulumihanan na ang utak ko sa presence ng gwapong ito at sobrang nagwawala na ang puso ko na parang ready na syang kumawala sa dibdib ko at tumakbo palayo.

"Tell me." Mariin nyang sinabi.

Hindi ko alam kung saan galing yung halusinasyon ko na iyon tungkol sa future pero ngayong pumasok na sya sa isipan ko, hindi ko na matanggal. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Nathan na nao-obsess ako sa idea na makasama sya balang araw bilang asawa ko. Literal na kakasimula pa lang namin, kung ano man itong tawag sa relasyon namin ngayon, at baka bigla na lang nya bawiin ang mga sinabi kanina at tawagin ako ulit na baliw dahil sa pagi-ilusyon ng ganito. Akalain mo at may pangalan na agad ang mga anak namin, wala pa nga kaming ginagawa.

Nag-init bigla ang mukha ko at sa malamang namumula na ito. Kiss pa nga lang mula kay Nathan, ganito na ang effect, paano pa kaya kung yayain nya ako gawin ang ibang bagay. Wala pa akong karanasan sa ganon at mukhang sya ay marami na. Hindi naman ako old-fashioned na naniniwala na kailangan ikasal muna bago makipag-sex pero hindi ko alam kung ready na ako para doon at hindi ko alam kung dapat ko ba i-consider ang posibilidad na mangyari iyon sa aming dalawa samantalang hindi nya manlang ako matawag na girlfriend.

Iniwas ko ang tingin kay Nathan pero di nya pinakawalan ang mukha ko at pilit na pinatingin sa kanya.

"You think I'm moving too fast, ganon ba?" Tanong nya. Di ko napigilan ang sarili ko na panoorin ang labi nya habang nagsasalita. Grabe, ang sexy. Kaya naman lagi syang inaatake ng kiss ni Jasmine pag may chance.

May kumirot na naman sa dibdib ko ng maalala ko si Jasmine pero tinry ko palayasin sya sa isip ko. Moment ko 'to, bawal sya o kahit na sinong naging babae ni Nathan ang um-epal.

Napatingin ako sa mata nya at nakitang naghihintay pa rin sya ng sagot. Nauutal ako at magulo ang isip pero na-manage ko sabihin ang pinakamadaling sagot na maibibigay ko. "First kiss ko." Sabi ko sa kanya.

Napataas sya ng kilay at nagtanong, "Talaga?"

Tumango ako bilang sagot.

"Well, shit." Sabi nya at ako naman ang napataas ng kilay. "I mean, wow. Really?" Dugtong nya.

Kala ba nya experienced ako sa ganitong bagay? Hindi naman sa nagbubuhat ng sarili kong bangko pero medyo popular ako sa probinsya at maraming nanligaw sa akin pero wala kahit isa sa kanila ang naka-isa at nakapagpa-praning sa akin ng ganito. "Kala mo ba marami na 'ko na-kiss?" Tanong ko.

"You're just so damn beautiful, Yumi." Sinabi nya habang hinahawi ang buhok palayo sa mukha ko. "Nagulat lang ako na ako una. I'm sure ang daming may gusto na mahalikan ka." Nakita ko ang mga mata nya na nakatitig sa labi ko at parang nag-party bigla ang animal kingdom sa tyan ko.

Napabuntong-hininga sya bago nagpatuloy. "Saka, I feel like I messed up, somehow. Di ba kayong mga babae, you dream of this perfect setting for your first kiss?"

Naalala ko bigla ang crush ko noong high school. Benedict ang pangalan nya at apat na taon ko din syang pinagnasahan, di nya nga lang alam. Gwapo sya at matalino pero hindi sya pala-kaibigan at tahimik lang. Marami din ang nagkaka-crush sa kanya. Naiinggit ako dati sa mga tao na gumagawa ng paraan para maging ka-close nya pero ako, puro pagpapantasya lang ang ginawa. Ilang beses ko din binalak na i-ambush sya para maging first kiss ko pero hindi ko naman tinuloy. Buti na lang dahil di hamak na mas gusto ko ang reality ko ngayon kumpara sa mga in-imagine ko noon.

Napangiti ako kay Nathan. "Better 'to, actually, compare sa na-imagine ko."

Napataas ng parehong kilay si Nathan. "Kahit sa loob ng school nangyari at sa harap ng maraming tao?"

Shoot. Sa sobra kong pagkahumaling kay Nathan nakalimutan ko na nasa corridor kami, sa labas lang ng classroom, kung saan maraming nakatambay. Tumingin ako sa paligid at napansing maraming nanonood sa amin. Kung nakakamatay lang ang titig, baka kanina pa akong duguan at labas na ang lamang loob dahil sa sama ng tingin ng mga babae sa audience.

Ang weird lang kasi imbis na mahiya ako, masaya pa ako na nawi-witness nila kami. Gusto ko malaman nila na akin ang taong 'to, at least hanggang sabihin nya na ayaw na nya sa akin. Natutuwa din ako na hindi kinakahiya ni Nathan na makita syang kasama ako. Mas nagwo-worry pa nga ako sa skills ko na lacking, sa totoo lang. Paano kung magsawa agad sya dahil hindi ako marunong mag-kiss?

Napakagat ulit ako ng labi at napahawak sa mga braso nya. Hindi ko pwedeng hayaan na mangyari iyon.

"Are you worried about what other people might say?" Tanong nya.

Umiling ako bilang sagot.

Hinalikan nya ang kunot sa noo ko bago ako tinitigan muli. "Then, ano iniisip mo?"

Nag-hesitate ako magsalita dahil nakakahiyang aminin pero nakakatunaw ang mga tingin ni Nathan na para talagang nagma-matter sa kanya kung ano ang laman ng isip ko.

"Hindi ako marunong." Sabi ko sa kanya.

"Saan?" Napakunot ang noo nya sa confusion pero napalitan din ito ng maliit na smile. "Sa pag-kiss?" Tanong nya.

Napatango na lang ako bilang sagot.

Lumaki ang ngiti nya at lumapit hanggang sa halos ilang centimeters na lang ang pagitan ng mga labi namin. "Pwede naman mag-practice."

Napangiti ako sa sagot nya. "Oo nga naman."

Dinayo ng mga kamay ko ang length ng muscular nyang braso, paakyat sa malambot nyang buhok na kulay blue pa rin, at hinatak ko sya hanggang magdikit ulit ang lips namin.

* * * * *

Magkakaklase kami ni Shay at Kat sa English, ang second subject ko ngayong araw, at kung wala kaming prof sa harap, siguro napatili na sila sa kinuwento ko. Ramdam ko din ang excitement nila habang binabasa ko ang mga nasulat nila sa papel na pinagpapasa-pasahan naming tatlo. Nang isinulat ko na nga lang sa papel ang tunay na score sa pagitan namin ni Nathan, naguluhan sila at hinintay na matapos ang klase bago ako corner-in.

"So, ano ibig sabihin nun, kayo pero hindi kayo?" Tanong ni Shay na nakakapit sa braso ko habang hinahatid ko sila ni Kat sa next subject kung saan magkaklase silang dalawa. Malapit lang din iyon sa susunod kong klase kaya may time pa sila na gisahin ako.

Nagkibit-balikat ako. "Sabi nya ayaw nya ng labels."

Nagkatinginan silang dalawa. "And you're okay with that?" Tanong ni Kat.

"Hindi, pero I think..." Napatigil ako saglit at napabuntong-hininga. Kailangan ko aminin kung ano ang nasa loob ko, at least sa kanila man lang. "I think mahal ko na sya."

Nagkatingin ulit sila Kat at Shay at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Girl, ang aga naman yata. Ilang buwan pa lang nag-start ang sem tapos kaka-start nyo lang din mag-date." Sabi ni Shay.

"Pero, girl, may apat na kaming anak agad sa utak ko, may pangalan na nga silang lahat. Actually, lima, kasi buntis pa 'ko sa hallucination na 'yon nung kiniss nya ko."

Nag-iba ang pinta ng expression ni Shay at mukhang naaliw bigla sa sinabi ko. "Ganon kasarap?" Sabi nya sabay siko sa bewang ko.

Lumaki ang ngiti ko at napatango bilang sagot.

Nakarating na kami sa classroom nila at napansin kong mukhang hindi natutuwa si Kat sa mga pangyayari. Tinanong ko ang opinyon nya kung mali ba ang ginagawa ko at parang hindi si Kat kundi si Master Yoda ang kaharap ko ng sinabi nyang, "I'm happy for you, Yumi, pero sana mag-ingat ka. Pare-pareho silang apat at ayoko masaktan ka. Paano kung isa ka lang palang Jenny para kay Nathan? Ano gagawin mo?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 17.3K 69
Ang lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Spa...
17.1K 943 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
19.9K 775 61
Paano mo mamahalin ang taong pinagsawaan mo na? Kung totoong mahal mo talaga, kaya mo ba talaga i-sacrifice lahat para sakanya? Sabi nga nila, love f...
183K 2.9K 6
ALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)