Settle a Score (The Ómorfos S...

By youngkore

7.1K 233 13

Cheyenne decides to go to France to spend her vacation with her Mom who works there. She thinks she could enj... More

Settle a Score
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 14

73 4 0
By youngkore

Chapter 14



"Cheyenne!"

Kumaway ako kay Tita Helen nang makita ko siya sa labas ng airport. Hinigit niya ako at mabilis na niyakap.

"Tita, I missed you! Ang bata mo pa rin!"

She giggled.

"Wala kasing lovelife kaya iwas problema ako. I missed you, too, Chen! Akala ko doon ka na sa France kasama si Cherry. "

Ngumiti nalang ako sa kaniya. Hinila niya ako papuntang isang taxi. Habang hinihintay na maipasok sa compartment ang mga bagahe ko ay nanatili muna kami sa labas.

Byuda na si Tita at hindi na nagkaanak. There's a problem on her matress so she couldn't bear a child, the reason why his husband cheated and left her.

Siya na rin ang nag-alaga sa'kin nang mag-abroad si Mama. I didn't have problems living under one roof with her dahil kapatid niya si Mama at hindi naman strikta.

Before I bound to France, hindi siya ganito kaganda. Hindi na halata ngayon na diborsyado siya.

"So ano? Kamusta si Cherry doon at anong nangyari sa'yo sa Pransiya?" malaki ang ngiting tanong niya.

"Workaholic parin si Mama. And I was fine there. Pina-tour package pa ako ni Mama bago ako umuwi. "

"Wow, Cheyenne! Parang nakakahiya ng humarap sa'yo. Amoy Pransiya ka ka na, eh. "

"Parang amoy Manila, Tita. " inamoy ko pa ang sarili ko.

Tumawa siya at hinila na'ko papasok sa taxi. Kung anu-anong tinanong niya sa'kin habang nasa byahe kami. Natigil lang nang tumawag si Mama kaya sumilip nalang ako sa labas.

Nang mayamot ay chineck ko ang cellphone ko. May mga messages na kanina pa na-received pero ngayon ko lang napansin.

From Unregistered Number:

This is Acel. Save my num.

From Unregistered Number:

Di ka nagpaalam, Madame. Si Aiken 'to :(

From Unregistered Number:

Hi, Madame. Break na kayo ni gago? This is Chaz.

From Unregistered Number:

hi, sa condo mamaya.

Sa panghuling text ako natigilan. It's Isacc for sure. Na-wrong sent ata. At some point, nagbabaka-sakali akong si Primo 'yun.

Nireply-an ko sila isa-isa bago binalik ang cellphone sa sling bag.

"Pag-uusapan namin ang tungkol diyan, Ate. Hindi ako sigurado kung papayag siya pero susubukan ko. "

Sumusulyap-sulyap sa'kin si Tita habang magkausap sila ni Mama. Nagkibit-balikat nalang ako at nagplanong umidlip. May kahabaan din kasi ang byahe papuntang Indahag.

Nagising ako nang tapikin ako ni Tita Helen.

Napasinghap ako nang makita ko ulit ang bahay. It's their mother's house. May kalakihan at kalumaan na pero kinumpuni noong isang taon ng isa pang kapatid nila Mama kaya kahit papaano ay gumanda.

Nasa syudad na tumira si Tito Carlito kasama ang pamilya niya kaya kami nalang ni Tita Helen ay ilang kasambahay ang pansamantala sa bahay na 'yun.

Ako ang nagbukas sa tarangkahan habang si Tita naman ang naghihila sa maleta ko.

Tahimik ang paligid nang makapasok kami.

"Noong nakaraang buwan, umalis ang dalawang kasambahay noong natanggal ako sa trabaho, Chen. Tayo nalang ang matitira dito." aniya.

"Hindi ba bumibisita sila Tito dito?"

"At bakit naman sila bibisita dito? Eh, halos hindi na nga namamansin ang mga 'yun. Nagyayabang lang naman si Carlito kaya nagawa niyang ipa-renovate ang bahay ni Mama."

Nakita ko ang pag-ismid ni Tita. I never seen them reuniting. Maging ang mga pinsan ko kay Tito ay hindi ko masyadong nakakausap.

"Palibhasa, nakapangasawa ng mayaman kaya hindi nauubusan ng pera. At palibhasa, devoted ang asawa kaya masagana ang buhay. "

Napailing-iling nalang ako sa kaniya. Sumabay siya sa'kin nang umakyat ako sa pangalawang palapag, marahil ay naghihintay sa mga souvenirs.

"Salamat dito, Chen. Talagang nag-aksaya ka pa ng Euro. Naku!" nakangising umiiling-iling si Tita nang matanggap na ang mga pinamili ko.

"Gamitin mo 'yang mga damit at accessories kapag may ka-date ka na."

Nahampas niya ako bigla kaya tumawa ako.

"Mapagbiro ka talaga! Syempre, wala pa'kong time para diyan. Mahirap humanap ngayon ng lalaki na tanggap ako kahit may unang asawa na'ko. "

Natigilan ako sa pag-aayos ng mga damit ko sa tukador. May salamin sa gilid ko kaya nakikita ko ang mukha ni Tita.

Malungkot siyang ngumiti sa'kin at tumayo na lang para tulungan ako. Tahimik kong nilagay sa drawer ang mga make ups na bili ni Primo sa'kin. Maging ang loafers ay binalik ko sa box nito at itinago sa ilalim ng kama.

Hindi ko planong paglumaan ang sapatos pero ayaw ko ring suotin 'yun.

Hindi pa'ko tapos sa pag-aayos ng mga damit ko nang mapahiga ako dahil sa pagod.

"May jetlag ka pa tapos paglilinis pa ang una mong inasikaso. Ako na rito, Chen. Magpahinga ka muna riyan. "

"Thank you, Tita. "

Tinapik niya ako sa braso. Hindi ko na nagawang magbihis dahil agad akong nakaidlip. Nagising akong nasa bandang alas-tres na.

Malinis na ang kuwarto ko at maayos na rin ang pagkakatupi ng mga damit ko sa tukador. Agad akong naligo para makababa na.

Sa labas ko nakita si Tita na inaayos ang mga palayok. I tried to help her but she shooed me away. Napakamot ako sa ulo ko at naupo nalang sa bangko, pinagmamasdan siya.

May kumakaway sa'king mga kapit-bahay at kung maka-asta ay parang ang tagal kong namalagi sa France. Well, I stayed there for 2 months. Nakakapanibago din siguro ang ayos ko.

"May sinabi ba ang Mama mo tungkol sa pag-aaral mo, Chen?"

Naglapag si Tita Helen ng juice at pandesal sa bilog na table at saka siya naupo sa harap ko.

"Gusto niyang doon nalang ako mag-aral pero hindi ako pumayag. " I slightly shrugged my shoulder.

"Eh, kasi since bayad na ang bahay sa subdivision, gusto niyang lumipat tayo sa Manila. Sa akin, ayos lang naman. May na-apply-an na'kong trabaho doon, interview nalang ang gagawin. "

Natahimik ako at nainom nalang ang juice.

"Pero syempre, hindi kita pipilitin. Makakahanap rin naman ako ng trabaho sa syudad. " humawak siya sa kamay ko at pinisil.

"Pag-iisipan ko po muna. "

"Pag-isipan mong mabuti, malapit na ang pasukan, eh. "

Nang tawagin siya ng kapit-bahay na ka-edad lang niya, agad siyang tumayo at iniwan muna ako.

I also want the best for Tita Helen, hindi pweding ayaw ko sa Manila dahil nandoon si Primo ang rason ko kung bakit tatanggi ako sa sinabi niyang maninirahan kami d'on.

I don't want my selfishness to prevail. Mukha namang willing talaga si Tita na lumipat kami sa Manila at pursigido siya sa trabahong ina-applyan niya d'on.

I should not think what would happen to me there. Malaki ang Manila, imposibleng magkikita ulit kami ni Primo.

Kinabukasan, kakalabas ko lang galing banyo nang marinig ko ang paghinto ng sasakyan sa bahay namin.

Sumilip ako. Lumabas sa itim na SUV si Tito Carlitos at ang anak niyang babae.

Sabine's a spoiled brat. I don't like her the first time we met. May mas maarte at magastos sa'kin at siya iyon. Palibhasa talaga, nakakaginhawa ng maayos sa katayuan ng buhay.

Ang kulot at kayumanggi niyang buhok ay kaniyang hinawi nang makababa siya sa sasakyan. Her embellished denim pants exposed the rotundities of her buttocks. Pati ang hinaharap ay walang pinagkaiba.

Maganda ang hubog ng katawan ni Sabine. Magka-edad lang kami at parehong mage-grade 11 pa pero hindi ganoon ang katawan ko.

Umalis ako sa bintana at pinalitan ang pajama ng short bago bumaba para salubungin sila.

Plastik ang ngiti ni Tita Helen habang kinakausap ang kapatid. Nang makita niya ako ay nanggigigil na humarap siya sa'kin.

"Oh, nakauwi na pala itong pamangkin ko galing Japan. "

"France, Tito. " agad akong humalik sa pisngi niya.

"Ah, oo, France. How were you doing there? Ang kalagayan ng Mama mo doon, kamusta naman?"

"Maganda ang France at maayos din si Mama doon. "

Tumango siya at bahagyang itinulak si Sabine papunta sa'kin. I couldn't kiss her in the cheek nor greet her. Hindi maayos ang trato niya sa'kin noon pa man.

Hindi niya ako pinansin at pinapaypay nalang ang sarili habang nililibot ang tingin sa paligid.

Sa hapag ay panay ang sulyap ko sa kaniya. Mabuti nalang at wala ang kapatid niyang lalaki na mas masama ang ugali. Sa pagkakaalam ko, mabait si Tito pero minsan ay may yabang din. Kaya baka sa Mama nila nakuha ang ugali.

It isn't their first time to visit us but there must be a reason why they're here.

"Kinausap ko na si Cherry tungkol doon, Helen. Wala naman siyang problema kung doon din kasama niyo si Sabine na manirahan. "

Natigilan ako sa pag-nguya at gulat na napatingin kay Tito. Sabine raised a brow when she caught my reaction. Umismid ako.

"Kay Sabine ba, ayos lang sa kaniya?" tanong ni Tita.

"I told my dad to just me lend a condominuim pero ayaw niya. Wala akong choice, gusto kong mag-aral sa Manila. " hindi makangiti si Sabine.

Ang yaman-yaman nila pero walang pambili ng bahay do'n?

"Saka na kapag nasa kolehiyo kana, Sab. Sa ngayon, kailangan mo ng bantay. Makakasama mo pa ang pinsan mo habang nag-aaral. " sabay sulyap ni Tito sa'kin.

Yumuko at kumain nalang ulit, hindi gusto ang plano nila.

"Saan ba balak mag-aral ni Sabine, Carlitos? Baka sakaling doon ko rin papaaralin si Cheyenne. "

"Sa Crestwood at hindi malayo mula sa subdivision niyo. "

Kung anu-ano pang pinag-usapan nila. Tito said he'll even send off one of their car to Manila so Sabine could have better ride.

Hindi na tumanggi si Tita dahil pati kami ay makikinabang na rin.

Hindi pa nga ako pumapayag na manirahan doon pero nagpa-plano na sila ngayon.

"Anong desisyon mo, Chen?" Tita asked when the two left.

"Kung lilipat na tayo sa Manila, kulang pa tayo sa gamit d'on. Anong gagawin natin?"

Sumandal ako sa counter matapos tulungan siyang magligpit sa table.

"May inalkila ang Mama mo noon sa mga gamit. Hindi pa kompleto ang mga gamit pero naroon na rin naman daw ang mga importante kaya 'wag ka ng mag-alala. May ipon din ako kaya pwedi ng pangdagdag. "

"Tutulong din ba si Tito sa gastusin? Bakit kasi sa Manila pa mag-aaral si Sabine? Maayos na ang pag-aaral niya sa Xavier, ah?"

Inikot niya ang mata at umirap. Nang magsimula siyang maghugas ay tumabi ako sa kaniya para tumulong.

I never been this helpful to Tita. Natuto lang ako nang mag-France ako at bumabyaheng mag-isa.

"Ewan ko nga rin sa Sabine na'yun. Pero hayaan na natin, magpapadala rin naman si Carlitos, eh. Bati naman kayo ni Sabine, 'diba?" siniko niya ako at ngumisi.

Umismid ako at hindi nalang sinagot. Tinulak ko siya at nagpumilit na ako nalang ang maghuhugas.

The next days, Tito Carlitos came back with his wife this time. Pinag-usapan lang nila sa baba ang pagma-Manila namin kasama si Sabine.

Sinundan ko ng tingin ang puting sobre na inabot ni Tito kay Tita Helen. Umismid ako at mulig bumalik sa kuwarto.

I don't like the idea of us migrating in Manila. Kinakabahan ako sa mangyayari sa'min do'n.

Before our flight, I took an entrance exam in Crestwood online. Ganoon din kasi ang ginawa ni Sabine kaya sinabihan ako ni Tito na mag-take din.

Hindi ko pa natatanggap ang result hanggang sa flight na namin.

Hawak-hawak ni Tita ang kamay ko habang nasa loob kami ng SUV ni Tito Carlitos. Katabi ko rin si Sabine at ang asawa naman ni Tito ay nasa unahan.

I can't believe I'm staying in Manila. Not that I don't want it or I couldn't get used to it.

Naiisip ko palang si Primo ay kinakabahan na'ko.

I don't think Tita knows about Primo. Pero sa tingin ko ay sinabi ni Mama kay Tita ang tungkol sa pagtulong ng isang lalaki sa kaniya. Hindi rin naman siya nagsasalita tungkol sa lalaki.

"I'm sorry, Chen. Kung hindi lang magandang opportunity ang naghihintay sa'kin sa Manila, hindi na sana tayo pupunta d'on. " nanlulumong sambit ni Tita Helen.

"It's okay, Tita. To live there was really my Mama's plan, napaaga nga lang ngayon. " pampalubag-loob ko sa kaniya.

Sabine's parents cried the moment we arrived at the airport. I looked away when I remember Mama.

"Please take care of Carlitos, Helen. Sabihin mo sa'min ang problema doon, baka sakaling makatulong kami. " si Tita Sarah na pati kami ni Tita ay niyakap din.

I went to Tito and also hugged him. Nag-iyakan parin sila habang naglalakad na kami palayo.

Nilingon ko si Sabine na nagpapahid ng luha. Nagkibit-balikat ako at hindi siya pinansin.

Hindi ako nakatulog habang nasa plane na kami at bumabyahe na. I suddenly received email from Crestwood so I took a look on it.

Si Sabine ang katabi ko at nasa kabilang seat naman si Tita Helen. Lumingon ako sa katabi at nakitang nakatanggap din siya ng email.

"Learning in Crestwood could cost a lot of money. Bakit hindi ka nalang sa pam-publikong paaralan mag-aral para kahit papaano mabawasan ang gagastusin ng Mama mong nasa France?"

I passed the exam but here's Sabine, messing me up.

"Don't tell me aasa ka sa amin, Chen?" anas na naman niya.

"How can you be so rude and full of yourself when your family's kind and willing to help, Sabine? Kung sabagay, lumaki ka sa Yaya mo at hindi sa kanila kaya siguro ganiyan ka. "

"How dare you?" inis siyang humarap sa'kin.

Sinalpak ko nalang ang earphone ko pero bigla niyang tinanggal iyon at walang hiyang binuhos sa'kin ang juice niya.

"Don't speak with me like that. Palagi mong tandaan na may utang kang loob sa'min kaya hangga't hindi mo pa kami nababayaran, matuto kang gumalang sa'kin. "

Nagmantsa sa puting blouse ko ang binuhos niya sa'kin. Bahagya pang bumakat ang itim na bra dahil sa basa.

Hindi ko na tinuloy ang pagbabalak kong sakalin siya gamit ang earphone ko at tumayo na lang. Inis akong nagmartsa papuntang CR ng plane.

Kuyom ang kamao ko habang naiisip ang mukha ni Sabine at ang ginawa niya sa'kin. I wiped my blouse with a tissue as if it could remove the stain.

Papalabas na'ko nang makasalubong ko si Aiken. Gulat ako pero siya ay nakangisi lang sa'kin.

"Madame, ikaw pala 'yan. Akala ko sa Cagayan Valley ka. " napakamot siya sa ulo.

Umawang ang bibig ko at nataranta.

"Anong ginagawa mo dito? Galing kang Cagayan?" tanong ko habang napalinga-linga.

"Valley? "

"De Oro! Sino kasama mo, Aiken?"

Tumaas ang kilay niya at nakapamulsang nagpalinga-linga rin sa paligid.

"May inasikaso lang kami ni Primo sa CDO. Ikaw? Babalik kang Manila?"

Tumango ako at kinakabahang sinisilip isa-isa ang mga passengers. Nakangisi parin si Aiken nang lingunin ko siya.

I looked at the back and got astonished by Primo's presence. Kakalabas lang din niya galing CR.

I didn't feel anything on his eyes but cold. Hindi siya kumilos para umalis o lagpasan ako, nanatili lang ang titig niya sa'kin.

"Babalik na'ko, Aiken! Nice meeting you again. " mabilis akong humarap.

"Let's meet again in Manila, Madame. Ano? Libre kitang dinner. Tayong dalawa lang? Malinis ang condo ko, Madame."

Malokong ngumisi si Aiken sa nasa likuran ko. Tumango nalang ako dahil gusto ko na talagang makalayo.

"Text kita kung kailan. O tawagan na lang kita?" Aiken winked at me.

Biglang dumaan sa gilid namin si Primo at tinapakan sa paa si Aiken.

"Aray, gago. Ampotek, ang seloso. "

Napamaang ako nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. I can't help but to assume that it was because of me why they flew to Cagayan.

Ako 'tong naloko niya pero ako 'tong umaasa parin sa kaniya, at mas nakokonsensiya sa ginawa ko sa kaniya.

--

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
929K 82.6K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
193K 3.4K 121
[ E P I S T O L A R Y ] Baby boy Series #1 Girl banat, Alyzsa was messaging this guy who doesn't know him. He was her long time crush, since she wa...
17M 654K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...