Kristine 15 -Romano 2 (UNEDIT...

By MarthaCecilia_PHR

800K 20.9K 2.3K

"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie na... More

ACKNOWLEDGMENT
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27

7

24.9K 629 19
By MarthaCecilia_PHR


"WHY DIDN'T you tell me you're coming home? Oh, god, I can't believe this!" aniya nang nasa kotse na sila ng binata sa may parking area. Binuksan ni Romano ang aircon at pinanatiling nakabukas lang ang makina ng kotse.

Her eyes filled with so much longing and happiness. Ang excitement ay hindi pa rin nagmamaliw kahit bahagya. Hindi niya alintanang malaman ni Romano na labis niya itong mahal.

Romano smiled tenderly at her. Ginagap ang kamay niya at hinagkan. "Are you really so excited to see me?"

"You can't know half of what I feel." she grinned at him. Isinandig niya ang ulo sa balikat nito. "When did you arrive? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? At paano mong nalaman ang office ko? No. Don't answer that one. Siyempre, ang mama."

Nakangiting tumango ang binata roon. "Kagabi ako dumating. At hindi kita nasorpresa nang ganyan kung sinabi ko sa iyong uuwi ako."

Hindi na nagsalita si Bobbie. She was staring at him with fascination. Umaapaw sa pananabik at pag-ibig ang mga mata niya. Kung hindi siya magtitira nang kaunti para sa sarili niya ay natitiyak niyang aalipinin siya ng damdamin niya rito.

Nilingon siya ni Romano. "I have another surprise for you, sweetheart..."

"Really? And what is it?"

"This first," wika nito at kinabig siya at mariing hinagkan sa mga labi that Bobbie melted in his arms at once.

Romano was kissing her fiercely. Nasa mga halik nito ang matinding pananabik at pagnanasa. Which she returned with equal fierceness. At nang damhin nito ang dibdib niya ay napaungol nang malakas si Bobbie. Ni hindi niya naisip kung nasaan sila sa mga sandaling iyon.

Only Romano mattered.

Hindi siya makapaniwala sa intensidad ng nararamdaman niya sa lalaking ito. It wouldn't have mattered to her if he kissed her forever. She missed him so much.

Pinakawalan siya ni Romano nang kailangan na nilang parehong huminga at muli ring inangkin ang mga labi niya.

"How I've dreamt of this every day, sweetheart," he murmured in her lips huskily.

"Me, too. Oh, I love you, Romano." she would have reached for his lips kung hindi sa pag-alis ng isang sasakyang katabi ng kotse ni Romano sa parking kasabay ng malakas na busina. Na tila sinasabi sa kanila na kumuha sila ng isang silid sa motel.Romano laughed.

She blushed. Mabilis siyang lumayo at umayos ng upo. "Nakalimutan kong nasa parking tayo." she smiled guiltily. Her lips still throbbing from his kisses.

Hindi sumagot si Romano but his brown eyes turned a shade darker with desire. Huminga nang malalim at saka pinihit ang susi sa ignition at lumabas ng parking area.

"Let's have an early dinner. Nagpa-reserve ako sa isang restaurant na malapit dito."

Isang tahimik na tango lang ang isinagot ng dalaga. She was wearing her heart on her sleeves as she stared at him. Watched his capable hands in fascination habang nagmamaneho ito. Pagkatapos ay muling babalik sa mukha ng binata. She could have been a love-crazed teenager and she didn't care.

Ilang sandali pa'y nasa restaurant na sa ibaba ng isang hotel ang dalawa.

"Hmm... dinner by a candlelight," nakangiting puna ng dalaga nang maupo na. "At may dilaw na rosas pa, huh?" Banayad niyang dinama ang talulot ng rosas. Natatandaan niya nang punuin ni Romano ng mga rosas ang buong silid niya. How could one ever forget that?

"Oh, Romano, this is lovely!"

"You're lovelier, Roberta Lou," he said huskily. His eyes never leaving her face. Pagkatapos ay may kinuha sa bulsa ng pantalon at iniabot sa dalaga. "Ang sorpresa ko."Tinitigan ng dalaga ang munting kahitang inilagay ng binata sa harap niya. Another ring?

"Huwag mong titigan, buksan mo," he commanded. Amusement in his voice.

"Hindi mo kailangang bigyan ako nito, Romano. Sapat nang narito ka. Besides, you already gave me—"

"Open it, sweetheart."

She shrugged her shoulders at saka dinampot ang kahita at unti-unting binuksan.

"Oh!" hindi niya mapigil ang mapabulalas nang malakas sabay ng pagsalubong ng mga kilay at lingon sa binata. Ang naroon ay isang pares ng eighteen karat white gold band ring. Bawat singsing ay may limang batong brilyante, in princess cut.

"Binili ko iyan bago ako umuwi," tahimik na wika ng binata na ang mga mata'y hindi humihiwalay sa mukha niya. Tila ba pinag-aaralan ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha.

"W-what does this mean?"

"What does a pair of wedding ring mean?" ganting-tanong nito, amusement in his voice.

"W-wedding ring..." she parroted stupidly. Her heart thudded violently in her chest.

Inabot ni Romano ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad nito and said softly. "Will you marry me, Bobbie?"

"M-marry you..."

Napangiti si Romano. "Are you going to keep on repeating everything I said?"

"Yes. No! I mean..." sinalubong niya ang mga mata nito. "Are you serious?" nalilitong tanong niya. "I t-thought you have responsibilities with your parents and—"

"So?" muling agap nito. "I am marrying you and fulfill my responsibilities at the same time. I will have to marry sometime and I'd rather do it now. Sa ikalawang pagkakataon, Bobbie, will you marry me?"

"Yes! Yes... yes!" she almost shouted happily.

DALAWANG linggo pagkatapos ng araw na iyon ay nagpakasal ang dalawa sa Paso de Blas. Isang simpleng civil wedding dahil nag-aapura si Romano na makasal sila kaagad. Muli ay isang miyembro ng pamilya ang ikinasal ng matandang si Judge Adriano.

Nanatili sa Paso de Blas ang mag-asawa nang isang linggo para sa kanilang honeymoon. Iyon ang pinakamaliligayang araw sa buhay ni Bobbie na sa kaisipan ay umaasang wala nang katapusan.


They made love anywhere... everywhere. At sa lahat ng pagkakataong iyon ay walang natatandaan si Bobbie na hindi siya nabigyan ni Romano ng kasiyahan. Maging iyon man ay sa tabing-dagat, sa batis, o sa loob mismo ng silid nila.

At nang umalis si Romano pabalik sa America ay kasama na si Bobbie. Naroon si Romano upang magtapos ng masteral nito at kasabay na rin niyon ay magtatrabaho sa branch ng Kristine as managerial apprentice kasama ang mga top executive na parehong mga Amerikano at Pilipino.

"ROMANO, darling!" excited na bungad ni Joanna pagkapasok sa opisina ng lalaki. "Bakit hindi mo itinawag na darating ka? Sana'y nasundo kita sa airport."

"Grandma and Aunt Ruby collected us at the airport, Joanna," sagot ni Romano and smiled faintly.

Tuloy-tuloy na umikot si Joanna sa kinauupuan ni Romano at ikinawit ang mga braso sa leeg nito at humalik sa mga labi.

"What took you so long in the Philippines, darling. I missed you so much..."Si Bobbie na nasa sulok at nagmamasid sa mga naroong picture frames ay nanlaki ang mga mata sa pagkakatitig sa asawa at sa babae.

"Hmm... Joanna," ani Romano na hinawakan ang dalawang braso ng dalaga at banayad na itinulak palayo. "I would like you to meet Bobbie..."

"Who?" Sinundan ni Joanna ang hinayon ng mga mata nito. Ang nakita nito'y ang isang tila teenager na nakatayo sa sulok. Bobbie was wearing her retro blue jeans and sneakers, a blue top tank and her hair in ponytail. Matamis siyang nginitian ni Joanna.

"Oh, she must be one of your pretty cousins. Hello, there."

Napaangat ang mga kilay ni Bobbie sa narinig. She didn't think she'd met all of Romano's "pretty cousins." At napagkamalan siyang isa sa mga iyon. At bago siya may maiusal ay naunahan na siya ni Romano.

"Bobbie's my wife, Joanna. We were married almost two weeks ago."

"Wife!" Bigla ang baling ng tingin ni Joanna kay Romano. "She's your wife?!"

Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Bobbie sa pagkagulat at disappointment sa mukha ng babae. Bagaman gusto niyang humanga sa pagmintina nito ng poise sa kabila ng lahat. 

Pagkatapos ng pagkabigla ay agad nakabawi si Joanna. She congratulated them both with grace. Gayunman ay hindi maitatanggi ang pait at galit na manaka-naka ay gumigitaw sa mga mata nito sa durasyon ng pag-uusap nila nang araw na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

597K 15.9K 23
Dalawang buwang sanggol pa lamang si Bea nang mangako ang sampung taong gulang na si Franco Navarro sa kanyang ama na pakakasalan siya sa pagsapit ng...
374K 8.9K 20
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan...
1.2M 30.8K 30
"My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit into your world of lavander lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Depar...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...