Kristine 15 -Romano 2 (UNEDIT...

By MarthaCecilia_PHR

799K 20.9K 2.3K

"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie na... More

ACKNOWLEDGMENT
1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27

4

27.2K 791 134
By MarthaCecilia_PHR


ALAS-SIYETE pasado na siyang nagising kinabukasan. Pumasok sa banyo at naligo. She had an enjoyable dinner with Kendal last night. No wonder her mother fell for him. But then Kendal was such a wonderful man. Wala siyang maipipintas dito. And she was actually happy for her mother. 


Hindi lahat ng babae ay nagkakaroon ng second chance at love. At nararamdaman niya ang pag-ibig ni Kendal sa mommy niya. Isinisingaw iyon ng katawan ni Kendal kagabi.

Somehow, she envied her mother. And she honestly hope that they'd be both happy.Pagkatapos niyang maligo ay nag-ayos siya. Nag-blow dry ng buhok. Pagkatapos ay nagbukas ng closet at naghanap ng maisusuot. She pulled out her tight old blue jeans. Isinuot iyon. Sinipat ang sarili sa malaking salamin. Too sexy. Halos nakahapit sa balat niya ang jeans. Pero uso naman ito at bagay naman sa kanya.

Namili siya ng blouse sa mga naka-hanger niyang damit. Pinili niya ang dark blue peasant blouse. The kind that would slip on your shoulder. She grinned. She was twenty-five. Hindi pa alangang magsuot tulad ng suot niya.

She pulled her three-inch heeled strappy sandals and put it on. Isang huling sulyap sa salamin ang ginawa niya at pagkatapos ay tiningnan ang relo sa braso. By ten o'clock ay nasa opisina na siya ni Kendal. Kailangan niyang ipakita rito ang mga bagong designs na nais niyang gawin sa hotel sa Caribbean. Hindi niya iyon nagawa kahapon dahil hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataong pag-usapan ang tungkol sa interior design ng hotel.

Hinablot niya ang laptop at inilagay sa lagayan nito at pagkatapos ay binigyan ng huling sulyap ang sarili sa salamin at lumabas ng condo.

Alas-onse na nakarating sa opisina ng ADI si Bobbie dahil sa traffic.

"Nasa office ba si Ken, Marie?" tanong niya sa sekretarya.

"Wala pa, ma'am. May early appointment si sir sa Manila. Si sir Steven po ay nasa office niya at may kausap."

"Thanks, Marie." It must be one of the ADI executives considering that Kendal's still out of the office. "Doon na lang ako tutuloy."

Magkatabi lang ang office nina Kendal at Steven bagaman mas spacious ang sa una. She gave a warning knock at pinihit ang doorknob at tuloy-tuloy sa loob.

"'Morning, Steven..."

"Hello, sweetheart," bati ni Steven. "Come and join us. Patapos na ang usapan namin ni Mr. de Silva."

Pagkarinig sa pangalan ay nahinto sa paghakbang si Bobbie. Ang mga mata niya ay tumuon sa lalaking naka-three-piece suit na tulad ni Steven ay tumayo nang pumasok siya. Kung siya ang uring himatayin ay baka bumagsak na siya sa carpet.

Romano.

Humakbang si Steven palapit sa kanya at kung hindi siya nito inakay patungo sa guest's area ay malamang na nanatili siyang nakatayo roon na tila estatwa.

"Bobbie, meet Mr. de Silva. Mr. de Silva, this is Bobbie, a family friend," pagpapakilala ni Steven, bahagya nang maramdaman ang tensiyon sa pagitan nina Bobbie at Romano.

Sa kabila ng pagkabigla ay naroroon ang hindi niya maiwasang pananabik na umahon sa dibdib niya. This was the same Romano she'd met years ago. Ang Romano na inibig niya. Tall, mestizo-handsome, broad-shouldered, at ang Romano na magkasintahan pa lang sila ay may ibang babae nang kinakasama; ang Romano na inakusahan siyang may ibang lalaki sa buhay niya at dahilan upang itanggi nitong anak si Troy.

Sukat doon ay natabunan ang pananabik sa biglang pag-ahon ng galit sa dibdib ni Bobbie. Gayunman, pinasasalamatan niya ang sariling hindi iyon bumalatay sa mukha niya. Iyon ay kung hindi nga.

"Well... well... well. If it isn't Roberta Lou," ani Romano na inabot ang kamay niya at kinamayan siya nang mahigpit. "This is a real surprise, Bobbie. Hindi pa rin kumukupas ang ganda mo."

"Hello, Romano." Isang himalang maituturing na may tinig na lumabas sa bibig niya.

"You two know each other?" tanong ni Steven.

"Never thought I'd see you here," patuloy ni Romano, ignoring Steven's question. Pinaglandas sa kabuuan niya ang mga mata nito. That malicious and leery smile was on his lips. Kapagkuwa'y natuon ang paningin nito sa nakahantad niyang balikat. His mouth twitched. May gumuhit na pagnanasa sa mga mata nito. Sinadya man o hindi ay hindi matiyak ni Bobbie. Sinadya marahil upang hiyain siya.

Hindi kailanman naging insecure si Bobbie sa ano mang isinusuot niya. Subalit sa titig na ginawa ni Romano sa kanya na tila siya hubad ay nag-init ang mukha niya. Sinikap niyang pigilin ang pag-alpas ng galit. Dahil walang mangyayari at siya lang ang mapapahiya. At kung hindi niya napigilan ang sarili ay marahas niyang hahatakin ang kamay. Pero nagawa niyang magpakahinahon at banayad ang ginawang pagbawi.

"Steven," she said calmly. "Romano's my ex-husband."

Hindi itinago ni Steven ang pagkabigla. Gayunman ay mabilis itong nakabawi at ngumiti. "Small world," he said.

"Indeed," ani Romano sa matabang na tono. Ang mga mata'y nanatiling nakahinang kay Bobbie.Inilapag niya ang purse niya sa coffee table at naupo. Kinakabahan siyang bumigay ang mga binti niya. "I thought your appointment with Mr. de Silva was tonight..." she asked Steven. 


Iniiwasan niyang magsalubong ang mga mata nila ni Romano. Sa halip ay itinuon niya ang mga mata sa mga papeles na nasa mesa. Those were handwritten rough drafts. May mga check siyang napuna kaya natitiyak niyang nagkasundo na ang dalawa. Both men would definitely show the papers to their respective lawyers for finalization.

"How polite, Bobbie," tuya ni Romano. "Let's dispense of the formalities. Ikaw na rin ang nagsabi ng relasyon ko sa iyo kay Mr. Quidd."

Steven cleared his throat. "May hindi maiiwasang naunang appointment si Mr. de Silva mamayang gabi kaya minabuti nilang magtuloy na rito, Bobbie. He would have rescheduled, pero dahil wala akong appointment ngayong umaga at ganoon din si Mr. de Silva, napagkasunduan naming ngayon na pag-usapan ang deal. We both agreed to the conditions. His secretary will type what was agreed upon."

"I see." Wala sa loob na tumango si Bobby.

"Patapos na kami nang dumating ka, Bobby," ani Steven. "Pag-aaralan ng mga abogado ang mga dokumento bago ang pagpirma. Anyway, Mr. de Silva, gusto mo bang ituloy ang pag-uusap sa ibaba. May mahusay na Japanese restaurant sa ground floor."

"Don't bother, Quidd," ani Romano. "I always have late lunch. But I could use another cup of coffee." Bahagya lang nitong dinaanan ang wala nang lamang tasa nito.

"Sweetheart?"

"Tubig lang ang sa akin. Pero ako na ang kukuha. Ako na rin ang gagawa ng kape kay Mr. de Silva." Sinulyapan niya ito. "Black. No sugar."

Isang mapanuyang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Romano. "You remember."

Hindi niya iyon sinagot at tinungo ang coffee corner. Kumuha ng panibagong tasa at nagtimpla ng kape. Nanginginig ang mga kamay niya pero sinisikap niyang huwag ipahalata yon. Kung mahahalata ni Romano na naaapektuhan siya nito ay natitiyak niyang lalo nitong pagbubutihin ang panunuya o posibleng pang-iinsulto sa kanya sa disimuladong paraan. Pinuno niya ng hangin ang dibdib. May pakiramdam siyang nasu-suffocate siya sa presensiya nito. Hindi niya mawari kung bakit sinunsundan nito ng tingin ang bawat kilos at galaw niya.

Kumuha rin siya ng bottled water sa mini-ref at lumakad pabalik sa upuan. Inilapag niya ang kape nito sa mesa. Romano murmured his thanks.

"Did you know that I would be here this morning, Bobbie?" asked Romano from the rim of his cup.

"Like I said, ang alam ko'y mamayang gabi pa ang appointment ni Steven sa iyo."

"How do you know that? I mean, my appointment with Mr. Quidd." Sinulyapan ni Romano si Steven. "Do you always discuss business proposals with friends, Quidd? Hindi maganda sa negosyo iyan."

Mabilis na sumagot si Steven. "Bobbie also works for ADI, Mr. de Silva. Specifically sa La Crouix. Siya ang magiging interior decorator ng itatayong hotel doon."

"Oh, I see." Muli itong humigop ng kape. "This is a surprise, Quidd. Hindi ko alam na magkaibigan kayong matalik ni Bobbie. At sa nakita kong expression mo kanina ay natitiyak kong hindi mo alam na mag-asawa kami."

"Dating mag-asawa, Romano," ani Bobbie sa sarkastikong tono.

"Alam naming mag-ama ang katayuan ni Bobbie nang makilala namin siya, Mr. de Silva, considering that she was heavily pregnant when my father had first met her. Pero tama ka, hindi ko alam o inaasahan na ikaw iyon," Steven said easily. "Ang alam ko'y apat na taon na kayong hiwalay ni Bobbie. At sa loob ng mga taong iyon ay nasa La Crouix si Bobbie. Doon na rin lumaki ang kanyang anak."

"Nabanggit ba niya sa inyo na hindi legal ang aming paghihiwalay? Na walang divorce o annulment na namagitan?"

Sinulyapan ni Steven si Bobbie, kapagkuwa'y ginagap nito ang kamay niya at pinisil iyon. "I am after Bobbie's welfare, Mr. de Silva," mahinahong wika nito. "Magkaibigan ang pamilya namin. Kung nais niya ng tulong ko upang mapawalang-bisa ang inyong kasal ay gagawin ko nang mabilis. At sa sandaling ito'y gumagana ang mga tanong sa isip ko kung bakit naghiwalay kayo. Subalit hindi na mahalaga iyon. Bobbie is one woman you can be proud of."

Gustong masamid ni Bobbie sa galit na nasa mga mata ni Romano nang makita ang ginawa ni Steven. Sa kabila ng sinasabi ng huli na magkaibigan lang sila nito ay natitiyak niyang hindi ito naniniwala. Steven made it obvious that they had a relationship. Kung sa ano mang kadahilanan ay nais na rin niyang magpasalamat nang lihim.

"Kung sakaling nanaisin ni Bobbie na magkaroon ng seryosong relasyon..." patuloy ni Steven. 

"Makakaasa kang gagawin namin iyon sa legal na paraan. At kung sakaling..." He paused, nilingon si Bobbie at masuyong nginitian. "At kapag dumating ang sandaling nais ni Bobbie na humigit pa sa pagkakaibigan ang tingin niya sa akin, then that would be the happiest day of my life..."

Pinipigil ni Bobbie ang mapabunghalit ng tawa sa apoy ng galit na unti-unting nagsisiklab mula sa mga mata ni Romano. Bless you, Steven.

Inubos ni Romano ang laman ng tasa at halos pabagsak na ibinaba sa platito. Natitiyak ni Bobbie na sa huling sandali ay nagawang magpigil ni Romano ng galit.

At bago pa mahulaan ni Bobbie ang gustong mangyari ni Romano ay tumayo ito at hinawakan siya sa palapulsuhan. "If you don't mind, Quidd, mag-uusap lang kami nang sarilinan ni Bobbie..." He smiled at Quidd. At bago pa may makapag-react ay hinila na siya ni Romano palabas ng opisina nito.

Nilingon niya si Steven na nag-akmang pigilan ito. Nakiusap ang mga mata niya na hayaan na muna ito. Paglabas ng opisina, sa may hallway, ay marahas na iwinaksi ni Bobbie ang pagkakahawak ni Romano sa kanya.

"Bitiwan mo nga ako!"

"So, you had father and son eating at your palm," wika nito. He was smiling and yet his eyes said differently. Kung apoy ang inilalabas ng mga mata nito ay nagliyab na si Bobbie.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo. Ano ba ang ipakikipag-usap mo sa akin na hindi dapat marinig ni Steven? Wala akong inililihim sa kanya o kay Kendal!"

"Oh, yes. Kendal, the older man," he hissed. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa balikat niya, sa bahaging nakalaylay ang blouse niya at naghantad sa malaking bahagi ng balikat niya. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit ang blouse na iyon ang napili niyang isuot.

Napasinghap siya nang banayad na paglandasin ni Romano ang mga daliri sa balat niya. Ang init na nagmumula sa kamay nito ay tila nagsindi ng kakaibang damdamin pababa sa tiyan niya. Damdaming apat na taon na niyang ibinaon sa limot. Damdaming inakala niyang hindi na niya mararamdaman pang muli.

Nagkamali ba siyang isiping kaya niyang pakiharapan si Romano? That she would not be affected by him? Sa nakalipas na mga taon ay hindi miminsan niyang inisip kung ano ang magiging damdamin niya sa sandaling magkita silang muli. Now she knew. Hindi niya inaasahang naroroon pa rin ang pagnanasang inakala niyang hindi na muling babangon.

No man had ever made her feel this way. Only Romano. Kung hindi niya aawatin ang sarili ay malulusaw siyang tila kandila sa paanan nito.

"Pareho mo bang dinala sa kama mo ang mag-ama, ha, Bobbie?"

Napasinghap siya kasabay ng panlalaki ng mga mata. Umigkas ang kamay niya at dumapo iyon sa mukha nito. Sa ilang sandali'y pareho silang nakatitig lang sa isa't isa. Puno ng galit ang nasa mga mata niya. Kay Romano ay pagkamangha at hawak nito ang nasaktang pisngi. Hindi marahil nito inaasahan ang gagawin niya. Hindi siya bayolenteng tao. Pero hindi niya matanggap ang sinabi nito.

At bago pa may salitang lumabas sa kanilang dalawa ay bumukas ang pinto ng conference room at iniluwa niyon si Steven. Pinaglipat-lipat ang mga mata sa kanilang dalawa.

"May problema ba, Mr. de Silva?" seryosong tanong nito, nilapitan si Bobbie at hinawakan sa braso.

"Kung meron man ay problema namin itong mag-asawa, Mr. Quidd." He almost hissed the words.

"Ex-wife, Mr. de Silva. I believe that is the right description." Mahinahon subalit mariin ang mga salitang binitiwan ni Steven.

"I–I want to leave, Steven. Please take me home."

Isang masamang sulyap ang pinakawalan ni Steven kay Romano na umani rin ng higit na galit mula sa huli. Inakay ni Steven si Bobbie patungo sa elevator.

Continue Reading

You'll Also Like

374K 8.9K 20
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan...
180K 5.3K 53
Witness the awakening... - Huwag babasahin kung hindi pa nabasa ang First Volume nito which is- THE PERFECT WEAPON
917K 31.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
13.6K 496 22
"Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will...