SAIL WITH ME (On-going)

Von YannaKlair

634 93 9

Aishantel, isang babae na walang pakielam sa paligid niya, sa itsura niya kung panget man siya o hindi nag-aa... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 22

10 1 0
Von YannaKlair

CHAPTER 22

After the meeting with Zack, he drive me to the condo.

"About doon sa reaction ko kanina, sorry. I'm just too concern about you, ayoko lang maulit yung nangyari sayo dati" paghingi ng paumanhin ni Zack. I held his hand and look to his eyes.

"Its okay alam kong nag aalala ka lang sa'kin, sorry din. Sige akyat na ako drive safe" paalam ko. He hug me and kiss my forehead.

Pag akyat ko tulog na si Lia, siguradong maaga silang aalis ni Kevin bukas. Dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo.

Naalala ko yung tanong ni Zack kanina.

'So, you trust Darius?'

That question is simple but too hard to answer. I shaked my head and finish my skincare routine and sleep.

Paggising ko ay wala na si Lia, pero nagluto siya ng umagahan para sa'kin. Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako at nagbook ng grab. Wala namang maghahatid sa akin ngayon sa opisina dahil wala si Lia.

Ngayon ay pupunta ako sa site para tingnan kung mabilis ang proseso ng paggawa nito.

Pagdating ko nang opisina ay nagcheck muna ako ng mga emails.

"Miss Aisha, tara na po" tawag sa akin ng secretary ko, siya ang kasama ko sa pagpunta roon.

"Wait a minute" sabi ko inayos ko ang sarili ko at pinatay ang laptop ko.

Pagkababa namin ng parking lot ay nakita ko si Zack.

"Hey, saan ang punta mo?" tanong ko. I hug him and kiss him in the cheeks.

"Sasamahan kayo, ayos ba?" sabi niya ay pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok na rin ang secretary ko.

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nagsuot siya ng seatbelt at nagsuot na rin ako.

"Oo nga nakasakay ka na nga sa kotse ko ayaw mo pang maniwala" he chuckled. Inirapan ko na lang siya at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Hindi ko namalayan ay nakatulog pala ako buong biyahe.

"Baby, wake up" sabi ni Zack at sabay yugyog sa braso ko "Andito na tayo" kaming dalawa na lang sa loob ng kotse mukhang nauna na yung sekretarya ko.

Inayos ko yung damit ko at lumabas na kami. Inakbayan ako ni Zack at sabay kaming naglakad papasok sa site.

Gawa na ang kalahati ng barko at mabilis ang proseso nito.

"Ang bilis ng trabahador ng mga Shan ah, maayos at mabilis gumawa" komento ni Zack. Tumango-tango ako. May nagbigay sa'ming trabahador ng hard hat kung sakali mang may bumagsak na maling tao, ay bagay pala para less damage.

"Thank you" sabi ko at sinuot na ang hard hat.

Naghiwalay muna kami ni Zack at naglalakad na lang muna kami ng secretary ko ng makita namin si Darius.

"Oh Aisha andyan na pala kayo, huwag kayo masyadong lakad ng lakad baka mahulugan kayo ng bakal diyan" sabi ni Darius sabay turo sa taas may crane na nagbubuhat ng mga bakal na malalaki. Dinala niya kami kung saan nagpapahinga yung ibang mga workers. Umupo kami at binigyan niya kami ng inumin.

"Thanks" I said

"Andyan pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap" napalingon kami sa lalaking nagsalita.

Nagkatitigan sila Darius at Zack, parang nagbibilangan ng buhok. Unang bumitaw ay si Zack at lumapit sa'kin.

"Here's your towel" sabay bigay sa akin ni Zack ng towel ko, dahil medyo pawisan na din ako sa sobrang init.

Lumipat ng upuan ang secretary ko at si Zack naman ang tumabi sa akin. Si Darius naman ang nasa kabila ko. Tinanggal niya yung hard hat niya at kinuha yung blue print ng cruise. Tinanggal din namin ang mga suot naming hard hat. Pinakita sa'min ni Darius yubg blue print ng barko at sinabi ang mga plano niya.

"So, here's the blueprint of the cruise ship. As you can see, Ms. Aisha. Mabilis ang paggawa at siguro by next month tapos na 'to" sabi ni Darius.

Magsasalita sana ako ng biglang magsalita si Zack.

"Matibay ba ang pagkakagawa niyo? Baka sa sobrang bilis ay mapapahamak lang ang mga pasaherong sasakay dyan" pagpunani Zack. Dapat hindi ko na lang sinama 'to masyadong paepal na naman 'di na naman mapreno bibig. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray! Ba't ka nangungurot?" inis niyang sabi, tinitigan ko lang siya ng masama.

"Mr. Martinez, I will assure you that even though we working fast it doesn't mean that we will not thinking the durability of the ship. Kaya wala dapat kayong ipag-alala" pagpapaliwanag ni Darius. Tumango-tango ako "Nakaisip na ba kayo kung ano ipapangalan sa cruise?" tanong niya.

"Airius" bigla kong nasambit. Napatitig lang sa akin si Darius. Hanggang sa nagsink-in sa akin kung saan nagmula yun. Matagal ko nang nasa isip iyon few years ago pa. Gusto ko sana ipangalan yan sa, napailing na lang ako at tumingin sa kanya.

"Airius of the sea iyon ang pangalan ng barkong iyan" sabi ko. Ang secretary ko naman ay isinulat akagad ito sa dala niyang notebook.

"Nice name" he smirked "Sige babalik na ako doon" sabi niya at naglakad na siya papunta sa working area.

"Really, Aisha 'yun talaga?" Zack asked medyo natatawa pa. Parang kagabi lang ah iba mood niya.

"Anong problema pangalan lang naman ng cruise yon ah. Tsaka cruise ko naman yun e bakit ba?" I pouted.

"Pinagsamang pangalang niyo ni Darius? Hindi naman masyadong halata, sa sobrang hirap hulaan napaalis mo nga siya oh siguro iniisip niya kung saan galing" pang aasar niya pa at napahawak pa sa noo niya na para bang nag- iisip.

"Alam mo imbes na mang-asar ka umorder ka ng pagkain para sa mga workers sipain kita dyan e" sabi ko at tumayo. Nakita ko yung hard hat ni Darius nasa mesa. Hindi niya nasuot, kinuha ko iyon. Sinuot ko muna yung hard hat ko bago sundan si Darius.

"Kuya, nakita niyo ba si Mr. Shan?" tanong ko sa isang worker

"Andoon po sa working area tumutulong po magbuhat ng mga bakal" turo niya sa akin.

Pumunta ako doon at nakita ko siyang nagbubuhat ng bakal na walang hard hat. Pagkatapos niya malipat ang ibang bakal ay bigla itong naghubad. Napalunok ako may tinapay na naman. Umiling ako at lumapit sa kanya

"Mr. Shan, nagtatrabaho ka wala kang helmet?" sabi ko at sabay abot ng hard hat sa kanya.

"Salamat bumalik ka na roon at baka mabagsakan ka pa ng mga bakal dito" sabi niya at dahil matigas ang ulo ko ay hindi ko sinunod sinabi niya tiningnan ko lang siya tumulong sa mga trabahador niya. Nakatayo lang ako doon at nanonood. Napalingon siya sa akin.

"Hindi ba't sinab--" napatigil siyang magsalita at kasabay ng pagtigil ng kanyang pagsasalita ay ang pagkahulog sa akin ng mga bakal.

"Aaaaaaah! Ang sakit" daing ko dahil sa pagkakahulog sa akin ng mga bakal at tumama ito sa likod. Sana wala akong bali sa likod kakatayin ko 'tong bakal na 'to.

"Hala si Ms. Collins!"

"Si Miss Aisha!"

"Putangina! Ano ba kasing sabi ko sayo bumalik ka na roon, pero hindi mo ako sinunod!" sigaw ni Darius "Mag ingat naman kayo!" sigaw niya sa mga trabahador. Tinulungan niya itong tanggalin ang nakadagan sa'king bakal at tinulungan akong tumayo.

"Pasensiya na po, Sir" paghingi ng pasensiya nung lalaking nagbubuhat nito.

"Hindi po namin sinasadya bigla po kasing kumalas sa tali yung mga bakal" pagpapaliwanag ng isang nagbubuhat ng bakal.

"Ayusin niyo na 'yan" sabi ni Darius at sinuri ang katawan ko.

"May masakit ba sayo?" tanong niya tumingin lang ako sa kanya "Aisha, ano ba sumagot ka? Papatayin mo ko sa kaba, papaano kung malalaking bakal yung bumagsak sayo ha? Ano sa tingin mangyayari sayo?" pagalit niya sa akin, naiiyak ako dahil ang tanga tanga ko na naman "Hey, don't cry saan ba masakit dadalhin kita sa hospital" he caressed my face

"Yung likod ko" sabi ko

"Dadalhin kita sa hospital para ipacheck up kung may nabali bang buto dyan, okay?" my heart beat stops when he kissed my forehead and he carried me. Bridal style.

"Tawagin niyo si Mr. Martinez doon at sabihing sumunod na lang sa hospital" utos niya sa isang trabahador "Kuya arnel buksan mo yung kotse, pupunta tayong hospital" seryosong sabi ni Darius. Pinasok niya ako sa loob at tumabi siya sa akin.

"Pakibilis kuya arnel" seryosong mando niya.

Nakasiksik lang ang mukha ko sa leeg niya dahil nararamdaman kong lalong sumasakit ang likod ko. Masyadong malakas yung impact nun pinagdadasal ko na lang sana na walang butong nadamay.

"Ah!" daing ko ng sinubukan kong gumalaw.

"'Wag ka nang gumalaw" galit na sabi niya.

Nang makarating kami sa hospital ay sinugod niya ako sa emergency area. Pinasakay ako sa wheelchair.

"Anong nangyari sa pasyente?" tanong ng doctor

"Nahulugan po ng bakal sa likod" ako na ang sumagot. Nawala bigla si Darius dahil pumunta kami dito ay wala siyang pang itaas.

Inexamine ako ng doctor, pina x-ray ako para tingnan kung may nabali ba akong buto. Pagkatapos nun ay pinagpahinga ako. Hindi ko namalayan ay nakatulog ako. Nagising ako sa mga boses na naririnig ko.

"Gising ka na pala, Miss Aisha" ang sekretarya "Si Mr. Martinez po ay inaayos na po yung bills" tumango ako

Nakita ko si Darius na nakaupo sa sofa. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Sabi ng doctor ipahinga mo raw yan ng isang linggo dahil namamaga ang likod mo at buti na lang walang nabaling buto" paliwanag sa akin ni darius "Sa tingin ko ay aalagaan ka naman ni Lia ng maayos" sabi niya

Napalunok ako dahil naalala ko wala pala si Lia sa condo.

"Wala si Lia sa condo" sabi ko at nag iwas ng tingin

"Huh? Paanong wala?" nakakunot niyang tanong

Sinabihan ko muna ang sekretarya ko na iwan muna kaming dalawa.

"Nagbakasyon siya kasama ni Kevin" sabi ko

"Edi sa condo ka ng boyfriend mo" sabi niya at umupo sa sofa. Kumunot noo ko at aayos sana ako ng higa, pero masakit ang likod ko.

"Ouch! Sinong boyfriend?" daing ko sinusubukan kung umupo.

"Hindi ba uso sayo humingi ng tulong?" sabi niya at tinulungan akong makaupo at nagsalita siya ulit "Si Zack" sagot niya na halos pabulong na.

Sabi na nga ba e isip nga naman ng mga lalaki. Bwiset na Zack 'to sumbong ko 'to sa syota niya mashoshoot out talaga 'to.

"Ma--" napatigil ako sa pagsasalita ng bumukas ang pinto si Zack.

"Gising ka na pala maya-maya pwede ka na umuwi sabi ng doctor" sabi ni Zack "Ano kamusta likod mo?" tanong niya hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan sa pisnge.

"Medyo masakit pa" sabi ko

Napaigtad kaming dalawa ni Zack ng biglang may nagbagsak ng pinto. Nagkatinginan kaming dalawa, napabuntong hininga na lang ako.

"Hihi selos siya" bungisngis na sabi ni Zack

"Pang-asar ka 'no?" sabi ko "Tsaka 'di magseselos 'yun baka nga may girlfriend na yung tao tapos ginaganyan mo kala ko ba galit ka sa kanya ha?" tinarayan ko siya

"Hindi na ngayon" tumawa siya ng malakas. Iba talaga amats nito, kakaiba pa sa iba. Napailing na lang ako.

Nang pauwi na kami ay nagpasalamat si Zack kay Darius. Kasi nga pang-asar siya hindi naman sa affected 'no, pero kung ako nasuntok ko na si Zack.

"Salamat, pare una na kami" sabi ni Zack kay Darius at inakbayan ako. Tumango lang sa kanya si Darius.

"Thank you" nakangiti kong sabi. Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa loob ng kotse.

Nang makasakay kami sa kotse ay tawa ng tawa si Zack. Katabi ko ang secretary ko sa likod kaya nagmukhang driver namin si Zack. Pasalamat siya at masakit ang likod ko.

"Tawa pa sige pa kabagin ka sana" sabi ko sa kanya " Pag 'di ka tumigil susumbong kita sa girlfriend mo wala ka nang uuwian kala mo ah" banta ko sa kanya.

Anong akala niya ako lang maasar niya pwes kaya ko rin.

"Sumbong mo wala naman ako no'n" sabi niya pa. Aba talaga to nakakaasar na, bat ko ba 'to naging kaibigan sarap itapon sa ilog. Kala ko sila pa rin.

"Edi wow, sa bahay mo ko ihatid, pero hatid muna natin sekretarya ko" napatingin ako sa gilid ko tulog na tulog na ito, hinayaan ko lang siya matulog.

"Huh? Saan? Bakit doon?" tanong niya. Dami niyang tanong pwede kumanta ng pepito manaloto. Oh ano, saan, sino at sa paanong paraan, 'di ba pwede na kumanta.

"E gusto ko doon e tsaka wala ako kasama sa condo wala si Lia" sabi ko. Napabuntong hininga ako naalala ko na naman kasi sila mommy at daddy, miss ko na sila.

"Mas malaki ang bahay niyo kesa sa condo niyo, saka papaano ka namamaga pa ang likod mo walang mag aalaga sayo" nag aalala niyang sabi sa akin. Napangiti ako dahil ganyan rin ang reaksyon ni Lia noon.

"Zack, wag kang mag alala kaya ko sarili ko. Kaya ko naman maglakad e mabagal nga lang, saka tatawagan naman kita pag may kailangan ako e. Saka doon ako natulog dati hehe kaya ko na ako pa" ani ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Oh sige tawagan mo na lang ako lalo na't hindi ka pa makakapasok ng ilang araw" bilin niya sa akin. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising ako nasa harap na kami ng bahay namin. Wala na rin ang secretary ko mukhang naihatid na siya ni Zack habang tulog ako.

"Gising na halika na at aayusin ko higaan mo sa sala para hindi ka na aakyat, sorry 'di kita pwede samahan ngayon may family dinner kami e"sabi niya tinulungan niya ako makapasok sa loob.

Pinaupo niya muna ako sa sofa at inayos ang sala. Inusog ang coffee table para mailatag ang kama ng maayos. Kinuha niya sa taas ang foldable bed ko na ginagamit namin ni Lia. Kumuha rin siya ng kumot, unan, libro at damit, inayos niya ang mga ito sa sala.

"Oh ayos na lahat, may gusto ka bang kainin magluluto ako bago ako umalis" sabi niya. Nagpaluto na lang ako para may makain ako sakaling magutom ako. Habang nagluluto siya ay nagpalit na ako ng damit ko.

"Wala ka nang kailangan inayos ko na lahat, just call me kung nalulungkot ka ah o kaya may kailangan ka. Andito lang ako ay doon sa kabilang bahay pala" pabiro niyang sabi. Natawa na lang din ako.

"Sige na umalis ka na kaya ko na 'to" sabi ko

Pagtataboy ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo niya.

"Sure ka na dito ka na ah" paninigurado niya na baka magbago ang isip ko.

"Naihanda mo na lahat-lahat nagtatanong ka pa, may pagkaabno ka rin 'no sabagay abno ka naman talaga" sabi ko at umakting na parang nag iisip.

"Ewan ko sayo sige tumawag ka lang ah" sabi niya at hinalikan ang noo ko. Nang makaalis siya ay humiga na ako dahil nanakit na ang likod ko. Tulala lang ako sa kisame at nag-iisip ng kung ano-anong bagay hanggang sa makatulog ako.

Hindi ako makakapasok ng ilang araw, dahil nga sa pisteng likod na 'to. Kaya ang secretary ko ang pumunta sa lahat ng appointments ko inurong din nila ang photoshoot para sa indorsement ng company. Binalik balikan naman ako ni Zack dito para kamustahin. Pinapunta niya pa ang isang kasambahay nila dito para raw may kasama ako.

Ayos na rin pala ang magkasakit minsan nakakapagpahinga. Ang akala kong peaceful na pahinga ay may nang bwisit pa. Ba't ako nabwibwiset sa kanya e siya nga nagdala sa'kin sa hospital. Ang gulo ko talaga.

"Pwede pumasok?" tanong nito. Napabuntong hininga na lang ako at tumango na lang ako.

May magagawa pa ba ako? Syempre pinapasok ko na.

"Uhm ate maghanda ka ng merienda thank you" sabi ko sa pinadalang kasambahay ni Zack.

"Upo ka muna" sabi ko kay Darius. Umupo naman siya.

"Dito ka na pala nakatira, kala ko kasama mo si Lia sa condo niyo dati" aniya. Luminga linga siya sa kabahayan "Mukhang walang pinagbago bahay niyo ganito pa rin" puna ni Darius.

Pumasok sa alaala ko ang nangyari sa nakaraan nung naghiwalay kami at pagkamatay ng magulang ko ng dahil sa akin.

"Ah oo simula kasi nung alam mo na" ngumiti ako bago magpatuloy sa pagsasalita "Naghiwalay tayo at nawala sila mommy at daddy, hindi na ako dito bumalik mahirap na kasi marami rin kaming alaala noon rito" peke akong tumawa para hindi niya mahalata na nauutal ako, dahil nagbabara na naman ang lalamunan ko.

"Sorry, Aisha" nakayukong sabi ni Darius.

"Para saan tapos na yun 'no, saka alam mo move on na ako okay na okay na ako. Saka tama lang yung desisyon mo noon kailangan mo ng pahinga. Saka masaya ka naman na ngayon 'di ba, ayos na rin naman tayo nag-uusap na nga oh" peke akong tumawa na parang normal lang kaming magkakilala na animoy wala kaming pinagsamahan noon, kahit na alam ko sa sarili ko na siya pa rin ang hindi pa ako tuluyang nakakamove on. Hays naku Aisha. 

"Aisha, may dahilan---" napatigil siya sa pagsasalita. Parang may biglaang pumigil sa kanya na sabihin iyon.

"Dahilan ang alin?" tanong ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, napahawak ako sa sofa dahil sa kabang hindi ko maintindihan parang may ibang gustong ipahiwatig. Dumating ang merienda pinahanda ko sa kasambahay ni Zack. Bumuntong hininga ako at inalok na lamang siya ng pagkain.

"Kumain ka muna" sabi ko sa kanya. Tumango siya habang kumakain siya ay kinamusta niya ang lagay ko kung maayos na ba ako.

"Maayos na ba ang likod mo?" tanong niya sabay higop ng kape.

Nang makaalis siya ay andoon pa rin ang kuryosidad sa loob ko na may gustong malaman kung ano ang gusto niyang sabihin.

Kung ano man iyon ay bahala na si batman umisip.

-yanna klair

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...