SAIL WITH ME (On-going)

By YannaKlair

639 93 9

Aishantel, isang babae na walang pakielam sa paligid niya, sa itsura niya kung panget man siya o hindi nag-aa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 19

16 3 1
By YannaKlair

CHAPTER 19

Nagising ako sa isang puting silid. Naamoy ko ang amoy hospital. Naalala ko ang mga nangyari kahapon. Napangiti na lang ako ng mapait.

May pumasok sa pinto. Si Lia.

"Gising ka na. Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong niya at inilapag ang dala niyang prutas at bulaklak

"Oo, pero puso ko hindi" mapait akong ngumiti.

Nginitian niya na lang din ako. Alam kong pagod siya sa pagbabantay sa 'kin.

"Sila mommy at daddy nasaan?" tanong ko.

Natigilan siya ng sandali at umiwas ng tingin.

"Ah Aisha kasi ganto" napahawak siya sa batok niya "Ah ano kasi" kumunot noo ko dahil sa ikinikilos ni Lia.

"Ano?" taas kilay kong tanong

Magsasalita na sana siya ng biglang may pumasok. Si Zack.

"Oh Aisha kumusta na lagay mo?" tanong niya. As usual masaya ang boses niya

"Ayos lang ako nahimatay lang e" sabi ko

Tumingin ako kay Lia.

"Nasaan sila mommy?" tanong ko ulit

Nagkatinginan silang dalawa ni Zack.

"Sagutin niyo ko parang mga ewan. Baka nag-aalala na sila sa ckin" sabi ko napabuntong hininga si Zack.

"Aisha, 'wag kang mabibigla ah" sabi niya ang seryoso masyado

"Biglang bigla na ako sa mga nangyayari Zack namamanhid na ako. So, nasaan sila mommy? Gusto ko silang yakapin" sabi ko

"Wala na sila, Aisha" nakayukong sabi ni Zack.

"Prankster ka talaga, Zack" sabi ko "Panong mawawala sila mommy. Ano 'yun magic?"

"Naaksidente sila kagabi nung sinabi ni Lia na magpapakamatay ka. Nagmamadali sila at ang daddy mo ang nagdrive. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nila, para maabutan at pigilan ka sa gagawin mo. Sumalpok sila sa isang truck at hindi nila nakayanan ang lakas ng impact nun. Sorry, Aisha" sabi ni Zack

Tumulo ang luha ko. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailangan ko sila tsaka sila mawawala? Bakit nangyayari sa 'kin 'to? Mas trumiple ang sakit sobrang sakit. Kasalanan ko kung bakit sila naaksidente. Kung hindi lang ako nagsabi ng ganon.

"Hindi! Panaginip lang 'to!? Bakit!!??" sigaw ko. Tinanggal ko ang suwero na nakakabit sa kamay ko. Pinipigilan nila akong dalawa.

"Aisha, huwag mong tanggalin yan kailangan para bumalik ang lakas mo" sabi ni Zack

"Aisha please calm down! Please listen to me!" sabi ni Lia. Hinawakan niya mukha ko umiiyak na din siya.

"Ang sakit para akong tinarak ng milyong-milyong kutsilyo. Bakit nagsabay pa? Bakit kung kailan kailangan ko sila tsaka sila nawala? Kasalanan ko 'to" sabi ko at napasabunot ako sa buhok ko "Kasalanan ko lahat, Lia. Nagkulang ako bilang girlfriend, nagkulang pa maging anak. Lia hindi ko na kaya!hindi ko na kaya! Kung pwede lang mamamatay na lang rin ako" sa pangalawang pagkakataon humagulgol na naman ako. Biglang may naramdaman akong tumusok sa braso ko. Nagdilim na naman ang paningin, hanggang sa napapikit na ako.

Nagising ako at nandito pa rin ako sa silid na to. Sana panaginip na lang 'yun lahat. Naalala ko lahat ng nangyari sa araw na yon. Kaarawan ko ang pinakakinasusuklaman kong araw. Kung hindi dahil sa 'kin hindi ako hihiwalayan ni Darius at hindi mamamatay si Mommy at Daddy. Kasalanan ko lahat. Tumulo ang mga luha ko. Pinunasan ko ito nang may kumatok sa pinto. Bumakas ang pinto at pumasok sila.

Si Tita Dani at Tito Terrius.

Ngumiti sila sa 'kin at ngumiti ako pabalik. Lumapit sila sa akin.

"Kumusta ka na, iha?" tanong ni Tita Dani sakin habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko napigilan ang emosyon ko, dahil laging ginagawa iyon sa akin ni Mommy.

"Alam ko ang pinagdadaanan mo, iha. Humingi ako ng pasensiya sa nangyari sa inyo ng anak ko. Aisha, alam kong mahal ka ng anak ko, may gusto lang siyang gawin para sayo. Wala akong alam kung nasaan man siya ngayon, iha. Hangga't andito ako at ni Tito Terrius mo gagabayan ka namin. Pasasalamat na rin sa mga magulang mo" sabi ni tita dani

Napaiyak ako lalo ang sakit sa dibdib hindi ko kaya. Bakit ba kasi ang hina ko? Bakit ang bobo ko? Napakatanga ko para hindi mag isip na ganon na pala ang nararamdaman ni Darius.

"Ako ang may kasalanan lahat tita kaya nakipaghiwalay sa 'kin si Darius. Nagkulang ako, pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon namin. Away bati kami tita nakakapagod pala ang ganon. Pasensiya na po" humagulgol ako sa balikat ni Tita Dani

"Aisha iha its not your fault okay? You are a very kind girl, never kang nagtanim ng loob. Kilala kita iha alam kong makakayanan mo 'to. Kahit na may nangyari hindi maganda sa inyo ni Darius ay hindi mo siya sinisi, initindi mo siya. Alam kong masakit ang nagawa sayo ng anak ko, pero salamat dahil hindi ka nagalit man sa 'min at sa anak ko. Alam kapag dumating ang araw na 'yon mapapatawad mo siya" sabi ni Tito Terrius

"Wala naman po akong dapat ikagalit sa inyo, dapat po akong magalit sa sarili ko. Ako po ang may kasalanan lahat ako po" hagulgol kong daing

Hindi ko alam kung bakit sarili ko ang sinisisi ko, siguro simula pa noon ayokong may nasasaktan dahil sa 'kin. Ang sakit lang isipin na namatay sila dahil sa 'kin.

"Calm down, iha. Magpahinga ka na para mamaya ay makauwi ka na" sabi ni Tita Dani

Tumango na lang ako at inalalayan ako humiga. Andyan lang sila sa tabi ko hanggang sa makatulog ako. Pagkagising ko ay nakita ko si Zack nakaupo sa sofa.

"Hey, maya maya lang ay uuwi na kita. Inaasikaso lang ni Lia 'yung hospital bill" sabi niya

Tumango lang ako sa kanya at nag iwas na ng tingin. Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko.

"Aisha, huwag mong hayaan na kainin ka ng lungkot. Andito pa kami, kami ang pamilya mo" ngumiti siya sakin tinitigan ko lang siya at napabuntong hininga.

"Nagugutom ka na ba? Simula kasi kahapon hindi ka pa nakain. Anong gusto mong kainin?" tanong niya. Hindi ako sumagot sa kanya.

"Oy sagot bahala ka sige ako na lang mamimili ng pagkain mo" sabi niya sinundot-sundot niya bewang ko, pero wala akong nararamdam kahit ano.

Gutom nga hindi ko nararamdaman e. Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Lia.

"Pwede ka na daw umuwi" nakangiting sabi ni Lia

Tumango lang ako sa kanilang dalawa. Nagbihis ako para makauwi na. Pagod na pagod ako hindi lang sa katawan kundi pati mental.

"Tara kain muna tayo. Saan mo gusto kumain, Aisha?" sabi ni Zack habang nagdadrive

"Wala ako gustong kainin" sabi ko sa kanya

"Pero Aisha hindi naman pwede wala kang kainin" sabi ni Lia

"Wala akong gana" sabi ko pa

Narinig kong napabuntong hininga silang dalawa ni Zack. Hinatid niya kami hanggang condo ni Lia. Akala ko uuwi na si Zack, pero nagstay lang siya doon. Pagkapasok na pagkapasok namin ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hinatiran lang ako ng pagkain ni Lia at sinubukang subuan kahit konti lang. Pinilit kong kumain kahit konti, parang patay na patay ang buong pagkatao ko. Nagkulong lang ako buong araw sa kwarto ko.

Sila Tita Xia at Tito Lincoln ang magulang ni Lia. Ang nag-ayos ng burol nila mommy. Sa isang chapel sila binurol. Buong company ay magluksa pagkawala nila Mommy at Daddy. Mahal na mahal sila ng mga empleyado nila.

"Nakikiramay po kami, Ms. Aisha"

"Tatagan mo lang loob, iha"

"Andito kami para sayo, ang buong kompanya"

"Tutulungan ka namin makabangon"

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Aisha, Iha" napalingon ako sa tumawag sakin. Si Tita Dani "Kumusta ka na? Kumakain ka ba ng maayos?" tanong niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala po akong gana" sabi ko. Napabuntong hininga si Tita Dani.

"Iha, kung naririto ang Mommy at Daddy mo hindi nila gugustuhin na nagpapagutom ka. Hindi nila gugustuhin na malungkot ka. Andito pa kami para sayo" sabi ni Tita Dani. Bumagsak ang mga luhang pinigilan kong lumabas. Inaalo ako ni Tita Dani sa kanya ako humagulgol. Namimiss ko na sila Mommy at Daddy. Iyong mga panahon na masasaya kaming magkukulitan,sabay sabay kakain, lalabas sila lang ang gabay at sandalan ko.

Pinauwi muna ako ni Tita Dani sa condo namin ni Lia. Ayoko na munang umuwi sa bahay, dahil bawat sulok doon ay sila Mommy at Daddy ang naalala ko.

Andyan lang sila sa tabi kong lahat. Ang pamilya ni Lia, Zack at Darius. Kahit wala si Darius alam ko namang naparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit ganito ang kinahantungan naming dalawa ay hindi siya mawawala sa puso at isip ko. Ikaw pa rin hanggang sa dulo, Darius. Hindi ako martyr sadyang siya lang ang nagparamdam sa 'kin ng ibang saya na alam ko sa kanya ko lang mararanasan.

Ito na ang araw kung kailan ang huling pagkikita at pagsasama namin ng mga magulang ko. Masakit man tanggapin pero kakayanin ko. Bumibisita na rin ako sa doctor dahil sa emotional at mental breakdown. Halos araw gabi akong umiiyak, hindi ko mapigilan.

Nakasakay ako ngayon sa kotse kasama si Lia at Zack. Papunta na kami sa paglilibangan kila Mommy at Daddy.

"Ahm Aisha kain ka muna oh" sabi ni Lia sabay bigay sa akin ng pagkain. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya, alam ko na pati siya ay apektado sa mga nangyayari.

"Sige na, Aisha myloves kainin mo yan. Promise gaganda ka na ulit" sabi ni Zack sabay tawa. Alam ko ring pinipilit nila akong pasayahin. Napangiti ako.

"Thank you" I said and start eating, habang umaandar yung kotse ay kumakain ako. Nakita kong napangiti silang dalawa. Naubos ko 'yun at inabutan ako ng tubig ni Lia.

"Nabusog ka ba? Kain ulit tayo mamaya ah tas pahinga ka pagkauwi natin" sabi ni Lia sabay abot sa akin ng tubig. Ininom ko naman yun, pagkatapos ay tumingin na ulit sa labas ng bintana. Malapit lapit na rin kami.

Nang makarating kami ay marami nang tao may mga hawak na lobong puti. Most of them are my parents friends, business partners, employees and relatives. Nakita ko ang mga pinsan,tita at tito ko. Lumuwas pa sila galing ibang bansa para rito. Naramdaman ko sila ngayon at alam nila kailangan ko sila.

"Condolence, Aisha. I know that its hard for you, but I know that you can do it. We are here if you need help your uncles and aunties" Tita Leni said. She hugs me and caress my hair. I wish mommy was here by myside.

The ceremony start and all the people are sitted. As the father starts the ceremony, everybody stay quiet. Pagtapos ng ceremony ay nagbigay naman ng eulogy ang mga taong malalapit sa kanila. Unang nagbigay ng eulogy ay ang mga relatives, sila Tita Dani at Tito Darius. Sumunod ang parents nila Lia at Zack. Nagbigay din ng mensahe sila Lia at Zack. Ang huli ay ako. Tumayo na ako at pumuntang harap. Nahirapan akong maglakad dahil sa panginginig ng mga binti ko. Naninikip ang dibdib ko at alam ko kitang kita sa mga mata ko ang lungkot at hinagpis. Tumayo ako sa harap ng mic at nagsalita na.

"Hello Everyone, I want to say thank you for coming here" nanginginig ang mga boses na sabi ko. Napahawak ako ng mahigpit sa mic na hawak ko. Nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "So yeah I want to say goodbye to Mommy and Daddy for the last time. I know that both of you love me. You treat me like a very precious diamond and a miracle. Kasi alam niyo po ba hindi nila akalain na magkakaanak pa sila, but I came to their lives and gave them a beautiful light to their lives. Mommy... Daddy I really miss both of you... I miss how you caress and hug me, Mommy. Yung mga panahong nagkukulitan tayong tatlo. Miss ko na yung bonding natin, miss ko na 'yung kakulitan niyo. Miss na miss na miss ko na lahat. Daddy... I really miss the way you express your love for me. I miss everything, I'm sorry because... I know na ako ang may kasalanan... Ako Mommy Daddy sorry sorry ako ang may kasalanan. I love you Mommy... Daddy" napahagulgol ako sabay ng pagluhod ko sa lupa. Naririnig ko ang iyakan ng tao sa paligid ko. Naninikip dibdib hindi ko na kaya. Nilapitan ako ni Zack at Lia, tinulungan nila akong bumalik sa upuan ko.

Ang sakit makita na ililibing mo ang sariling mga magulang mo, ang sakit sobra hindi ko kaya. Tinabunan na sila ng lupa habang ako ay humahagulgol lang at walang magawa. Pag-iyak na lang ang magagawa ko. Kahit sabihin nilang huwag ko sisihin ang sarili ko, wala e andoon yung guilt. Nang matapos ay nagpalipad sila ng mga puting lobo at nagpaalam na mauunang nang umuwi.

Wala na ang mga tao, ako na lang ang natirang nakatayo dito. Nakatitig ako sa kawalan. Habang nakatayo ako doon ay napansin ko may isang lalaki mula sa kalayuan. Nakatitig ito sa akin, tumayo ako para makita ko ang mukha niya ng malapitan. Nakatitig lang ito sa 'kin. Nang maaninag ko ang mukha niya ay nagulat ako. Bigla siyang sumakay sa kotse niya at umalis. Napaluhod ako dahil sa panghihina.

"Darius" sambit ko sa pangalan niya.

Siya yung nakita kong nakatayo at nakatitig sa 'kin.

The day after ng makita ko si Darius ay lagi na akong nagbabasakali na babalik pa siya, kahit alam kong hindi na. Lagi akong naghihintay sa labas ng condo niya, pero wala.

"Lia, aalis ako" matamlay kong paalam sa kanya. Napatayo siya bigla.

"Huh? Saan ka pupunta samahan kita, hindi ka pwedeng mag-isa" natatarantang sabi niya "Wait lang hintayin mo 'ko dyan magbibihis lang ako.

Nang makapagbihis siya ay bumaba na kami sa parking.

"Saan tayo punta?" tanong niya habang nagdadrive

"Sa bar nila Kuya Ali" sabi ko habang nakatingin sa labas. Tumango naman siya at hindi na nagsalita.

Ang hapdi ng mata ko dahil sa kakaiyak at ngongo pa ako magsalita dahil sa baradong ilong. Yes, I know that its not easy to get over with this situation, but I'm trying to be fine. I just want to relax my body for the last time and diretso na ako sa therapy ko. Yeah that's right I'm visiting a psychologist, because of trauma and stress.

"Andito na tayo" sabi ni Lia. Pinatay na niya ang makina ng kotse. Lumabas na kami at pumasok na sa loob ng bar. It is not the kind of bar na puro usok at mga lasing. Minsan may mga lasing, but not so wild, maybe.

Nakita ko si Kuya Ali na kakababa pa lang ng stage.

"Hey, Aisha. Ahm what are you doing here?" Kuya Ali asked

"Getting some drink, I guess. Not totally heavy drink, Okay? A wine will do" I give him a weak smile. He gets the wine under the counter.

"Getting laid? I'm sorry for your loss. I know its hard, but I know you can handle it" nagsalin siya sa isang wine glass "Here's your drink baby girl and for you Lia" he smiled. I mouthed him thank you.

"Thanks" Lia said and drink her wine.

"Maiwan ko muna kayo" paalam ni Kuya Ali. Tumango ako at tiningnan ang mga taong nakapaligid sa akin.

"Aisha?" Lia called me. I just respond with a hum "We have to visit your psychologist tomorrow. Just to check if your really really okay, but I think you're not" she said.

Tumango ako at sumisim ng wine. Napatingin ako sa harap may nagpeperform doon. Tumayo ako.

"Oy saan ka pupunta?" tanong ni Lia tinuro ko ang stage sa harap. "Anong gagawin mo?" tanong niya

"Tutogtog" sabay lakad papuntang stage. Kinausap ko 'yung nagbabanda na baka pwede silang tumugtog at ako ang kakanta. Pumayag naman sila. Tumayo na ako sa harap ng mic.

"Good evening, everyone. Gusto ko lang sana mag-alay ng kanta sa mga iniwan, nang-iwan, pinagsawaan at ...... sa mga pagod nang magmahal, parasa inyo itong kantang 'to" pinikit ko ang mata ko ng marinig na ang tugtog ng mga instrumento.

Nakatulong ba nung lumayo ako
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto
Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo

Inalala ko isa-isa lahat ng mga pinagsamahan namin ni Darius. Ang unang pagkikita namin. May tumulong luha sa aking mga mata, pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagkanta ko.

Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad
Paalam
Kahit nasa'n ka man

Oooh oooh oooh

Alam kong pagod ka na, pero ako hindi ako mapapagod mahalin ka. Wala ka man sa tabi ko napagod ka man sa akin. Sana alam mong minahal kita ng todo.

Nahanap nga sarili mo
Nawala naman ako
Masisisi mo pa ba
Kung ako'y susuko na

Hindi mo man mapakinggan
Ang aking mga dahilan
Maitatanggi mo bang
Mahal na mahal kita

Sa aking paglayag
Tiyak ika'y masasaktan
Hangad ko'y maintindihan
'Di maintindihan

Na sa tamang panahon
Hinding-hindi na iiwan
Kung 'yong pagbibigyan muli
'Di kayang pagbigyan muli
Kahit anong gawin
'Di na mababalik ang dati

Paalam, salamat
Salamat sa lahat

Balang araw ay makikita mo
'Di ka sana lumayo
Kung paglisan lang ang dahilan
Sa ating hangganan
Ikaw pa rin sana

Pero kung dumating ang panahong pagod na akong maghintay sayo mahal ko sana maintindihan mo na napagod na rin ako tulad mo. Sana pinagbigyan mo ako ng kahit isang pagkakataon na mahalin ka pa, kaso lumayo ka agad. Mahal na mahal kita.

Darius

-yannaklair


Song:
Patawad, Paalam by Moira Dela Torre and Belong to the zoo

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...