Winter's Point Of View
___
Putangina namang babaeng 'yon, ang sungit talaga kahit kailan. Ewan ko kung anong nagawa ko para magalit siya sa akin, basta ang alam ko ay wala, mabait kasi ako. Mabait na guwapo. Hindi ba siya nagsisisi? Kasalanan kayang sungitan ang guwapong katulad ko, dapat ginagalang ako!
"Bro, ang bad trip ng kapatid mo pero mas nakakainis ka." Tinakip ko ng malakas ang balikat ni Nath.
"Ano bang ginawa sayo?" Natatawang saad niya.
Mas lalong kumunot ang nuo ko habang inaalala ang nangyari kanina noong naghanap kami ng babaeng taga Aquam tapos niisa walang nagsalita sa amin, siyempre 'di ko kinaya kaya sinubukan ko siyang kausapin pero iniirapan lang ako at hindi sinasagot.
"May galit ba 'yon sa mga lalaking guwapo?"
"Winter my man, hindi siya galit sa amin baka sayo lang." Isinara ni Nix ang librong binabasa niya saka tumingin sa akin.
"Well, wala talaga siyang galit sa inyo kasi hindi naman kayo guwapo!" Pero siyempre biro lang 'yun, wala kayang pangit sa mundo lahat ay guwapo at magaganda, pero nangunguna ako sa mga listahan ng mga pogi. "Sa'kin siya may galit kasi guwapo ako, okay?"
Padabog akong humiga sa kama. "Ang sungit-sungit hindi naman kagandahan, tsk!"
"Baka nakakalimutan mong kapatid ko ang pinag-uusapan natin dito." Humiga si Nath sa tabi ko, pero hindi ko siya nilingon dahil nakatitig ako sa kisameng kulay puti, which is ang boring.
"Kaya nga magkapatid kayo kasi hindi ka kagandahan."
"Maybe she hates you because of you being an ass."
"Sky, tao ako hindi pwet, okay?" Umiling-iling ako.
Napangiwi na lamang ako dahil tumunog ang tyan ko. Hindi kasi ako nakakain ng maayos dahil sa babaeng 'yon, kaka-serve pa lang kasi ng in-order namin ay naubos niya na tapos mabilis na umalis. Hindi ko tuloy naubos ang pagkain ko at sinundan siya. May hinala na nga akong may demonyo rin sa tyan niya kaya gano'n.
"Dude, nag-iingay na ang tyan mo. 'Di mo ba papansinin?" Nilingon ko si Nath na nakatingin rin pala sa akin.
"Hindi kasi ako pinakain ng kapatid mong topakin." Sumimangot ako.
"Hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Nath kaya tinaasan ko siya ng kilay saka tumagilid ng higa para magkaharap na talaga kami.
Malapit ang mukha namin sa isa't isa dahil nga tumagilid ako. "Ngayon nag-aalala ka na."
"Of course! I mean, it's because of my sister that you're feeling hungry now."
"Yeah, it's totally her fault," I whispered.
"Eat," he said, and it sounded to me that he is commanding me and I definitely hate it.
"Kainin kaya kita." Ngumisi ako saka bumaba ang tingin sa katawan niyang walang damit na pang-itaas. "Mukha namang masarap ka."
He smirked and slowly looked down on my stomach where my abs was. "Oh yeah?"
I bit my lower lip as I slowly caress his cheeks down to his collar bone. "Yeah..."
"WHAT THE F-STOP IT YOU TWO!"
Napatawa kaming dalawa ni Nath nang sumigaw si Nix. Tinulak ko ng marahan si Nath at bumangon mula sa kama, natatawa kong tinignan ang dalawang lalaking nasa harapan namin. Disgust is written on Nix and Sky's face. Sky's mouth are wide open while his hands are covering Luna's eyes, and Nix is looking at us with a book on his hands, ready to throw it on us.
"Bro, calm down, we're just playing around." I laughed.
"Bro, nakakadiri!" Umiling-iling pa si Nix saka itinapon ang libro sa kama. "Muntik ko na kayong batuhin."
Nath's laugh filled the room. "You should look at your faces."
"My mind just got polluted." Hinilot ni Sky ang ulo niya at umupo sa isang kama. "Please don't do that again, I might faint."
"Yeah-yeah." I rolled my eyes as I wear my shirt and jumbled my wet hair. "I'll go out to by some food, do you want anything?"
Lumapit ako sa mga bags namin na nakakalat lang sa sahig, kinuha ko ang bag ko at saka kinuha ang pera sa loob. 'Di ako sigurado kung may tindahan pa bang bukas sa ganitong oras pero gutom na talaga ako kaya kung walang tindahang bukas gagamitin ko ang charm ko para manghingi.
"Pera mo ba gagamitin?" Rinig kong tanong ni Nath.
"Siyempre..." Isinara ko ang bag ko at tumayo saka nag-tungo sa pinto. "Siyempre hindi. Ibigay niyo mga pera niyo, bilis."
"Tsk, huwag na lang," malamig na saad ni Nix.
Ngumiti ako. "Bibilhan ko kayo pero pagbalik ko bayaran niyo ko ha?"
Tumango sila habang hindi nakatingin sa akin. "Ano pong gusto niyo?"
"Ice cream."
Kumunot ang nuo ko sa sinabi ni Sky. "Kakakain mo lang ng ice cream, kakain ka na naman?"
He met my eyes and started pouting. Wala na akong nagawa kung 'di bumuntong-hininga at tumango. I hate it when he does that, I mean, parang nahahawaan na siya ni Trisha, dikit ng dikit kasi.
"Ano pa?"
"Ice cream lang din," sabi ni Nix.
"Alright, whatever, assholes." Kumaway ako saka tuluyan ng lumabas.
Napailing na lamang ako saka sinuklay ang basa kong buhok gamit ang daliri ko. Dali-dali akong bumaba sa hagdan habang inaalala ang nangyari kanina. It all went bad, akala ko tumigil si Angel dahil kakausapin niya na 'ko ngunit nagkakamali pala ako, sinampal niya ako ng malakas dahilan para mapatingin sa amin ang mga tao at napahiya ako.
Sana pala hindi ko na lang siya kinulit, hayan, nasaktan ang guwapo kong mukha. Noong nakapasok ako sa room namin ng boys ay agad kong tinignan ang mukha ko sa salamin kung may damage ba pero wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nang makarating sa baba ay lumapit ako sa isang staff at kinindat iyon. "Hi miss, can I order some ice cream and some drinks."
Mukhang umepekto naman ang charm ko kasi humalikhik ito at pumula ang pisnge. "Yes, sir."
Ang lakas ko talaga!
"Oh..." Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. "Do you have some cakes?" Tumango siya kaya napangiti ako. "Give me two."
Nahihiya siyang ngumiti sa akin at tuluyan na ngang umalis. Umupo ako sa sofa at pinag-krus ang perfect kong legs. Nagpalabas ako ng ice sa kamay ko at ginawa iyong hugis tao, isang batang lalaki at batang babae.
I smiled bitterly when I remembered her. Her beautiful smile and beautiful face, all about her is beautiful... but it all changed. She rarely smiles, she always looked unhappy and her heartbeat is slow so I can tell that she is sad. Maybe I was the one who made her sad, because I left her...
"Sir..."
Pinikit ko ng madiin ang mata ko sabay kuyom ng aking kamay dahilan para mawala ang yelo sa palad ko. Huminga muna ako ng malalim bago minulat ang mata ko saka ngumiti.
"S-Sir, here's your order," nahihiyang saad ng staff saka inabot sa akin ang mga in-order ko na mabilis ko namang kinuha.
"Here." Ibinigay ko ang bayad saka nilagpasan ang staff.
Tumakbo ako pataas gamit ang hagdan pero napatigil ako nang may naramdaman akong kakaiba. Bumagal ang lakad ko at tumingala sa taas, kumunot ang nuo ko saka nag-madali uling umakyat pataas.
"W-Who are y-you?"
I heard a familiar voice. I tilted my head in confusion and walked slowly. Nang makarating ako sa floor namin ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita, tila ba bumigat ang dibdib ko habang nakatingin sa babaeng pinapalibutan ng itim na usok.
Phantom!
Nahulog ang mga pagkaing binili ko na siyang nagpabalik sa akin ng diwa, akmang gagalaw ako ngunit bigla na lamang nanigas ang aking katawan sa 'di malamang dahilan. Napalunok ako at naramdamang tumutulo na ang pawis na bumuo sa nuo ko kanina.
"Rain!"
Dahan-dahang umangat ang ulo niya at sinalubong ang mga mata ko. I saw fear in her eyes, and it makes me angry. I'm forcing my body to move but it did not move, it likes that someone is controlling my body. Naramdaman kong lumalabas na ang mga ugat ko sa kamay at leeg habang pinipilit kong igalaw ang aking katawan.
I saw how she closed her eyes as the black smoke took her. She whispered my name as she vanished into thin air. Nagalaw ko ulit ang aking katawan ngunit huli na 'ko, I failed to save her. Napaluhod ako habang nakakuyom ang mga kamay ko.
Frost of ice are slowly filling the area of where I was kneeling. Cold tears flowed down into my cheeks, and it'll turn into ice when it touches the floor. I failed, I failed to save her again. Nagsimula nang lumamig sa buong lugar pero wala na akong pakialam.
"Rain..." I whispered and felt my eyes glowed.
"Winter!" Narinig kong may sumigaw pero hindi ko 'yon tinignan. "What fucking happened, you idiot?!"
"I failed..."
"Anong ibig mong sabihin?" May humaplos sa likod ko. "Ihhhhh, nag-take ka ba ng exam? Sorry, puwede ka namang bumawi next time. 'Wag ka na iyak, hihi."
"Winter."
Napaangat na lamang ang ulo ko dahil narinig ko ang seryosong tinig ni Nath, saka ko lamang nakita ang mga kaibigan ko. May bahid ng pag-aalala sa kanilang mga mukha. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mata ko saka pinigilan itong pumatak muli.
Tangina, nakakahiya sa mga babae!
"Anong nangyari?" tanong ni Musa.
"Rain..." I gulped the lump on my throat. "The Phantoms took her. I saw it."
"So the Phantoms learned how to hide their magic, that's why I didn't felt it," sabi ni Angel habang nakahalukipkip.
Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. I licked my lips and cleared my throat. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil nararamdaman ko ang masamang tingin ng kapatid niya sa akin. Puta! Ba't ba kasi ganiyan ang suot ng babaeng 'yan, muntik ng mag-hello 'yung isa ko pang ulo sa baba, buti napigilan pa.
"I gave Rain a crystal and we can track her if she smashed it." Sumandal si Nath sa pader ng hotel. "Ang magagawa na lang natin ay mag-hintay na basagin 'yon ni Rain."
"Wait..." Lumapit si Nix kay Nath. "Alam mo bang may Phantom na nandito?"
Nath tilted his head and flashed a smirk. "I knew that the Phantom is following us. Magandang ideya ang paghiwa-hiwalay natin kaya nalaman ko kung sino sa atin ang sinusundan ng Phantom, and just like I thought, it was Rain."
Nagtagis ang bagang ko matapos marinig ang sinabi ni Nath. "So, you took Rain as a bait, huh?"
"I did not." Tumiim ang titig niya sa akin habang nakahalukipkip siya.
His dark stare made my tongue back off, Nath really is scary when he's serious. I know he had a plan on mind so I'll just let my anger pass. I'll trust him this time.
They looked around only to see the frosts that I've made in the hallway.
"You cried," he said and smiled softly. "Your cold tears are really is powerful."