Do You Know How? (COMPLETED)

By Macouronne

9K 517 48

Hazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She... More

DID YOU KNOW?
ALSO FROM MACOURONNE
(DYKH) ENROLLMENT
(DYKH) HIGHSCHOOL
(DYKH) GRADES
(DYKH) SLEEPOVER
(DYKH) SKETCH PAD
(DYKH) BLACK SHIRT
(DYKH) SPELLING BEE
(DYKH) MOBILE LEGENDS
(DYKH) DREAM
(DYKH) HOMETOWN
(DYKH) RIGHT
(DYKH) SECOND YEAR
(DYKH) BEFRIEND
(DYKH) PENCIL
(DYKH) HE'S NATH
(DYKH) INTRAMURALS
(DYKH) CONFESSION
(DYKH) LIKE
(DYKH) DRAFTING
(DYKH) FESTIVAL
(DYKH) TRANSFER
(DYKH) MINUTE
(DYKH) HONEY
(DYKH) ATTACHED
(DYKH) PARTNERS
(DYKH) PROM
(DYKH) STAY
(DYKH) OFFICIAL
(DYKH) VACATION
(DYKH) MEMORIES
(DYKH) CLAIM
(DYKH) GOODBYE
(DYKH) GIRLFRIEND
(DYKH) FAIL
(DYKH) ARCHITECT
(DYKH) TUTOR
(DYKH) STRANGERS
(DYKH) DAY-1 & 2
(DYKH) DAY 3
AUTHOR'S NOTE
(DYKH) DAY 4 & 5
(DYKH) REALIZATION
(DYKH) HOPE
(DYKH) I KNOW HOW
DENOUÈMENT
ACKNOWLEDGEMENT
SPECIAL SHORT CHAPTER
SPECIAL SHORT CHAPTER 2

(DYKH) SELF-PROCLAIMED

105 7 0
By Macouronne

Today's the poster making contest, I already picked a draft I'm going to use for the contest. And because I am the representative of our section, I'm excused. ALL SUBJECTS!

I'm all set, mabuti na lang talaga at nagawa ko na ang lahat bago pa sumulpot ang mga isipin ko.

For my sake! Sana pinatapos na lang nila muna 'yung school programs bago sila gumawa ng alam nilang ikakapagpabagabag ko. Swear, kung wala pa akong drafts at nagkataon na umamin si Renz? Matatalo lang ang section namin.

But, it's not only Renz. I'm with Nath right now, and he's annoying me! Pinagsama-sama kami rito sa iisang room upang mapaghandaan ang lahat. I don't want to be seated beside him pero gano'n ang nangyari.

"Ba't ba ang sungit mo?" He complained. Wow, kasalanan ko pa kung bakit naiirita ako sa kaniya?

Hindi ko siya nilingon at inilibot na lang ang paningin sa buong room. 'yung ibang section ay walang representative, iilan lang talaga ang may angking husay sa larangan ng arts.

"Stop." I hope a word would stop him. Gusto kong magfocus dahil minsan nang nagulo ang isipan ko habang nasa kagitnaan ako ng contest at hindi maganda ang nangyari. I don't want to repeat the same mistake again.

Ang mga umuulit ay hindi kailanman natuto.

May pumalakpak na isang teacher na nagbabantay sa 'min.

"Okay, Choose a partner! 2 person per table."

Agad kumilos ang mga representative ng iba't ibang seksyon. Sana naman ay may matira sa 'kin. Ang bilis nilang makahanap ng kapareho! Ang hirap talaga ng walang...jowa-este, kaibigan.

"The universe said your mine." Isang bulong mula sa likod ko. Umirap muna ako sa harap ko bago ko siya binalingan.

"But I refuse to believe your hypothesis."

"Err, stop being a walking-sciencebook. Everytime I follow you, It feels like I'm following a breathing-encyclopedia." reklamo niya. Bakit ba malababae siya kapag nagpapakawala ng reaksyon? Noong nagkita naman kami dati sa milktea shop medyo matino pa siya.

"Hindi ko na problema 'yon." Irap ko pa. At dahil magkaharap kami, siguradong iniisip na nila Ma'am na kami ang magkapartner. They are starting to leave the room. Inayos ko na ang gamit ko at naunang lumabas. Bahala na siya kung sumunod siya. He's just my partner, not my tail.

When I reached the covered court, there are names posted on the table. Nilapitan ko na ang table na naka-assign sa 'kin. Baka nagmumurahan na 'yung apelyido naming dalawa.

Wala na akong pakialam kung dalawa kaming maghahati sa table na 'to. This should me my table. Not ours nor his. My table. Isa-isa kong nilabas ang gamit ko at ikinalat sa table.

Sorry, but I can't share what's mine.

I didn't leave any space kasi it's my table naman. So I started scattering my chosen bright colors and arranged it by its luminosity. I grabbed my drafts and placed it near the pens.

They told us to start so I took out my illustration board and did the measuring part. I used my mechanical pencil to sketch. Malakas ang ihip ng hangin dahil nasa labas na kami so I decided to tie my hair in a bun. Medyo hindi kahabaan ang buhok ko kaya nay nakakatakas na hibla but I don't care.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-s-sketch nang gumalaw ang table ko. Seriously! Bwisitin niyo na ako't lahat sa kahit anong okasyon, 'wag lang kapag nag-s-sketch ako!

I looked up to see who was it pero nang maalala kong isang tao lang naman ang makakasama ko sa table na 'to ay itinuloy ko ang pagguhit. After all, mas mahalaga ang drawing kaysa sa kaniya.

10 minutes passed and some are submitting their work. Tsk, hindi pa nga ako tapos ikalat ang unang kulay, nagpapasa na sila. Wow, speed.

"Hijo, bakit nasa baba ka?" Tinig ng isang ginang ang nakapag-pahinto sa ginagawa ko. Tumingin ako kung sino ang nagsabi nito at nang makita ay sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Poor little boy, sa lapag gumawa.

"Ayos lang po." rinig kong sagot ni Nath nang sabihin ni Ma'am na baka marumihan ang ginagawa niya kapag nagpatuloy ito sa pagkulay sa baba.

That's his punishment for not saying the truth!

Ayoko talaga 'yung napapahiya ako, pero napahiya ako ng dalawang beses dahil pinagmukha niya akong tanga.

Another 10 minutes and another...and another...and I'm almost finished!

Hindi na naulit ang paggalaw sa 'king lamesa. Sinulyapan ko ang kinauupuan niya at nahagip ng mata ko ang gawa niya.

Wow

Speechless...

Alam kong maganda akong gumawa pero iba 'yung sa kaniya. It's...unexplainable. I managed not to look impressed of his work when he shifted his eyes on me. His lips curved in a smile that's why I rolled my eyes on him.

No, Hazel. Trust your work! Mas maganda 'yung akin.

Mas maganda 'yung akin...

Mas maganda 'yung akin...

Mas maganda 'yung akin...

Mas maganda 'yung-shet, ang ganda 'nung sa kaniya!

I submitted my work even if I doubted I would win. I reckoned it's his way of impressing people. He's using arts. I'm so fond of people who uses arts to impress others. But I need to remind myself that I'm also fond of people who uses science to amaze others.

Kailangan kong maghintay dahil ngayon din ang resulta. Nang matapos ako kanina ay nawala ang naramdaman kong tensyon. Last year, I was unfortunate dahil hindi ako nakasali. Ngayong kasali na ako, hindi ko naman sigurado kung mananalo ako.

"Nervous?" Bigla ay tumabi sa 'kin ang lalaking kinaiinisan ko. I heaved a sigh and turned to him.

"There's no reason to feel nervous." I confidently said.

"That's why you're sweating, baby." cringed. Literal na nagtayuan ang balahibo ko nang hawiin niya ang nakaladlad kong buhok sa mukha.

"Stop calling me names, pwede ba?" Iritado kong hasik. He chuckled and guided me back to the room. Ewan ko kung bakit kami babalik pero sabi raw ay doon na kang maghintay dahil mainit sa court. Hindi ko naman narinig na sinabi 'yon.

"So what should I call you then?" nakangisi niyang tugon. Ginawaran ko siya ng isang irap bago umupo sa pwesto ko kanina.

"My name, ano pa ba?"

"And what is your name?"

"Alcantara." akala niya maiisahan niya 'ko? No way, he should die finding my name.

"Ba't di mo na lang sabihin ang pangalan mo?" He pouted. Huminga ako ng malalim at mariing napapikit. This boy...he's testing my patience.

Isn't he aware that he looks like an annoying angel when he pouts?

"I don't need to."

"Asawa mo naman ako pero hindi mo sinasabi sa 'kin kung anong pangalan mo." Pagdadrama niya. I hate this guy, para siyang bata! Anong akala niya sa kasal-kasalan na 'yon? Legal? I swear, nakaka-inis mang aminin ngunit seryosong namimiss ko na 'yung Nath na tahimik at misteryoso.

"Didn't you know that someone who claims what's not his goes to hell?"

"Then I'll bring you with me." He answered.

"For what? For us to suffer together?" natatawa kong tugon. Sinadya ko itong haluan ng himig ng sarkasmo.

"Nah, so that satan would thank me 'cause I brought heaven down to hell."

Ew.

Nath and his cheesy pick-up lines.

But...why is there something in me...fluttered when he threw his line?

No, I'm sure gutom lang 'yon.

"Hindi mo 'ko makukuha sa ganiyan, Natanyel." Wala talaga akong magagawa rito sa loob ng kulob na silid na 'to kundi makipag-usap sa kaniya habang hinihintay ang iba na matapos.

"Assuming, kailan ko sinabing kukunin kita?" Napatingin ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay. Is he a deaf now? 'di ba ang sabi ko ang corny niya?

The heck.

Did I say what was supposed to be lodged just in my head?

"P-pwede na bang lumabas?" bawi ko sa unang nasabi. Medyo nautal pa ako nang sabihin ko ito. Unti-unti ulit napupuno ng mga estudyante ang silid na ito. Muli akong bumaling sa lalaking 3 inches lang ang itinangkad sa 'kin.

"No. Stay with me, potato."

"Potato?"

"Yup. Potato." He smiled. Saan nanggaling ang salitang patatas?

"Hindi ka ba talaga titigil sa katatawag ng ganiyang pangalan sa 'kin?" I hate Nath and his guts! Kaibigan ko ba siya para umarte siya ng ganito? Oh yes, I remember myself saying we're friends kahit sinusungitan niya ako.

"We're couple, you see? You're my potato and I'm your fries."

'you're my potato.'

'you're my potato.'

'you're my potato.'

GRRRRRRRRRRRRRRRRR!!!

God, help me deal with him.

I composed myself, hoping he'd stop talking. Dahil kapag ako napuno, baka pareho kaming maguidance nito. Wala pa naman kami sa libro kung saan nag eexist ang nagbugbugan pero nagkatuluyan.

Dito, Magbubugbugan hanggang matuluyan.

"I'm no one's property."

"You were." he smirked. And with just one smirk from him? All the rational thoughts left my brain.
Nakakailang lunok na ako ngunit hindi pa rin siya nag-iiwas ng tingin. Bakit...ganito ang epekto niya? Nakuha niya ba 'yung ex niya sa ganiyan?

Ano ba 'yan, Natanyel! Malulunod na 'ko sa titig mo!

Wait-what?

Nah, gutom lang 'yan.

"Stop claiming me as yours." matabang na sabi ko. At dahil ayaw niyang alisin ang tingin niya ay ako na ang nag-iwas. Nang mapuno na ay pumasok na rin ang tatlong teacher na nagbabantay sa 'min. And... Oh my God!

May dala silang tatlong illustration board and swear, nakikita ko 'yung akin!

Nanalo ba 'ko?

"Here's the result. If you heard your name please come infront to receive your certificate." said one of the teachers. I beamed excitedly as the board revealed its owner. That's mine! My name's written above! That's my piece!

Sa silid lang na ito ginanap ang awarding, medyo mabilis lang din ang pagpili nila. Hindi naman kasi dapat pinatatagal dahil dapat pagka-submit pa lang namin, may grade na.

"Yuchris H. De vera"

Wow, the bastard's here pala. I didn't recognize him because of his new hair cut.

He stood up and smiled on us like a Mayor advocating to gain vote. I really hate him plus the idea of my bestfriend having a crush on him.

He shook hands with Mrs. Valdez, our principal.

3 shots are taken before he took the place alongside them. This bastard has a talent. I wonder if it's a curse or a gift.

"Hazel ann F. Alcantara."

Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ang buong pangalan ko.

Uh-oh.

My name... Narinig niya kaya?

I looked at Nath and he gave me a smile. He mouthed something I couldn't understand. Hindi na naman ako maka-alis sa kinauupuan ko! Alam kong narinig niya and it ruined by supposed revelation scene!

"Where is Hazel ann F. Alcantara?" pag-uulit sa 'king pangalan. I shifted my gaze to the teacher who called my name. I confidently stood up and walked towards Mrs. Valdez.

"Congratulations!" They greeted as I showed them my victory smile. Even though I'm a bit disappointed because of my ruined plan, I still have to smile. Gosh! I made it!.

Lumipas ang ilang segundo nang tawagin ang susunod na nanalo. My heart stopped for a while when I heard who is it. Damn, I'm not the winner! I didn't win!

He's the champion...

He stole my title!

"Remove that expression from your face, you look like an annoyed potato." Bati niya sa 'kin nang tumabi ito. I sighed and closed my eyes. Gusto ko mang ipakita na naiinis ako ay hindi maari. Narito nakakalat ang mga camera na pwedeng makuhanan ang kahit anong ekspresyong ilalabas ko.

"I'm annoyed but I'm not potato." nagtitimping giit ko. Nakangiti ako habang sinasabi ko ito, my hidden talent.

"Wrong grammar, baby. You should've said I'm Nath's potato" Grr! Saan niya nakukuha ang lakas ng loob para ganituhin ako? He's also smiling while throwing those words! Kailan ba talaga siya titigil?

I said I'm NOT potato!

"Smile!" sigaw ng isang estudyanteng napag-utusan kumuha ng litrato namin. Ngumiti ako at ilang sandali pa ay natapos na ang program.

Hindi ko na ginustong komprontahin si Nath sa mga ginawa niya. I lost energy! Minabuti kong ayusin na lang ang artmats ko na kasalukuyan ay hindi ko pa pala na-a-arrange ng maayos.

Pinulot ko ulit ito isa-isa at nang matapos ay isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. I could sense his presence just around me. Mariing napapikit na naman ako nang maramdaman ko ang paglapit niya.

"Galit ka?" bungad niya sa sa likuran ko. I continued arranging my things. Nang matapos ay tinalikuran ko na siya.

I was gonna answer but I opted not to. Mahal ang laway ko para lang pagalitan siya na alam kong hindi naman marunong sumunod.

Patuloy lang ako sa paglakad, hindi ko na nga alam kung susunod ba siya. Bakit ko pa ba iniisip? Nang makarating sa ikalawang palapag ay biglang may humarang sa 'kin. 'yung isa ay pamilyar, 'yung isa naman ay hindi.

"Ate, ano raw po pangalan mo sa facebook?" Raw...Bakit may 'raw'? So what does he mean? Hindi siya ang nagtatanong?

Someone admires me secretly, huh?

"Wala akong FB, eh." I lied. I wanna know who's behind this question. I reckoned it's him, but I need a proof. Hindi rin naman imposible na may magka-crush sa 'kin sa ibang section dahil gala kami ni Lei sa buong campus.

They smiled and left me there. Mabilis ko silang hinabol ng patago at napakagat-labi na lamang ako nang makitang kausap 'nung dalawa si Nath.

''Ayaw sabihin, eh!'' rinig kong reklamo no'ng isa.

"FB pala, ha." I beamed and walked back to our room. I'll change my facebook name later. He did know my name na so that's why.

Pagkarating ko sa tapat ng room ay naroon si Renz. Ala-una kasi nagsimula ang poster kaya excused ako all sub. May klase pa sila ngunit parang break time ata ngayon.

I told my self not to put malice in his every move. So far, hindi pa naman nagbabago ang pakikitungo ko. He smiled at me and waved his hand.

Tumayo siya para labasin ako. Aish, never in my dreams na hahantong sa ganito ang nararamdaman niya. I hope it would stop there, just crush. Just like.

"Papasok ka?" He asked. Umiling ako at itinaas ang certificate ko. Napangiti na lang din siya nang mabasa ang nakasulat. I got the first place!

He hugged me but it lasted for about 3 seconds. Siya rin naman ang pumutol. He congratulated me and I invited him sa bahay. Hundred and one percent sure maghahanda si mommy dahil lang sa certificate na ipapakita ko mamaya.

"Hey, hey! Stop hugging her." Agad akong napa-pikit nang marinig ang pag-awat niya.

I formally introduced Renz to Nath. I need to be casual. Renz likes me, Nath claims me as his.

This is a huge mess kapag nagkataon.

"Nath, this is Renz, my bestfriend."

"Aww, nauna mo pa siyang pinakilala." pagdadrama ni Nath. Sa pananalita niya ay akala mo kung sinong matalik kong kaibigan. Umiwas muna ako ng tingin para umirap. Napakamot na lang ako sa noo ko nang masamang tinignan ni Nath si Renz. This boy...akala mo kung sino!

"Renz, this is Nath, classmate natin sa AP."

"Aww, I thought you're my wife?" Nagpipigil akong pumikit. Sa totoo lang ay ilang beses ko na siyang minura sa utak ko. I calmed myself down before answering him. Nanghihina ako ngayon, parang naubos 'yung energy ko nang malaman kong hindi ako ang mag-uuwi ng champion title.

Anyways, I got the first naman.

"Wife?" naguguluhang tugon ni Renz. Binigyan ko ng masamang tingin si Nath bago ko bigyan ng ngiti si Renz.

"Sorry, he's just hallucinating." I apologized. Natawa naman si Renz sa sinabi ko at agad na ginulo ang buhok ko. He's back! Renz is back!

"Sorry, just can't help to laugh." pagpapaumanhin naman ni Renz. Ang mahalaga ngayon ay ayos na siya. Masaya na akong makakauwi at makakatulog na ako ng maayos. Palagi na lang kasi akong nahuhuli matulog dahil lang iniiisip kung papasok ba siya.

"We're married. You see?" agad akong hinablot ni Nath at itinaas ang kamay ko. Ganoon din ang ginawa niya sa kaniya.

"Asan 'yung singsing?" Asked Renz. Pareho kaming ngumiti ng nakaka-asar. Does he expect the ring on my finger after what he did?

That's your another punishment.

"Asan 'yung singsing?" Bigla ay tanong ni Nath sa sarili niya. Binawi ko ang kamay ko at nginitian ko siya. Tumabi ako kay Renz at itinuloy ang pang-aasar.

"Asan nga ba 'yung singsing?" Nang-aasar kong tugon. Unfortunately, the bell rang. This freaking campus, ba't may alarm pa? Marami rin namang nagcucut ng class. Renz said goodbye as we parted ways. Nang balingan ko ang kaharap ko ay binigyan niya ako ng nalulungkot na pag-nguso kasabay ng pagtalikod niya.

Anong gusto niyang iparating? Gusto niya bang sundan ko siya? Tss, never.

All smiles, I walked opposite to his way. Napag-isip isip ko tuloy, noong kinukulit ko siya sa pangalan niya ganito rin kaya ang nararamdaman niya?

Patuloy lang ako sa paglalakad nang may maramdaman akong sumusunod sa 'kin. Nagsawalang bahala ako, kunwari. Nang makababa na ako sa building ay saka ako huminto.

"Kailan mo ba ako titigilan?" Bulong ko kahit nakatalikod pa sa kung sino. Na alam naman nating si Nath. Inuubos niya talaga ang pasensya ko. Bakit hindi niya na lang ako deretsuhin na gusto niya makipag-kaibigan?

"Dapat pinakilala mo 'ko ng maayos." maarteng tugon niya. Dahil doon ay hinarap ko siya para tignan ng masama. Ganoon pa rin ang mukha niya, mukhang nagpapaawa.

"Ano bang arte 'yan, Natanyel?"

"What's you facebook name?" Taliwas ang sagot nito sa tanong ko. Umiling ako, sa inis ay napaawang na lang at labi ko. Lumingon pa ako sa gilid ko para suminghap ng hangin.

"I don't have Facebook." mayabang kong tugon.

"Really?"

"Really." Pinal kong sagot.

"Then who's this?" Nakuha noon ang atensyon ko. May kung anong pinag-pipindot si Nath sa cellphone niya bago niya ito iniharap sa 'kin.

Umaawang ang labi ko sa ikalawang pagkakataon nang makitang iyon ang profile ko. Tinignan ko siya daretso sa mata at inirapan. Ang yabang 'nung ngiti niya!

Binawi niya ito at nagpipindot ulit. My phone vibrated inside my pocket. Saglit ko siyang binalingan bago ko kinuha at binuksan ang phone ko.

Nathaniel Andy sent you a friend request.

Hindi ako nag-atubiling idelete 'yon. Isang mayabang na tawa ang kumawala sa labi niya.

Muli siyang nagtype ngunit ang mata ay nakatingin sa 'kin. Pinag-taasan ko siya ng kilay.
Muling nagvibrate ang phone ko kaya umalis ako sa pagtititigan namin.

One message from Nathaniel Andy.

I opened it and saw a potato emoticon. Grr!

I sent him like. Ngumisi ako ng presko nang marinig na mahina siyang tumawa. Para kaming dalawang tanga na nakatayo lamang sa baba ng building na 'to.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko at gano'n din siya. He's smiling. Ako naman ay nakataas lang ang kilay habang pinapanuod ko ang paggalaw ng tatlong tuldok sa tabi ng DP niya.

Hindi pa tayo nagsisimulang mag-usap, nanlalamig ka na.

Sarkastiko akong nagpakawala ng mahinang tawa. Seriously? What does he want from me? Ang creepy na ng mga galawan niya!

Paanong nangyari ang ganito? He's so quiet back then, halos wala rin siyang kaibigan. And then all of a sudden he wants to play a game with me? Anong klaseng oxygen ba ang nasinghot niya?

Can you please stop hallucinating?

Sagot ko sa kaniya.

Ibinalik niya sa kaniyang bulsa ang cellphone na kanina ay hawak niya lang. Lumapit ito sa 'kin at walang pasubaling kinuha ang cellphone ko. I don't know what is he doing dahil literal na napako ako sa kinatatayuan ko sa bilis niyang gumalaw.

Ang isang kamay niya'y dumapo sa 'king buhok at ginulo ito. Doon na ako tuluyang nagbalik sa reyalidad. I was about to throw him a punch when he disappeared. Leche! Naisahan na naman ako!

Umuwi na ako kahit pwede namang makinig sa klase. Gusto ko lang magpahinga at hindi ko ito magagawa sa eskwelahan kung bawat akbay pa lang ni Renz sa 'kin ay tinatanong ko ang sarili kung lalagyan ko ba ng malisya o hindi.

Maaga akong umuwi, tulad ng inaasahan ay wala pa sila mommy. Bakit pa kasi kailangan ni mommy magtrabaho? Nandiyan naman si daddy. We need their attention too. We need them too.

Ngunit palagi na lang nabibigyang pansin ang trabaho nila.

All thanks to ate Selya.

Nagpaalam na ako kay ate Selya na bababa na lang kapag hapunan na. Ang tahimik ng bahay nang umalis ako rito, umuwi rin naman akong walang ingay na nadatnan.

Gusto kong matulog pero sumisilip pa rin sa balat ko ang sinag ng araw. I groaned as I closed all of the windows. I opened the aircon and put my earphones on. Pagod kong isinalampak ang sarili sa kama.

Habang pumipili ako ng kanta ay pumasok sa isip ko ang ginawa ni Nath kanina. Hindi man niya sabihin ngunit alam kong gusto niya akong kaibiganin tulad ng ginawa ko sa kaniya.

Minsan niya nang sabihin sa 'kin na iiwan niya ang girlfriend niya. Base on Nath's actions, mukhang naka-move on na siya. Infatuation, indeed.

I opened the gallery but no pictures are taken earlier. It must be in my notes.

As soon as I opened my notes, my mouth went open as a pinned note appeared on my screen.

See you tomorrow, potato.

Love, your self-proclaimed husband.
♡((づ ̄ ³ ̄)づ♡


WHAT.THE.HELL!

The way he writes...is he a gay!?

Parang mas babae pa siya sa itsura ng typings niya. Gusto ko sanang i-screenshot at i-send sa kaniya dahil ang bakla tignan ngunit pinangunahan ako ng tawa.

So for today's update.

I received two confessions from two boys.

One said he likes me, the other one said he's my husband.

Seriously?!

What on earth?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 129 15
Rhay, is one of the cuteboy of the campus, one of the soccer varsities. He became interested in playing the guitar so he thought of joining the Music...
6K 84 19
TRIGGER WARNING! Self harm, suicide, eating disorder, homophobic, biphobic, transphobic, trauma THIS IS A NICK AND CHARLIE STORY... I know I said it'...
118K 1.4K 52
Filipina-English self-proclaimed tomboy, Joe McCarthy moves to Ilkley, West Yorkshire, England and starts adjusting to a new life. She gets sent to G...
14K 783 24
This is the second book to my first book, Our Happily Ever After. Do not read this book if you haven't already read the first one. After you you rea...