Do You Know How? (COMPLETED)

By Macouronne

9K 517 48

Hazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She... More

DID YOU KNOW?
ALSO FROM MACOURONNE
(DYKH) ENROLLMENT
(DYKH) HIGHSCHOOL
(DYKH) GRADES
(DYKH) SLEEPOVER
(DYKH) SKETCH PAD
(DYKH) BLACK SHIRT
(DYKH) SPELLING BEE
(DYKH) MOBILE LEGENDS
(DYKH) DREAM
(DYKH) HOMETOWN
(DYKH) RIGHT
(DYKH) SECOND YEAR
(DYKH) BEFRIEND
(DYKH) PENCIL
(DYKH) HE'S NATH
(DYKH) INTRAMURALS
(DYKH) LIKE
(DYKH) SELF-PROCLAIMED
(DYKH) DRAFTING
(DYKH) FESTIVAL
(DYKH) TRANSFER
(DYKH) MINUTE
(DYKH) HONEY
(DYKH) ATTACHED
(DYKH) PARTNERS
(DYKH) PROM
(DYKH) STAY
(DYKH) OFFICIAL
(DYKH) VACATION
(DYKH) MEMORIES
(DYKH) CLAIM
(DYKH) GOODBYE
(DYKH) GIRLFRIEND
(DYKH) FAIL
(DYKH) ARCHITECT
(DYKH) TUTOR
(DYKH) STRANGERS
(DYKH) DAY-1 & 2
(DYKH) DAY 3
AUTHOR'S NOTE
(DYKH) DAY 4 & 5
(DYKH) REALIZATION
(DYKH) HOPE
(DYKH) I KNOW HOW
DENOUÈMENT
ACKNOWLEDGEMENT
SPECIAL SHORT CHAPTER
SPECIAL SHORT CHAPTER 2

(DYKH) CONFESSION

97 15 0
By Macouronne


"SIGURADO KA?" Asked Leira. I told her everything that has happened last week.

Nagsisisi na ako! Nakakahiya talaga. Parang gusto ko na lamang lumubog at maging hangin.

Pinag-salitaan ko siya ng kung ano ano dahil akala ko ay pinsan niya lang! I even said that I'm not against LGBTQ just to support him with his love life!

Sobrang nadidismaya ako sa nangyayari ngayon. At ngayon ko lang din talaga nagawang sabihin sa iba 'to. Masyado kasi akong tinutukso ni Lei kay Mr. Andrada kahit alam ko naman sa sarili kong hinding hindi ko magugustuhan 'yon.

I sighed before giving confirmation.

"Oo nga, nagsisisi na nga 'ko sa ginawa kong pangungulit, eh." Sising-sisi na ani ko. Sino ba namang hindi magsisisi kapag ginawa niya ang ginawa ko? Isa pang problema ko ay si Shai. Bakit naman kasi pinahuli niya ako?

Inilingan lamang ako ni Lei kaya pumasok na kami sa classroom. Nag-sorry na rin ako kay Renz at Leira sa nangyaring bigla kong pagkawala. Nasasayangan ako sa oras na iyon dahil mukhang maayos na si Renz. Walang minuto na hindi ako bumubuntong hininga.

Agad akong umupo sa pwesto ko at tumungo. Hindi na naman ata papasok si Renz sa first period. Sabagay, homeroom lang naman.

Dumating ang MAPEH time at hindi ko ninais na makinig sa idinadada ng aming guro. Ayokong pag-initan lalo't hindi maganda ang aura ko ngayong araw.

"So...Diamond II, nag-p-practice na ba kayo? Malapit na ang Festival dance natin, hindi ba?" Masungit na naman nitong tugon.

"Magsisimula na po kami mamaya." Sagot ni Ms. Pres. Dahil ayokong mabaling sa 'kin ang atensyon ay kinumbinse ko sila na mayroon na akong susuotin. Alam ko naman na ito ang pinoproblema ng halos sa aking mga kaklase.

Hindi naman nila kailangan isipin pa 'yon. I've told mommy 'bout it. Siya na ang bahala sa 'kin.

Nang magsimula namang magtayuan ang kaklase ko'y nagbalik ako sa reyalidad.

Lunes, ibig sabihin ay may Araling Panlipunan.

Nang ako na lamang ang matira sa room kasama si Rionne, nagsimula nang tumambol ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Bakit ba kasi kailangan pa ng ganoon? Dapat ay sinabi niya na sa una pa lang, hindi 'yung marami nang lumabas sa bibig ko saka lang siya magpapakilala.

"Una na 'ko Pres." paalam ko na tinanguan niya naman. Walang tigil ang pagpatak ng pawis ko sa ulo dahil lang sa kabang nararamdaman ko. It wouldn't be awkward, right?

Pagkatapak ko sa ika-apat na palapag ay nakarinig na ako ng ingay. Hindi ako pumila tulad ng parati kong ginagawa. Asan na ba si Leira?

Nakisabay ako pagpasok nila nang kaunti na lamang ang natira. Asan na ba 'yung kaibigan ko kung kailan kailangan ko siya?

Dahan-dahan akong naglakad papuntang upuan ko. Magpapanggap na lang siguro akong hindi ako apektado sa ginawa niya.

"Goodmorning." Bigla ay parang nabunutan ako ng tinik nang pumasok agad ang AP teacher namin! I thought I would have to fight the urge of me initiating a conversation!

"We don't have a class—"

Hindi na pinatapos ng mga magagaling kong kaklase ang sinasabi ni Ma'am dahil naghiyawan ang mga ito, kasama na ako. Yes! Walang klase! Yes! Yes!

"But I'll leave you a homework." Hindi naman nito napawi ang saya namin nang sabihin na wala nang klase. Sinimulan nang magbanggit ni Ma'am ng mga tungkol sa ipapauwing activity. Mabuti na lang at medyo hasa ang isipan ko sa pag-gawa ng essay.

"Ignoring me?" Bulong na alam kong sa katabi ko nanggaling. Anong ignoring me? Hindi naman talaga kami nagpapansinan. Saka, kailan ko ba siya kinulit? 'di ko nga siya kinaka-usap eh. Hehe

"N-no." Why did I stutter? I composed myself and breathed out a heavy sigh. For him to know that I'm not comfortable talking to him. No, not now.

"Good, you should not." Bakit ba ang rinig ko sa 'not' niya at 'Nath'? Alam ko naman na iyon ang pangalan niya. But why is it everytime I hear that word, siya ang pumapasok sa utak ko—kasama ang kagagahang ginawa ko.

" 'di naman talaga tayo nag-uusap." Bulong ko sa hangin. May punto naman talaga ako, parang kailan lang ay gusto kong alamin ang pangalan niya ngayon naman na alam ko, nakakaramdam ako ng pagka-irita.

"Okay." He smirked. Yes, I saw his smirk. Balita ko ay hindi na nga niya muli pang isinuot ang mask niya. He's now showing a smile. Hindi na kasi ako umattend pa ng Intrams matapos ang ginawa niya. Pakiramdam ko ay nawindang ako sa ginawa niyang 'yon.

I mocked his 'okay' and rolled my eyes. Bakit pakiramdam ko ay siya naman ang nang-iinis ngayon?

Ang libreng oras ay iginugol namin sa pagpapractice, nagpaalam na ako kay mommy. Sa covered court malapit dito sa DVNHS namin napagpasiyahang magpractice ng gagawin sa Panagbenga festival. May concept na kaming nagawa.

"Pwesto na!" sigaw ni Rionne. Siya rin ang maglelead nito dahil bihasa ang katawan niya sa malilikot na steps na ginawa naman ni Homey. Natatawa tuloy ako nang tinadtad ni Homey ang convo namin dahil lang sa pagkwento niya kung anong nangyari nang araw na 'yon.

"Init naman dito, ba't kasi dito pa?" Iritadong komento ni Lei. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

"Bakit, sa'n mo ba gusto?" natatawa kong tugon. Kung alam ko lang na may crush 'tong si Lei kay Jiro sa kabilang section. Seriously? Normal bang hindi magkagusto sa kaklase mo? Required ba talaga na sa kabilang section?

"Du'n, malapit sa Sapphire II..." inginuso niya ang parte ng court na walang butas ang bubong. Sa pwesto kasi namin ay nakakatakas ang sinag ng araw.

Medyo nakaramdam naman ako ng kaba. Sapphire II? Section niya 'yon hindi ba?

Para akong ipinako sa kinatatayuan ko kahit pa pinapapwesto na kami. Kinailangan tuloy akong hilahin ni Lei.

"Formation!" Pumalakpak si Rionne ng dalawang beses at umayos na kami. Wala pang props sa ngayon ngunit nakahanda na nag susuotin namin para sa Panagbenga Festival.

"Tara dito..." bulong ng kung sino at bigla akong hinatak palayo sa mga kaklase ko! Gosh!

"Ano ba!" nang makalayo na ay tumigil na kami at humalakhak ng malakas si Homey. Malamang ay gusto niya na namang bwisitin si Rionne kaya 'di siya magpapractice. Idamay ba naman ako?!

"Shh, 'di tayo magpapractice." nangingiting anito. Napailing na lang ako sa trip niya.

"Bakit kailangan akong idamay?" Masungit kong tugon. Mamaya ay bigla kong makasalubong si Nath! Nakakahiya talaga ako!

"Gan'to kasi 'yon..." sabay akbay niya sa'kin. Itinaas niya ang kaniyang hintuturo at saktong tumapat ito sa Sapphire II na ngayon ay nagsasayaw niya.

"Kita mo 'yon?" Shit! He's pointing at Nath! Baka makita kami! Hindi ko na kakayanin kung madadagdagan pa ako ng panibagong kahihiyan.

"H-hindi." Pagsisinungaling ko.

"Kanina pa 'yon nakatingin sa 'yo." Nagsimulang magtawag si Rionne ng pangalan ngunit ang tenga ko ay nakapokus lamang sa sinabi ni Homey.

Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko nang magkasalubong kami ng tingin ni Nath!

"H-hindi ko 'yon kilala, saka...tara na nga!" hila ko kay Homey na humahagalpak sa tawa. Isa pang rason kung bakit kailangan na naming bumalik ay mukhang namumula na sa galit si Rionne!

"Oh, teka! Babalik tayo diyan?" Natigil si Homey nang makitang pabalik kami sa pwesto. Binalingan ko siya at pinag-taasan ng kilay.

"Bakit naman hindi?" Balik tanong ko.

"Teka 'wag muna!" Napasinghap na lang ako nang hatakin niya muli ako sa salungat na direksyon. Natagpuan ko na lang ang sarili kong kumakain ng fishball at nagtatawanan kami ni Homey. Wala na, hindi na talaga namin binalikan sila.

"Pero seryoso, 'di ka nililigawan no'n ni Alzafaro?" tanong niya na inilingan ko. Ang lakas talaga ng loob niyang itanong sa 'kin ang mga ganitong bagay kapag wala si Renz.

"We're just friends." pagdadahilan ko. Totoo naman, wala dapat silang isiping iba.

Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Bakit hindi siya pumasok? Sayang at may practice pa naman kami ngayon. Ayos na kaya si kuya Elvin? How about his fam? Are they in a good condition?

"Kuya, 10 peses pong fishball." Oh my. Bumaling agad ako sa katabi kong ngayon ay tumutusok na ng fishball.

"Sinusundan mo ba 'ko?" Naiinis kong tugon. Nakataas pa ang kilay ko nang sabihin ko ito. Tapos na ba sila mag-practice?

"Bakit? Sino ka ba para sundan ko?" Sinamahan niya pa ito ng tawa sa dulo na na lalong nakapagpa-irita sa'kin.

"Nag-papractice kayo 'di ba? Ba't ka andito?" Nagmamataray kong tanong. Kumain muna siya ng isa bago ako nginitian. Bakit dati mukha siyang seryoso? Ngayon naman ay palangiti.

"Ba't mo tinatanong?"

"Masama?"

Umiling ito. I rolled my eyes on him. He's giving me a smile and it irritates the hell out of me. Mas okay pa siguro sa'kin iyong hindi siya namamansin kaysa sa ganitong palagi niya akong nginingitian.

Like, didn't he know that his smile has an effect on me? Behind that mask is a gorgeous looking boy, with a captivating eyes, pointed nose and perfect smile. Ito ba 'yung itinitago niya?

I forgot, his eyebrows that's perfectly shaped. Anong katangahan ang ginagawa ng taong 'to para itago ang ganitong mukha?

"Bakit magiging masama kung asawa ko naman ang nagtatanong?" Balik tanong niya na nakapagpalaki ng mata ko. What did he say? Pakiramdam ko ay namumula ako sa inis ngayon.

"Ew." Okay, I'll be honest. Hindi ako nakahanap ng magandang pambara! Ito lang ang pumasok sa utak ko—mukha pa akong nautal.

Natawa siya sa reaksyon na ibinigay ko saka hinawakan ang kamay ko't itinaas. Gano'n din ang ginawa niya sa kamay niya.

"These rings can justify what I have said." Tukoy niya sa mga singsing na nasa daliri naming dalawa. Napaawang ang labi ko sa nakita.

"B-bakit hindi ko 'to inalis?" Bulong ko sa 'king sarili.

"Bakit hindi mo inalis?" Gaya niya sa 'kin. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya saka ko siya inirapan. Hindi nga siya tumawa, ngumiti naman siya ng nakaka-asar.

"Nakalimutan ko lang, okay?" Pagdadahilan ko pa.

Sa pagtawa niya ay hinanap ng mata ko si Homey. Nasaan na 'yon? Nawala sa isip kong may kasama pa pala ako. Nawala rin naman ang pagtataka ko nang makitang nasa isang parte ng court ang dalawa. Isang ngiti ang sumibol sa labi ko nang makitang hinigit ni Homey si Rionne at niyakap.

"Someone's jealous." Tugon ng katabi ko. Binalingan ko siya at pinag-taasan na naman ng kilay.

"Gano'n na ba magselos ngayon? Nakangiti?" Pilosopo kong tugon. Tinapon niya na basurahan ang basong pinaglalagyan ng fishball niya. Wala pa ngang masyasong bawas iyong akin.

"Tss." Iling niya at saka ako iniwanan. Hindi naman ako nagreklamo sa ginawa niya. Inubos ko lang ang kinakain ko saka bumalik na para magpractice.

Pinakabisado sa amin ang steps and formation, nagustuhan ko ang ginawa ni Rionne na set up. Maluwag at hindi magkakadikit. She's a good leader. Napansin ko ring nauna na ang Sapphire II umuwi kaya inokupa na namin ang pwesto nila kanina.

And Homey being clingy, hugged me before he left. Parang tanga lang talaga 'yong lalaking 'yon. Feeling ko gusto niya lang magselos si Rionne.

At dahil wala na naman si Renz, sabay kaming umuwi ni Leira. Puro dada ang naririnig ko dahil sabi niya ay tinitigan daw siya ni Jiro. Nag-aabang kami ngayon ni Leira at hanggang ngayon, dumadaldal pa rin siya.

"Shet! Kita mo ba 'yung mata niya! Kumikinang 'yon dahil lang tumitig siya sa 'kin." Masayang anito. Isang hampas sa braso ang nakuha ko mula sa kaniya. Who else has a friend like Leira? Iyong tipong namurder na ata 'yung katawan mo bago pa siya matapos kiligin.

"I wasn't with you that time."

"Ewan ko ba sayo! Sa'n ka ba kasi nagsusuot?" She asked and I just answered her by a shrug. Ayokong matuloy muli ang pangungulit niya kung bakit hindi ko nagustuhan 'nung 'nagpakasal' DAW ako sa tulad ni Nath, eh gwapo naman daw. Hindi kasi talaga ako umattend ng 2nd day hanggang sa last day ng Intrams.

Shocked yung buong sistema ko no'n, anong aasahan nila sa'kin?

"Sus! Kita ko kayo ni Homey, ha? Ingat ka...mahirap kalabanin si Pres." She warned and I laughed at her. Nang pumara si Lei ay sumakay na kami.

Sakto naman ang pagbuhos ng ulan. Mabuti na lang talaga at isinuggest ko na maaga kaming umuwi dahil napapansin ko na talaga na parang babagsak ang ulan. Nasa kalahati na rin naman kami kaya inaprubahan na rin ang suggestion ko.

Isang tili ang pinakawalan ni Lei nang makaupo siya. Arte talaga! Nauna nga siyang pumasok at ako ang mukhang mawawalan ng upuan.

Muling umandar ang jeep at kamuntikan pa akong madulas. Little the driver know, minumura ko na siya sa utak ko. Kidding aside, pinasadahan ko ng tingin ang jeep para maghanap ng uupuan. Ngunit mapaglaro nga talaga ang tadhana dahil mukhang hindi magiging maganda ang uwi ko.

He smirked as my eyes lingered on him. Inirapan ko ito at tinignan ang pwesto ni Lei. Palipat lipat ang tingin nito sa 'kin at kay Nath. Umiling ako para magiba ang ipinundar na ibang kahulugan sa utak niya. Mamaya ay isipin niyang may hindi na naman siya nalalaman.

Ang sikip!

Bakit ba kasi dito pa naisipan ni Lei sumakay? Muli kong sinulyapan si Lei sa pag-aakalang may espasyo pa ro'n ngunit wala. Sakto ring nahagip ng mata ko si Nath. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko nang sandaling iminwestra niya sa 'kin ang kaniyang kandungan.

He's offering his lap!

Nagmamadaling sumiksik ako sa pwesto ni Leira at tinawanan ni Nath 'yon.

He's fueling my already heated head! He's not making me blush, cause if he is, I'll turn him down. This time, right now.

Nakaramdam ako ng paglapat ng palad sa dibdib ko. Na naka-agaw ng atensyon ko kaya't iniwanan ko ng irap si Nath bago pansinin ang naramdaman ko kanina.

"Bilis ng tibok, ha?" Ngisi ni Lei ng balingan ko siya. Sa iritasyon ay kinurot ko ang kamay nito at marahas na tinapik.

"Kasi umaandar 'yung jeep at kanina pa ako nakatayo." I reasoned out. Iniiwas ko agad ang paningin ko kay Lei at baka kung saan pa mapunta.

"Sus, Ang pogi no'n, oh! Sumiksik ka pa rito. Dapat tinanggap mo na 'yung offer niya!" Natutuwang ani Leira. Binigyan ko ito ng masamang tingin ngunit tuloy lang ito sa paghalakhak ng mahina.

"Ikaw paupuin ko do'n, gusto mo?" Pananakot ko pa.

Muntik na ako mapamura nang biglang gumalaw ang pwesto ko. Tatayo siya!

"E 'di ako." Ngisi niya pa. Isang biglaan ang naganap at sa isang iglap...si Leira na ang nasa harap ko. Oh my gosh, don't tell me...

...fudging shit!

Bumaling ako sa lalaking nasa likod ko ngayon.

"You're so light, wife." He whispered, fanning my nape. Sa isang mabilis na kilos ay nakabalik ako sa pwesto ko. Malakas na batok ang iginawad ko kay Leira. They're laughing! Miski si Nath ay hindi napigilan itago ito.

Dahil hindi ako makapagtago dahil sa hiya ay pinara ko ang jeep na aming sinasakyan at bumaba. Kaunti lang naman ang lalakarin ko. Mas matitiis ko pang maglakad kaysa pagtawanan ng dalawa!

Are they serious? Is the universe conspiring against me? Are their conniving just to put me in this kind of situation? I hate them!

I truly hate them!

Mabuti pa ang panahon na pinakasamahan ako ngayon ng maayos.

Hanggang sa paglalakad ay hindi ko maiwasan na isipin ang pinag-gagawa nila, pakiramdam ko talaga ay nagkampihan 'yung dalawa. Magkakilala na ba sila?

Lumiko na ako at naghintay ng pedicab, ilang sandali lang din nang may dumating. Sumakay na ako at nagbayad agad. Gusto ko ng karamay!

I was about to call Shai when Renz's number appeared on my screen.

Nagdadalawang isip akong sagutin dahil gusto ko sanang si Shai ang unang maka-alam ng sasabihin ko ngunit baka importante ang sasabihin ni Renz.

"Hello?" I answered. But all I received is a sob from the other line.

"Renz?" Nag-aalala kong tugon. Nang hindi ito sumagot ay sinabi ko kay kuyang driver na ihatid ako sa bahay nila Renz. Mabilis naman akong nakarating doon at nagdoor bell muna ako.

Kinalampag ko ang gate nila at isinigaw ang pangalan ni Renz. Isang kasambahay ang sumalubong sa 'kin na may dalang dalawang malaking bagahe.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin ngunit iyak ang nakuha kong tugon. What's happening?

Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na ako sa bahay nila.

Sumalubong sa akin si tita...in a wheelchair. Nasa sala ito at nanunuod mag-isa. I walked near to approach her.

"Oh, napadalaw ka, hija?" Bati ni tita sa 'kin. Pilit niya mang pinasasaya ang mata niya, halata naman sa boses nitong kagagaling niya lang sa iyak.

"Ayos lang po ba kayo?"

"Si Renz ba ang pakay mo? Nasa taas siya." Hindi sinagot ni tita ang tanong ko. Binalikan ko tuloy ang itinanong ko kanina, bakit parang ang hirap naman sagutin 'nung 'ayos lang po ba kayo?'

Binigyan ko ng ngiti si Tita bago pumanaog. Alam ko naman kung saan ang kwarto ni Renz kaya iyon ang tinahak kong daan. Kumatok ako ng dalawang beses ngunit walang sinoman ang nagmagandang loob pagbuksan ako.

I informed him na papasok na ako. Unang tapak pa lang ang nagagawa ko nang mabuksan ko ang pinto ay sinalubong ako ng yakap ni Renz. He's crying, and looked hopeless.

Wala man akong naiintindihan ay hinagod ko ang likod niya. Pilit ko ring inilalayo ang sarili ko dahil masyadong mahigpit ang yakap niya. I know he needs a hug, but can't he give me air first?

"I can't breathe...Renz." nang sabihin ko ito ay siya na mismo ang lumayo. My shoulder's drenched because of his tears. Sumibol ang kaba at awa sa 'king dibdib.

Umupo ito sa kama niya at tinakpan ang mukha. He apologized to me because of what he did. Ngayon ay kuha ko na, I got it. He needed me.

"Shh..." Lumapit akong muli para yakapin siya. Pinatahan ko lang siya habang hinahagod ang kaniyang likod.

"We don't deserve this." Humihikbing aniya. Pinili kong hindi sumagot at nakinig lamang sa kaniya. Nang maging maayos ang paghinga niya ay umupo na ako sa tabi niya. Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko, muli ko na namang naramdaman ang pagtulo ng luha mula sa kaniya.

"What happened?" Nag-iingat kong tugon.

"I can't lose my mom." Sagot nito. Lose his mom? Ano bang nangyayari talaga? I know I shouldn't ask kasi problemang pamilya 'to. But still, I can't just stand here and watch my bestfriend cry.

"You won't lose her, you won't lose your mom. Stop crying, Renz." Ilang sandali lang ang hinintay ko dahil tumigil ito at kumalma.

"You're here..." Sabi niya na parang ngayon nga lang naramdaman ang presensya ko. I tapped his cheeks. My cute bestfriend's crying.

"I'm always here." I whispered which made him change his position. Tinignan ako nito at nginitian. Good job, self! You made him smile!

"Thank you." He rumpled my hair and I just let him. Again, I'm not in place to be annoyed. Mas mabuting hindi ko muna itanong ang nangyari dahil masyadong emosyonal si Renz.

Too much for a day.

Matapos iyon ay pina-uuwi niya na 'ko. Sabi ko naman ay uuwi lang ako kapag matutulog na siya. I don't want him calling me again in the middle of the night just to hear him crying.

My bestfriend looks like an angel when sleeping. I tousled his hair and pinched his cheek. Mukhang hindi niya naman nararamdaman. Why do we sleep after crying? Science indeed.

Lumakad na ako papuntang pinto and left him a wave. I was about to close the door when I heard him say...

"I like you...Hazel."

Literally, my heart did stop beating.

I breathed deeply as I closed the door.

He confessed?

But he's asleep!

Is he dreaming? Am I the Hazel he mentioned earlier?

Does he mean what he has said?

Does he like me...for real?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Just a short update:))

Hope you like it!

Thank you for voting and waiting for updates.
Or I'm just assuming things? 

Still, Thank you!

KEEP READING!

Continue Reading

You'll Also Like

29.8K 900 43
The story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their...
118K 1.4K 52
Filipina-English self-proclaimed tomboy, Joe McCarthy moves to Ilkley, West Yorkshire, England and starts adjusting to a new life. She gets sent to G...
22.3K 541 58
Cassy lost her memory. Until Mikael shows up with her and pretends to be a stranger. And then a few years later, she gradually remembered what her co...
3.8K 141 68
𝐒𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐊𝐢𝐧𝐝, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐨𝐮𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐤𝐢𝐧𝐝𝐚 𝐒𝐥𝐨𝐰-𝐰𝐢𝐭𝐭𝐞𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐦𝐨𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐚𝐥𝐥 𝐬𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐮𝐥𝐭𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐟𝐚𝐧 𝐎𝐟 �...