Someday, One Day

By dianeblackley

234K 5.2K 1.8K

I know that someday, one day you'll find me... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Playlist
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
Epilogue

29

2.3K 63 19
By dianeblackley

“Ugh! Grabe talaga, kadiri! Imagine, naghahalikan sila sa harap ko. Like what the hell?! Sa harap ko!” Gigil na gigil kong sabi habang pinagdidiskitahan ko yung ice cream sa mug ko. Andito ako sa apartment nina Lands because it’s Friday at napagtripan kong maki-sleepover. “Ang sarap nilang sigawan ng, ‘Respeto lang sa mga single, oh!’ Or kahit hindi sa single, respeto nalang sa mga taong nasa loob ng bus. Nakakaloka!”

“Inggit ka no? Sagutin mo na kasi si Marco.” Lands laughed and tapped my shoulder.

My eyes grew wide. “Of course not! Sige nga, kailan ako nakipaghalikan in public? At bakit naisingit na naman si Marco?”

 “Oh sige, hindi na. Pang-dilim ka kasi, teh!” Raj said with a smile and a tap on my head.

“Kasi nga si Marco ang susi para makaalis ka sa bitter zone mo,” Lands pointed out.

 Sumimangot ako. “Pakyu both!” I took three consecutive spoonfuls of ice cream. “I really don’t get the whole PDA thing, you can do those things naman in private. Why do some couples act like they’re giving us a favor by showing the way they kiss their partners? Free show? Yuck, huh! Nakakaloka.” I sighed and rolled my eyes.

Inabot ni Lands sa’kin yung lalagyan ng ice cream. “Ang init na naman ng ulo mo. Oh, ice cream pa.”

I took it naman. “Ugh! Some people are really that annoying.”

“Kalma na, GF. Maghihiwalay din mga yun. Walang forever.” Raj said with a cackle.

I turned to him. “Corrected by!”

“Aheeeeeeem!” Sabay na epal nina Lands at Eya.

Sabay kaming lumingon at sumimangot ni Raj sa kanila. “Eh, ‘di hindi kayo kasali.”

“Ang init ng ulo ni Dana Sanae. Ngayon ka na nga lang ulit pupunta ito, puro rant pa dala mo. Tawagan niyo nga si Marco.” Natatawang sabi ni Eya. Sinamaan ko agad siya ng tingin sabay duro sa kanya ng kutsara ko.

“Don’t. You. Dare. Do. That.” Nakasimagot kong sabi.

Tinitigan ako ni Eya. “But why? Happy crush mo kaya siya. Happy crush lang ba talaga?”

Oh, happy crush. I wish I could go back to the days na happy crush ko lang siya. My gosh, so sad!

“Ouch!” Sinamaan ko ng tingin si Lands dahil pinitik niya yung tenga ko. Masakit kaya!

“Natulala ka na diyan. Wag kang masyadong mag-isip, mahal ka no’n.” He winked at me.

Sumama lalo ang timpla ko. “Ukinnam! Paasa ka.”

“Hindi kita pinapaasa, bestfriend kaya kita,” he said with a laugh.

Sinimot ko muna yung ice cream. “Alam mo kasi bestfriend, ang love dapat Cash Basis, hindi Accrual. Cash Basis, you only recognize it when it is earned and is finally on hand. Pag Accrual kasi, nire-recognize na agad kahit hindi pa collected. Hindi por que andyan na, eh okay na. Ina-accrue mo, eh. Medyo paasa kasi. Accountant ka, gets mo yan,” I lectured as I shrugged my shoulders.

They laughed.

“Hayaan mo, bestfriend, naïf-feel ko namang Going Concern yung sa inyo ni Marco,” he winked at me.

“Yes naman, dapat walang Dissolution na ganap sa inyo, huh? Mahirap mag-liquidate,” singit ni Raj.

I frowned. “Wow huh, operations agad? Pwedeng i-establish muna yung partnership slash entity? Nasa middle at end processes agad kayo, hindi pa nga nagsisimula.”

“I-recognize mo kasi, teh! Paano kayo magkakaroon ng mutual agreement ng completion ng establishment kung todo iwas ka diyan?” Eya asked me with her spoon pointed at me.

I opened my mouth but I can’t think of anything.

And the three just burst into laughter when I turned cherry red and wasn’t able to make a comeback.

***

“Uy, long weekend next week. Any plans?” Yhin asked as she takes a spoonful of rice. We’re sitting on the floor while eating dinner.

Bumagal yung pagnguya ko. Oh.

“Oo nga, gala naman tayo. Tagal na nating hindi gumagala,” Ciel said.

“Ay oo nga. Tagal na din. Mga two months,” sagot ni Eya.

“True. Busy kasi sa paglandi yung isa diyan. Dhae, hindi ikaw ‘to huh!” Raj said with a loud laugh. “Boracay was really a long time ago. Oh, ikaw ulit Dhae. Anong masasabi mo?” Raj eyed at me.

“Uhmm,” dramatic kong nilunok yung kinakain ko, “I’m not available next weekend.”

Raj crossed his arms and raised his eyebrows. “Saan ang punta mo?”

“Diyan-diyan lang sa paligid.” Yumuko ako para mag-refill ng ulam.

“Saan yan? At saan ka nga pala nagpunta last weekend at hindi ka nagpakita dito? Hindi pala kayo lumabas ni Marco,” Yhin asked.

“True. Hinahanap ka ni Papa Marco sa’kin. Akala niya magkakasama tayo. Ayaw mo daw bang makipagita sa kanya?”

“Last weekend… Uhh, nanood ako ng Operation Proposal,” nakangiti kong sabi sa kanila at deadma dun sa sinabi nila about kay Marco.

“Nako, nag-marathon na naman ng series,” Yhin said with a headshake.

“Hoy, bakit ‘di ka pwede next weekend? Saan kayo pupunta ni Marco?” singit ni Lands. Namula ako agad. Bigla akong kinabahan.

“M-Marco ka diyan! Pag hindi ako pwede, si Marco agad ang rason? Axis siya ng mundo ko? Sa kanya lang umiikot, ganern?” Sunod-sunod akong sumubo.

He laughed and tapped my shoulder. “May iba ka pa bang kasama?”

“Of course. I’m going out with my childhood best friends. Shara’s in town so we’re having a date somewhere.”

“Weh?” Sabay-sabay nilang sabi.

“Oo nga,” I answered with a mouthful of rice.

“So since hindi pwede next week yang babaeng yan,” turo ni Raj sa’kin, “bukas nalang tayo rumampa.”

Naloka ako. “What?”

Pinanlakihan ako ng mata ni Raj. “What ka diyan! Kapal ng mukha mo, may consideration ka.”

Sumimangot ulit ako. “Ugh, grabe!”

“So saan nga tayo rarampa?” tanong ni Ciel.

“Star City nalang tayo,” random kong sagot. “Paabot nga ng Coke.”

Raj snapped his fingers in the air. “Kainis ka. Ang layo ng destination na naisip mo, ha.”

Natawa naman kami.

“So anong balak? Bukas? Anong oras ba ‘yun nagbubukas? 1PM ata?” Sabi ni Lands sabay inom ng Coke.

“PUSH!” Sabay-sabay naming sagot and then laughed.

“Seryus ba itey? Akala ko naman stuck tayo dito for the weekend. Grabe, sobrang random.” Natatawa ko pa ring sabi.

“Hoy babae,” kinalabit ako ni Raj kaya napalingon ako sa kanya, “inform mo na si Papa Marco.”

I blushed. “Bakit?”

Raj rolled his eyes at me. “Anong bakit?”

My eyebrows met. “Bakit ko siya i-inform? Kasama ba siya? Lakad ng barkada, ‘di ba?”

They all stopped at tinitigan ako ng seryoso.

“Teh, is that you?” Seryosong tanong ni Raj sa’kin.

I stared at them too. Ang weird nila, huh. “Huh?”

“Umay ka na ba kay Papa Marco at ayaw mo siyang isama sa lakad bukas?” Raj asked me in a not so serious tone.

I shrugged as an answer. Dahil last na yung nasa pinggan ko kanina, I proceeded to the dessert kaya inabot ko yung ice cream at kumain na mismo mula sa container. Hindi naman na nila gusto, eh, ako nalang kakain.

Lands held my arm. “Nag-away ba kayo?”

Kumunot lalo yung noo ko. “No. Why?”

Tinitigan niya ako lalo. “Nakakahalata na kami. You seem so indifferent. Kung ‘di kayo nag-away, anong nangyari sa inyo?”

I let out a nervous laugh. How can I tell them that something has changed in me? That I don’t just “like” Marco anymore? Na hindi na ‘to “Happy Crush” na lang? That it’s already unsettling my sanity? Na suddenly hindi ko na alam kung paano makitungo sa kanya? Okay pa kasi dati, eh, kasi I like him palang. Eh ngayon? My gosh, ibang-iba na. Level up. Kaya nga todo iwas ako ngayon, natatakot kasi ako. Baka maibuko ko yung sarili ko.

“Wala nga. Baka busy siya, busy season nila, eh. Kawawa naman yung tao, ngarag sa trabaho.” I silently tapped my shoulder for thinking of that reason in an instant. Nakatitig pa rin silang lahat sa’kin. Geez, ang hirap lumusot, lalo na sa mga ‘to. Nilantakan ko nalang yung ice cream ko. Deadma muna sa kanila. Kailangan ko ng concentration dito, Cookies and Cream Overload kasi to.

“Hello?” rinig kong sabi ni Raj later on. Feel na feel ko pa rin ang paglantak ng ice cream.

“So, kamusta ka naman? Busy ka?” Kunot-noo akong sumubo sabay titig sa kanya. Sino naman kaya ang kausap neto? Wala naman siyang nababanggit na boylet niya ngayon.

“Ay bongga. Bet mo bang rumampa ditey? Movie night,” Raj answered and then they all laughed. Medyo kabado akong tumingin sa kanila. Kilala ko yang ganyang tawa, may masama na naman silang binabalak.

“Wala, trip lang. Andito si Dhae.” Natulala ako when he winked at me. Napatigil ako sa pagnguya. Oh, no!

He then grinned at me. “Okay, okay. See you.”

What was that?

 

***

“Akin kasi ‘to!” Hila ko sa unan na pinag-aagawan namin ni Lands. Nakatayo kaming dalawa sa gitna ng nakalatag na foam sa sahig. Naka-pantulog na kaming lahat.

He seriously looked at me and pulled it back. “Akin ‘to, uy! Dami-daming unan diyan, ito pa pinupuntirya mo. Pumili ka ng iba.”

I stomped my right foot and pulled the pillow too. “Ehhhh! Ito nga kasi yung gusto ko. Dali na, bigay mo na sa’kin. Ikaw na mag-unan ng iba, ngayon lang ako makikitulog ulit, eh.”

Pinanlakihan niya ako ng mata. “Hoy, hindi dahil gusto mo, makukuha mo.”

“Lakas maka-The Mistress! Tseh! Akin na kasi ‘to!” Hila ko pa rin sa unan.

He pulled it a little stronger. “Mukha mo! Sa susunod, magbaon ka ng unan mo para ‘di ka nakikiagaw. Favorite ko ‘tong unan na ‘to.”

Sumimangot ako. “Favorite ko din ‘to!”

“Awat na,” Raj shouted. “Para kayong mga bata. Ang daming unan diyan.”

“Eh, ito gusto ko!” Sabay naming sigaw ni Lands. Napailing nalang si Raj sa’ming dalawa.

“Ipaglaban niyo yang dalawa. Kaloka kayo!” Raj said before he left us. Kami ni Lands masama pa rin ang tingin sa isa’t isa habang nakahawak sa unan.

“Di ba nga, kapag may gusto ka kailangan ipaglaban mo para makuha mo? I’m doing this now.”

“Eh bakit si Marco, hindi mo maipaglaban?” Lands asked with arched eyebrows.

I froze and blushed. Now, that just hit the nerve. Hindi ako prepared sa banat na yan. Gosh!

“Akin na kasi ‘to! Minsan na nga lang ako magkagusto, eh,” sabi ko in a really sad tone.

“Hindi mo ako makukuha sa mga hugot mo. Ang dami mong malalaking unan sa kwarto mo, halos malunod ka na nga sa unan doon, dapat nagbaon ka ng isa para ‘di mo ako inaagawan. Sabihin mo kay Marco ibilhan ka ng ganito.”

“Bakit ba todo banggit kayo kay Marco? Clingy much?!”

“Sus, sa’kin ka pa magde-deny? Kanina ka pa nagba-blush diyan. Projection para sa’yo ‘tong pagbabanggit ko kay Marco.” Lands laughed.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ukinnam.”

And then everyone kept quiet. Suddenly, Lands grinned at me and pointed something at my back with his lips.

“What?” Mataray kong tanong.

“Tingin ka sa likod,” he said with a laugh. Na-intriga naman ako so lumingon ako with a horrid face.

Napabitaw ako agad sa unan na hawak ko. My jaw dropped. What the f*ck are you doing here?

My heart started beating like a drum again. I felt the cold sweat on my forehead. He is standing a few meters away from me with two boxes of JCo donuts on his right hand and a gallon of ice cream on his left.

Oh my gosh! He’s here. Oh no!!! Pero Lord, bakit po ba ang charming ng lalaking ‘to? Ang pogi niya lalo sa mint green na long sleeves. Nagwawala na po yung puso ko, hindi ko na po alam kung paano magtatago ng kilig. Umiiwas nga po ako, eh. Tulungan Niyo naman po ako kasi this is so mahirap talaga.

“Hey,” nakangiti niyang sabi.

I just stood on my spot. Alanganin akong ngumiti. Huminga muna ako ng very very deep. “Hey.”

Awkward.

“How are you? It has been...” Napakamot siya ng ulo, napangiwi naman ako. Bigla akong nahiya.

Oo nga pala, two weeks na akong umiiwas sa kanya. Two weeks na akong hindi sumasagot ng calls niya, tapos pag nagte-text siya sa’kin puro dead-end yung sagot ko. At two weeks na din akong nahihirapan mag-isip ng alibi para hindi makipagkita sa kanya. Two weeks na pala, kaya pala na-miss ko siya.

Gaga! Babanat ka pa, hindi mo na nga alam kung paano hindi maging awkward sa kanya, eh.

I let out an edgy laugh again. Paano ba ‘to? Nakakaloka kasi. I’ve turned down seven dinner invitations from him. Yeah, seven. He kept asking every other day since last week pero yung sagot ko, meynteyn.

“I’m fine, medyo naging busy lang lately. Tsaka tinamaan ako ng matinding topak.” I smiled at him. Sana lumusot na.

“Ah,” tumango-tango siya. “For you pala,” abot niya sakin sa ice cream at box ng donuts. I gave him a puzzled look. “Sabi ni Raj mukhang bitin ka daw sa ice cream kanina, eh, so ayan.”

Tumawa na lang ako kasi nahihiya talaga ako. Hindi na naman ako makapag-isip ng matino kasi andito na naman siya sa harap ko. Nagulo na naman yung sarili ko. Kainis naman talaga ‘tong si Raj. Siya pala talaga yung tinawagan niya kanina, nyemas!

“Thank you.”

Wait, awkward pa rin talaga. But I missed him, huh.

We just looked at each other after. Geez, that coffee shop moment happened two weeks ago pero hanggang ngayon, I can still feel the dread that surged in me when “that” realization hit me.

Naputol yung stare-off namin dahil sa sunod-sunod at malakas na “Ahem!” ng mga tao sa paligid. For the first time today, I felt relieved dahil sa pag-epal nila.

“Uy pare, kumusta? Upo ka.” Lands tapped his shoulder. That’s the cue for my exit. Nilapag ko yung ice cream at yung boxes ng donuts sa may table sa may gilid.

“Galing ka pang office niyan, Papa Marco?” I heard Raj say. I rolled my eyes, ang landi na naman ng boses niya.

Obviously, teh. Thus, the long sleeves, the black slacks, and the leather shoes.

“Oo, eh.”

Aww, kawawa naman. Past 10 PM na din kasi.

“Buti nakatakas ka. Busy season na, ‘di ba?” Ciel asked him.

He laughed. “Pinauwi ko nalang sa kanila yung mga papers para maka-exit na din ako.”

“Ayan tayo, eh. Mga damoves mo.” Raj said and they all laughed. Nag-disperse sila pagkatapos para ayusin yung higaan namin.

I saw Marco wipe the sweat in his forehead. Jusme, naka-long sleeves pa kasi siya, eh unlike sa tirahan ko, walang aircon dito, electric fan lang. Nilapit ko sa kanya yung isang electric fan.

I pushed myself and sat beside him. “Sorry. Okay ka lang ba?” Super concerned kong tanong sa kanya.

He nodded and folded his sleeves to his elbows. I noticed that his eyes are faint. Kaloka naman ‘to, pagod na nga siya, eh, dumiretso pa dito.

“Nag-dinner ka na ba?”

He hesitantly looked at me. “Actually, hindi pa.”

Tinignan ko siya ng masama. “Ba’t ‘di ka pa kumain? Kaloka ka.”

“Medyo busy kasi kanina.” He smiled weakly.

“Sandali, diyan ka lang. Titingin akong pagkain sa ref nila. Kaloka ka.” I shook my head as I stood up and headed to the kitchen. Napailing ako kasi inubos na namin yung ulam kanina, malay ko ba namang darating siya? Pang-breakfast na lang yung laman ng ref.

“Marco, okay lang sa’yo ang hotdogs?” Hindi siya sumagot agad so nilingon ko siya.

Napakamot siya sa kilay niya. “I don’t eat hotdogs,” he said shyly.

“Why?”

He grimaced. “It’s made of worms,” he whispered to himself pero narinig ko.

Natawa nalang ako bigla. For the first time in two weeks, I laughed out really loud. “Alright, kiddo. How about spam?”

He blushed and nodded shyly. “Okay lang.”

“Okay.”

Bumalik ako sa kitchen para ipagluto ng dinner yung lalaking yun. Buti nalang may natira pang kanin kanina. Ba’t ba kasi hindi siya nag-dinner? Eh kung magkasakit siya ng something sa tiyan niya? Eh ‘di naloka ako.

Inabot ko yung isang lata ng Spam sa may cup board. Buti nalang yayamanin kahit pa’no ‘tong mga kaibigan ko, may Spam sa cupboard nila.

“Ay mukha kong maganda!” Sigaw ko pagkakita ko sa kanya na nakaupo sa may dining table. “Ba’t ka andito?”

He laughed a little. “Tutulungan kita. Nakakahiya kasi.”

“Huh?”

So kahit super awkward for me, ipinagprito ko siya ng spam para makakain na siya. Kawawa naman kasi, ngarag na ngarag ang lolo mo. Sinamahan ko nalang siya sa may kitchen, tahimik lang akong nakaupo habang kumakain siya.

“Dhae!” Sigaw ni Raj mula sa sala.

“Oh?” I shouted back.

“Bilisan niyo diyan, manonood pa tayong movie.”

“Okaaaaay!”

Kung makapagsigawan naman kami, akala mo ang layo-layo namin, eh, halos five meters away lang yung sala sa kitchen.

“Hindi sa minamadali kita, huh? Pero narinig mo naman siguro si Raj.” Natatawa kong sabi sa kanya. He nodded at binilisan na yung pagkain niya. “Hoy, dahan-dahan naman. Mabulunan ka!” Ay wait, ang gulo ko.

He smiled then raised his thumb and continued eating.

Gosh, bakit ang cute niya pa rin kahit kumakain siya? Geez! Dhae, umayos ka. Umiiwas ka.

“Ayan, tapos na ako. Saan ako maghuhugas ng pinagkainan ko?”

I smiled. “Ako na diyan. Balik ka na dun sa sala.”

“Sure ka?”

Tumango ako. “Go na dun!” Tinulak ko na siya para bumalik na dun. Kaso wrong move ata because when I touched his back, I felt a jolt of electricity. Lakas! May damit siya niyan, huh.

Deadma nalang ako. Nilapag ko yung nagamit na utensils sa may lababo, bukas nalang ako maghuhugas. Tinamad na kasi ako. Bumalik na ako sa sala after. Nakasalampak na silang lahat dun. Si Lands inaayos yung connection ng laptop at ng TV.

“What are we gonna watch?” I asked as I sit beside Raj.

“Ba’t ka andito? Lumayas ka. Si Ciel ang katabi ko. Dun ka sa gilid dun.” Tulak ni Raj sa’kin papunta sa side ni Marco. Kaloka naman, umiiwas nga ako, eh! Nakasimangot tuloy akong umupo sa kabilang side. Marco smiled at me as I sit beside him. Gosh, yung puso ko please.

“Nice pj’s,” nakangiti niyang sabi sabay turo ng suot ko. Bigla tuloy akong nahiya nung ma-realize ko yung itsura ko. Nakasuot ako ng gray na Marvin the Martian pj’s. As in yung terno. Malay ko ba naman kasing darating siya ngayon? At ganito na itsura ko kaninang dumating siya so kahit magbihis ako ulit, nakita na niya ako in this state. Kalurks!

“Sige, mang-asar ka pa,” nakasimagot kong sabi.

He chuckled. “Hindi ako nang-aasar. Cute naman talaga. Favorite mo talaga si Marvin.”

I nodded.

“Ano papanoorin natin?” tanong ni Lands maya-maya.

“If Only!” sabay-sabay na sigaw nung apat. As in Raj, Ciel, Yhin, and Eya. Nag-panic ako agad when they grinned at each other.

“Iba nalang!” I protested. I turned to Marco. “Uy, ano gusto mo panoorin?”

He shrugged. “Okay lang  sa’kin kung ano gusto ng majority.”

“Oh, okay lang pala sa kanya, eh. If Only na! Favorite mo yan, ‘di ba, GF?” Raj clapped his hands.

Marco smiled at me. “Favorite mo pala, eh. Okay na yan.”

Kaya nga ako nagpo-protest kasi favorite ko yun. OMG! I’m screwed.

Nanahimik na lang ako, wala din naman kasi akong magagawa. Pinagkaisahan na nila ako.

“Oops! May ngangawa na naman,” Raj taunted.

“Oops! May masasampal ako mamaya,” sagot ko naman. Nakakainis!

Hindi ako masyadong nag-concentrate sa movie, kumain nalang ako ng donuts na bigay netong katabi ko. Sinilip ko siya at mukhang concentrated siya sa movie.

“Hindi mo pa ba yan napapanood?” I whispered to him. Napa-facepalm ako after kasi obvious namang hindi pa. Heller? Romance movie ‘to.

He looked at me and shook his head. “Ngayon ko lang ‘to nalaman. Kailan pa ‘tong movie na ‘to?”

I smiled at him. “2004. Sige nood ka na.” At bumalik na ako sa pagkain. But halfway through the movie, hindi ko na din natiis kaya nakinood na ako. OMG! I’ll be damned a little later.

“Ay, ayan na! May namumuo ng luha,” Raj announced pagdating sa part na dinala ni Ian si Samantha sa hometown niya. Tahimik lang ako kasi namumuo na talaga luha ko. Natawa naman silang lahat. Obviously, gets nila kung para kanino yung banat na yun. Alam na kasi nila kung saang part ako maiiyak talaga.

Pagdating sa Love Will Show You Everything na part, lahat kami nakikanta na pero medyo mahina lang. Memorized na kasi namin yung song kasi ilang beses na namin ‘to napanood Pati si Lands, nakikanta din. Si Marco aliw na aliw na naman sa’min, feel na feel kasi namin ang pagkanta kahit mahina. Pero pagdating sa part na kumakain sila sa restaurant at ine-explain ni Ian yung about sa charms na nakalagay sa bracelet na bigay niya kay Sam, tahimik na lahat, lalo na ako. Sumisikip na kasi yung dibdib ko. I stood up after kasi maiiyak na ako, kaso pinigilan ako nina Lands at binalik sa upuan ko. Oh my gosh, please!

Pinilit kong pigilin yung pag-iyak ko, nakakahiya kasi kay Marco. Dito sa mga kaibigan ko, okay lang ngumawa, eh. Kaso kay Marco? Baka ma-turnoff siya sa’kin.

Unfortunately, when Ian started with his “I wanna tell you why I love you” speech, nagsimula na talaga akong umiyak. And when the hospital scene came, I finally broke down. As in humihikbi ako. Todo punas pa ako ng luha ko with my hands dahil walang tissue sa tabi ko. Inabutan tuloy ako ni Marco ng panyo. Jusme, alam kong nakakahiya ako pero deadma na. Super ngawa talaga ako, with uhog and all.

“Papa Marco, patahanin mo nga yan.”

“Are you okay?” I heard Marco say. Tumango lang ako pero super ngawa pa rin ako. Naloka na din ata siya kaya hinila niya ako para masandal ako sa balikat niya. My heart stopped for a second the moment my head touched his shoulder. He patted my shoulder para tumahan ako kaso super iyak pa rin ako. Natapos na yung movie pero umiiyak pa rin ako.

“Pare, hanggang mamaya pa yan,” Lands told him, referring to my ugly crying. Marco kept patting my shoulder, nakasandal pa rin ako sa kanya.

“Paabot nga ng donut. Na-stress ako kina Sam at Ian.” Rinig kong sabi ni Eya. I saw them eating the donuts in front of me. Pinilit kong tumigil kaso feeling ko nag-eenjoy ako sa position namin ni Marco, kaya wag muna. Mamaya nalang, minsan lang naman ‘to, at ang bango niya kasi. Gustong-gusto ko talaga ever since yung amoy niya. Tsaka iba yung feels in his arms, nagfa-flutter yung puso ko, in a good way. In a really good way. Jusmiyo, Dhae, minamanyak mo na naman si Marco.

“Naku, Papa Marco. OA talaga yang si Dhae. Hanggang mamaya pa iyak niyan. Dapat nakita mo yan nung first time naming mapanood yang movie, one week na nakakalipas pero natutulala pa rin siya dahil diyan.” Raj told him habang kumakain sila ng donuts.

“Muntik na nga yan hindi makapag-take ng departmental quiz namin dati dahil hindi siya makapag-review ng maayos,” Ciel laughed.

“Really?” he asked me. Pero sinagot ko siya ng singhot.

“Oo,” sagot ni Lands. “Ilang beses na namin yan napanood, memorized niya na nga lines diyan, pero yung reaction niya lagi parang first time niya pa rin mapanood.”

“Ang sakit kaya,” sagot ko habang umiiyak pa rin.

“Oh sige, masakit. Iyak ka pa diyan para sa’min na ‘tong donuts na dala ng jowa mo,” Raj stated as he shoved a donut to his mouth.

Napasimangot ako lalo. Suminghot ulit ako. I took a deep breath at humiwalay kay Marco. I turned to them. Without a word, I took all the donuts away from them.

“Ay! Anyare?” takang-takang tanong ni Ciel.

I stared at them and gave them a weak smile. “Akin ‘to. Kayo jowa?”

I froze and blushed big time after. Me and my big mouth. What the hell did I just say?! Oh gosh! Napa-facepalm ako ng wala sa oras when they started shrieking. I bit my lip as I looked at Marco. And man, he was also smiling widely. Shocks, kinilig ata ang loko.

Lands came close and tapped Marco on the shoulder. “Oh, pare, wala ka nang kawala. Nabakuran ka na.”

I bit my lip and closed my eyes. ODK, nakakahiya.

“Okay lang, si Dhae naman bumakod, eh.” I heard him say so I gazed at him. He winked at me when he saw me gawking at him.

Napahawak ako sa chest ko because hindi ko kinakaya ang mga ganap. Oh, good heavens, kill me now.

 

***

“Uhhm,” I looked down as I wiped my sweating palms on my jammies. Nakatayo kami sa labas ng apartment. “Sure kang uuwi ka pa? Past midnight na.”

“Oo, eh. Okay lang sana kung wala akong dalang kotse,” I heard him say kasi nakayuko pa rin ako. Nakakahiya kasi yung mga ganap kanina. Dapat kasi nilamon na ako ng lupa kanina pa, eh. OMG! Pasimple kong tinuktukan yung sarili ko.

At oo nga naman, yung kotse niya. Baka kasi mapagtripan ng mga tao dito, buti sana kung hindi mamahalin.

“So,” he paused and looked at me. “Are we okay now? Hindi ka na ba tinotopak ngayon?”

“Huh?”

“I mean, pwede ka na ba ayain mag-dinner na ‘yes’ ang sagot?”

Yumuko ako. “We’ll see.”

I’m not ready yet, kailangan ko na naman mag-isip ng alibi. OMG!

“Dhae.”

I looked up to him. “Hmmm?”

He looked at me straight in the eye. “Iniiwasan mo ba ako? You’re doing this for about two weeks now. I’ve been trying to call you a while ago but you’re not answering. Kung hindi pa ako inaya ni Raj dito, hindi pa kita makikita. Did I do something bad to you?”

I squirmed. His eyes and his voice are both really sad.

“Kanina mukhang okay naman tayo, or so I thought. I’m just asking for a confirmation. Tapos ngayon, ganito ulit. If I did something wrong, please tell me.”

“Uhmm…” I swallowed huge lumps on my throat as I stare at his sad face. Minumura ko ang sarili ko ngayon because I really can’t think of something to say to him.

He wretchedly sighed. “Alright. I’ll go ahead.”

Oh gosh! Teka lang, ba’t ganito? My chest is aching and my hands are already trembling.

“Marco,” I called with a small voice but he didn’t hear me because he’s already walking away.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 748 57
Two lonely people meets at the most unexpected time, and fell in love with each other despite the circumstances. But can their love stay stronger as...
1.9K 51 13
Picture this: You have rich parents that give you a lavish life. You have expensive jewelry, cars, branded clothes... your life centers on shopping a...
1.6K 178 54
Alpha once she told her self doesn't want to have a feeling with him, with Clarence Eduardo Felipe. How can she define what's the meaning of true lov...
6.3K 287 43
(Liwanag at Dilim Series #3) Si Julian Maia Montecillo ay iniwan ni Isaiah dahil sa isang rason. Iniwan siya nito nang dalawang beses pero buong pus...