4

6.5K 119 37
                                    

“Dana Sanae na maganda! Sus kinilig ka naman. Haha! Gumising ka na para mabasa mo tong message ng kagandahang si Raj. Take note, WALA KANG KARAPATANG TUMANGGI DITO. :) Metrowalk tayo tonight! See you! :)

 

 

What would you do if you wake up to this kind of text message? Bummer di ba? Buti nalang talaga sinabi niyang maganda ako. Eh ano pa nga ba ang magagawa ko kung wala naman palang karapatang tumanggi? Sasaktan ko talaga tong si Raj mamaya.

“Bwiset ka! May magagawa pa ba ako? Ano to, shotgun night-out? Dahil diyan, shoulder two buckets huh? Hahaha! See you.”

 

 

Ayan, message sent.

Naks! Saturday Night-out. Last month pa pala last na lumabas ang barkada. Usually these times, single ang peg naming lahat. “No jowas allowed on night-outs.” kasi ang rule namin. Pero dahil may mag-jowa sa barkada, eh ano pa ba? Alangang paghiwalayin namin, tapos magbalikan nalang sila after ng night-out? Although common sense is not so common to others, it’s common to us naman. Kaya exemption to the rule sila.

Pansin niyo bang aping-api ako dito? In all fairness, sa kanila lang pabor ang rule na yan. Of course, I’m wapakels na dahil alam na, ako consistent talaga. Wala nang i-aassume pa. SINGLE ako eh. ALL CAPS PARA F NA F.

On the upside, perks of being single… Aheeeem! Pwedeng mag-boy hunting without guilt. Yes naman! High five!

Dahil na-excite ako, bumangon na ako to make pili na what I’m going to wear tonight.

I stared at my clothes for a while.

Nakakainis naman! Bakit wala na akong maisuot? Jirits!

Problema talaga namin tong girls. Ang dami namang damit na pagpipilian pero laging walang mapili. Hindi naman kasi ayos yung “pwede na” na yan. Always go for the best.

So dahil wala nga akong mapiling isuot, katulad ng kawalan ko rin ng choice na maging boyfriend, naisip kong i-postpone nalang ang paghahanap ng outfit. Tutal mamayang gabi pa naman yun. I still have quite some time. I was about to close my closet when something caught my eye.

Yung black short-sleeve lacy dress ko. Aha! I smiled triumphantly. Pa’no ba yan? Outfit solved na. Yeheeeeey! Eh ang pagiging single ko kaya, kelan maso-solve? Ay kaloka. Naisingit pa talaga.

Someday, One DayWhere stories live. Discover now