39

2.5K 70 20
                                    

“Ay mga teh, nakita niyo ‘yung post ni Sir Tuds na picture nila nina Ma’am Flores? Naaliw ako,” Raj said laughing, referring to our college professors.

“Nakita ko ‘yun. Panalo sa outfit-an si Ma’am Flores!” I answered cackling. “Kung maka-outfit akala mo nagtuturo ng maigi sa Math of Investments dati.”

We all laughed. Wala kaming matinong magawa sa buhay namin on a Friday night kaya nagpa-deliver nalang kami ng pizza galing Yellow Cab para may malantakan kami. Kaming lima lang kasi ang andito ngayon. Syempre, si Ciel ang wala. Lumabas na naman siguro sila ni Terrence. In fairness huh, almost 11PM na pero hindi pa siya nakakauwi. Makiki-sleepover kasi ako dito ngayon at medyo naiinis pa ako sa kanya. It’s been like three weeks already since we saw them but she still didn’t tell the gang about her relationship with Terrence. I just don’t think this is fair. We never keep secrets about the people we date, up until now.

I rolled my eyes at that thought.

 “Oh, nag-text si Ciel,” Eya announced. “Pauwi na daw siya, tirhan daw natin ng pizza.”

I raised my left eyebrow. “Hindi ba siya pinapakain ng kung sino mang pontio pilato niyang jowa ng pizza?”

“In fairness dito sa babaeng ‘to, huh. Mukhang walang balak ipakilala sa’tin ‘yung jowa niya. Bahala siya, kapag kinasal sila, i-boycott natin.” Raj said with a little frown.

I started being uneasy. Kainis kasi, kilala ko na kung sino ‘yung jowa niya pero hindi ako makaimik kasi ayoko namang um-epal.

“Oh, ba’t ganyan itsura mo? May tinatago ka ba sa’min?” Lands asked me. Bwisit talaga ‘to, basang-basa niya ang body languages ko.

Raj looked at me. “Oo nga, GF. Ano ‘yan? Spill!”

I bit my lip and took a deep breath. “Okay. Nakita namin si Ciel about three weeks ago sa Greenbelt.”

“Namin? As in si Marco?” Yhin asked.

I nodded. “Nakita namin siya sa labas ng Yakimix. Galing kasi kaming cinema, tapos papunta kaming Pepper Lunch kasi gusto kong kumain dun. Si Marco ang unang nakakita actually, sabi niya lapitan namin sila, so we did. Tapos nakita namin kung sino yung boyfriend niya.”

Their eyes grew wide.

“The who?” Raj asked excitedly.

I looked at them again and sighed. “Hey, I should not be the one telling this. Dapat si Ciel.”

“Asahan mo dun, mukhang walang balak, eh.” Nakasimangot na sagot ni Eya. “Dali na, teh! Sino? Kilala ba natin?”

I nodded again.

Umiwas ako. “Si Ciel nalang ang tanungin niyo, unfair ‘to sa kanya. This is not something that I should by-pass.”

“GF, sa tingin mo ba fair ‘yung ikaw alam mo na pero kami hindi pa?” Raj asked sadly. “Magkakaibigan tayo huh, nire-remind ko lang.”

Na-guilty naman ako so I raised my hand in defeat. “Okay, pero kumalma lang kayo, huh? Nalurky kasi talaga ako ng bonggang-bongga ditey.”

Raj eyed at me. “Game na! The who?”

I was about to tell them who he is nung biglang pumasok si Ciel sa pinto. Napabuga ako ng hangin. I’m saved!

Lumingon sila sa kanya at sumimangot nung naki-join siya sa’min.

“Ano na, teh?” Eya queried. “Kung ayaw nilang sabihin, ikaw nalang ang mag-inform sa’min. Medyo nakakasama na kasi ng loob, eh.”

I glanced at Ciel at namumula na siya. Gets niya na sigurong para sa kanya ‘yung pasaring ni Eya. Minsan lang kasi bumanat ‘yan, eh.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon