27

2.1K 72 28
                                    

“Ay shocks! Wala na akong life,” malungkot kong sabi habang nakatitig sa screen ng phone ko na nagsasabing ang next life sa game ko eh within 23 minutes and 3 seconds pa. It’s a Saturday at around lunchtime na, bored ako kaya naglalaro nalang muna ako.

Gosh, ang tagal naman kasi  ng alas kwatro.

I grinned a little later when I realized something. “Ay ang taray talaga ng “shocks” at “gosh” ko. Sosyal!”

I was laughing at myself habang nilalapag yung phone ko sa bedside table ko. Kinuha ko nalang yung iPod ko, humilata, at nag-soundtrip to kill time. Feel na feel ko ang pag-sabay sa Before the Worst ng The Script nung napansin kong umiilaw yung phone ko. I grabbed it and saw Raj’s incoming call.

“Yes?”

“Hoy, pumunta ka dito sa apartment , nagluto sila ng spaghetti.”

I frowned. “Bakit Spaghetti? Dapat Carbonara.”

“Gaga. Ikaw lang naman ang may gusto ng Carbonara, lugi kami. Gora na ditey,” he said.

Napasimangot ako. “I can’t.”

“At bakit? Sabado naman ngayon. Oh, you’re awake! Bakit ka gising ng ganitong oras? May himala!”

Natawa nalang ako sa kanya. OA, eh. “Gaga. I’m going somewhere.”

“Ooh, saan ang rampa niyo ni Papa Marco?” I can imagine him grinning while saying that.

I grinned too. “Ewan ko dun. Basta ang sabi we’re going somewhere nga daw.”

“Let me guess. Nagba-blush nga ngayon no? Lande!”

“Gaga ka,” nakangiti kong sabi. “Hoy wait, Marco’s calling.”

“Ay go, sagutin mo na. Daan kayo dito sa apartment bago kayo rumampa. Bye. Enjoy ka sa paglandi,” natatawa niyang sabi.

“Walanghiya ka. Bye na.” I hang up and accepted Marco’s call.

“Hey!”

“Hey. What are you doing?”

I smiled. “Ah wala naman. Nakahilata, soundtrip. Ikaw?”

“Medyo nagpapababa ng kinain. Wait, have you eaten?”

Biglang kumalam ang sikmura ko. Geez, hindi pa nga pala ako kumakain. Masyado ata akong nabusog sa excitement ko for today. “Ah yeah,” napangiwi ako because I just lied.

“Oh good. Uh…”

“What?” I asked.

“Uh, I was just wondering if we can meet earlier than our agreed time.”

I just smiled widely. “Oh. Excited ka, no? Chos! Uhmm, okay lang sa’kin.”

He chuckled. “So, I’ll see you in an hour? Okay lang sa’yo? Will you be ready by then?”

“Yep, yep!”

“Okay, see you. Bihis ka na.”

“Okay, bye. See you.”

I smiled like an idiot as I stare at my phone. One hour? Sus, tagal. Kanina pa nga ako bihis, eh. ‘Di ba? Excited lang. Magre-retouch nalang ako mamaya.

Almost one’clock na nung nag-text siyang nasa labas na siya ng dorm. Naks naman, three hours earlier. Kaloka. Tumayo na ako at hinatak yung bag ko. Kalmado akong bumaba sa hagdan. Yes naman, may composure!

“Oh, saan ang lakad mo, Dhae?” Nakangiting tanong ni Ate Riza sa’kin nung makasalubong ko siya sa pinto.

“Ay, diyan lang sa gilid-gilid, ate,” nakangiti kong sagot.

Someday, One DayKde žijí příběhy. Začni objevovat