53

1.7K 47 14
                                    

"Bruha, nasaan ka?" Raj asked over the phone and I smiled.

"Glorietta. Why?" I retorted as I put down the basket I am holding.

"Magkita tayo. May ibibigay ako."

"Okay. Kumain ka na ba? Kita nalang tayo sa Bizu?" I smiled at the crew habang ini-scan niya 'yung barcode ng items na bibilhin ko.

"Okay, okay. On the way na akes."

"Okay. See you," I said before putting back my phone to my bag. I got my wallet at iniabot kay ateng cashier 'yung card ko. Binilhan ko kasi ng long sleeve polo si Marco. I was killing time a while ago kasi alam kong pasado alas otso na naman uuwi 'yung jowa ko. And then I saw this turquoise polo. Ang cute kasi at feel na feel kong bagay sa kanya kaya binili ko na. Buti nalang alam ko size niya kasi nakikita ko sa closet niya. I also bought an aquamarine tie. Sana magustuhan niya.

Baby, what time ka uuwi? I texted habang naglalakad papuntang Bizu to meet Raj. Nasa may parteng Greenbelt 4 na ako when I received a call.

"Hi, Baby!" High energies kong sagot.

"Hello, Baby ko. Where are you?"

I grinned. "Greenbelt. Papunta akong Bizu, imi-meet ko si Raj. Pauwi ka na ba?"

"Mamaya pa ng kaunti. May inaantay pa kasi akong email galing sa client. Antayin mo na ba ako para sabay na tayong umuwi? Okay lang?"

I nodded kahit hindi niya naman nakikita. "Of course. Have you eaten?"

"Hindi pa, eh. Mamaya nalang."

"Hmmm. Matagal pa ba 'yan? Puntahan mo kami mamaya para makakain ka din bago tayo umuwi. Maguuwi ka pa ba ng trabaho?"

"Sige. In thirty minutes siguro, andyan na ako."

"Hmm, okay. You did not answer my question, ha. Nako. 'Wag ka na mag-uwi ng trabaho, ha?"

"Paano ako mag-uuwi ng trabaho, eh may pupuntahan tayo bukas?"

I grinned widely as I looked down. Nakakahiya kasi sa mga nakakasalubong ko. Para akong tangang nakangiti. Na-excite ako kasi aalis kami bukas though I have no idea where we are going kasi when I asked him, ang sagot niya puro ngiti lang. "Tseh! Baka kasi nakalimutan mo or something."

He laughed. "Hindi ko po nakalimutan. I'm all yours this weekend."

Natawa na din ako. "Tseh! Correction. You're all mine until the next lifetimes."

"Yes. I'm all yours, Baby."

I laughed out loud. "Ang harot mo, kainis ka! Sige na nga, nakikita ko na si Raj sa loob. Punta ka na dito agad mamaya. Bilisan mo."

"Sige na. I can't wait to see you, Baby. I love you."

"Nakakainis ka! Jusko ang harot-harot mo. Bilisan mo na nga diyan, miss na talaga kita. I love you."

I still heard him laugh before the call ended and I smiled as I put back my phone to my bag. Pumasok na din ako sa shop after. Ngiting-ngiti pa rin ako when I kissed my bestfriend on the cheeks. Inilapag ko na din 'yung paper bags na dala ko sa may katabing upuan.

"Ang saya natin, ah?"

I winked at him. "Naman! Nag-order ka na?"

"Oo, GF. Chicken Pesto Baked Rice in-order ko for you, tsaka Mango Smoothie. Kebs na ba?"

I nodded. "Anong ibibigay mo sa akin?"

He beamed. "Ay wait, matutuwa ka," he said and turned to his side to get something. Inabot niya sa akin 'yung isang paperbag after. "Ayan na 'yung pinapabili mo kay Ate. Kadarating lang."

Someday, One DayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu