57

1.9K 53 42
                                    

Nagising ako hours later kasi nakarating na pala kami sa hotel. Medyo nahuli na nga kami kasi nakakababa na silang lahat, ang tagal ko daw kasing gisingin sabi ni Marco. Magkatabi pa rin sila ni Brent while laughing at something. Sabi ko na nga ba, kakaribalin pa ako nitong si Brent, eh!

"Let's go?" nakangising aya ni Brent while I yawned at Marco's shoulder. "Tayo nalang naiwan dito," he continued. I looked around at oo nga, kaming tatlo nalang 'yung naiwan dito sa sasakyan.

"Where are they?"

"Nauna na, Baby. Nag-aayos na sila ng gamit sa room. Hindi kita magising kasi tulog na tulog ka."

"OMG! Sorry. Tara na!" agit kong sagot. I combed my hair with my fingers at tumayo na para makababa na.

"Alam mo, Dhae, hindi kayo pwedeng magsama ni Marié. Mahihirapan talaga kami sa inyo," Brent continued moments later at natawa nalang kami ni Marco habang kinukuha niya 'yung bags namin.

"Pare, dapat nakita mo 'yan nung nasa Taiwan kami. Muntik na naming hindi maabutan 'yung breakfast reservation namin kasi tulog na tulog talaga siya," Marco revealed and I hit his shoulder.

"Hello, madaling araw naman kasi 'yung flight natin noon tapos around 4:30 AM na tayo nakarating. Eh, 9:00 pa naman 'yung reservation so natulog muna ako. Kainis 'to!" Nakasimangot kong sagot pero kumapit ako sa braso niya as we started walking towards the hotel's entrance.

"Si Marié naman ayaw na ayaw na ginigising siya kasi masama ang mood nun lagi kapag ginagawa 'yun. I really have to wait for her to wake up," Brent responded with a laugh.

"Kahit may hinahabol kayong schedule?" My boyfriend asked.

Brent nodded and laughed. "There was actually this one time that I had to wake her up because we're catching a plane to Florida. Two days niya akong hindi kinausap sa inis niya sa akin."

"Seriously?"

"Yes, seriously," Brent replied with a laugh.

"I'm with her on that. Hoy, sleep is a necessity!" I told them and they looked at each other before laughing out loud again as we went near the concierge.

"Sabi sa'yo, magkakasundo silang dalawa sa pagtulog palang, eh," Marco continued at napailing nalang silang dalawa as we continued walking. Brent excused himself later para makipag-usap doon while Marco and I stayed at a short distance. Sumandal ako sa jowa ko and yawned. Inaantok pa talaga ako.

"Oh sige na," Brent said with a grin when he came back. Natawa kami kasi hindi pa pala tapos 'yung usapan. Parang tanga. "I won't contest that kasi parehas kayo ng pananaw ng fiancée ko. Anyway, Pare," he said taking a glance at Marco. "I booked a room for the two of you. I just don't think it is right for you, Dhae, and Glynice to stay in one room together so hiniwalay ko na kayo."

Marco and I both sighed in relief at nagkatinginan kami kasi sabay na sabay talaga kami. Ganoon talaga kapag MFEO.

"Salamat, Pare," Marco told Brent with a tap on the shoulder. Brent smiled at me.

"Thank you, Brent," I told him with a smile.

"Because of that, you'll shoulder our honeymoon expenses," Brent kidded and we all laughed.

"Sabihan mo ako kung saan niyo gusto. I'll take care of your plane tickets," my boyfriend suddenly blurted out at medyo natulala ako ng burberrry light!

"Well, Marié wants us to go on a roadtrip in Iceland, so..." he answered with a mischievous grin.

Marco smiled and tapped his bestfriend's shoulder. "Sige, ako na bahala diyan. Take that off of your expenses list," he said at nalaglag ata ang panga ko sa pagkaloka ko.

Someday, One DayWhere stories live. Discover now