30

2.1K 69 27
                                    

“Oh, ba’t ‘di ka pa natutulog?” Lands asked as he and Raj sat beside me at the door. Akala ko tulog na silang lahat, yung mga girls lang pala. “Ilang oras ka na dito. Akala nga namin sumama ka na kay Marco, eh.”

I gave them a sad smile.

“I screwed up,” bulong ko sa kanila.

“Ano yan?” Raj asked.

I looked down and rubbed my palms. “Marco.”

I saw them straighten their backs.

“Anong nangyari?”

Naiyak na ako nang tuluyan. Kanina pa kasi ako nagpipigil. “Eh kasi tinanong niya ako kung bakit ako umiiwas siya sa kanya for the past week, hindi ko siya nasagot kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko.”

They rubbed my back.

“Bakit ka nga ba umiiwas? Nasabi niya nga sa’min yun kaya ko siya inaya dito kanina. Maloka-loka na yang boylet mo sa kakatanong sa’min kung may nasabi ka daw ba sa’min kung bakit gano’n ka sa kanya lately,” Raj told me.

“Wala ka naman kasing sinasabi sa’min kaya hindi din namin alam ang isasagot sa kanya. Akala ko nga kanina makakapag-usap kayo, eh,” dugtong naman ni Lands.

I cried more. “Eh hindi ko nga kasi alam kung anong gagawin ko.”

“Umamin ka na kasi,” Lands said with a laugh.

“Anong aaminin ko?”

“Na in love ka na din sa kanya, GF,” Raj answered with a loud laugh.

I stopped and stared at them. “Am I that obvious already?”

Tumango silang dalawa. I facepalmed.

“Naman, teh! The way your eyes twinkle kapag binabanggit siya, obvious! Tsaka meron kang something na pag si Marco na ang kasama mo, biglang naggo-glow ang aura mo. At kung kiligin ka sa kanya, akala mo teenager ka.” Raj pulled my hair. “Hoy teh, reminder lang huh, twenty five ka na sa December! And December is in a few days na.”

I looked at Raj sabay sabunot din sa kanya. “Kung makapanumbat ka ng edad, ah. Mauuuna ka kayang mag-twenty five kesa sa’kin.”

“At least hindi ako feeling teenager kung kiligin.” He stuck out his tongue to me so I also did the same. Sabay kaming natawa after. Iyak-tawa na naman ako.

I looked outside and sighed again.

“Bestfriend, okay lang yan.” Lands tapped my shoulder. “Marco is into you.”

“Ehhhh, natatakot ako.”

“Ano bang kinatatakot mo? Na masaktan ka na naman? Natural lang naman yan. Nagmahal ka, masasaktan ka. But you choose the one that is all worth it. At sa nakikita namin, what you and Marco have is gonna be worth it. Dapat makita mo kung paano siya tumingin sa’yo. Look of love, teh! Si Lands nga kinikilig, eh.” Raj smiled at me and held my arm.

“Dinamay pa ako,” napailing nalang si Lands. “Dhae, isipin mo ha. Sa tingin mo ba papayagan pa namin si Marco na umaligid sa’yo kung hindi namin nakikitang seyoso siya? Kita mo nga, pati mga kapatid mo, gusto si Marco. Ikaw nalang naman ang inaantay nun, eh.” I looked at Lands and sighed.

He pulled me closer to him. “Dhae, isa lang naman ang masasabi ko sa’yo at lagi ko ‘tong sinasabi sa’yo. It’s time for you to finally be happy.”

Raj smiled at me, too. “Give yourself a chance to be happy. With Marco.”

 

***

Someday, One DayWhere stories live. Discover now