52

1.9K 52 12
                                    

"Ugh!" Gigil na gigil kong sabi habang kumakain ng double caramel sundae sa McDo malapit sa building namin. I'm already on my third cup pero hindi pa rin nababawasan 'yung inis ko. Nagka-problema kasi kanina at napagalitan kami ng boss namin sa Head Office. Ako ang na-target dahil hawak ko 'yung account na 'yun. Nakakainis! Ayaw na ayaw ko pa namang naba-badtrip kapag Fridays kasi I'll be carrying the bad vibes all throughout the weekend.

I looked at my phone and I grunted audibly. Mas lalo akong nainis dahil hindi ako nire-reply-an ni Marco. Kanina ko pa kasi siya tine-text dahil inaaya ko siyang manood ng movie at mag-dessert trip para mabawasan 'yung inis ko. Actually, kahit nga hawakan niya lang kamay ko, kakalma na ako. Damn, I just wanna be with him. Kaso, nganga.

Eto ang problema kapag involved ka na, suddenly replies matter. 'Yung dating okay lang kahit hindi mag-text, ngayon big deal na. Jusko, nagiging dependent na ata ako. Hindi maari 'to.

But he always knows the right things to say to make me smile, damn it!

Nakasimangot tuloy ako. Bakit ba hindi ako nire-reply-an nitong lalaking 'to? Nakaka-stress!

After my fifth cup, nag-decide akong umuwi na. Dagdag badtrip din ang sobrang haba ng pila sa bus stop at ang traffic jam sa may Kalayaan Avenue. Pagdating ko sa condo ni Marco around eight-thirty, dumiretso ako agad sa ref para maghanap kung may ice cream doon. Usually kasi kapag pa-weekend na, bumibili si Marco para sa'kin.

"Tangina naman!" I grunted in frustration nung nakita kong wala siyang binili. Sasaktan ko 'to mamaya pag-uwi niya kasi walang ice cream!

I threw myself heavily on the sofa and blew out a lot of air. I took my phone out and checked kung nag-text na ba 'yung magaling kong boyfriend pero negative pa rin. Si Dara lang 'yung nag-text, may tinatanong lang na website. Nyemas!

Umakyat na ako sa room after ten minutes of sulking. Napakunot ako ng noo when I saw Marco's work laptop on top of his table, katabi nung MacBook niya.

"Umuwi na ba siya?" I asked myself. "Pero hindi man lang ako tine-text?"

Mas lalong kumulo 'yung dugo ko. I dialed his number for the tenth time this evening pero same as the first nine ones, unanswered pa rin. I looked at my phone with a scowl. Nagsimula din akong kabahan pero nangingibabaw talaga 'yung inis ko. He always texts me kasi kapag pauwi na ako kasi tinatanong niya ako lagi kung anong gusto kong dinner. And super rare lang ng unanswered calls. Pero ngayon...

Huminga ako ng malalim. Dana Sanae, kalma lang. Everything's fine. Things are alright.

I kept repeating that for the next three hours. I also called na din sa bahay nila kasi baka andoon pala siya pero sabi ni Nanay Iza wala daw. Nag-text din ako kay Ate Inah, pero negative din. Hindi na ako maka-concentrate sa pinapanood ko kasi nag-aalala na ako. I tried calling him again a few minutes before twelve pero unanswered pa rin.

That was the last straw for tonight. I closed the laptop and left it on the bed para makita niyang I was here. Nyamas na 'to! I stood up and took my things. I turned off my phone at umuwi ako sa dorm.


***


"Dhae," gulat na sabi ni Yhin when she saw me at their door that Saturday morning. Wala pang 9AM pero nandito na ako sa apartment nila. "Aga mambulabog, ah. Pasok," she said and yawned after. Tahimik lang akong sumunod.

"Sige na, tulog ka na ulit. Dito lang muna ako," I told her with a forced smile as I sat down on one off the chairs at the sala and she stared at me.

"Anong nangyari? Bakit ang tamlay mo?"

"Wala lang. Sige na, tulog ka na ulit."

"Dhae."

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon