25

2.7K 67 16
                                    

“Ouch!” Nakangiti akong tumingin kay Raj pagkatapos niya akong sabunutan. Magkatabi kaming dalawa sa gang chair sa may boarding area ng airport.

“Sumagot ka kasi ng maayos!” Niyugyog niya pa yung balikat ko.

“What?” Tumawa ulit ako. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

“Bakit nga ganyan ang ngiti mo? At bakit hindi mo mabitawan yang phone mo?” Taas-kilay niyang tanong sa’kin.

I grinned wider at him. “Wala lungs.” Natatawa kong sagot. I even added a shrug to tease him more. Maya-maya magwawala na talaga ‘to.

Sinabunutan naman niya ulit ako pero natawa pa rin ako.

He seriously looked at me. “Yung totoo, anyare nga?”

Tinawanan ko na naman siya. “Wala nga kasi.”

Hinampas niya ako sa balikat. “Hoy masakit yun, ha!” reklamo ko sa kanya.

Siniringan niya ako. Sasabunutan na naman sana niya ako when my phone rang. Na-suspend in mid-air yung kamay niya sabay titig sa phone ko. I grinned at him before taking the call.

“Hi!” Nakangiti kong bati. Define super ngiti. Akala mo naman makikita niya yung ngiti ko.

“Yeah, nasa boarding area na kami. We’ll be boarding in a while, obviously. Nasa office ka pa?”

Nakangiti kong nilingon si Raj na kunot na kunot na ang noo.

“Oh, ‘wag na mag-OT.” I paused because I felt Raj nudge my arm. Nung nilingon ko siya, tinuro niya yung speaker. Tinatawag na pala yung passengers for boarding. And yeah, that’s our flight na.

“Eto na, eh. I gotta go, boarding na… Yeah, I’ll text you when we get there… Okay, bye… Yeah, ingat din.”

All smiles ako habang nilalagay sa bag ko yung phone ko. Binitbit ko na yung mga gamit ko at nag-start na maglakad papunta sa entrance ng plane.

“Hoy, palit tayo ng upuan. You got the seat beside the window, eh.” Nakangiti kong bulong kay Raj as soon we reach our seats. Tinititigan lang ako ng gaga.

“Tell me what is going on, though I already have an idea, I just need your confirmation, and I’ll switch seats with you.” Seryoso niyang sabi.

“Taray ng English mo, GF. Straight! Epistaxis.” Tawang-tawa kong sabi.

Natawa na din siya. “Gi-noogle ko yan, pak ba?”

“Pak na pak!” Tawa na naman kami habang nagpapalit ng upuan.

“Hindi ako nagbibiro,” he said later. “Sabihin mo sa’kin kung anong nangyayari, babae ka.” Gigil na gigil niyang sabi.

I winked at him. “Later. Promise.”

***

Paglapag namin sa Caticlan, sumakay kami agad ng van papuntang Jetty Port. Mabuti nalang, provided na ng hotel yung transfer from the airport to the hotel, and vice versa.

Pero ang nakakaloka, ayaw akong tantanan ni Raj. Maya’t maya akong inuurat, jusme. Sumasakit tuloy ang ulo ko dahil sumasabay yung pagsiko niya sakin sa galaw ng alon.

Hinablot ko yung earphone sa right ear ko at nilingon siya. “Tangina, mamaya kasi.” Jirits kong bulong sa kanya.

Tawa naman siya. “Gaga ka kasi. Basta mamaya, ha?”

I sighed. “Yeah, yeah, yeah! Tigilan mo na muna ako.”

Binalik ko yung earphone ko at nag-soundtrip na ulit. Buti nalang tahimik na siya hanggang makarating kami sa hotel. Family room yung kinuha namin, good for six talaga para hindi na kami maghiwa-hiwalay. I know, right? Ang clingy namin.

Someday, One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon