21

2.9K 80 20
                                    

Nakatayo kaming dalawa sa gilid ng mesa, magkaharap. Nakatitig lang ako sa mga nasa table: tatlong bote ng Coconut Rum, tatlong packs ng powdered Calamansi juice, mint leaves. He was, well, staring at me. I can feel his eyes through me. Kinikilabutan na naman kasi ako.

“Dhae, you okay?”

I looked at him blandly. “Uhhh, yeah. Sorry. Nagtaka lang kasi ako sa mga nasa table. So, let’s get this done?”

He smiled and nodded. Inabot niya sa’kin yung powdered juice. Ako na daw magtimpla. Kahit takang-taka ako, sumunod nalang ako. Akala ko ba Mojitos? Do It Youself ba ‘to?

Tumalikod ako at kumuha ng tubig sa refrigerator.

“Uy Marco, got a question.” I saw him raise his eyebrows. “Bakit ka lumipat dito? Sorry na, pakialamera lang.” Natawa ako sa sarili ko.

Don’t get me wrong. I was just curious. Yung tirahan niya before, nasa may opposite end lang ng adjacent street namin. So uh, connection please.

He started pouring the bottles of rum into the shaker and smiled at me. “Actually, last year ko pa na-acquire ‘tong unit na ‘to. Kaso may existing rent contract pa ako dun sa dati kong tirahan, eh sayang naman. So hinayaan ko muna ‘to.”

Hinahalo ko na yung juice when I looked at him. “Tapos?”

“Two weeks ako, natapos na yung contract ko. Sa sobrang busy ko, I forgot about it. Pag-alis ko dun, hindi pa maayos dito. So ang ginawa ko, nilagay ko muna dito yung mga gamit ko tapos pinaayos ko. Busy pa kasi ako sa audit, busy season pa eh, tapos uwian ako sa bahay namin sa Mandaluyong. Kaya hindi din ako nakapagpakita for a while. Kahapon lang nga naayos lahat dito so ngayon lang ako nakalipat.”

“Uhmmm, okay. Grabe, ilang taon ka palang pero you already have this investment. Nakakayaman pala sa SGV, makalipat na nga din diyan. Charot! Ikaw na, ikaw na talaga ang RK!” I smiled at him at inabot sa kanya yung tinimpla ko. He poured it na din sa shaker. Tapos naglagay siya ng konting sugar.

Napailing nalang siya at ngumiti sa’kin. “Hindi naman. May savings lang kasi. Saglit lang, ako naman ang may tanong. Bakit mo favorite ang Mojitos?” Inayos niya na yung glasses sa may tray.

Natawa ako. “Ang sarap kasi. Yung lasa talaga yung gusto ko dun, bonus na lang yung effect sa’kin.”

“Is it true na hindi ka tinatamaan kahit ilang pitsel inumin mo?”

Natawa na naman ako. Ang cute niya lang talaga. Tumango naman ako. “Na-realize ko yun one time, nasa bar kami sa may Timog. Ang dami kong nainom na Mojitos pero hindi ako tinatamaan. Sina Raj nun tipsy na eh, pare-parehas lang naman kami ng nainom. I tried that stint again, sa ibang bar naman. Ayun, ganun din, hindi din ako tinamaan. At natuwa ako sa realization kong yun.”

Napabuga siya ng hangin. “Naks proud moment. Ikaw na astig. Fist bump!”

“Yeah!” I smiled as we fist bumped. Natawa nalang kaming dalawa.

“Ah nga pala, paki-crush naman ng konti yung mint leaves. ‘Wag lang masiyadong diinan ha?” He smiled at me habang binabaliktad niya yung shaker. I did naman what he said tapos inabot sa kanya. Nilagay niya naman yun sa shaker tapos binaliktad niya na naman.

Someday, One DayWhere stories live. Discover now