16

3.5K 80 8
                                    

“Hello, Pa?” Bati ko kay papa as soon as I answered his call. Kahit hirap na hirap akong dumilat , pinilit kong silipin yung wall clock. Alas singko pa lang ng hapon. I grunted a little.

Yeah, right. Nagising ako sa tawag ni papa. Natulog na naman kasi ako maghapon. Saturday routine yan.

“Hello, anak.” Bati niya naman.

Naghikab ako. Grabe, I’m so inaantok pa talaga.

“Anak, ano may boyfriend ka na ba?” Biglang  nagising ang diwa ko sa tanong niya. Lumaki ang mata ko at napanganga na lang ako. Nakakaloka! Yan na ba ang pinakaimportanteng tanong ngayon?

“Grabe Pa! Yan talaga ang una niyong tanong? Tatlong araw niyo akong ‘di nakausap. Hindi niyo man lang po ba ako kakamustahin? ‘Di niyo ko itatanong kung kumakain ba ako ng tama?” Grabe si Papa. Nakakatampo. Boyfriend? Boyfriend talaga?

Natawa naman siya. Ang lutong na naman ng tawa niya. “Alam ko namang puro ka kain anak, parang ‘di naman kita kilala. Para maiba naman, boyfriend muna ang tanong.”

Natawa na lang din ako. Walanjo talaga ‘tong tatay ko.

“Kamusta kayo, Pa? Umuwi ba sina Kuya at Dara?” Bumangon ako konti para umupo at sumandal sa pader.

“Mabuti naman kami, anak. Ikaw kamusta ka naman? Oo, andito sila. Narinig ko ngang nag-uusap kanina.”

Kinabahan ako for no reason. Okay. Ano na namang pinag-uusapan nila?

“Okay naman po ako, Pa. Tapos na po audit namin kaya medyo maluwag-luwag na ulit. Ano pong pinaguusapan nung dalawa?”

Papa cleared his throat. “Ikaw anak. Mukhang secret yung usapan nila eh, kaso sa excitement ata nila hindi nila nai-lock yung pinto. Naiwang medyo nakaawang ng konti.”

Hindi ako umimik. Medyo natahimik din saglit si Papa.

“May gusto ka daw dun sa auditor niyo ah.” Natawa na naman siya. Kantyaw na naman ‘to.

I blushed again. Geez. Why do I always blush when it comes to him?

“Pa naman! Crush lang naman eh.”

“Hanggang crush na lang, anak? Sabi nga ni Dara, level-up naman diyan.” At ayan, tawang-tawa na naman siya sa sarili niyang banat. Nahawa na din ako kaya nakitawa na din ako sa kanya.

“Naku, baka pagalitan na naman ako ng mama mo kapag narinig niyang tinutulak na ulit kitang mag-boyfriend.” Tumawa na naman siya. Ako tawa pa rin ng tawa. Sina Mama at Kuya kasi, hinahayaan lang ako sa pagiging single ko eh. I-enjoy ko muna daw. Eh etong si Papa, lakas makapang-asar eh.

“Grabe ka maka-push na magka-boyfriend na ako Papa, eh wala pa nga eh. Kalma ka lang kasi.”

“Nga pala anak,” Medyo ramdam kong nag-alangan si Papa. “kinakamusta ka ng tita Josie mo.” Okay, tita Josie is Tristan’s mom. There.

Someday, One DayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang