12

4K 98 22
                                    

I woke up feeling so depressed. Hindi pa rin ako maka-get over na may girlfriend na yung all-time prof crush ko. At ang pinakamasaklap pa, sa mas bata sa'kin! Shetengeners talaga! Gusto ko sanang um-emote whole day at i-nurse ang broken heart ko, kaso hindi pala pwede. Hanep naman 'to, crush na nga lang, mabo-broken heart pa.

Lungkot na lungkot ako habang nagre-ready para sa pagpasok ko. Because Friday is jeans day, I can wear something informal. I wore na lang yung black na long blouse ko plus Chuck Taylors. Oo, black. Wag kayong kumontra, nagluluksa ako.

Matamlay akong pumasok sa office. I forced a smile as I greeted them. Umupo na ako agad at nagbukas ng laptop. What am I gonna do nga today? Letch sabaw pa.

Nakakatitig lang ako sa laptop ko. Nakakainis talaga si Sir Archie! Pinagpalit ako kay Trish. OMG! Mas maganda at mas matalino naman ako dun. Tapos mas bata pa si---

"Good morning, guys!" Natigil ako when I heard that voice.

OMG!

I counted pa up to three before I looked up at the one who spoke.

Is this real? Or am I hallucinating?

"Kamusta dito?" Shet totoo nga! He's here na! Oh my gosh! Oh my gosh!

In a snap, na-activate ang happy hormones ko at kumalat sa buong katawan ko. Parang biglang nagkalat ang rainbows sa paligid, may shining shimmering splendid pa. Tapos parang slowmo pa yung paggalaw niya. Pati pag-smile niya. Oh no! What's happening? Fairy tale ang peg?

"Good morning, Sir. Na-miss ka po ni Dhae. Este namin. Na-miss ka namin." Sinamaan ko ng tingin si Nica pagkarinig niyan. Nag-peace sign naman siya sa'kin at humagalpak na silang lahat ng tawa.

Tumawa naman siya. After two days, nakita ko ulit yung singkit niyang mata and his smile. Na-miss ko 'to. And oh, can I make kurot his cheeks? He's so cute talaga.

"Ayos lang yan. Na-miss ko din siya. Este kayo." Todo smile pa siya after. At syempre pa, kinilig na naman ang taumbayan. Todo hampas pa si Nica kay Jaira. Si Wendy walang mahampas kaya yung table na lang. Si Arianne naman at Sir Albert, ngiting-ngiting nag-high five sa gilid.

Ako? Eto, nakanganga ng konti. Hindi ma-digest ng utak ko ang mga kaganapan.

What did he say? Na-miss niya din ako?

Wait, kikiligin na ba ako? Shetness! Pinagtitripan ata ako neto eh.

I looked at him and saw him wink at me. Of course, with that huge grin plastered on his adorable face.

Teka lang! Inhale, exhale.

Isa pa. Inhale, exhale.

Ulit. Inhale, exhale.

One last time. Inhale, exhale.

Pero shetengeners na malupit! Napakapit ako sa may table. Hindi ko ma-contain ang kilig ko! Feeling ko puma-party na yung internal organs ko sa kilig.

I smiled at him na lang, though what I really wanted to do was shake his shoulders wildly and pinch his cheeks.

Ilang beses pa ako naginhale-exhale exercise para kumalma. Buti na lang talaga ma-poise ako. Baka nangisay na ako dito sa sobrang kilig ko. Haro josku!

Nung medyo kumalma na ako, at silang lahat din, nag-start na kaming mag-work. Kaso, maya't maya biglang may babanat ng "Aheeeeeem!" sa paligid at mag-ngingitian sila.

Anmeron? Geez.

'Di bale, kumpleto na ang araw ko.

***

Someday, One DayOnde histórias criam vida. Descubra agora