15

3.8K 88 13
                                    

I woke up feeling so hyped up. Ilang araw na akong ganito, ngingiti pagkagising pa lang. Parang ang liwanag ng tingin ko sa mundo. Nakangiti lang ako lagi throughout the day. High na high lagi. Ewan ko ba. Basta. Until now, kinikilig pa rin kasi ako.

Pagkapasok ko sa kwarto nung Friday, para akong tangang nagsasasayaw sa sobrang tuwa ko. Niyakap-yakap ko pa yung mga stuff toys sa bed ko. Kung makakapagreklamo lang siguro mga yun, sasabihin nilang mamamatay sila sa suffocation. Pero wapakels. Kinikilig ako. Masaya ako.

Pero oh my gosh lang, feeling ko hindi pa rin enough mga pinaggagagawa ko para kumalma ako. Parang sasabog kasi yung dibdib ko sa tuwa ko. So nung feeling ko hindi ko na talaga ma-contain, I lied down, nagkumot ng bongga, covered my face with my pillow and shrieked. Oh na-feel niyo ba yung intensity ng kilig ko?

After an hour, yes an hour, feeling ko I calmed down naman pero hindi pa rin natatanggal yung ngiti sa mukha ko. I got my phone and checked the messages. Ayun, flood na naman. Hulaan niyo kung sino ang salarin. Mga salarin? Tama! Yung mga walanghiya kong kaibigan. Ang laman ng mga messages nila puro kinikilig daw sila (Parang ako hindi ganerns?) at jowain ko na daw si sir Marco (itawid natin 'to please), wag ko na daw pakawalan (pakapitin muna natin siya sa'kin). Ermegerd lang!

Hindi ko alam kung bakit mas hapit pa 'tong mga kaibigan ko kesa sa'kin. Kinabog ako sa kilig nila eh. So sila ang may feelings para sa kanya? Sila ang may crush? Napapailing nalang ako, pero nakangiti pa rin syempre. Nakakaloka!

Tinext ko agad sina kuya Da at Dara para mag-share ng mga kaganapan at sandamakmak na kilig. Kuya called me agad at nag-confe kaming magkakapatid. Gawain talaga namin 'to since I started working here.

"Hoy Dhae, kumalma ka nga. Ang sarap mong itali. Tumigil ka." Tawang-tawang sabi ni kuya sa'kin.

"Kuya kasi..." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil napangiti na naman ako ng maluwag. Kinilig na naman ako.

"Hampasin ng T-square yang si ate nang kumalma ang organs niyang nagwawala." Sagot naman ni Dara.

"Tseh!"

"Hoy sandali kapatid. Bago ka mahimatay sa kilig diyan, matinong usapan muna, kapag nanligaw sa'yo yan, ipakausap mo muna sa'kin." Kuya told me seriously. Naka, he reminded me pa. At naloka naman ang side bangs ko dun. Ligaw talaga?

"Anong ligaw ka diyan! Ligaw agad? 'Di ba pwedeng friends muna? Getting to know each other ganerns." Pinilig ko yung ulo ko to make kontra myself. "Pero hindi, ayokong umasa ng mas malalim pa dito. Crush lang eh."

Kaloka naman kasi 'tong si kuya. Crush pa lang eh, ligawan na ang sinasabi. Ang advanced masyado mag-isip. Nakakainis.

"Pero tingin mo kuya, liligawan niya ako?" Pahabol kong tanong. I grinned naman ng bongga.

Oo na, hopiang-hopia nga kasi ako.

"Asus! Permi ka-attuk mo ate! Kunwari ka pa eh. Alam naman naming wini-wish mong ligawan ka nun. Ako na nagsasabi, 'di ka niya liligawan." Tawa naman silang dalawa. Ang saya ng mga kapatid ko, nyemas!

I rolled my eyes. "Sige mambasag ka pa Dara. Salamat sa suporta huh? You love me talaga."

"Alamoyan ate!" Tawa ulit silang dalawa.

"At pwede ba, 'wag mo kong ini-Ibanag diyan. 'Di ako malandi. Kinikilig lang talaga ako ngayon."

"Hoy basta yung sinabi ko sa'yo ah? Ipakausap mo muna sa'kin yan bago ka magpaligaw. Dapat makilatis muna. Mag-uusap pa kami ng about sa terms and conditions."

Someday, One DayWhere stories live. Discover now