18

3.7K 82 41
                                    

Naka-Indian sit ako sa bed ko at todo kiskis ng kamay ko sa may legs ko, kanina pa kasi namamawis eh. I looked at the wall clock. Thirteen minutes before eleven. Geez. Malapit na.

I’m actually ready to go, inaantay ko lang yung sundo ko. Ite-text niya na lang daw ako kapag andun na siya sa may labas ng dorm. So ako naman, super abangers sa phone ko. Baka kasi any moment magpop-out na yung name niya eh.

Last night, mga fifteen minutes pagkahatid niya sa’kin, nagulat nalang ako nung may unregistered number na nag-text sa’kin. Huminto ata ang mundo ko (Naks!) pagkakita ko sa name niya. Muntik ko pa ngang mahulog yung phone ko sa pagkagulantang ko. Nasa may first part ng message nung name niya kaya nalurky agad ang pagkatao ko. Parang two minutes nga ata akong nakanganga at nakatitig sa message niya.

Anong sabi? Wala naman masiyado. Sabi niya lang he enjoyed the night dahil as usual daw, ang benta na naman ng reactions ko. Tapos sinabing susunduin ako dito around 11 AM.

Syempre nung nahimasmasan ang lola mo, nag-reply naman. Nag-thank you ako sa free dinner at deadmadels nalang ako about sa reactions kembular ko daw. I asked him why he had to fetch me that early eh 2:00 PM pa naman start nung concert.

Pero oh my gosh lang, nalurky ulit ako sa sagot niya. Magla-lunch daw muna kami bago pumunta dun. Susme! Lagpas sa quota na naman ata ako sa kilig. Good luck naman to me and my internal organs.

Siyempre, I so love this. Naman! Ako pa ba ang choosy?

Kasalukuyan kong kinakagat ang kuko ko nung mapatalon ako sa gulat dahil sa message alert tone ko. I was right, siya na nga ang nag-text. Nasa labas na daw siya. Kinuha ko na yung pouch bag ko tsaka umbrella. Necessity yan ngayon, mainit eh tapos open-grounds pa yung venue.

Halos madapa ako sa hagdan dahil kinakabahan talaga ako at nagiging jelly ang tuhod ko. Last night, I really thought well of what I’ll wear today. Eh kaso open-ground concert to, alangan namang todo dress-up ako tapos inappropriate pala. So I just settled with this gray sleeveless blouse, black cardigans, jeans, and Converse kicks. I put on a little make-up din. Nung nasa tapat na ako ng pinto, nag-sign of the cross muna ako bago ko yun buksan.

My gosh! This is it.

Huminga muna ako ng malalim at bumuga ng hangin before I got out. Nakita ko naman siya agad, nakatayo sa may kabilang side ng street, nakapamulsa at nakayuko. That sight took my breath away for a few seconds. Geez, he looks so cute because of his red beanie.

Tinitigan ko muna siya. He’s wearing a dark blue sweater na nakalilis hanggang sa may siko niya. He paired it with jeans and a black-red Nike Yeezy.

I smiled. Ang cute cute niya talaga. Nakakagigil. I really wanted to pinch his cheeks. I covered my mouth and giggled like a child because I’m so like kinikilig right now.

Nahalata ata niyang may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa part ko. I smiled and waved at him. Lumapit naman siya with that bright smile.

“Hi!” Bati ko sa kanya. Ay, ang taas ng energy, te?

Someday, One DayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz