SAIL WITH ME (On-going)

By YannaKlair

634 93 9

Aishantel, isang babae na walang pakielam sa paligid niya, sa itsura niya kung panget man siya o hindi nag-aa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 17

16 3 1
By YannaKlair

CHAPTER 17

Its been a week since nung pumunta kami ng private resort nila Darius. Mas lalo ako naging busy, dahil nga nagkaroon ng isang problema ang cruise ship. Mom and dad doing some ways to solve this problem. Hindi ko na rin natatawagan si Darius sa sobrang busy nagtetext naman siya, pero hindi ko narereplyan. I know that he understand me.

"Aisha, pakibigay naman ito sa financial department pakisabi na magreport agad" sabi sa'kin ni Ms. Lopez

Sumakay ako ng elevator at tiningnan ko yung orasan malapit na maglunch. Nang tumigil na yung ibinigay ko na agad sa head 'yung pinapabigay ni Ms. Lopez. Meron pa kaming board meeting, dahil nga sa nangyari sa isang cruise ship. Niready ko lahat ng papers that will needed in the meeting. Pagkatapos ay gumawa pa ako ng tambak na paperworks and reports na kailangan ipasa bukas.

Tumunog yung phone ko. I answered it without looking at the caller.

Aisha:
Hello? Who's this?

Darius:
It's Darius

Aisha:
Oh sorry babe I have lot of works maybe later na lang, okay?

Darius:
Aisha--

Aisha:
Darius please mamaya na ang dami ko pang trabaho bye

Binaba ko yung and continue what I'm doing. Lumipas ang dalawang linggo ang lumipas lalong tumambak ang gawain ko. Sunod-sunod ang naging problema ng kompanya. Pati sila mommy at daddy ay hindi na alam ang gagawin, pero the company attorney is working his best to clean the mess.

"Mommy this is the report for the failure engine of the cruise ship" sabay abot sa kanya ng folder.

"Thank you, anak" busy siya habang tinitingnan ang mga reports.

Paalis na sana ako ng bigla ulit akong tawagin ni mommy.

"Anak, nagkikita pa ba kayo ni darius?" tanong ni mommy

Ngumiti ako ng mapait. Nakakalimutan ko na siyang kamustahin.

"Hindi na po maybe its been 3 weeks na po" I smiled bitterly

Sa sobrang busy ko, dahil sa mga problema sa kompanya nakakalimutan ko na siyang kausapin. Kahit nung isang araw ay nababaan ko siya ng tawag.

"Puntahan mo siya ngayon, anak" sabi ni mommy.

Tumayo siya at hinaplos ang buhok ko. Tiningnan niya ako sa mata.

"Kailangan ka niya ngayon sige na puntahan mo na siya ngayon pwede ka nang mag out" sabi ni mommy at hinalikan ako sa noo.

"Thank you, mommy" niyakap ko siya. Kinuha ko yung mga gamit ko sa table ko at sumakay na ng elevator. Sumakay ako ng jeep papuntang condo ni Darius. Nang makarating ako doon ay kinatok ko yung unit niya. Bumukas yung pinto at tumingin siya sakin ng malamig.

"Bakit nandito ka wala ka bang trabaho?" ang lamig ng boses niya.

"Pinauwi ako ni mommy magpahinga raw muna ako" ngumiti ako sa kanya ng alinganin.

"Okay, bakit dito ka dumiretso kung pinagpapahinga ka. Dapat sa condo niyo na lang ka dapat dimiretso hindi dito" seryoso niyang sabi

Nagbabara na lalamunan ko feel ko anytime iiyak na ako. Naguguilty ako dahil nawalan ako ng oras sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.

"Pwede ba akong pumasok?" tanong ko

Binuksan naman niya ito ng malaki para makapasok ako.

"Darius" tawag ko

Hindi niya ako nilingon ang sakit sa dibdib.

"Kung gusto mo matulog doon ka na lang sa kwarto" sabi niya ng hindi ako nililingon.

Tumulo na ng luha ko naasar ako sa sarili ko dahil di ko siya napagtuunan ng pansin. Puro na lang ako trabaho. I want to prove that I can do something for the company. Na kaya kong gampanan ang pagiging CEO ko sa future.

Lumapit ako sa kanya nung umupo siya sa upuan. Hindi ko na napigilan yung iyak ko. Humagulgol talaga ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sorry sorry" umiiyak kong sabi "Babe sorry sorry" lalong nagbara ang lalamunan ko.

Ang sakit-sakit ganito siguro naramdaman niya nung ilang linggo naming hindi namin pagkikita. Niyakap niya ako kaya mas lalo ako napahagulgol.

"Hey shh it's okay wag ka nang umiyak" hinagod niya likod ko. Hinawakan niya yung mukha at tinitigan ako sa mata. Kita ko yung lungkot, pagod at pag alala sa mukha niya.

"Hush tigil na please nasasaktan akong makita kang umiiyak" he caressed my face. He wiped my tears using his fingers. Napapikit ako nung ginawa niya 'yun.

"I'm sorry, Darius kung hindi ako masyadong nagparamdam this past few weeks nagkulang ako, nagkulang ako" lalo akong nagpahagulgol hindi ko alam gagawin ko, kung pano ako babawi.

"Hey, look at me nagtampo lang ako please 'wag ka na umiyak ha" he kissed my forehead.

"I know that you are too busy, pero kasi Aisha nung binabaan mo ko ng tawag ang sakit" nakita ko yung sakit sa mata niya. Hindi ko iniisip nararamdam niya.

"Sorry" I try to stop my sobs but I can't.

"Let's talk kapag nakapagpahinga ka na mukhang hindi ka nakakapagpahinga ng maayos this past few weeks" sabi niya. Inalalayan niya akong tumayo at dinala sa kwarto niya.

"Sige na magpahinga ka na sa labas lang ako" sabi niya. Akmang lalabas na siya pero pinigilan ko kamay niya.

"Stay here please tabihan mo ko matulog" sabi ko sa kanya.

Humiga na siya sa tabi ko at hinila ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako hanggang sa makatulog ako. Paggising ko ay nakayakap pa rin sa'kin si Darius. Hinaplos ko yung mukha niya, hindi ko ikakailang namiss ko siya ng sobra. Pinagmasdan ko yung mukha niya napakaamo niya pag natutulog. Dahan-dahan kong tinanggal yung braso niyang nakapatong sa akin. Pumunta akong banyo para maligo at pagkatapos ay pumunta akong kusina para magluto.

Nagluto ako ng caldereta para sa hapunan, nakapagsaing na rin ako. Naghahain na ako ng biglang lumabas si Darius na parang may hinahanap. Nang makita niya ako lumambot mukha, ngumiti siya sa akin. Lumapit siya at bigla akong niyakap, siniksik niya yung mukha niya sa leeg ko.

"Oh bakit?" tanong ko habang hinahaplos yung buhok niya.

"Akala ko umuwi ka na 'di pa tayo nakakapag-usap" sabi niya habang yakap yakap ako.

"Hindi muna ako uuwi namiss kita" sabi ko at hinawakan yung mukha niya "Kain na tayo" ngumiti ako at hinalikan siya sa labi.

Puputulin ko na sana ang halikan namin ng hinawakan niya ang mukha ko. Napaungol ako ng bigla niyang kagatin ang labi ko. Hinihingal kaming pareho matapos ang mainit na halik. Napaiwas ako ng tingin.

"Kain na tayo" nauutal pa ako ng kaunti

Nakita ko siya habang kumakain hindi maalis yung ngiti sa labi niya. Ako tuloy tong naiilang. Nang matapos kaming kumain ay niligpit ko na yun. Inunahan ko na siya sa lababo para walang angal.

Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng TV. Tinabihan ko siya doon. Medyo nakadistansya ako, nasa kabilang dulo kaming dalawa.

"Bakit ang layo mo dito ka sa'kin" sabi niya

"Huh saan?" wala sa sarili kong sagot

Hinila niya braso ko papalapit sa kanya.

"Dito nga sa tabi ko" he chuckled

Nasa bewang ko yung braso niya.

"Ah okay sige" sabi ko

"Dito ka na muna sa'kin umuwi" sabi niya out of nowhere

"Huh bakit?" naguguluhang tanong ko tinitigan niya ako sa mata.

"Para kahit na busy tayo makikita pa rin kita kasi dito ka na uuwi" hinalikan niya yung ilong ko "kahit isang linggo lang dito ka muna sa'kin" dagdag niya pa

"Kung 'yan ang gusto mo pambawi ko na rin sayo" ngumiti ako sa kanya

"I love you Aisha" nakangiting sabi niya

"I love you too" sabi ko.

"Sorry kung nawalan ng atensyon sayo, kahit busy ako ikaw naman laman nito" sabay turo ko sa puso ko.

"Kahit anong mangyari Aisha magalit man ako sayo magtampo o mag away man tayo hinding hindi kita iiwan tandaan mo yan" sabi niya sakin

Naging maayos naman yung pagtira ko sa kanya ng isang linggo. Mas naging okay kami at naging maayos na rin ang problema sa kompanya.

"Babe, alam mo bang nagiging maayos na ang kompanya at magkakaroon na ako ng oras sayo" masaya kong sabi sa kanya

"Maganda 'yan may oras ka na para magpahinga" he wiggeld his brows

"Yeah" ngumiti ako.

Simulan ng hindi namin pagkakaintidihan noon ni Darius ay sinasabi ko sa kanya kong busy ba ako o hindi. Para alam niya kung kailan ako tatawagan.

Asa board meeting ako ngayon at pinag-uusapan namin ang pagpapatayo ng hotel.

"Shan's group of company can help us on this one, willing naman silang maging part of this project, so the meeting is adjourned" sabi ni Daddy

"Aisha" tawag sakin ni Lia

"Bakit?" tanong ko

"Miss na kita uwi ka na" sabi niya at bigla akong niyakap

"Miss na miss mo na siguro ako" sabi ko hinaplos ko naman likod niya.

"Walang maingay sa condo ang tahimik" sabi niya

"Uuwi na rin naman ako e tsaka hindi na rin masyadong busy" sabi ko

"Talaga ah" sabi niya

Tumango naman ako. Mukhang miss nga ako ni Lia hindi mo talaga ako mapapahiwalay sa kanya. Pagkauwi ko sa condo ni Darius wala pa siya kaya, nagluto muna ako para sa hapunan. Maya-maya ay bumukas na yung pinto.

"Babe?" tawag niya sa'kin

"Asa kusina ako!" sabi ko

Nakita ko siya naglakad papalapit sa'kin kasama niya si Tita Dani.

"Good evening po, tita" sabi ko

"Good evening, iha" ngumiti siya sa'kin

"Magpapalit lang ako ng damit, babe" hinalikan niya ako sa noo

"Sige maluluto na rin to" sabi ko

Pumasok siya sa kwarto niya. Lumapit naman sa'kin si Tita Dani.

"Aisha iha" tawag niya sa'kin hinaplos niya buhok ko.

"Bakit po tita?" tanong ko

"Ang swerte niyo sa isa't-isa ni Darius iha" naluluhang sabi niya

"Hala tita oo naman bakit po kayo umiiyak dyan" pinatay ko yung niluluto ko at niyakap ko si Tita.

"Love my son endlessly please. Kahit na isa sa inyo ang magsawa please love each other no matter what" pakiusap ni tita

"Oo naman po mahal na mahal ko po siya. Hinding- hindi po ako magsasawang mahalin siya" sabi ko kay tita.

"I know, thank you, iha" sabi ni tita humiwalay na siya sa akin.

Lumabas na rin si Darius at nakita niya kaming nag-iiyakan

"Ay hala bakit kayo umiiyak?" sabi ni Darius

"Wala lang to anak natatae kasi ako saan cr niyo?" tanong ni Tita Dani

Napakamot naman ng ulo si darius sabay turo sa CR.

"Kumusta ang trabaho?" tanong ni Darius "Sa tingin ko makakasama na kita sa trabaho, dahil kami ang maghahandle ng resort na gagawin niyo" nakangiting sabi niya

"Oo nga e. Ah darius uuwi na ako bukas hinahanap na ako ni Lia hindi makatagal ng wala ako" sabi ko sa kanya

"Its okay, babe" sabi niya

Lumabas na Tita Dani sa CR at nagsimula na kaming kumain. Napagkwentuhan rin namin ang tungkol sa gagawing resort namin.

"Sige, una na ako sa inyo ah" sabi ni Tita

"Sige po tita ingat po" kumaway ako sa kanya

Pumasok na kami sa loob ni Darius. Nagligpit lang kami at natulog na.

Kinabukasan ay wala kaming pasok na dalawa. Andito lang kami sa condo nanonood, dahil mamaya aalis na rin ako, uuwi na ako.

"Babe ,magiging busy na ako next week" sabi ko

"Its okay atleast nagpaalam ka na" ngumiti siya sa'kin

"Hatid na kita sa condo niyo" sabi niya kinuha niya 'yung susi ng kotse.

Pagkahatid niya sa'kin ay umuwi agad siya si Lia naman tuwang tuwa at sa kwarto ko pa natulog.

Nang magsimula ang project namin na pagpapagawa ng resort ay minsanan na lang kami magkita ni Darius. Hindi rin naman kami masyadong nagkikita sa site, dahil hindi naman ako architect o engineer. Kaya most of the time asa office at nag aayos ng mga materials na kakailanganin na ideliver sa site. Kung minsan naman ay binibisita ko si Darius sa condo niya pero hindi ko siya naabutan. Weekend na lang kami nagkikita.

It's saturday at tinext ko si Darius na pupunta ako sa condo niya. Galing pa akong opisina, dahil may emergency daw na meeting kaya pagkatapos ko roon ay dumiretso na ako sa condo ni Darius. Nagjeep na lang ako papunta roon.

Hindi na ako kumatok dahil alam ko naman ang passcode ng pinto niya. Pagpasok ko ay nakapatay yung TV, pumunta akong kwarto nakahiga siya doon.

"Darius" tawag ko umupo ako sa tabi niya

Hindi siya sumagot.

"Babe, ayos ka lang ba?" tanong ko

"Oo" sagot niya

"Kumain ka na ba?" tanong ko ulit

"Oo" sagot niya

"May problema ba tayo?" nagtataka kong tanong

"Wala" sabay iwas niya ng tingin

"Wala naman pala e ba't ganyan ka. Ang cold mo sa'kin" sabi ko

Tinanggal ko 'yung kumot na nakabalot sa kanya. Ang dami niyang pasa saan na naman galing 'to?

"Bakit andami mo na namang pasa?" nagtataka kong tanong

"Minomolestya ako girl" sabi niya kunwari teary eye at umakting na parang bugbog sarado.

Tiningnan ko siya ng masama, para kasing ewan.

"Parang gaga lang" sarkastiko kong sabi

"Joke lang tawa ka naman lugi ako nag effort akong 'di ka pansinin tas 'di ka tatawa" sabi niya

"HA HA HA" peke kong tawa

"Galing ng aso ko" sabay gulo sa buhok ko

"Saan mo nakuha yang mga pasa mo?" tanong ko ulit

"Saan pa ba? Alam mo naman e" sabi niya

"Sigurado ka daig mo pa babaeng may period ah" sabi ko

Tumango tango lang siyang parang bata. Umayos siya ng upo.

"E? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya

"Binibisita ka malamang parang ayaw mo kong makita ah" sarkastiko kong sabi

"Joke lang syempre" sabi niya

"Uwi na rin ako maya maya" sabi ko

"Aisha, iiyak ka ba pag iniwan kita?" tanong ni Darius

"Oo naman. Baliw na tanong 'yan" sabi ko

Parang baliw 'to biglang nagtatanong ng ganon.

"I love you" sabi niya at bigla akong niyakap.

Naguguluhan man ako sa inaasal niya, pero niyakap ko na lang din siya at nagyakapan na lang kami poreber.

-yanna klair

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...