"S P O K E N P O E T R Y"

By callmejerx_

713 174 18

I'm your author j a e m a n d i r i g m a♥ Na naniniwala na kapag iniwan ka, Edi magbasa ka! Dahil buti pa sa... More

"Mananatiling sayo Kahit hindi na ako"
"Social media;Takdang-Aralin"
"Pagliban o Paglaban"
"Tamang panahon ngunit Maling pagkakataon"
"Covid-19"
"Ikaw at Ang Pagbitaw"
"Laro ng Tayo"
"Sana"
"Patawad at Paalam"
"Kaya kong Wala ka"
"Ang kapalaran ng Tayo"
"Move on"
"Para sa Pag-ibig"
"Hindi kahinaan ang pag-atras"
"Pagmamahal"
"Ang naghanap at Ang nagpanggap"
"Ang kasinugalan sa Tayo hanggang dulo"
"Hindi na ikaw ang nilalaman at Hindi narin ikaw ang pamagat"
"Ako ang nanatili pero hindi ako pinili"
"Talo ang pikon"
"Summer na!"
Dating Tayo
"Tag-ulan na naman!"
"Tamang tao pero hindi para sayo"
"Yapos"
"Pagluto kalakip ang pagsuko"

"Wag ako!"

10 1 1
By callmejerx_

Masakit nang sobra
don sa wala lang sa 'kin ang pera kase nga mahal kita
masaya kong ginugugol ang oras
na kasama ka
kaya wala kong pakealam kung mag-kano pa ang aking magastos
Maging ang sapatos ay ibibili kita
kahit pa yung pinaka mahal na gustong gusto mo ay pagbibigyan ka
kase nga gusto kitang nakikitang maayos
masaya

Pero bakit bigla ka na lang nag-iba
bakit bigla ka na lang nagiba!
Hindi na ikaw yong dati kong nakikila
may pa cs, cs  ka pang nalalaman
para sa 'ting dalawa
Eh papalitan den naman pala
At 'eto pa unang bubungad sa umaga na ang emoji mong may luha sa mga mata
'Tears of joy' ikanga nang iba na
Nangangahulugang halos maluha ka na sa sobrang saya
dahil nakilala mo ko diba?
pero sa kung papaanong naging masaya ka
ay ang kung paano namang nagbago ka

nanginginig na para bang nalalamig
dahil ang totoo sa iba ka na pala kinikilig

Bibilhan ka nang kung ano-ano para lang mapakilig ka
Kahit medyo corny ay pipilitin na magpatawa
Basta lang makita kitang masaya
Pero bakit ganon?
Ako ang nagpapatawa pero sa iba ka sumasaya?
Ako ang tunay na minamahal ka pero sa iba mo parin gustong madama ang salitang mahal kita

Kung akala mo ako si Lolita na karakter sa ML
Na kayang tanggapin lahat ng First skill, Second kill at Ss mo
Oh si Laylia na kapag eneSs san mo eh ayos lang dahil buhay ulit ako
Mahal Hindi
Kung akala mo ako yung sugar daddy mo na kahit nagkasala ka na
ay malugod paring tatanggapin ka
Mahal Hindi
Ako 'to!
Ako 'to si Natoy na mahal na mahal ka

Palibhasa kase nagpipiling kang si cheska
ang lakas makapagsabi nang 'Eh I'm not you're scholar nga!'
I'm not your jowa nga
grabe ka naman mahal
nagkaroon lang nang lockdown para ka nang sibuyas at ampalaya
nagmamahal ka na sa iba
may minamahal ka na palang iba

Yan tuloy! Nagawa korin ang maging ampalaya
ang ampalayain ka
kahit na hindi ko kaya

At sabi mo ayos lang lahat ng 'to
'dahil babalikan kita!"
pero mahal naman oh natapos na ang lockdown
pero bakit wala ka pa?
Eh baka naman na stranded ka
na stranded ka pa sa kaniya
kaya pinagluto kita
para pag nakauwi ka na
unang bubungad sayo ang niluto kong Itlog na may ampalaya
para masabi ko rin sayo na
mabait ka lang sa umpisa
pero ang totoo mapait ka naman talaga!

Siya nga pala
hindi na kita pinagtimpla ng kape
kase alam ko may pinag-iinitan ka na
kaya 'eto chuckie
wag ka mag-alala di ka sasaktan niyan kung pwede nga lang bat hindi di ba?Choco yung flavor niyan
para masabi ko sayong
sumuCHOCO na ko

'Eto ang pakatandaan mo ang goodbye ay ibinibigay lang sa mga taong namayapa na
Hindi don sa mga taong nanatiling buhay pa pero kung umasta ay parang patay na
Ibinaon ng masamang ala-ala
Itinuon na lang sa pagiging masaya
Dahil gaya ng panahon sabay na itinapon
Ang hindi na maibabalik pang kahapon

Kaya't wag kang go-goodbye kung may balak ka pang bumalik
dahil gaya nang isang matamis na halik
pwede mong namnamin ang bawat hitik pero gaya ng oras sa gaano man kadalas sa walang sawang pagpitik ang nakalipas ay Hindi na muling maibabalik

kaya't WAG AKO!

Continue Reading

You'll Also Like

108K 506 52
Koleksyon ng Haiku sa Tagalog. Ito ay traditional na poetry ng mga Hapon. Binubuo lamang ito ng tatlong linya. Ang una at huli ay may limang silaba...
13.6K 309 58
Mga tulang iba't-iba ang paksa. May tungkol sa romantiko at politiko, mga pangyayari sa totoong buhay ko na pwedeng mangyari sayo. Sana ay magustuh...
384K 2.1K 103
Mga nadarama na hindi masabi ng harapan at personalan kaya isinusulat na lang at gawing libangan. x (Currently editing) x ~ #1 in Poetry, April 7, 20...
233K 7.9K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...