Do You Know How? (COMPLETED)

Por Macouronne

9K 517 48

Hazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She... Más

DID YOU KNOW?
ALSO FROM MACOURONNE
(DYKH) ENROLLMENT
(DYKH) HIGHSCHOOL
(DYKH) GRADES
(DYKH) SLEEPOVER
(DYKH) SKETCH PAD
(DYKH) BLACK SHIRT
(DYKH) SPELLING BEE
(DYKH) MOBILE LEGENDS
(DYKH) DREAM
(DYKH) HOMETOWN
(DYKH) RIGHT
(DYKH) SECOND YEAR
(DYKH) PENCIL
(DYKH) HE'S NATH
(DYKH) INTRAMURALS
(DYKH) CONFESSION
(DYKH) LIKE
(DYKH) SELF-PROCLAIMED
(DYKH) DRAFTING
(DYKH) FESTIVAL
(DYKH) TRANSFER
(DYKH) MINUTE
(DYKH) HONEY
(DYKH) ATTACHED
(DYKH) PARTNERS
(DYKH) PROM
(DYKH) STAY
(DYKH) OFFICIAL
(DYKH) VACATION
(DYKH) MEMORIES
(DYKH) CLAIM
(DYKH) GOODBYE
(DYKH) GIRLFRIEND
(DYKH) FAIL
(DYKH) ARCHITECT
(DYKH) TUTOR
(DYKH) STRANGERS
(DYKH) DAY-1 & 2
(DYKH) DAY 3
AUTHOR'S NOTE
(DYKH) DAY 4 & 5
(DYKH) REALIZATION
(DYKH) HOPE
(DYKH) I KNOW HOW
DENOUÈMENT
ACKNOWLEDGEMENT
SPECIAL SHORT CHAPTER
SPECIAL SHORT CHAPTER 2

(DYKH) BEFRIEND

137 10 0
Por Macouronne

Hindi ko sana pinaniwalaan 'yung sinabi ni ate na iyon 'yung streamer na pinapanood niya. Parang ang hirap paniwalaan!

Iyong nasa picture ay mismong tao na nakita ko sa Tarlac! Yung masungit! Paano naman napunta rito sa Cavite 'yong picture na'yon? Ano 'yon? Lumipad? Teleport? Pa'no nakarating dito? Naglakad?

Pero...kung ganoon, bakit naman parang ang suplado? Haissh! Binigyan pa ako ng isipin, bahala na.

"Schedule mo?" tanong ni Shai habang hinahanap namin ang room niya, nawala kasi 'yung slip kahapon nang umalis siya, ika niya ay baka huli na 'yong bakasyon na iyon dahil maghihirap daw kami ngayong second year.

No doubts, I was in grade six and ate was always coming home late. Very very late. Ang lagi namang paalam nito ay mom, practice lang po.

"Science 12:30 p.m, first period." sagot ko naman habang lumilinga linga pa dahil ang shunga talaga ng babaeng 'to! Hindi niya ba alam na sobrang importante no'n?

"CHRIS!" aligagang sigaw nito sabay sunod kay Chris na nakatalikod pa rin at tuloy sa paglalakad, ibubuka ko pa sana ang bibig ko para magpaalam pero hinarap ako ni Shai at binigyan ng flying kiss. Napapailing tuloy ako na pumunta sa room ko.

"Hi, classmate!" bigla akong napahinto nang papasok na sana ako sa front door ng room, si Renz ay kumakaway sa'kin, classmate pa rin kami?

"Dito ka rin?" nabibigla kong tanong saka ko siya nilapitan.

"Obviously, yes!"

"Hmp! 'di ka nagtext! Kala ko magkaklase kayo ni Shai tapos ako lang 'yung 'di pinalad!" pagsusungit ko pa.

But our new adviser arrived that stopped us from talking.

Same thing happened, diniscuss ulit ang Rules & Regulations ng school, He also told us that he's our adviser, at the same time, Science teacher nga. Looks like our adviser's terror.

"Are we classmates for real?" tanong ko ulit.

"Parang ayaw mo pa?" pag-iinarte pa nito, gaya rati ay hindi pa simula ang regular na klase kaya naisipan kong mag-ikot ikot, papunta kami ngayon sa room ni Shai dahil iyon ang napag-usapan.

"Oh, ba't naka busangot ka d'yan?" bungad ko kay Shai nang parang nagdadabog itong naglakd palabas sa room niya, na para bang kanina niya pa gustong maka-alis doon.

"Nakakainis!"

"Ba't? Nyare?" singit naman ni Renz, bumaba muna kami para makapagcanteen ng sama-sama.

" 'yung election kasi!" sabi niya na para bang problema ng buong Antartica ang dala niya!

"Wo? Nag-elect na kayo? 'di pa kami, eh!" naiiling na sabi ng katabi ko, tumango naman ako para iparating ang pagsang-ayon ko.

" 'yun nga, eh! Nakakainis!" galit na sinipsip ni Shai ay Mango shake niya. Sumimsim din ako ng konti bago ko pa siya pinagkwento.

"In-elect ko kasi si Chris as president, tapos 'yung classmate na'tin dati? si Rain, sabi ko i-elect niya ako as secretary, para naman magkasama kami lagi ni Chris, hehe. Tapos syempre, gusto ko rin na nakikita niyako bawat sulat sa notebook niya..." tuloy sa kwento si Shai hanggang sa naubos ang oras at kinailangan na naming bumalik sa room ni Renz.

"Grabe! 'di pa rin siya nakaka-move-on kay Chris?" singhal ko sabay upo, sumunod din naman si Renz.

"Crush, eh." He shrugged.

" 'di na ata crush 'yon, eh!" naiinis na sabi ko, naalala ko pa noon na hindi nakasagot sa recitation si Shai kasi magdamag ata silang magkausap 'nung si Chris! Kaya nga nagtataka ako ba't kasali pa sa recog 'yun last year kung hanggang madaling araw lumalandi.

"E 'di strong feelings, arte talaga nito." inirapan ako ni Renz dahilan ng pag-awang ng labi ko.

"Eww. Bakla!" I teased.

"Eww. Walang jowa!" wo-wait, that's foul!

Iyong teacher namin na lalaki sa Mathematics ay dumating na, well, sa first day walang pang sisigaw ng Gago! Si sir!  mga taguan pa ng totoong kulay ang eksena namin, 'di na'ko magugulat kung next week meron nang nagliligawan.

"Study Integers and its law." iyon lang ang pinakatinandaan ko. Math isn't my weakness, MAPEH is. 'di ko nga alam kung bakit.

"Tara-lipat." nagulat ako sa pagtayo nilang lahat, ba't 'di ko napansin iyon? Saka...lilipat? Ba't lilipat? May sira ba 'tong classroom?

"Bakit?" kunot-noo kong tanong sa kaniya, sinilip ko ang labas at nakita kong nagsisimula na silang umalis galing sa pila.

"Wala raw 'yung teacher." hindi ako kumikilos kaya si Renz na ang nagbuhat ng bag ko at hinila ako.

"Woa? Tara canteen!" maligayang sabi ko na inilingan naman niya. Problema nito? Ganito naman talaga 'di ba? Pag walang teacher—breaktime.

" 'di pwede, lilipat tayo room."

Wala na akong ginawang pagprotesta dahil hindi niya naman pinakikinggan, nagtataka talaga ako kung bakit first day tapos wala 'yung teacher, I mean, dapat sinasabi nila 'yung rules nila sa klase kesa umabsent, 'di ba?

Nakarating kami sa 4th floor, 2nd floor kasi ang room ko. Napansin ko rin ang katahimikan sa palapag na ito, 'di gaya ng first and second floor, parang mas matitino at disiplinado talaga ang estudyante rito.

"Saan daw?" rinig kong tanong ng ilan kong kaklase.

" 'yung sa dulo raw." sabi 'nung isa. Tumingin ako kay Renz but I was answered by a shrugged. Sinundan lang namin ang iba naming kaklase, nang huminto kami sa dulong room ay nakita namin na pinapaalis 'yung naroon na studyante pero may iilang natira.

"Bilis, bilisan niyo!" sigaw ng teacher nila tapos ay kumilos ang mga lalaki at inayos ang upuan, nagkaroon tuloy ng malaking space sa gitna.

Pinapasok na ulit 'yung mga estudyante kanina.

Parang baliw lang ,ha?

Naiinip ako dahil tingin ko, nag-aarrange pa sila gayong may naghihintay rito sa labas. 'di ba pwedeng papasukin muna kami?

"Diamond, pasok na!" Naalarma ako nang tinawag ang section namin, patalikod na sana ako para magcanteen, eh!

"Tatakas ka pa, ha?" Renz smirked in an annoying way, I gave him my 360° rolled eye.

"Kakainis ka, nagugutom na'ko." After saying that, he handed me a biscuit. Okay, that's it! bati na ulit kami.

Inutusan kaming umupo kung saan namin gusto, syempre ako, pinili ko 'yung malapit sa may electric fan pero dahil ata sa kaartehan ko kaya nawalan ako ng upuan.

Hindi naman ako napansin ng teacher dahil nagsimula na itong magsulat sa board ng kung ano-ano.

"Psst!" I heard someone whispered.

Pagtingin ko ay nakangiti si Renz na ipinapakita ang free space sa lapag katabi niya. I groaned in a silent way, baka palabasin ako, eh!

Nahagip din ng mata ko ang isang bakanteng upuan, ang swerte pa! Nakatutok 'yung electric fan sa direksyon doon dahil sira ito mukhang 'di naikot. Sana hindi na umikot.

Nang makaupo naman ako ay nilabas ko lang ang notebook ko. I jotted down everything's written on the board, for advance reading.

Upon writing, someone accidentally hit my elbow. Nagulo tuloy ang sulat ko, aksidente lang naman kaya hindi ko na sana kakausapin–naghintay lang ako ng sorry pero wala. I sighed before turning my gaze into him, but words left me hanging when I saw who was it.

"Wui!" I greeted exaggeratedly. Sapphire II pala siya? Sayang 'di kami classmate.

"Dito pala room mo?" pagdadaldal ko pa sa kaniya ngunit 'di pa rin siya kumikibo.

He played deaf, dodging my questions! Right, I was right on my first impression, he doesn't want to be questioned by a stranger. Hindi ko rin naman siya kilala pero tinong ko siya.

"Teacher mo rin siya?" I said, kept asking random questions.

"Teacher din namin 'yan, eh." hindi ko alam kung ako lang ba o parehas kaming hindi nakikinig sa Rules 'nung teacher, iisa lang naman ang gusto nila. Walang kang sasabat kung hindi ka magrerecite.

"Hindi mo siya Teacher." wow! Nagtatagalog siya! Gusto ko sana kurutin dahil 'nung una na nagkita kami, binara niya 'ko. Doon naman sa milktea shop, parang pinahiya niya naman ako.

"Classmates kaya tayo." napag-alaman kong kaya wala iyong totoo namin na A.P teacher kasi manganganak na. Iyon din pala ang Adviser na sinasabi ni ate.

Hindi niya na ako sinagot at pareho kaming nakinig sa klase, about Asia naman ang topic kaya medyo kaya ko naman kung itatanong ko kay ate.

"Galing mo naman!" I nudged him, smiling widely, ang galing naman nitong sumagot! Bigla kasi siyang tinawag tapos tinanong kung ano 'yung Asya, tapos ang accurate ng sagot niya!

Hindi ulit siya sumagot kaya nakinig na lang ulit ako. Isang oras din kami sa room ng Sapphire II kaya medyo nakakagutom dahil sa lahat ng subject teachers, si Sir. Monombre lang ang nagparecitation! Nakakadrain, grabe!

Balak sana naming puntahan ngayon si Shai sa room niya pero sabi 'nung si Rain, umuwi na raw.
Akala ko ba hintayan? Ba't ang daya? Nakakatampo naman 'to.

Napagpasiyahan na lang namin n umuwi kami ni Renz ng sabay, nakakatakot kasi ang sched ngayon kaya sabi ni mommy, kailangan daw kasama ko si Renz lagi. Exact 7 p.m ang labas namin, plus 10 minutes para sa cleaners.

"Kaya pala hindi sumabay, umuwi na raw." Sabi ko nang nanggigigil! Nakalabas na kami sa gate at balak ko sanang magsiomai muna kahit papano kasi nakakaantok ngunit ito si Shai at nakikipagtawanan sa bago niyang kaibigan.

"Tawagin natin?" alok ni Renz.

"Huwag na!" nagmamadali akong pumasok sa kotse nila Renz. Nakakatampo! Nagpromise siya, eh! Bahala siya diyan bukas.

Nagsimula na ang biyahe at hindi naman naaalis sa pagkakunot ang noo ko.

"Bayaan mo na, gano'n talaga." He consoled. Ba't naman ako, 'di naman ako naghanap kanina. Saka, 'yung lalaking naka mask, 'di naman kami nag-uusaap, so technically, wala pa akong bagong kaibigan. Ang bilis naman niya akong palitan!

"Bahala siya bukas." nakanguso ko pang sabi habang nakatingin lang sa mga kotse na nadaan.

Ang lamig pala kapag gabi rito, sa biyahe, pwedeng pwede ka nang matulog!

Madilim na sa bahay nang nakarating ako, parehas lang kami ni ate ng schedule pero late dumating si ate kaysa sa'kin.

Maaga akong nagising dahil alam kong may mangyayaring discussion mamaya, balak kong sa library na lang muna mag review.

I closed my eyes and prayed. I wish everything would fall into their right places. Sana naman hindi ako pag-initan ng isa pa naming buntis na teacher. Bukod kasi sa Araling Panlipunan na teacher namin na nag-leave ay meron pa kaming isang teacher na limang buwan nang buntis. 

Sana lang ay hindi ako pag- initan mamaya.

Tinignan ko ang oras at saktong alas-dies y media na nang nakababa ako.

"Si ate po?" bungad ko kay ate Selya na nagtitimpla ng kape ata.

"Ay maagang umalis, 'di kayo sabay?" taas kilay na tanong nito.

Maaga? Tss, gagawin ko rin kaya ito kapag may manliligaw na'ko? Charot.

Mabuti na lang at tapos na akong maligo, wala naman akong masyadong etchetera sa umaga kaya mabilis lang ang kilos ko.

Nakahanda sa mesa ang pangtanghalian na pagkain. Ngayong panghapon na ang schedule ko, parang mapapadalas ang hindi ko pagkain ng almusal.

"Hinatid po ba ni kuya Biloy?" tanong ko kay ate Selya habang sumusubo.

"Oo, nag-aalala ang mommy mo, eh" tinanguan ko lamang ang sinabi ni ate saka ko pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ay nagtooth brush na ako saka inayos ang mga dadalhin ko sa school.

Second year feels...

Siguradong sigurado na talaga ako na may discussion mamaya, baka nga ay may pa-homework na.

Sa library pagkarating ko ay konti lamang ang tao, pinili kong umupo sa dati naming pwesto pero papunta pa lamang ako pero naunahan na ata ako.

"Hi." usal ko para naman maramdaman niya na andito ako sa harapan niya. Kailan kaya nito matatandaan na magkakilala kami? I mean, siyempre hindi sa pangalan, pero kilala ko naman 'yung kilay niya. Ayos na 'yon.

Tinignan lang ako nito ng saglit saka bumalik sa binabasa niya, nabasa ko rin na parang about sa lines, nakita ko rin ang mga papel na nakakalat sa mesa.

"Pwedeng maki-upo?" tanong ko tapos tumango siya. Parang dati naman nagsasalita pa siya, anong nangyari sa dila niya ngayon? Sarap hatakin, ha!

Inilabas ko na lang 'yung librong binili ni mommy para sa second year na topic na tatalakayin namin. Pakiki-usapan ko lang ulit 'yung adviser na hindi ako kukuha ng libro. Sana pumayag dahil last year ay hindi.

"Ikaw gumawa niyan?" turo ko sa isang papel na may drawing ng mata lang, pero ang cool! Parang totoo, may mga drafts ako na ganiyan sa bahay. Marami 'yon! Kasi hindi ko naman maperfect agad.

"Ang galing mo naman." ngiti ko saka ko nilipat ang page sa librong nilabas ko, syempre, ayoko namang mapahiya. Kunwari na lang ay wala akong pakialam kung sasagot siya o hindi.

Tahimik kong binabasa ang nakasulat sa Mathematics 8 ko, inaral ko lang kung anong sinabi kahapon ni Sir. Hanggang sa tumunog ang ringtone na hindi pamilyar sa'kin. Malamang ay sa kaniya.

Binalingan ko siya pero parang busy lang siya sa pagkopya ng kung ano sa libro. Tinignan ko naman ang cellphone niya at nanliit ang mata ko nang makitang iyong lalaki sa Tarlac ang nasa lockscreen ng phone niya.

Teka—mag pinsan ba sila?

Napansin niya siguro na nakatingin ako kaya bumaling siya sa'kin at pinag-taasan ako ng kilay. Ang arte!

"M-may nag text sayo." dahilan ko na lang sabay balik sa binabasa ko.

"Narinig ko." ngumiti na lang ako sa pagiging pilosopo niya. Tsk! Baka nga magpinsan, konti na lang at maglalapit na ang ugali nila!

"Kilala mo ba 'yang nasa lockscreen mo?" tanong ko nalang. Nang hindi ito sumagot ay itinuloy ko ang kwento. Isinara ko muna ang libro para magandan siya sa narration ko sa kaniya, baka this way, maalala niya na'ko.

"Iyang kasing lalaking 'yan, nakita ko sa Tarlac. Basta nagbakasyon kasi kami kasama bestfriend ko, tapos ayon, muntik na akong madulas pero nasalo ako niyan." nguso ko pa sa cellphone niya na nakabukas, kaya kitang kita talaga 'yung lalaki na nakasideview tapos ang ganda ng mata.

Magpinsan nga siguro sila dahil parehas lang ng mata.

"Kala ko mabait, eh. Panget naman pala ng ugali niyang pinsan mo, 'no? Pero nagthank you naman ako, woi! Baka sabihin mo ang rude ko, ha?" kwento ko pa. Pinan-liitan lang niya ako ng mata pero hindi naman nagiiwas ng tingin.

Parang gusto ko tuloy mahiya sa itsura ko ngayon, tapos gusto ko na lang tumingin sa iba. Na-offend kaya siya kasi pinagsabihan ko ng kung ano ano yung pinsan niya?

"Tapos, nakita ko siya rito sa library dati. Kasama ka ba niya no'n?" tanong ko tapos nagkibit-balikat lang siya.

"Eh, ayon nga, nakita ko nga 'yung picture niya na nahulog sa bag mo ata 'nung orientation. Pinsan mo ba 'yon o kapatid? Parehas kayo ng mata, eh." pagtutuloy ko pa sa kwento. Pasimple niya pang kinamot ang ilong niya habang nakapikit, naiirita kaya siya sa'kin? Maganda naman ako magkwento—baka naaalala niya na'ko.

"Daldal mo." iyon lang ang komento niya sa lahat ng sinabi ko.

"No offense sa pinsan mo, ha? Pero naiirita ako sa tulad niya. Nagthankyou naman kasi ako pero parang ang sama ko pa. Hmp! 'wag mo na lang sabihin sa kaniya, ha? Teka—naaalala mo na ba 'ko?" singit ko, baka kasi naalala niya na'ko, ayoko namang mamuhay na lagi ko siyang katabi pero parang hangin lang ang kausap ko.

"Hindi." sagot nito sabay tayo, kumunot na lang ang noo ko sa mga inasal niya. Ibinalik niya ang libro na hiniram niya saka siya bumalik sa table namin.

"Uy! Sige na, una kana. 'di na ko sasabay, nakakahiya naman!" sabi ko nang bumalik siya.

"Naiwan ko lang 'yung gamit ko."

Ay, ganon? Akala ko isasabay niya ako, papakipot sana ako tapos papayag kapag pinilit niya, pero ano nga ba? 'di nga siya nagpapakilala, eh.

Nagmamadali lang akong sumunod sa kaniya, gusto ko rin naman magkaroon siya ng friends kasi parang iwas siya sa tao.

"Wait lang—ang bilis mo maglakad!" angal ko. Alam ko namang matangkad ako pero mas matangkad siya pero ang sama naman kung 'di niya 'ko hihintayin! 'di ko na nga naipasok ng maayos 'yung libro kasi hinabol ko siya. Kaya eto, dala-dala ko tapos parang balak niya pa'kong iwan.

"Ang ingay mo kasi." paninisi niya pa sa'kin. Napanguso na lang ako habang napapansin ko na binabagalan niya ang paglalakad, napangiti na lang tuloy 'yung kaninang pagnguso ko.

"Bago ka ba rito?" tanong ko habang malapit na kaming umakyat.

"Yes."

" 'di ba sabi mo dati, iiwan mo girlfriend mo?" kuryoso kong tanong na nakapag-pahinto sa kaniya.

"Where did you get that?"

"Huh?"

"Sa'n mo nakuha 'yong sinabi mo?" kunot-noong tanong nito. Para tuloy kaming tanga na nakatigil sa gitna ng hagdan.

"Sinabi mo sa'kin—"

"Wala akong sinasabi sa'yo."

"Teka—ako nga kasi 'yung naka-usap mo sa milktea shop! Nilibre mo pa nga ako, eh!" siguro matagal na kaya 'di niya maalalala. Pero siguro ngayon, naalala niya na dahin unting-unting nawawala ang pagkakunot ng noo niya.

Tumuloy siya sa paglalakad kaya sumunod na rin ako. Pero bigla ulit siyang huminto nang aapak na ako sa susunod na hakbang.

"2nd floor ka. 4th ako." agad tuloy akong nahiya tapos umatras pa ako habang nahihiyang ngumingiti.

"So-sorry. See you later!" mabilis na paalam ko bago ako umalis agad sa harap niya. Hindi niya na rin naman ako hinintay sumagot dahil bago ko pa masabi yung later kanina, nakatalikod na siya.

That's what you called speed.

Pagpasok ko sa room, nagtaka ako dahil wala man lang sumalubong na sigaw o bati mula kay Renz. Nasasanay na talaga ang lalaking 'yon na late pumasok! Last year, napipigilan niya pa! Ngayon naman, balak niya atang ituloy.

"Hi! Pwedeng paupo?" A girl asked me, I didn't see her yesterday. Baka late enrollee.

"Sure." I answered with a smile.

"Ang cute 'nung friend mo." she said, is she pertaining to Renz? Of course, si Renz lang naman ang lagi kong ka-asaran dito. Pero absent kasi si Renz ngayon, pa'no niya nakita? Hala—wait, nagcut siya ng class kahapon? Ang tamad nitong si ate.

"Like him?" I asked, carefully listening to what would be her answer.

"Malabo." naiiling na sabi nito. Para naman akong nabunutan ng tinik! Ewan, pero parang bigla nalang ako nakahinga ng maluwag.

"Hazel." pagpapakilala ko, I offered my hand.

"Leira." we shook hands and smiled to each other. Ganito 'yon, may bago akong kaibigan. Ganito 'yung bagong kaibigan, katulad 'nung kay Shai. Ganito 'yung feeling.

We talked about our former section, things we do, we like, we love and we hate.

"You love science." she concluded. Bigla ay pumasok sa isip ko ang pagiging parte ng moon project this 2024. I sighed with the thought.

"No comment." Sagot ko sabay tawa. Sinabayan niya naman ako, siguro para 'di ako magmukhang tanga.

The day ended nicely, just nice. Ganito pala 'yung feeling na kahit wala si Renz may kaibigan pa rin ako. I felt this way before, kay Shai. Nalungkot naman bigla ako nang hindi nagtext si Shai na sabay kami umuwi. In fact, I saw her walking with 6 girls, laughing. I shouldn't get mad, alright?

Does she know that Renz's absent?

I nudged leira to catch her attenion.

"That's my best friend." pagpapakilala ko kay Shai kay Leira.

"Lahat 'yan?"

"Nope, 'yung tumatawa ng malakas." natutuwa kong sabi. Hindi na sumagot si Leira kaya inaya ko na siyang umuwi, nasa labas kasi kami ng gate at naghihintay ng kaibigan na may payong.

Ramdam kasi naming uulan, gustuhin man naming umalis agad, hindi ito katulad nung first day na konti lang ang estudyante, ngayon kasi siksikan na.

"Tara na?" yaya ko dahil mukhang hindi naman dadaan 'yung kaibigan niya na may payong.

"Saan ka ba?" tanong niya. Kapag pakaliwa kasi ang daan ko, tatawid pa. Kapag naman hindi, maghihintay.

"Malapit lang." sagot ko nalang. Sinabi niya rin na sabay kami hanggang sa makauwi dahil doon din ang daan niya.

Sabay kaming naglakad hanggang sa nakatawid na kami. We used overpass para safe. Nang makakita kami ng jeep pinara niya iyon.

I'd text mommy na lang na wala si Renz kaya nagcommute ako.

Unfortunately, puno na sa loob kaya napilitan akong sumakay sa harap. I was about to give space dahil baka nasisikipan na iyong katabi ko but my mouth went open when I saw his reflection on the side-mirror.

"Y-you commute?" I asked, hindi ko na rin siya nadaldal kanina dahil sobrang daldal ni Leira, wala rin siyang upuan 'nung sinabi kong may lipatan na magaganap tuwing AP period.

"Isn't it obvious?" pagsusungit niya sa'kin, grabe! Parang namiss ko kulitin siya para lang maalala niya 'ko.

Umusog pa ako ng kaunti palapit sa kaniya.

"Sungit." asar ko.

"Usog." pagpapausog niya sa'kin pero wala naman siyang ginagawa para gumalaw ako, na para bang kapag sinabi niya—susundin ko.

"Ano munang pangalan mo?" Pangungulit ko. Nang hindi sumagot at umurong ulit ako palapit. Wala naman akong planong mahulog siya o mapakapit kay manong driver, I just want him to tell his name.

"I paid my seat, you move." naiiritang sabi nito. Gusto ko lang naman alamin 'yung pangalan niya! Nakakahiya naman kapag lagi kong tawag sa kaniya kuyang nakamask  parang magmumukha kasi akong babae na may crush sa  jeep tapos hindi na ulit nakita, 'yung tipong papangalanan mo siya base sa suot, sa lugar, sa itsura, sa brand ng phone o sa kung ano ano pa. I remember ate having a crush named kuyang walang jowa , kuyang naka iPhone

Naiiling na lang ako habang naiisip ko 'yon.

Dahil makulit ako at gusto ko naman ng bagong kaibigan, umurong pa ulit ako. Nakita ko kung paano siya napapikit sa inis bago ako tinignan ng daretso sa mata. Nanigas naman agad ako dahil 'yung mata niya, parehas talaga sila 'nung pinsan niya. Kung pinsan nga niya. Napaka-bakla naman siguro no'n kapag lockscreen niya niya 'yung pinsan niya 'di ba?

"Ang kulit mo, alam mo 'yon?" tapos umurong siya ng malakas. Nagulat ako pero sa dulo, tinawanan ko lang. Ang init agad kasi ng ulo niya.

"Hindi mo pa ba talaga tanda 'tong mukhang 'to?" sabi ko sabay turo sa mukha ko. Nakastop kami ngayon, ngayon ko lang din napansin na mas traffic talaga sa gabi. Enjoy naman sa biyahe dahil malamig 'yung hangin. Kasing lamig nitong katabi ko.

Umiling ito sabay hilot sa bridge ng ilong niya. Parang tanga lang dahil wala talaga siyang balak alisin 'yung mask niya. Konti na lang talaga at maniniwala na akong may pinagtataguan 'to.

Nang ramdam ko na malapit na'kong bumaba, tumingin ako kay Leira na may kalayuan sa'kin.
Nagpaalam lang ako tapos lumingon ako sa katabi ko.

"Sana bukas, naaalala mo na'ko."

At bumaba na 'ko.

Para naman kasing ang hirap sa kaniya makipag-usap sa iba, ako na nga 'tong nag-e-effort na kausapin siya. Pumasok tuloy sa utak ko 'yung babae na nakausap ko dati.

Magka-apelyido kasi sila.

Andrada

Natatawag siya sa attendance tuwing AP period, basta nagtataas lang siya ng kamay. Posible bang siya 'yung anak na sinasabi ni Mrs. Andrada? Pero posible rin naman na hindi natuloy 'yung balak niya dati.

Kapag ako talaga pinansin no'n? Ipapakilala ko siya kay Renz para may kaibigan na siya.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Seguir leyendo

También te gustarán

7.4M 205K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
22.3K 541 58
Cassy lost her memory. Until Mikael shows up with her and pretends to be a stranger. And then a few years later, she gradually remembered what her co...
118K 1.4K 52
Filipina-English self-proclaimed tomboy, Joe McCarthy moves to Ilkley, West Yorkshire, England and starts adjusting to a new life. She gets sent to G...
3.8K 141 68
𝐒𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐊𝐢𝐧𝐝, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐨𝐮𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐤𝐢𝐧𝐝𝐚 𝐒𝐥𝐨𝐰-𝐰𝐢𝐭𝐭𝐞𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐦𝐨𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐚𝐥𝐥 𝐬𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐮𝐥𝐭𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐟𝐚𝐧 𝐎𝐟 �...