Do You Know How? (COMPLETED)

By Macouronne

9K 517 48

Hazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She... More

DID YOU KNOW?
ALSO FROM MACOURONNE
(DYKH) ENROLLMENT
(DYKH) HIGHSCHOOL
(DYKH) GRADES
(DYKH) SKETCH PAD
(DYKH) BLACK SHIRT
(DYKH) SPELLING BEE
(DYKH) MOBILE LEGENDS
(DYKH) DREAM
(DYKH) HOMETOWN
(DYKH) RIGHT
(DYKH) SECOND YEAR
(DYKH) BEFRIEND
(DYKH) PENCIL
(DYKH) HE'S NATH
(DYKH) INTRAMURALS
(DYKH) CONFESSION
(DYKH) LIKE
(DYKH) SELF-PROCLAIMED
(DYKH) DRAFTING
(DYKH) FESTIVAL
(DYKH) TRANSFER
(DYKH) MINUTE
(DYKH) HONEY
(DYKH) ATTACHED
(DYKH) PARTNERS
(DYKH) PROM
(DYKH) STAY
(DYKH) OFFICIAL
(DYKH) VACATION
(DYKH) MEMORIES
(DYKH) CLAIM
(DYKH) GOODBYE
(DYKH) GIRLFRIEND
(DYKH) FAIL
(DYKH) ARCHITECT
(DYKH) TUTOR
(DYKH) STRANGERS
(DYKH) DAY-1 & 2
(DYKH) DAY 3
AUTHOR'S NOTE
(DYKH) DAY 4 & 5
(DYKH) REALIZATION
(DYKH) HOPE
(DYKH) I KNOW HOW
DENOUÈMENT
ACKNOWLEDGEMENT
SPECIAL SHORT CHAPTER
SPECIAL SHORT CHAPTER 2

(DYKH) SLEEPOVER

239 17 0
By Macouronne

"GOODMORNING!" masayang bati ko sa sarili ko, Dalawang linggo na nang magkaayos kami ni mommy, and I feel so free!

"Breakfast's ready!" dinig kong tawag sa baba. Tumayo na ako at naligo, pagkalabas ko ay tumunog ang cellphone ko. Yes, I have cellphone na. It's a gift from mommy kasi I'm doing good daw. Nalaman na rin ni mommy about sa yung nagcut ako ng class, she just told me not to do it again. Tapos na yung first quarter PTC and both of my parents did attend it.

Nabawi ko na rin yung grades ko, halos inaral ko ulit at inaaral pa rin yung sa old books ko, pinagaaralan ko na rin yung sa libro namin ngayon. Medyo hindi ko lang maintindihan kasi hindi ako sanay sa black and white pictures kaya si mommy, binilhan ako ng new cellphone para raw anytime magagamit ko sa researching.

Pagkababa ko ay isang malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanila.

"Bilisan niyo na, naghihintay na si Manong sa inyo." kumuha na rin ng sariling driver namin ni ate si mommy, akala ko talaga kung ano ng gusto ni mommy na mangyari. Kumain lang ako ng mabilis, sa school ko na lang ipagpapatuloy.

Humalik lang ako sa kanilang lahat, ngayon ay madalas na hindi ko nakakasabay si ate sa umaga, mas maaga na siyang umaalis. Kailangan daw para sa CCS presentation, ewan ko ba kung ano 'yon.

"Uhm manong sa 7/11 muna po tayo."

Tulad ng inaasahan ay ibinaba ako nito sa 7/11, balak ko sanang bumili ng chocolates para kay Shai, it's her birthday! Nang matapos ay dumiretso na ako sa school hanggang sa room.

Balak ko sanang magpanggap na nakalimutan ko ang birthday niya.

"Sis!" tawag nito, niyakap ko agad siya at nang humiwalay ako ay tumitig siya sa'kin na para bang naghihintay ng sasabihin ko. Hahaha

"What? May dumi ba?" maang-maangan kong tanong. Actually pinipigilan kong matawa nang lumungkot ang mga mata niya.

"W-wala ka bang sasabihin?"

"Wala naman, bakit?" sabi ko sabay talikod at punta sa upuan ko.

"A-ah wala." sabi nito sabay upo na rin sa upuan niya.

Sumilip ako rito at pinigilan ang pagtawa nang makita ko kung gaano kalungkot ang mukha nito.

"Ah! Sorry!" biglaan sigaw ko. "nakalimutan ko, sorry sis!" sabay yakap ko sa kaniya.

"nakakainis ka naman e!" angal nito, nagtatampo.

"Sorry I forgot to greet you, Goodmorning!" saka ko siya niyakap. Hahaha, nakakatawa ang itsura niya. I wonder how lucky others are to have a friend like mine. 'Yung hindi nagsasawang patawanin ka, and syempre, nabibiro. Unlike sa old friends ko hmp! Kung friends nga bang matatawag sila.

Agad niya akong tinulak ng mahina at sinimangutan. "nakakainis ka naman, e!" sabay tampal nito sa balikat ko. I faked an innocent reaction.

"What? Bakit?" painosente kong tanong, ganon naman tayo iba? Painosente. Charot!

Naputol ang pagkukwentuhan nang dumating na ang subject teacher para sa first period. Naging maayos ang takbo ng klase, I'm now contented with what I have, in terms of relationship between me and my family.

Dumating ang uwian, ang pinakahihintay ko. Kanina pa ako hindi pinapansin ni Shai, she didn't even look at me. She didn't even accompany me to the canteen earlier. Hahahaha

"Psst" tawag ko sa kaniyang atensyon.

Tinignan lang nito at ibinaling ulit ang atensyon sa pag-aayos ng gamit.

"Sis!"

"Wui!"

"Wui! Sis!"

"Bakit?" mataray na tugon nito nang matapos sa pagaayos. I swear! Pinipigilan ko lang talaga na matawa! Ang gaan sa pakiramdam! Alam mo 'yon? Finally! Ibinigay na sa'kin yung gusto kong klase ng kaibigan! 'yung mabibiro ko nang hindi nagsisimula ng gyera sa pagitan namin.

"May pupuntahan tayo." at ngumiti ako ng makahulugan.

Napansin kong nagtaka ang mga mata nito at sinuri kung nagbibiro lang ba ako. "Hindi pwede, may lakad ako." pinal na sabi nito, hindi ko na napigilan matawa, she's never good at lying. And will never be.

Umangat ang kilay nito, nagbabanta. Hindi siya natutuwa sa naging reaksyon ako at ito akong tumatawa pa rin, I stopped.

"Bahala ka, basta sasama ka." I declared, mayroon akong hinanda na maliit na sorpresa para sa kaniya. Hinigil ko siya para makaalis na sa classroom at nang nakarating kami sa gate palabas ay tumigil siya kaya napahinto rin ako.

"W-wala ka ba talagang sasabihin?"

"Tss, wala nga." umirap pa ako para magmukhang kapanipaniwala ang arte. Hinila ko na ulit siya at nang makita si Kuya biloy, Bagong kinuha ni mommy na driver for me. I call him kuya biloy because of his deep dimple on his left cheek.

"Tara!" yaya ko sabay bukas ng pinto ng sasakyan.

"Pasasakayin mo ako?" she asked, shocked.

"Tss, tara na kasi!" masigla kong yaya. Kabaliktaran ng arte ko ang nakabusangot na mukha nito nang umupo sa tabi ko.

"Tara na kuya! Gora na!" high na sigaw ko. Tumingin sa akin si Shai gamit ang naluluhang mata. Parang nakakaguilty ah?

"Oh, Ba't ka umiiyak?" inosente kong tanong.

"W-wala." kasabay ng pagiling nito ang pagtulo ng luha niya. Naguilty naman agad ako, pero syempre ay bawal masira ang plano ko. nakiramdam muna ako kung malapit na ba kami sa bahay. Yes, since my parents aren't there, I mean all of them, sa bahay kami magcecelebrate. Hehe.

Si mommy ay namamahala pa rin ng negosyo namin sa Tarlac, si daddy naman ay sa sarili niyang restaurant sa Makati, medyo tight ang schedule nilang dalawa lalo na't ngayong pasukan na. Ganitong buwan daw kasi nagsisimula ang dagsaan ng tao sa resto ni daddy.

My dad's a professional cook, he's the head chef of Emirate Hotel in Makati.

Nang maramdaman kong huminto na kami ay saka ako lumayo sa pagkakayakap nito, tinignan ko siya saka ko siya binati...

"Happy happy birthday, Sis!" sabay kurot ko sa magkabilang pisngi niya. Halatang nagulat naman ito, saka siya sumulyap sa labas. Nakabukas na ang pinto, bumungad sa kaniya ang ginawa kong "Happy birthday" sa labas ng aming gate. Kinonstaba ko sila kuya biloy at Ate selya.

"Nakakainis ka naman ih!" sabay tampal pa ulit nito sa'kin. Tinawanan ko lang ito at saka ko siya pinilit bumaba.

"You thought I forgot?" natatawa kong tanong. Sinimangutan niya ako saka inilahad sa akin ang cellphone niya. Girls... Papapicture.

"One...two...three!" Bilang ko sabay kuha sa kaniya ng litrato. Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa loob, sinabi ko nalang kay ate selya na sa kwarto dalhin iyong ginawa kong cake.

Tahimik kaming pumasok sa kwarto, nakita ko ang pag-awang ng kaniyang labi nang makita ang theme ng kwarto ko.

"I-ikaw gumawa nito?" naglilibot ang mata nito sa kwarto ko.

Tumango ako.

"Narerelax ako kapag iyan ang nakikita ko." sabay sulyap ko sa ceiling ng aking kwarto.
Naroon ang maliliit na blue lightbulbs na gumagawa ng imahe ng aking zodiac sign.
Libra.

"Ang ganda..."

Pumunta pa ito sa aking kama, pahapon pa lang kaya ang makikita mo sa taas ay linya o pigura ng scale, pero kapag gabi na ay magliliwanag ito at makikita mo na ang parang replica ng mga bitwin.

I'm into celestial objects.

"Pasok po, Ate!" sigaw ko nang kumatok ito.

Inilapag na sa study table ko ang mga pagkain.
Just pizza, juice and a homemade cake.

"Kala ko talaga." nalulungkot na sabi nito. Tinawanan ko lang.

"Kanina ka pa kamo tawa ng tawa." natawa na rin ito.

"Hindi ko lang mapigilan,"

"Bakit naman?"

"Masaya ako."

"Hmm? 'yun lang?"

"When I was in my elementary days, my friends, they didn't like the set up of this room."

"talaga? Ang ganda kaya." sabi nito saka siya ngumuso, inilibot pa ang tingin sa kwarto.

"well, 'di ba nga? Payabangan sila. They always contradict the idea of mine. Kung anong maganda sa'kin, panget sa kanila." tatango tango kong sabi habang binabalikan ang mga oras na iyon.

They love barbie, princess thing and so on. I'm not one of them, I never dream of me wearing gown with wings at my back, a wand on my hand and a crown on me. I didn't like that.

When I turned 7 years old, the theme of my party was something related to that, I got so disappointed. I told my mom what I want, she declined my opinion. She said that it's not appropriate for me. For a seven year old me.

But I got what I wanted, a cake that was designed like NASA's logo, funny isn't it? I cried for that. Dad searched everywhere just to find someone who could make my lovely cake.

I'm too obsessed with that idea, since the day I watched 'deep impact' it's so great that I promised myself to be like one someday.

"Huy, okay ka lang?"

"Hm? Oo naman. Ikaw? Happy?"

"Happy is an understatement!" sabay tawa nito.

Napuno ang isang oras namin doon nang tawanan, kasalukuyan kami ngayong nanunuood ng isang movie nang tumunog ang cellphone ko.

"Sino'yan? Best friend mo?" asar nito nang nakita niyang pilit kong inaabot ang cellphone ko sa dulo ng kama.

"Dunno." sagot ko na lamang, hindi inaalis ang tingin sa TV.

From Mrs.Andrada:

Hi, Hazel! Remember me? I just wanna say that we're on our way to your school, see you!

Oh my! Hala, hindi ko nga pala naipaalam ang oras ng labas ko. Binuksan ko pa ang isang text message.

From Renz:

Hey, you free?

I typed a reply, mas mabilis sagutin 'yung kay Renz kaysa kay Mrs. Andrada!

To Renz:

Nope, I'm with Shai.


From Renz:

Really? Can I join? Sa'n kayo?

To Renz:

Bahay lang, We'll wait for you:)


It's cute to put emoticon with your messages, I waited for his reply but I got nothing after 5 minutes. I started to write a reponse.

To Mrs.Andrada:

On the way with your son po?


From Mrs.Andrada:

Yes! Where are you hija?

To Mrs.Andrada:

Mukhang hindi po ata tayo magkikita.
It's my friend's birthday po. Sorry!


Ilang sandali lang ay intense part na ng movie kaya't hindi na ako nakapagreply. Nang patapos na ito ay saka ko lang sana bubuksan ang cellphone ko nang may kumatok.

Binalingan ako ni Shai na ngayon ay nakahiga na, panay ang sigaw nito kanina, hindi sa takot, kundi sa kilig. Binigyan ako nito nang nagtatanong na tingin. I shrugged.

"Come in," ngunit ako rin ang nagbukas noon. Ngumiti ako nang mukha ni Renz ang sumalubong sa akin. Hindi talaga ako nagsasawa, we've been friends for years.

"Gosh! Dumating ka!" sigaw ko saka ko siya sinalubong ng yakap. Mabilis din naman akong umalis at bumaling ako kay Shai.

"Para mas masaya!" I reasoned out. Natawa siya sa pagdadahilan ko saka tumayo para makipag-apir kay Renz, but Renz as himself, he hugged Shai and gave her present.

"Happy birthday, Sis!" oh 'di ba? Bongga? Gusto kasi ni Shai na 'sis' daw ang itawag namin sa kaniya. Weird but cute, parang ako. Hahahaha.

"Oy! Thank you! Kasali ka siguro sa plano nito no!" itinuro niya ako, nagsimula na kaming tatlong pumunta sa kama at umupo.

"No, actually I really forgot your day." he honestly confessed.

"Hmp!" palo nito sa braso ni Renz, nagsorry naman 'yung isa. Kulit!

"Tara tara! Nood na tayo!" panggugulo ko sa kanila.

Nagsimula na ang horror movie na pinapanood namin, actually nakakatakot pero ako lang ata ang walang pake. Nakakatakot ang palabas ngunit silang dalawa ay nagtatawan, and I don't know why it irritates me. O dahil naiingayan lang talaga ako?

" 'di naman nakakatakot." I whispered as I pouted.

" 'nakakatawa kaya yung nga hitsuta nung bida! hahahaha 'di ba?" baling ni Shai kay Renz, tumango 'yung isa at sabay nag-apir.
Ano namang nakakatawa 'don?

And I'm sure right now how red my face is.

"Oh 'san ka?" Tanong ni Renz nang tumayo ako at akmang aalis. I didn't bother to look at his direction.

"I want chips. The movie's boring." I almost whisper at the last part.

Hindi na ako naghintay pa ng tugon at bumaba na ako. Nakita ko namang nagmemeryanda yata sila kuya biloy, ate selya at ang iba pa niyang kasama.

"Sila Hayden po? 'di pa po ba umuuwi?" tanong ko sabay tingin sa refrigerator ng kahit anong makukuha.

"Sinundo na, tintin." natatanging sagot nito.

"Si ate po?"

"Baka uuwi na rin." tumango ako at kinuha ang tsitsirya sa ref. Binuksan ko ito at saka ako bumaling kay kuya biloy na kanina pa ramdam kong nakatingin.

"Bakit po?"

"Crush mo 'yon no!" pangaasar niya, nagngingising-aso pa ito sa harap ko.

"S-sino?" maang-maangan kong tanong. Nag-iwas pa ako ng tingin. Ang pinakabobo kong tanong sa buong buhay ko, malamang! Si Renz ang tinutukoy ni kuya!

" 'yung huling dumating. Ayan ha, susumbong kita sa daddy mo." pananakot nito sa'kin. Inirapan ko si kuya. Kala naman niya maniniwala si daddy sa kaniya.

"Bestfriend ko lang 'yon." Pagtatapos ko sa usapan namin, tinawanan ako ni kuya biloy habang papaakyat na ako sa kwarto.

Crush daw, baka nga si Shai crush no'n, eh!

Hindi pa natatapat sa pinto ay rinig ko na ang hiyawan. Pagkabukas ko ng pinto ay saka ko nakita ang dalawa na magkalapit at kapwa nagtatago ng paningin sa TV, pero mukhang si Shai lang talaga ang totoong takot dahil mukhang binibiro ni Renz si Shai. E 'di sila na nagbibiruan.

"Ayan na!" panggugulat ni Renz kay Shai na agad napatalon, sinunggaban niya ng palo si Renz. Tinawanan lang siya nito.

"Ehem." tawag ko ng atensyon. Syet, pwede naman siguro akong pumasok nang 'di inaagaw ng atensyon nila, pero bakit nagpapansin pa ako?

"Oh? Isa lang 'yan?" tanong ni Renz, tinuturo ang Piattos ko.

"Mukha bang dalawa?" matabang kong sagot.

"Damot oh," angal nito. Inirapan ko nalang habang ginagaya kung paano niya sinabi iyon.

"You want?" alok ko kay Shai, kumuha siya at nagpatuloy kami sa pagkain dalawa. Tinapos lang namin ang movie na iyon at nagpaalam na si Shai. Hindi ko naman naintindihan masyado dahil mas nagfocus yata ako sa tawanan nila kaysa movie! Bahala na, panonoorin ko na lang ulit.

"Ingat ka!" paalala ni Renz, nakasakay na ngayon si Shai sa sasakyan kung saan katabi ko si kuya biloy sa harapan. Baka naman kasi bitin pa ang tawanan nila kanina at gusto nilang ituloy 'di ba? Sino ba naman ako para humadlang.

Gosh! Bakit ba ganito ako mag-isip? Parang kailangan kong paalalahanan ang sarili ko kaibigan ko silang dalawa! Plastic na ba ako dahil sa mga iniisip ko?

"Ba't 'di ka nalang sumama?" Pagtataray ko. Wala namang masama kung sumama siya, ayos lang naman ako sa pwesto ko. Besides, mas gusto ko nalang pansinin ang dinadaanan namin o kung ano ano dahil nasa gilid naman ako ng bintana.

"Pwede?" sagot nito pabalik, muli kong ibinaba ang bintana. Para lamang umirap. Sumakay ito katabi si Shai sa likod.

Nagsimula na ang biyahe at tahimik lang ako sa harapan, nagtatawanan ang dalawa sa likod. Are they that comfortable ba? Hindi ko 'yan nakikita sa loob ng school.

Sa nangyaring aksidente sa nadaanan namin ay mas tumagal ang biyahe. Grabe! Mga 'di marunong mag-ingat!

"Thank you!" Pagpapasalamat ni Shai nang bumaba na siya. Bumaba rin ako at niyakap siya.
Si Renz, ewan. Baka nasa loob ng sasakyan pa rin? Hindi ko naman pinagtuonan ng pansin kanina. Hindi nga ba?

"Welcome, enjoy the rest of your day." I replied and kissed her on her cheek.

Matapos ang paalamanan ay bumalik kami sa tahimik na biyahe. Parang nagsisisi tuloy ako sa mga pinag-iisip ko kanina. Parang mas gusto ko nalang na maingay.

Nakatulog yata ako dahil nagising na lang ako nang katukin ang bintana sa gilid ko. Tinignan ko ang kabuuan ng paligid, medyo madilim na. Ganoon kahaba ang biyahe?

Naghikab pa muna ako ng ilang ulit bago ko pinagbuksan ang kung sinong kumatok kanina.

" 'di ka pa umuuwi?" bungad ko nang makita ko ang pagmumukha ni Renz pagkababa ko pa lang ng sasakyan. Pumasok na ako ng tahimik at hindi kinikibo ang kung anong itinatanong niya. Narating ko naman ang bahay ng maluwalhati habang patuloy pa rin siya sa pagsunod at laking gulat ko nang wala akong marinig na ingay.

"Kuya biloy?" tawag ko. Akala ko'y wala ito pero ilang sandali lang at lumabas ito mula sa kusina at nagtanong kung anong kailangan ko. So kanina pa talaga ako tulog? Hindi ko napansin na wala si kuya Biloy sa gilid ko kanina.

"Sila hayden po?" nagtataka kong tanong, ang inaasahan ko kasi ay madadatnan ko na sila rito kahit si ate Tin man lang. Usually, maingay talaga dahil sa kakulitan ni Harrison.

"Ah pinasundo ni Ma'am."

"Bakit po? Saan po?"

"Kasama nila Ma'am at sir, tintin."

"A-ano? Bakit? Saan daw?" lumapit pa ako lalo kay kuya biloy para marinig ng mas maayos ang sasabihin niya.

"Sa Tarlac, tumawag kanina. Sabi raw ay dumating ang tita Jes mo, nagkatuwaan kaya biglaan na lang ang pagpapasundo kay hayden at harrison. Naroon din daw ang iyong pinsan kaya sinama talaga 'yung dalawa." nanatiling nakakunot ang aking noo habang nakikinig sa kaniya. Nang maiproseso na lahat ay umakyat na ako.

Si tita Jes? Dumating na? Ang alam ko maayos naman na nahahandle ni mommy at tito Drick ang negosyo. Bakit umuwi si tita?

Siguro namimiss lang ni tita si tito Drick, baka nga.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mommy.

[Hello, tin?] sagot ni mom sa kabilang linya.

"My, anong oras kayo uuwi?"

[Maya-maya rin siguro...]

"My, magdidilim na! Anong oras pa kayo makakauwi niyan?"

[Then If not tonight, then tomorrow! Easy darling, uuwi rin kami. Hahahaha]

Whut? Is she drunk?

"Where's daddy?" Mas maayos siguro kung si daddy ang kakausapin ko.

[Your father's drunk, he's that weak.] nagawa pa nitong tumawa.

"Text me when you are going home tonight, I won't lock the gates." Paunti unti at dahan dahan akong lumalabas sa kwarto, Ichecheck ko lang kung naka lock na ba ang gate.

[Lock the gates, tomorrow afternoon.] whut?! Napahinto ako sa sala. Tomorrow afternoon pa sila uuwi? Sinong makakasama ko rito?

"Mom! Wala akong kasama!" I argued.

[Silly tintin, where's your ate?]

Hinagilap ng mata ko si kuya Biloy, siya lang naman ang makapagsasabi sa'kin kung nasaan si ate.

Binalingan ko si kuya biloy na nakaupo lang pala  sa sofa.I mouthed Nasaan si Ate lumapit siya sa'kin at may ibinulong.

Shit!

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"U-uhm... She's...asleep." I lied. Kuya said she's gonna have sleepover with her boyfriend. Gosh! I didn't even know she has one! I'm sure, mommy would freak out once she learned about this. Ano bang nasa utak 'nung ate ko na 'yon?

[Oh yeah yeah yeah...just sleep too, Don't be late tomorrow. Goodnight!] she ended the call... She's probably drunk right now, both of them.

Tomorrow is saturday, but she said goodluck. What on earth...

Maybe she's pertaining to my voice class.

"Bakit 'di siya nagsabi sa'kin?" reklamo ko kay kuya biloy pagkababa agad ng tawag.

"Ewan, 'yaan mo na 'yon. Narito kasi iyon kanina 'nung sinundo sila Hayden, nang nalaman e ayon! Kumaripas ng takbo sa kwarto at pagbalik ay may bag na." he said, making me more worried about her. She's not thinking! Oh yeah I forgot. Her surname is Impulsive.

"Oh pa'no kuya biloy, samahan mo ako bukas sa mall ah. Wala 'yung lecheng ate ko." mapait na sabi ko lalo na nung dulo. Natawa lang si kuya biloy at sumulyap sa likuran ko. Nandito pa nga pala siya. Hindi ko na naman napansin.

"Hindi ako pwede, Tintin. Iyang bestfriend mo ang isama mo!" natatawang umalis ito sa paningin ko. Bumaling ako sa likod ko. Handa na akong magpalayas.

"At ikaw? Wala ka bang balak umuwi?" taas kilay kong tanong.

"Meron ka ba?"

"Meron-meron? Pinagsasabi nito. Umuwi kana nga!" naiiritang tanong ko. Balak niya bang sundan ako hanggang sa pagpikit ng magaganda kong mata? Hehe. Hindi naman siguro masamang magbuhat ng sariling bangko, 'di ba?

"What I mean is, has your monthly period come?" nakataas kilay ring tanong nito sa'kin. Nang mapagtanto kung ano iyong tinutukoy niya ay mabilis akong napatakip sa bibig.

"Leche! Magsama kayo ni Ate!" mga salitang iniwan ko bago ako agad tumakbo paitaas.

Sumandal ako sa pinto kong nakalock, ang init ng mukha ko! Ramdam na ramdam ko iyon!

Hinihingal man at pinagpapawisan ay natapos ko ang pagbibihis ng maayos. Ilang minuto na rin ang nakakalipas ngunit ang bilis ng tibok ng puso ko ay ganoon pa rin tulad ng kanina. Kinakabahan ba ako o dahil ba ito sa iritasyon?

Nang mapagpasyahan kong kumain ng hapunan ay bumaba na ako. Dahan-dahan lang ang lakad ko hanggang sa makarating sa kusina.

The hell?

Ano ba't narito pa rin siya? Ilang minuto na nga ang nakalipas ah? Sapat na dapat iyon para umalis siya. Or I'm not just aware na 'yung earth more than 24 hours na ang rotation?

Pagkarating ko sa mismong harap niya, inilapat ko ang dalawa kong kamay sa table. Kumakain siya at hindi man lang nag-alok?

"Gutom ka na?"

"Pupunta ba ako rito kung hindi?" muli ay bumalik lahat ng init sa ulo ko. Nang magsisimula ng sumibol ang maliit na ngiti sa kaniya ay inirapan ko siya at tinalikuran. Ayon kasi sa leche niyang mata ay lumiliit daw ako kapag nagagalit.

Sa pagtalikod ko naman ay bigla akong nagulat sa presenya ni kuya Biloy. Bakit parang hindi ko naman siya nakita kanina?

"Diyan daw 'yan matutulog ang best friend mo." Bulong nito. Sinimangutan ko lang siya. Dineretso ko ang lakad at binuksan ang ref.

Ang konti na ng laman. Kailan ba huling naggroccery si mommy? Parang pang isang linggo na lang ito ah?

Kumuha lang ako ng cake at ipinatong ko sa table at doon ko balak simulan ang pagkain. Para ring sinasabi ng tyan ko na hindi siya pwedeng tumanggap ng kanin. O nawala lang talaga ang gana ko dahil kanin ang kinakain ni Renz?

Eh ano naman kung kanin din ang kinakain niya?

Napaka-arte ko talaga.

Nagsimula akong kumain at hindi ko naman maiwasang hindi tumingin sa harap ko. Nagtaas ako ng kilay nang makitang nakatingin din siya sa direksyon ko.

"Yow, what's the problem? Kanina ka pa ganiyan." he said while wearing his teasing smile. Sinasabi ko na nga ba't may sasabihin siyang hindi ka nais-nais!

"Ikaw. Bakit ka pa rin nandito?"

"Ba't nagsusungit ka pa rin?"

"Ba't 'di ka pa umaalis? Wala ka naman sigurong hinihintay 'di ba?"

"Ang gulo niyo talagang magkaibigan."  Bigla ay sumingit sa pagtatalo namin si kuya Biloy, isang nakakalokong tawa naman ang iniwan ni ate Selya, kasama pala niya si kuya Biloy kanina pa.

Ilang sandali lang ay natapos na akong kumain. Padabog ko ring niligpit ang pinagkainan ko.
Nang matapos sa gawain ay hinarap ko siya. Nanatili pa rin siya sa kaniyang posisyon kanina.

Sana talaga ay narito si ate Tin nang hindi ko kinukulit nitong si Renz!

"Umuwi kana. Tutulog na'ko." pagtataboy ko.

Ngunit tinawanan lang ako ng loko. Wag niyang sabihin na lumiliit na'ko? Lecheng paniniwala 'yan.

Ngunit taliwas sa iniisip ko ang ginawa niya.

He took out his cellphone, he let me read the message on it...

From tita:

If it's not too much to ask, hijo. Can you accompany my daughter to her voice lesson tomorrow?

At parang nasagot na ang lahat ng katanungan ko, ngunit ramdam kong hindi bumaba ang temperatura sa mukha ko lalong lao na sa ulo ko!

Alam ba ni mommy na wala si ate? Kasi hindi naman niya tatanungin ang iba na samahan ako 'di ba? O si Renz talaga ang nagrequest?

What the eff! My mom texted him? Obviously, yes!

Natawa ito sa reaksyon ko kaya agad kong sinipa ang paa nito. Siguro'y sa mata nito ay isang dangkal na lang ang laki ko.

"Lumabas kana! Bukas nalang tayo magkikita! Hmp!" pagtataboy ko sabay padabog na umakyat sa kwarto, agad rin akong sumalampak sa kama. I didn't bother to take my shoes off, I want him gone just for now. Nakakainis na siya kanina, nakakainis pa rin ngayon?

Ngunit ang tanga ko nga talaga na hindi ko nailock ang pinto. Nakapasok ang loko. Ramdam kong pumunta ito sa gawi ko, pinili kong hindi tignan.

"You're not yet finish reading..." he then handed me his phone, there's another message but it is sent before the message I have read earlier.

From tita:

You can sleep in our guest room. Just tell your parents, thanks a lot hijo.

Sa inis ay agad kong inihagis ang cellphone niya.

Too much for a day!

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

'-'

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 158 39
Masakit nga bang mag mahal?
84.1K 2.2K 16
She is a respected Princess and he is the well-known town villager. She thought of him as her best friend but does he thought of her the same? she tr...
14K 783 24
This is the second book to my first book, Our Happily Ever After. Do not read this book if you haven't already read the first one. After you you rea...
4M 86.9K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...