A Story of a Rape Victim [EDI...

By LeftHanded17

174K 4.1K 741

A Story of a Rape Victim is about reality. Katotohanang lahat ng tao ay pwede kang iwan. Katotohanang lahat n... More

Prologue
Chapter 1 - The Nightmare
Chapter 2 - Meet The Bullies
Chapter 3 - The Rain
Chapter 4 - The Storm
Chapter 5 - Another Storm
Chapter 6 - No Reason
Chapter 7 - Faces
Chapter 8 - Guys in The Park
Chapter 9 - The Letter
Chapter 10 - Feeling of Being Guilty
Chapter 11 - No Jokes
Chapter 12 - April 18
Chapter 13 - New friends
Chapter 14 - Diero Fausto
Chapter 15 - Know Him Better
Chapter 16 - The Dinner
Chapter 17 - Night With a New Friend
Chapter 18 - That Was Him
Chapter 19 - Diero Vs. Greg
Chapter 20 - Both
Chapter 21 - He's A Thug Not A Gangster
Chapter 22 - He's A Thug Not A Gangster II
Chapter 23 - He's A Thug Not A Gangster III
Chapter 24 - Preparation
Chapter 25 - Real Confession
Chapter 26 - Clash
Chapter 27 - Diero's Secret
Chapter 28 - Home Alone
Chapter 29 - Sundate
Chapter 30 - Move On
Chapter 31 - Meant To Be?
Chapter 32 - We
Chapter 33 - Dinner Date
Chapter 34 - Happy
Chapter 36 - Changes
Chapter 37 - His Night
Chapter 38 - Forever
Chapter 39 - Keito's Call
Chapter 40 - The Traitor's Comeback
Chapter 41 - Real Traitor
Chapter 42 - Traitor's Comeback II
Chapter 43 - Talk To Him
Chapter 44 - Friend Or Foe
Chapter 45 - Support!
Chapter 46 - Just a Talk
Chapter 47 - Mars Party

Chapter 35 - Linda

1.9K 50 8
By LeftHanded17

***** 

Cera's POV 


"So.. tara na?" sabi nya habang nakangiti. 

Halata sa kanya na sabik na syang ipakilala ako sa mama nya pero ako hindi nasasabik gaya nya. 

"Ok.." 

Yun lang ang nasagot ko. Ayoko naman kasing madismaya sya sa'kin. Girlfriend pa rin nya ako at alam kong yun yung dapat gawin kahit nakakakaba. 

Inalalayan nya lang kami papasok sa sasakyan nya at pinagbukas nya pa kami ng pinto. Sumakay na rin sya sa sasakyan at nagmaneho. 

Habang nagmamaneho sya papunta sa bahay nila, pakiramdam ko papalapit na ako ng papalapit sa isang malaking apoy at dapat ko iyong harapin. 

Tumingin nalang ako sa bintana para kahit papaano ay mawala ang aking kaba. 

"Ok ka lang?" sabi nya habang patuloy pa ring nagmamaneho. 

Ramdam ko sa boses nya na pati sya nag-aalala na rin sa'kin. Ang hirap na rin itago ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko talaga mapigilan. 

"O-oo.." 

"Sigurado ka?" paniniguro nya. 

"Haaayyy... oo na.. kinakabahan talaga ako" 

Hindi ko na nakayang pigilan pa ang nararamdaman ko kaya nasabi ko na yun sa kanya. Mahirap rin kasing kumbinsihin ang sarili mong hindi ka kinakabahan pero ang totoo, sobrang kabado ka na. 

Bigla nyang inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at agad na humarap sa'kin. 

"Wag ka nang kabahan.. nandito lang ako.. pamilya tayo di ba? .. hinding hindi kita iiwan.." 

Sambit nya habang nakatingin sa mga mata ko nang may boses na laging nagpapaalala na magiging ayos ang lahat.

Boses na laging nagpapakalma sa'kin na tanging sa kanya lang nanggagaling. Galing sa lalakeng mahal ko. 

"Si-sige... salamat.." sagot ko. 

At nagpatuloy na nalang ulit sya sa pagmamaneho, pero hindi pa rin mawala ang konting kaba na natira sa dibdib ko. At dahil sa kagustuhan kong makilala muna kahit kaunti ang mama nya, naisipan kong magtanong ng ilang bagay tungkol dito. 

"Diero.." tawag ko. 

"Hmmm..." sagot nya habang patuloy lang sa nagmamaneho. 

"Ahmm.. ano ba pangalan ng mama mo?" tanong ko.

"Linda pangalan ni mama.. maganda ibig sabihin noon sa salitang espanyol.." sagot nya. 

Dahil sa sinabi nyang yun, naalala ko nanaman si mama. 
Medyo magkahawig ang pangalan ng mga nanay namin. Halos magkamukha na pangalan pero magkaiba ng kapalaran. 

Paulit ulit ko nalang naaalala lahat nangyari noon. Yung mga pinagdaanan namin ng sabay sabay kahit maraming problema ang dumating, sama sama lang kami. 

Nakakalungkot na bigla nalang silang nawala pero tapos na yun, kailangan ko nang mag-move on. Tanggap ko na rin naman na wala na sila ni papa. 

"Mukhang naalala mo nanaman yung mama mo.." bigla nyang sabi. 

"H-ha? .." 

"Sabi na nga ba e.. wag kang mag-alala.. nangako ako sa'yo di ba? hinding hindi kita iiwan.. pangako yan.. pag ako nangako.. tinutupad ko." 

Pero hindi na ko umimik pa. Wala na rin ang kabang nararamdaman ko dahil alam ko nang hinding hindi nya ko iiwan. 

Kahit papaano nagkaroon ako ng pag-asang may tao pa ring hindi ako iiwan hindi gaya ng mga taong nagawa pa kong lokohin. 

Nang makarating na kami sa bahay, napansin kong bukas na bukas ang gate nila. At dahil doon ay agad kaming nakapasok. 

Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng bahay, napansin kong walang katulong na sumalubong sa'min di gaya noon.

"Mukhang naghanda talaga si mama sa pagdating mo.." 

Nakangiti pa nyang sabi. 

"He-he-he.. ganon ba?" 

"Tara na.." sabi nya sabay baba sa sasakyan. 

Pinagbuksan nya na rin kami ng pinto para makababa. 

"Hehehe.. sayang tulog pa rin si Kino.. hindi nya yata makikilala si mama.. heheheh.." 

"Hehehe... kaya nga e.." sagot ko at sabay na kaming naglakad papasok ng bahay. 

Pagkapasok ko ng bahay, agad bumungad sa'kin ang mga nyuebles na hindi ko nakita kaninang umaga. Kung engrande na ang bahay nila kanina, pwes mas engrande ngayon. 

Habang namamangha ako sa nakikita kong disenyo ng bahay nila, bigla nalang syang huminto sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. 

Pagtingin ko kung saan kami huminto, nakita ko ang isang magandang babae na nakaupo sa sala. 

Ang ganda nya tapos nakasuot pa ng napakagarang damit. Halata sa porma ng babaeng yun ang pagiging mayaman. 

"Evening, ma.." bati ni Diero. 

Naglakad sya papalapit sa babae at nakipag-beso beso. 

"Buenos noches.." sabi ng babae 

"Mama naman.. wag ka na mag-espanyol, ok? tss." sabi ni Diero habang nakakunot ang noo. 

"Ok.. sya na ba yung sinasabi ni Keito?" tanong ng babae kay Diero 

"Opo ma.. ma, si Cera nga pala.. Cera si mama.. tawagin mo nalang syang auntie Linda.. ok?" nakangiti pang sabi ni Diero 

Kitang kita mo ang saya sa mga mata nya habang pinapakilala ako sa mama nya. Sana nagawa ko rin yun. 

"Hello po.." sagot ko. 

Dahan dahan tumayo si auntie Linda at nalakad papalapit sa'kin. Pero mas kinabigla ko ay yung paghawak nya sa mga balikat ko sabay dikit ng pisngi nya sa pisngi ko. 

Nakipag-beso beso sya sa'kin. 

"Nice meeting you hija.." sabi nya sabay ngiti sa'kin. 

Hindi naman pala suplada ang mama nya. Mabait din pala di gaya ng iniisip ko kanina. 

"DIEROOOOOOOOOO!" 

Natuon ang atensyon namin lahat sa labas. Doon kasi nanggaling ang sigaw na yun. At kilala ko kung kaninong boses ang narinig namin, kay Keito. 

"Anak.. puntahan mo muna si Keito doon.. may pinabili kasi ako at mukhang hindi nila kaya ni Manong yun.. pwede bang tulungan mo sila?" sabi ni Auntie Linda. 

Ngiti pa siya habang humihingi ng pabor. Syempre dahil mabait ang 'mahal ko', sumunod naman sya. 

"Sige po ma.." sabi ni Diero sabay takbo papunta sa labas. 

Ang natira nalang sa sala ay ako, si Kino, si manang Berta at si Auntie Linda. 

Nang makalabas na nang tuluyan si Diero ay humarap na ko kay Auntie Linda. Nakita kong nawala ang ngiti nya sa mukha at mataray na sya kung tumingin. 

"Ikaw pala yung kinababaliwan ng anak ko ngayon.. kamusta? enjoy ba?.. enjoy bang magmahal ang isang mayaman gaya ng anak ko?" pagtataray nya. 

Medyo nagulat ako sa inasal nya. Sa totoo lang, yun naman talaga naisip ko kaninang umaga pa. Alam kong hindi nya ko tanggap dahil mahirap lang ako, pero hindi ganito. 

Akala ko mabait sya, hindi pala. Peke lang pala yung mga ngiti at pagbati nya sa'kin. Puro ka-plastikan lang pala yun.

"H-ha?" sagot ko. 

Yun lang ang naisip kong isagot sa kanya. Ayoko naman kasing sabihin sa harapan nya lahat ng nasa isip ko. Kahit papaano ay nirerespeto ko sya gaya ng pagrespeto ni Diero sa'kin. 

"Wag ka nang magmaang-maangan pa.. kilala ko na yung gaya mo kaya wag ka na magkaila.. pwede ba? ..saka, nagdala ka ba ng bata dito ah.. ang galing mo naman.." sabi nya sa'kin. 

Pero hindi na ko umimik pa, baka kung ano pa kasi ang lumabas sa bibig ko para maging dahilan ng pagkakalabuan kami ni Diero. 

Iniyuko ko nalang ang ulo ko para hindi ko na makita yung mukha nya. Mas lalo lang kasi akong natatakot at kinakabahan pag nakikita sya. At alam kong ito ang mas magandang gawin sa mga oras na 'to. 

Nakita ko dahan dahan syang naglakad sa mga gilid ko. Lumalakad sya paikot sa pwesto ko nang bigla... 

"UUNNNGGGGGGAAAAAAAA!!" 

Nagulat ako nung biglang magising si Kino sa balikat ko. 

Umiyak lang sya nang umiyak habang huminto na sa paglalakad si Auntie Linda. Pinipilit kong iyugyog at patahanin si Kino pero hindi pa rin sya tumatahan. Sinubukan kong kausapin sya kahit hindi nya pa ko naiintindihan pero hindi pa rin yun gumagana. 

"Ma'am--- 

Nagsalita si Manang Berta pero pinutol yun ni Auntie Linda.

"Manang Berta.. ayusin mo muna yung pagkain sa kusina.." 

Sumunod naman ito. Pero nagulat naman ako nung biglang magsalita ulit si Auntie Linda. 

"Cera.. pwede bang... pwede bang ako muna? ako nalang magpapatahan sa kanya.." 

Hindi man sya nakangiti, ramdam ko namang sincere syang tumulong. Nahihirapan na rin kasi akong patahanin ang anak ko kaya hinayaan ko nalang muna kay Auntie Linda si Kino. 

"Eto po.." 

Sabi ko sabay bigay si Kino sa kanya. 

"Oy.... baby.. tahan na.. uy.... tahan na..." 

Sabi naman nya habang pinapatahan si Kino. Niyuyugyog din nya ito at tuluyan na nyang napatahan. 

Kitang kita sa mata ni Auntie Linda ang saya nung napatahan nya si Kino kahit hindi naman sya nakangiti.

Habang nakatingin sya nang mabuti sa anak ko, bigla nang dumating sila Diero, Keito at manong nang may dalang malaking kahon na gawa sa kahoy. Mga isang metro ang taas ng kahon at isa't kalahati naman ang lapad nito. 

Kita sa mga mukha nila hirap na hirap silang buhatin yun. Si Keito nga ay pawis na pawis na. 

Pagkababa nila ng kahon ay agad na naupo silang tatlo dahil sa hirap. Agad naman akong lumapit kay Diero para kamustahin sya. 

"Ok ka lang?" tanong ko kay Diero. 

"...oo..." sagot habang hingal na hingal. 

Naisipan kong kunin ang panyo ko at punasan yung kaunti nyang pawis. Nakita kong napakalapad ng ngiti nya habang pinupunasan ko yung pawis nya. 

"Yabang mo!" biglang sigaw ni Keito kay Diero. 

"Hanap ka na kasi.." sagot naman ni Diero. 

Sa totoo lang, hindi maintindihan kung ano sinasabi nila. Ang alam ko, girlfriend duty ko to. Kailangan alagaan ko rin yung boyfriend ko kahit papaano. 

"Ehem.." 

Natuon ang atensyon naming lahat kay Auntie Linda. 

"Kain na tayo.." nakangiti nyang sabi. 

Tapos tumalikod na sya dala dala ang anak ko. 

Sana hindi peke yung ngiti nyang yun. Ang hirap kasing makipagplastikan lalo na sa taong alam mong ayaw naman talaga sa'yo at harap harapan pa nyang sinabing ayaw nya talaga sa'yo. 

Tumayo na silang tatlo mula sa pagkakaupo. Si Keito naman sumunod na kay Auntie Linda. Si manong naman nagpunta na sa labas pero si Diero nakatayo lang sa tabi ko. Tinitingnan nya lang ako seryoso. Hindi sya nagsasalita. 

Medyo kinabahan ako dahil sa kinikilos nya kaya naisipan ko nang magtanong. 

"Bakit, may dumi ba ko sa mukha?" tanong ko. 

"Hindi ka ba sinungitan ni mama?" 

Tinanong ko sya pero sinagot nya din ako ng tanong. Seyoso lang sya dun. Parang binabasa kung ano ang nasa isip ko. 

"Hi-hindi naman.." pagsisinungaling ko. 

Alam kong mali pero alam naiintindihan ko yung mama nya. Mas mabuti nang hindi nya alam kaysa sila ang magkasira. 

"Ok!" nakangiti na nyang sagot. 

Tapos inakbayan na nya ako at nagpunta narin kami sa kusina. 


******************* 


:)

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...